NANG MAKABALIK ng silid naalala niya ang gabing nagpaka lango siya sa alak dahil hindi magawang suklian ni Darcy ang pagmamahal na meron siya para rito. Isang estrangherong lalaki ang nakatalik niya dahil sa katangahan. Isang araw nagising na lamang siyang bumabaliktad ang sikmura. Sumabay pa ito ng tumawag sa kanya ang kapatid para ibalita ang isa pang dudurog sa kanyang sistema. Hinuli ito ng mga awtoridad. Doon lamang niya nakilala si Nathalia. Isa ito sa nag demanda ng staffa sa kanyang kapatid. Sa laki ng perang nawala rito at sa koneksyun na meron ay hindi ito nagawang malagpasan ng kanyang kapatid. Nakiusap siya kay Nathalia na babayaran ang halagang nawala buhat sa kagagawan ng kanyang kapatid ngunit tila mapaglaro ang tadhana. May tinatagong labis na poot ang mayamang babae sa kaibigan na si Darcy. Sinamantala ni Nathalia ang sitwasyun niya kaya siya napilitang umuwi ng Pilipinas upang simulan ang kondisyun nito para iurong ang demanda sa kanyang kapatid.
Nakiusap si Bianca kay Audhrey na hayaan na muna silang manatili ng Mansion ni Ingrid. Upang maipag patuloy din nito ang kanyang trabaho para suportahan ang mag ina niya. Pansamantala lamang iyon para hindi mapahamak si Ingrid kay Nathalia at palabasin na under control pa din ang sitwasyun. Lingid sa kaalaman ni Ingrid na may isinasagawa na palang hakbang si Darcy upang makawala siya sa trap na kinasadlakan niya kay Nathalia. "Pumayag ako hindi ibig sabihin tanggap ko na ang asawa mo, Bianca. I know hindi ko hawak ang buhay mo, desisyon mo o kung paano ito patakbuhin pero sana maintindihan mo ako kung bakit-" Sandali siyang naudlot sa sasabihin. Napayuko. "Naiintindihan ko, Dhrey..." Si Bianca na ang nagpatuloy. "..Pero sadyang misteryoso ang pag ibig." Humawak siya sa mga kamay nito at pinagtama ang kanilang mga mata. Wala ng nagawa si Audhrey kundi mapabuntong hininga na lamang. Alam niya sa sariling hindi niya ito matitiis. Nangyari na ang nangyari at tanging in
May kung anong humipo sa puso ni Bianca sa narinig. Tila ba nagsilbing musika sa kanyang tenga ang salitang Anak natin. Bago pa siya sakupin ng delusional niyang kaisipan ay maagap niya tong tinapos. "Ano bang mahalaga sayo?" Pinaka titigan niya si Ingrid ng mas makalapit rito dahilan upang likuran na lamang niya ang makita ni Dhrey. "..Ang ego.. pride.. o kapatid mo?!" Naliwanagan ng husto si Ingrid. Tila ba nanumbalik sa kanya ang punot dulo ng lahat kung bakit nasa mahirap siyang sitwasyun. Hindi na siya nagsalita at tumalikod na lamang para iwan ang dalawa. Humarap siya sa kasama matapos. "Sorry ulit. Hindi na mauulit, Dhrey pero kung.." Ang pag galaw ng mga mata nito ang nagpa isip kay Dhrey. "...Hindi ko mapipilit si Ingrid kung tanggihan ka niyang maging ninang ng anak namin.." Sa mga salitang lumabas rito tila ba isang masamang balita ang naging dating sa kanya. "Kaibigan mo ko, Bianca.." Sabi niya dahil hindi niya matanggap na mas importante na kays
Perfect na sana ang umaga ni Dhrey hanggang sa mamataan niya ang asawa kasama si Ingrid sa kusina. Naging punit ang mukha niya sa hindi maunawaang tagpo sa pagitan ng dalawa. Hindi siya agad nagsalita upang malayang obserbahan ang kakaibang ikinikilos ng mga nasa harapan niya, hindi kalayuan. Ni walang naging epekto ang presensya niya sa mga ito. "Sumipa nga!" Naaaliw na turan ni Darcy. Hindi nakaligtas sa paningin ni Audhrey ang nakakayamot na ngiting lumabas kay Ingrid buhat ng naging kagalakan ni Darcy. Lalo na ang palad ng asawa na nasa tiyan pa din ni Ingrid. Nag ngingitngit ang pakiramdam niya ngunit hindi siya maaring mawala sa kanyang postura. Magmumukhang may basihan ang nararamdaman niya kung ipapahalata sa mga ito. Kukunin na sana niya ang atensyun ng mga ito ng maunahan siya. "Kamusta ang tulog mo?" Napalingon siya. Saka lang natauhan ang dalawang abala kanina. Ngumiti siya bago sumagot. "..Totally fine. Ikaw? Kamusta ang gising mo?" Paraan niya yun para iw
