—SA NANGYARI ilang araw na Hindi kinibo si Bettina ng kanyang Lola. Pati Ang dalaga ay halatang ayaw Siyang makapanagpo kahit sa hapag kainan. Nakakaramdam na Siya ng kunsensya ng mawaglit sa kanyang isipan na nagdadalang tao nga pala ito. Marahil isa iyon kung bakit pati Ang Lola ay Hindi pinalagpas Ang kasutilan niya. "Meema.." Kulang na lang ay Hindi ito marinig. Huminto Naman Ang matanda kahit gusto pa din sana niyang turuan ng leksyun Ang apo. Sobra na Ang ginawa nito. Hindi masamang tao at mabait talaga Ang apo niya kaya Hindi maunawaan kung anung nangyari sa ikinikilos nito sa kanilang bisita. "Babalik na ho Ako ng Manila kung-" Tuluyang lumakad Ang matanda bago pa man niya matapos Ang nais iparating. Malalim na buntong hininga Ang pinakawalan niya. Buong akala niya ay hihingi sa wakas ng kapatawaran Ang apo dahil malinaw na rito Ang maling nagawa ngunit Malaki Ang pagka dismaya niya. Hindi niya ganito pinalaki Ang apo. O buhat ba ito sa sakit na naranasan
Bago tumuloy ng Manila si Bettina naisip nitong puntahan Ang dating Lugar na madalas nilang pinagsasaluhang dalawa ng ex girlfriend. Balak niyang alisin Ang mga naiwang gamit roon upang ibaon na sa limot ng tuluyan lahat ng ala ala nilang dalawa. Habang nagmamaneho, tinatahak Ang daan Ang isip niya'y naglalakbay din. Muling nanumbalik Ang mga panahong dumaan sa naturang Lugar na yun. Puno ng tawa, asaran, saya at pag iibigan ng dalawang taong pinag tagpo ngunit tila walang happy ending. Para bang tinik sa kanyang dibdib Ang balikan Ang mga kwentong natuldukan at Hindi na nadugtungan pa. Minsang nagplano at buong confident na magkakaroon Ang kanilang love story ng epilogue at Hindi lamang prologue. Pero gaya nga ng iba tila naging normal na Ang mga relasyung nauuwi lamang sa Wala. Hindi na Siya naniniwalang may happy ending at forever. Nagkasundo ng isip at puso niyang Hindi na muling iibig pa. Na iyon na Ang last chapter ng kwentong pag ibig niya. * * * *
Napasinghal si Bettina ng maka dungaw at Makita kung sino Ang taong umistorbo sa kanya. "Ikaw?!" Kunot noong sambit niya. Ganun din si Audhrey na Hindi makapaniwala. Sa dinami dami ng taong pwede niya mahingan ng tulong ay sa babaing ito pa talaga. Mabigat Ang kalooban niya at tiim bagang tumalikod na lamang. Aalis na lang Siya at hahanap ng ibang mapagpapalipasan ng Gabi. Kahit sa kalsada pa Siya mahiga wag lang magkaroon ng utang na loob sa babaing ito. "Hey! I'm talking to you!" Pasigaw habang pababa ng gawang hagdan sa bahay na puno si Bettina. "Matapos mo Kong guluhin tatalikuran mo lang ako?!" Naiinis Siya dahil Hindi sanay sa ipinapakita ni Audhrey. Sa tanan ng buhay niya maski Ang ex girlfriend na minahal ng husto ay Hindi Siya naitrato ng ganito na para bang walang awtoridad Ang bawat salita niya. Yamot na sinusundan niya si Audhrey. Kahit maghabulan pa sila Wala Siyang pakialam. Wala din namang balak huminto sa paglayo si Audhrey. Naiinis Siya kung baki
"Minahal kita Axell!! Sobra kitang mahal!!" Hagulgol ni Audhrey. Ngayon ay unti unting naliliwanagan si Bettina. Hinayaan niyang maglabas ng sama ng loob Ang dalaga. Tila ba nakaka relate Siya sa sakit na nararamdaman nito. Naintindihan niya na Ngayon kung bakit napadpad sa kanila si Audhrey. Marahil nagpaka layo layo ito para takasan lahat ng mapanakit na elemento na dulot ng pagmamahal sa maling tao. Kung ganun ay hindi sila naiiba. Parehas lamang silang biktima ng maling pag ibig. "I hate you so much! I hate myself even more for still loving you despite of everything that hurts... Everything that's killing me..." Hinaplos haplos niya Ang likuran nito habang nakikinig sa mga da-ing. Dumaan din Siya sa ganitong sitwasyun na parang gustong sisihin Ang Mundo. Na gugustuhin na lang ma amnesia para pati sakit ay maaring isama sa pagkawala ng kanyang memorya. "Hindi ka na niya masasaktan ulit. I'm here now. I won't let that-" Bago pa man Siya matapos ay malakas Ang
