Hindi kalayuan kung saan siya nanggaling nakita niya ang pila ng mga tricycle. Sumakay na lamang siya roon ng hindi nag iisip kung saan ba siya papunta. "Manong pwede nyu ho ba ako ibaba sa pinaka malapit na hotel." Sabi niya at naghintay ng sagot mula sa driver. "Naku walang hotel rito." Napatingin siya sa matandang nagsalita. Nakaupo ito sa kanyang kaliwa. "Taga saan po ba kayo?" Pag usisa sa kanya ng driver. Wala siyang maisagot. Mabilis niyang pinagana ang isip dahil ayaw niyang mahalata ng mga ito na baka naliligaw siya. Mahirap na at baka mapahamak siya. Lalo na at dayo lamang siya sa lugar. Hindi niya masasabi kung may magtangkang masama sa kanya. "Ako ng bahala sa kanya." Naunang magsalita ng katabi niya bago pa man mabuka ang bibig. Napatingin siya. Mukhang mapagkakatiwalaan naman ang matanda. Isa pa kayang kaya niya ito kung sakaling may masamang balak. Marahil tatakbo na lamang siya ng mabilis kung sakali. Sandali pa ngay umandar na ito matapos mapun
Mabilis silang lumayo sa isa't isa. Parehas na gulat sa naging tagpo. "W-who the hell are you?" Salubong ang mga kilay na tanong niya. Kunot din sa pagtataka si Audhrey. "H-hindi ba dapat ako ang magtanong niya? Sino ka?" Napabuntong hininga ng mabigat ang babae sa ganting sagot ng estranghera sa kanyang harapan. Di porket maganda ka palalagpasin ko to. Tumakbo sa kanyang isipan. "Akin ang kubong to!" Pagtataray niya. Naging malinaw na kay Audhrey. Ito siguro ang apo ng matanda. Hindi niya napansing natignan niya ito mula paa gang ulo. Napanatag siya ng maisip na tama siya. Imbis na sagutin ang babae ay tinalikuran niya ito at lumabas ng kwarto. Oo may maliit na silid sa loob ng kubo. "Hoy! kinakausap pa kita!" Sinundan niya ang babae. "Siguro magnanakaw ka!" Wala pa din siyang makuhang sagot hanggang makarating na sila ng labas. "At san ka pupunta?" Kontra niya kay Audhrey. Akma itong papasok sa pinto ng bahay niya. Laging bukas yun gawa ng lola niya. Tila pa wala
Nagmistulang mortal na magka away ang dalawa habang magkaharapan naka upo sa dining area. Si Lola ay naghahanda na ng umagahan nila. Binili niya ang mga malalagkit, kakanin na mga iyon sa naglalako kanina. "Anu pong naisipan nyu at nagpatuloy ng ibang tao dito, Meema." Sinusundan niya ng matalim na tingin ang kanyang lola. "Abay kailangan ko bang magpaliwanag sayo? Ha? Sa akin ang lupa na to. Pati ang bahay na to kaya wala kang pakialam kung sinong patuluyin ko dito-" "Eh bakit ho pati sa kubo ko!" Yamot niyang bwelta. Espesyal sa kanya iyon dahil sa taong nag design nun. "Ehhhh. Ano bang pinuputok ng butsi mo hindi ka naman nauwi rito ng madalas.." Para sa kanya hindi sapat na rason yun para magpatuloy ng hindi naman kilala. "Aalis na lang ho ako nay." Biglang singit ni Audhrey at patayo na. "Hindi." Humawak siya sa kamay ng dalaga. Hindi niya mapapahintulutan umalis ito lalo pa sa kundisyun. Sa daan pa lamang bago madala ang babae sa bahay ramdam niya ng may pin
HINDI pa sumisilip Ang araw ay gising na gising na si Audhrey. Lumabas Siya ng kanyang silid at nagtungo ng kusina upang uminom ng tubig. "Feel na feel Ang bahay aaa.." Kumorte Ang kilay na sambit nito. Kasunod Naman Ang paglingon matapos maubos Ang laman ng baso ni Audhrey. Dismayado Siyang nagpanagpo pa talaga sila nito. Dinedma niya Ang tila pagsisimula ng babae at akmang aalis na matapos malapag Ang nagamit na baso sa sink. "May katulong ka?!" Lumunok Siya upang ikalma Ang sarili saka muling humarap pero para balinan Ang baso Hindi Ang naghahamong tinig. Tahimik niya itong hinugasan na para bang walang ibang tao sa paligid. "Nang aasar ka ba talaga?!" Nauubusan ng pasensyang tanong ni Bettina. Muling napalunok si Audhrey. Nilagay niya muna Ang baso sa lagayan nito bago hinarap Ang babaeng walang balak Siyang tantanan. "Bored ka ba sa buhay mo?!" Matapang na tanong niya sa ngayong tila naihipan ng hangin. Napalunok si Betina at bago pa Siya mapansin ay agad
