****** "Sa likod na tayo dumaan." Hila niya rito. Mas mabuting tahimik silang umalis. "Hindi mo naman kasi kailangan pa gawin ito." Pero pumayag din naman siya. Kung tutuusin maari naman talaga siyang umalis ng hindi ito kasama kung gugustuhin lamang niya. "Ang dami mo pang sinasabi. Andito na tayo sa sitwasyun na to. Isa pa ibibilin ka sa akin ni Madam walang duda dahil anak niya yan. Yun pa din ang alam niya." May punto si Bianca pero yun lang ba talaga ang dahilan nito? Bakit tila sa kanyang kaibuturan umaasa pa siya ng ibang kasagutan. "Saan kayo pupunta?" Sabay na huminto sa paghakbang ang dalawa. "Kailangan kong malaman kung saan ka tutuloy, Ingrid." Patay at malamig na hayag ni Darcy. Anak pa din niya ang dinadala nito kahit ano pang sitwasyun ang kasadlakan niya. "Hindi na ko safe dito. Alam mo yan. Maliit na ang mundo namin ng asawa mo." Paliwanag nito. "Sasama ka sa kanya?" Balin niya sa gawi ni Bianca. May dala din itong bag. Hindi niya na pinansin
Hindi kalayuan kung saan siya nanggaling nakita niya ang pila ng mga tricycle. Sumakay na lamang siya roon ng hindi nag iisip kung saan ba siya papunta. "Manong pwede nyu ho ba ako ibaba sa pinaka malapit na hotel." Sabi niya at naghintay ng sagot mula sa driver. "Naku walang hotel rito." Napatingin siya sa matandang nagsalita. Nakaupo ito sa kanyang kaliwa. "Taga saan po ba kayo?" Pag usisa sa kanya ng driver. Wala siyang maisagot. Mabilis niyang pinagana ang isip dahil ayaw niyang mahalata ng mga ito na baka naliligaw siya. Mahirap na at baka mapahamak siya. Lalo na at dayo lamang siya sa lugar. Hindi niya masasabi kung may magtangkang masama sa kanya. "Ako ng bahala sa kanya." Naunang magsalita ng katabi niya bago pa man mabuka ang bibig. Napatingin siya. Mukhang mapagkakatiwalaan naman ang matanda. Isa pa kayang kaya niya ito kung sakaling may masamang balak. Marahil tatakbo na lamang siya ng mabilis kung sakali. Sandali pa ngay umandar na ito matapos mapun
Mabilis silang lumayo sa isa't isa. Parehas na gulat sa naging tagpo. "W-who the hell are you?" Salubong ang mga kilay na tanong niya. Kunot din sa pagtataka si Audhrey. "H-hindi ba dapat ako ang magtanong niya? Sino ka?" Napabuntong hininga ng mabigat ang babae sa ganting sagot ng estranghera sa kanyang harapan. Di porket maganda ka palalagpasin ko to. Tumakbo sa kanyang isipan. "Akin ang kubong to!" Pagtataray niya. Naging malinaw na kay Audhrey. Ito siguro ang apo ng matanda. Hindi niya napansing natignan niya ito mula paa gang ulo. Napanatag siya ng maisip na tama siya. Imbis na sagutin ang babae ay tinalikuran niya ito at lumabas ng kwarto. Oo may maliit na silid sa loob ng kubo. "Hoy! kinakausap pa kita!" Sinundan niya ang babae. "Siguro magnanakaw ka!" Wala pa din siyang makuhang sagot hanggang makarating na sila ng labas. "At san ka pupunta?" Kontra niya kay Audhrey. Akma itong papasok sa pinto ng bahay niya. Laging bukas yun gawa ng lola niya. Tila pa wala
Nagmistulang mortal na magka away ang dalawa habang magkaharapan naka upo sa dining area. Si Lola ay naghahanda na ng umagahan nila. Binili niya ang mga malalagkit, kakanin na mga iyon sa naglalako kanina. "Anu pong naisipan nyu at nagpatuloy ng ibang tao dito, Meema." Sinusundan niya ng matalim na tingin ang kanyang lola. "Abay kailangan ko bang magpaliwanag sayo? Ha? Sa akin ang lupa na to. Pati ang bahay na to kaya wala kang pakialam kung sinong patuluyin ko dito-" "Eh bakit ho pati sa kubo ko!" Yamot niyang bwelta. Espesyal sa kanya iyon dahil sa taong nag design nun. "Ehhhh. Ano bang pinuputok ng butsi mo hindi ka naman nauwi rito ng madalas.." Para sa kanya hindi sapat na rason yun para magpatuloy ng hindi naman kilala. "Aalis na lang ho ako nay." Biglang singit ni Audhrey at patayo na. "Hindi." Humawak siya sa kamay ng dalaga. Hindi niya mapapahintulutan umalis ito lalo pa sa kundisyun. Sa daan pa lamang bago madala ang babae sa bahay ramdam niya ng may pin