—NANG magising si Audhrey nasa ibang Lugar na ito. Lumibot Ang kanyang mata kahalo Ang pagiisip kung anong nangyari, nasaan Siya at paanong napadpad roon. Na alarma Siya at bigla na lang nagsisi sigaw. Dali daling tumakbo at nabitawan ni Bettina Ang mga paper bag na dala ng marinig Ang pamilyar na boses. Pagbukas pa lang ng pinto ay agad na tinawid Ang pagitan nila ni Audhrey. "Hey!" Niyapos niya ito agad ng yakap. Sapo Ang ulo nitong idinikit sa kanyang dibdib. "..Andito ako. sshhhh..." Pagpapatahan niya rito. "Try to calm down, please.. Isipin mo Ang safety mo Lalo na ni Baby.." Para bang keyword Yun sa Tenga ni Audhrey upang bumalik sa kanyang sarili. Napayakap Siya Kay Bettina ng Wala sa isip. Lumuha Siyang muli na tila ba awang awa sa sarili. Nauunawaan ni Bettina Ang sitwasyun dahil naipaliwang na ito kanina ng doctor sa kanya. Dumaranas ng emotional changes si Audhrey buhat ng pagbubuntis. Normal lamang ito ayon sa Doctor ngunit Hindi dapat hayaan ma stre
—LAKING gulat ng matanda ng bumalik ng magkasama ang dalawang malayo sa isip niyang magkakasundo. "Am I dreaming?" Lumabas Ang pagiging edukada nitong tunay sa kanyang pronunciation. Mahahalata mong galing sa mayamang angkan ngunit Hindi gaya ng iba sila ay nasa lupa pa din Ang mga paa. "Hindi po. It's real Meema." Napangiwi si Audhrey sa maarteng sagot ni Bettina pero natuwa din naman dahil okay na nga silang talaga. "Opo.." Sagot niya sa mapagdudang tingin ng matanda. Napailing Naman si Bettina. "Do you think I'm lying?" Sabi niya sa kanyang Lola bago lumapit para mag sorry. Nagalak Naman Ang matanda dahil sa wakas bumalik din sa dati Ang kanyang apo. "Hinatid ko lang Siya Meema. Babalik na po ako bukas ng Manila. Marami po akong naiwang urgent work roon." Paliwanag niyang ikinakunot ng matanda. "Anupat naging CEO ka kung hawak ka sa leeg ng sarili nating company apo ko." Madamdaming Saad nito. "Isa pa matanda na Ako. Anong Malay natin? Maikli na lang Ang buha
—SA PAGLISAN ni Audhrey sa piling niya para na rin siyang nawalan ng ganang magpatuloy sa buhay. Tanging ang mag ina na lamang niya Ang meron Siya. Para Kay Darcy o Axell Kay Audhrey walang sense lahat ng yamang taglay Kung Ang Kaisa isang nagpapasaya nagbibigay kulay sa Mundo niya'y Hindi pa din mahagilap. "Yan lang ba Ang kaya mong Gawin?!" Bulyaw nito Kay aga aga sa private investigator na hinire para maibalik sa kanya ng asawa. Taranta Ang lalaking pinulot Ang nagkalat na n mga report paper na dala niya. Mga details at progress sa trabahong nai-atang sa balikat niya. "Binabayaran kita!" Nag ngangalit Ang mga matang turan ni Axell. Napatayo na ito ng di oras sa kanyang swivel chair. "Ng Malaki! Higit pa sa halaga ng buhay mo! Kaya ayusin mo! Bigyan mo ko ng resulta Hindi puro papel!!" Dinuro niya Ang lalaki Hanggang pagtabuyan ito palabas ng kanyang building ng kanyang bagong assistant. Simula ng mawala si Audhrey ay Wala ng nakakatagal na assistant sa kanya.
—NAAAYON sa mga Plano Ang nangyayari Kay Darcy kung kaya hinihingi na ni Ingrid ang kapalit ng napag usapan nila ni Nathalia. "Wag kang mainip. Hindi pa Ako tapos." Makapangyarihang hayag ni Nathalia Kay Ingrid ng palihim silang magkita sa isang restaurant. "Tumupad ka sa napag kasunduan, Nathalia! Kung Hindi malalaman ni Darz Ang buong katotohan!" Magkahalong pangingilid ng luha at galit, tension Ang nasa sistema ni Ingrid. Hindi rin Naman niya kinakaya Ang nangyayari Kay Darcy. Inuusig din Siya ng kunsensya at pakiramdam Wala ng mukhang maihaharap pa Kay Bianca. Sobrang buti nito sa kanya na tila ba nahihiya Siya para sa sarili sa sobrang kabutihang ipinapakita, ginagawa nito para sa kanya. Tutupad Siya sa pangako Kay Bianca na aayusin Ang lahat maresulba lamang Ang problema ng kapatid. Tumawa lang ng mapakla si Nathalia sa tinuran ni Ingrid. "Do you think they'll be back together kapag sinabi mo lahat?" Umiling itong tumawang muli na parang isang demonyita. "I