HINDI mapirmi si Bettina pati na din ang isip nito. Tinungo niya Ang kanyang Lola na madalas naglalagi sa Hardin kapag patay na oras. "Ahemm.." Pasimpleng pagpapa-alam ng kanyang presensya na tila dedma lang Naman Ang matanda. kumurba ang mga kilay niyang inulit Ang ginawa para mapansin. "Ano bang kailangan mo?!" May halong pagtataray na tanong nitong hindi sinusulyapan ang apo. Lumunok si Bettina na akala mo'y humuhugot ng lakas ng loob. Kunwari patingin tingin din siya sa mga halaman ng kanyang Meema. Tila Hindi nakaligtas sa kanyang Lola Ang nasa isip. "Wala dito ang pakay mo." Kasabay nun ang pagsalubong ng nagtataka niyang kilay. "Ano bang sinasabi mo meema.." Patagong sulyap niya sa kanyang Lola. Bumuntong hininga Ang kausap na para bang Hindi ito maloloko. "Bata ka pa lang kabisado na kita..." Magsasalita pa sana Siya bilang kontra sa tinutumbok nito pero naunahan na Siya agad. "Wag mo ng ikaila pa. Wag ka mag alala at nasa bayan lamang Siya." Muling nan
HUMINTO Ang sasakyan sa tapat ng malaki at magandang bahay na tinutukoy ng driver. "Wag na ho, Mam!" Nakangiting tanggi nito ng akmang iaabot Ang bayad. "Regards na lang ho Kay Mam Bettina at sa Lola nito." Hindi pa din nawawala ang aliwalas nito sa mukha. Hinayaan niya na at Hindi na ipinilit Ang pera saka bumaba ng kotse matapos magpa salamat. "Bakit Ngayon ka lang?!" Halos tumalon Ang kanyang puso sa pagka gulat. Pinagtaka niya din kung ano bang ginagawa nito at bakit tila inantay ata Ang pagdating niya. "Teka.." Napatingin si Bettina sa ilang dala ni Audhrey. "Ayan na ba yun?!" May dudang turan niya. "Kulang ata Yan.. Sinasabi ko na nga ba.." Dahil sa nangyari kanina ay Wala Siyang lakas o panahon sabayan Ang diskusyung sinisimulan ng isa. Basta na lang Siya nagpatuloy sa paglakad para lagpasan Ang babaeng kanina pa madami sinasabi. "Hoy! Ang bastos mo-" Hindi niya natapos dahil nakalayo na ang pilit kinakausap. Iritableng napa Singhal si Bettina. Nam
—SA NANGYARI ilang araw na Hindi kinibo si Bettina ng kanyang Lola. Pati Ang dalaga ay halatang ayaw Siyang makapanagpo kahit sa hapag kainan. Nakakaramdam na Siya ng kunsensya ng mawaglit sa kanyang isipan na nagdadalang tao nga pala ito. Marahil isa iyon kung bakit pati Ang Lola ay Hindi pinalagpas Ang kasutilan niya. "Meema.." Kulang na lang ay Hindi ito marinig. Huminto Naman Ang matanda kahit gusto pa din sana niyang turuan ng leksyun Ang apo. Sobra na Ang ginawa nito. Hindi masamang tao at mabait talaga Ang apo niya kaya Hindi maunawaan kung anung nangyari sa ikinikilos nito sa kanilang bisita. "Babalik na ho Ako ng Manila kung-" Tuluyang lumakad Ang matanda bago pa man niya matapos Ang nais iparating. Malalim na buntong hininga Ang pinakawalan niya. Buong akala niya ay hihingi sa wakas ng kapatawaran Ang apo dahil malinaw na rito Ang maling nagawa ngunit Malaki Ang pagka dismaya niya. Hindi niya ganito pinalaki Ang apo. O buhat ba ito sa sakit na naranasan
Bago tumuloy ng Manila si Bettina naisip nitong puntahan Ang dating Lugar na madalas nilang pinagsasaluhang dalawa ng ex girlfriend. Balak niyang alisin Ang mga naiwang gamit roon upang ibaon na sa limot ng tuluyan lahat ng ala ala nilang dalawa. Habang nagmamaneho, tinatahak Ang daan Ang isip niya'y naglalakbay din. Muling nanumbalik Ang mga panahong dumaan sa naturang Lugar na yun. Puno ng tawa, asaran, saya at pag iibigan ng dalawang taong pinag tagpo ngunit tila walang happy ending. Para bang tinik sa kanyang dibdib Ang balikan Ang mga kwentong natuldukan at Hindi na nadugtungan pa. Minsang nagplano at buong confident na magkakaroon Ang kanilang love story ng epilogue at Hindi lamang prologue. Pero gaya nga ng iba tila naging normal na Ang mga relasyung nauuwi lamang sa Wala. Hindi na Siya naniniwalang may happy ending at forever. Nagkasundo ng isip at puso niyang Hindi na muling iibig pa. Na iyon na Ang last chapter ng kwentong pag ibig niya. * * * *