Makalipas ang isang linggo ay tumawag kay Darcy ang taong inutusan niyang mag asikaso ng kaso ng kapatid ni Ingrid. Napag alamang walang panalo ito dahil sa lakas ng ebidensya at kabi kabilang gulong kinasankutan. Tanging ang pag urong sa kaso ni Nathalia ang tatapos sa problema nilang lahat. Samantala nakarating kay Nathalia na si Darcy ang nasa likod ng lahat ng tulong na tinatamasa ng kapatid ni Ingrid. Hindi malayong malaman niya ito sa kuneksyun na meron. "I didn't tell her anything. What are you talking about?" Natigilan si Bianca dahil sa narinig. Kasunod ang paghikbi ni Ingrid. Dahan niyang inilapag ang pagkaing dala dahil nag aalala siya sa hindi nito paglabas kaninang umagahan. "Ikaw ba.. Did you tell her?" Maliban sa pamumula ng mata, nasaksihan din ni Bianca ang labis na lungkot. "I trusted you!" Tila ba napatunayan agad niya na tama ang hinala. Si Bianca lang naman ang nakakaalam ng sinapit ng kapatid. "Tutulungan niya tayo." Napailing ng marahas
"Nagbunga ang namagitan sa inyo?" Kalmado pa ito ngunit mababatid mong mabigat ang bawat salita. Nanigas ang panga ni Darcy. Namuo ng mga luha sa gilid ng kanyang mga mata maski anong pigil niyang sumilay ang mga iyon. Mabigat na din ang paghinga niya. Akala mo ay inaasma siya dahil tila ba naninikip ang daluyan. "A-anak mo ba ang dinadala niya?" Ang tinging kulang na lang tusukin ang parehas niyang mata sa sobrang talim. Lumunok pang muli si Darcy bago sinubukang magsalita. "L-let me explain-" Winaksi niya ang mga kamay nitong alam niyang papalibot sa kanya. "Don't!" Marahas at malamig na turan ni Audhrey. Nag uunahan ang mga luhang dumadaloy sa kanyang pisngi. Wala sa isiping muli siyang masasaktan at sa ganitong pangyayari pa. Lubhang triple ang sakit nito kumpara sa nauna. "Sinabi ng wag mo kong hawakan!!" Labas litid niyang tanggi kay Darcy dahil sumubok itong haluhin siya. "Lumayo ka sakin!" Paatras siya. Nagmamakaawa ang mukha ni Darcy. "Please, Audhre
****** "Sa likod na tayo dumaan." Hila niya rito. Mas mabuting tahimik silang umalis. "Hindi mo naman kasi kailangan pa gawin ito." Pero pumayag din naman siya. Kung tutuusin maari naman talaga siyang umalis ng hindi ito kasama kung gugustuhin lamang niya. "Ang dami mo pang sinasabi. Andito na tayo sa sitwasyun na to. Isa pa ibibilin ka sa akin ni Madam walang duda dahil anak niya yan. Yun pa din ang alam niya." May punto si Bianca pero yun lang ba talaga ang dahilan nito? Bakit tila sa kanyang kaibuturan umaasa pa siya ng ibang kasagutan. "Saan kayo pupunta?" Sabay na huminto sa paghakbang ang dalawa. "Kailangan kong malaman kung saan ka tutuloy, Ingrid." Patay at malamig na hayag ni Darcy. Anak pa din niya ang dinadala nito kahit ano pang sitwasyun ang kasadlakan niya. "Hindi na ko safe dito. Alam mo yan. Maliit na ang mundo namin ng asawa mo." Paliwanag nito. "Sasama ka sa kanya?" Balin niya sa gawi ni Bianca. May dala din itong bag. Hindi niya na pinansin
Hindi kalayuan kung saan siya nanggaling nakita niya ang pila ng mga tricycle. Sumakay na lamang siya roon ng hindi nag iisip kung saan ba siya papunta. "Manong pwede nyu ho ba ako ibaba sa pinaka malapit na hotel." Sabi niya at naghintay ng sagot mula sa driver. "Naku walang hotel rito." Napatingin siya sa matandang nagsalita. Nakaupo ito sa kanyang kaliwa. "Taga saan po ba kayo?" Pag usisa sa kanya ng driver. Wala siyang maisagot. Mabilis niyang pinagana ang isip dahil ayaw niyang mahalata ng mga ito na baka naliligaw siya. Mahirap na at baka mapahamak siya. Lalo na at dayo lamang siya sa lugar. Hindi niya masasabi kung may magtangkang masama sa kanya. "Ako ng bahala sa kanya." Naunang magsalita ng katabi niya bago pa man mabuka ang bibig. Napatingin siya. Mukhang mapagkakatiwalaan naman ang matanda. Isa pa kayang kaya niya ito kung sakaling may masamang balak. Marahil tatakbo na lamang siya ng mabilis kung sakali. Sandali pa ngay umandar na ito matapos mapun