[AUDHREY SOLACE]Halos three months na ang lumipas matapos ang naging kasal ko sa taong ni hindi sumagi sa panaginip ko na magiging asawa ko. Panay ang lakad ko dito sa loob ng kwarto habang mahigpit na hawak ang phone. Hindi ko alam kung paano tatapusin ang lahat sa long time boyfriend ko. Siya lang sa buong buhay ko ang inibig ng puso ko. Naka plano na ang lahat. Sa kanya ko nakita ang future ko na naghihintay sa akin sa altar. Siya ang pinangarap kong makasama sa mga darating pang araw, buwan at taon ko dito sa mundo ng ibabaw. Hanggang sa pag tanda, sa pag puti ng buhok, sa pag lagas ng ngipin namin at maging sa kabilang buhay. Nagunaw lahat ng iyon ng makasal ako sa mahaderang CEO ng company kung saan isa akong empleyado. Nung una mataas ang tingin ko sa kanya dahil hindi lang siya mayaman, maganda, matalino kundi saksakan ng bait. Kilala siya na matulungin sa lahat ng nangangailangan. Down to earth sa kabila ng mataas na antas niya sa buhay. Ngayon kinasusuklaman ko siya
Dumating ako sa address na sinabi ko kay Liandro kung saan kami magkikita para mag usap. "Kumusta ka na? Akala ko hindi ka na talaga magpapakita." Hawak hawak niya ang mga kamay ko habang magkaharap kami nakaupo. Andito kami ngayon sa isang restaurant. Mabuti na lang at walang katao tao. Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. Nanginginig ang buong kalamnan ko. Hindi ko alam paano saan maguumpisa. Ngayon ko lang siya ulit nakita at halatang malaki ang naging epekto ng biglang hindi ko pagpaparamdam sa kanya. Bagsak ang mukha nito. Sobrang stress. Tila nabawasan din ang timbang niya. Bahagyang humaba ang buhok, balbas at bigote niya. Ang itim din ng paligid ng mga mata niya. Hindi siya marahil nakakatulog dahil sa kaiisip sa akin. Kung ano na bang nangyari. "Babe.. Kausapin mo naman ako, please. Tsaka sino ba tong kasama mo?" Tinutukoy niya ang personal body guard ko. Oo. Hindi ako nakakalabas ng Mansion ng mag isa. "I'm so sorry, Lian. H-hindi ko gustong saktan, masaktan ka." Ga
Kasunod kong pumasok ng kotse si Darcy. Hindi ko alam pero bigla ko na lang siyang niyakap ng mahigpit at sa kanya nilabas ang lahat lahat. "Soon.. Everything will be fine, my dear wife." Niyakap niya ako pabalik at wala man lang akong naramdamang pagkaalangan. Tila nakakatulong ang yakap niya para mabawasan ang sakit. Naisantabi bigla lahat ng muhi ko sa kanya. Patuloy lang ako sa pag iyak habang hinahaplos niya ang likuran ko. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Pag gising ko wala na kami sa kotse at.. At andito na ako sa kwarto? Pero hindi ko to kwarto... Asan ako?? "You're awake." Agad akong napasulyap sa pinang galingan ng boses. Naka cross ang mga paa at kamay nitong prenteng nakaupo ng couch. Tanging malaking t shirt ang suot?? "Are you hungry? Gusto mo bang magpadala ako ng pagkain?" Dibale na lang. Wala akong gana. "Anong ginagawa ko dito?" "You are my wife. Dito ka dapat sa kwarto ko. Kwarto natin." "May isang buwan pa ko, Darcy. Pleas
Nauna nga akong makauwi kay Axell. Nagkapang abot pa kami ni papa sa hospital. Nalaman kong sa ibang bahay na pala siya nakatira at doon na din uuwi si mama kapag labas nito.Malapit na din daw makauwi ang kapatid ko. Ibig sabihin bumubuti na ang kalagayan niya. Iba talaga kapag sa private. Si Axell ang bumili ng bahay kaya nabigla talaga ako. Naikwento din sa akin ni mama kung paano sila uli nagkita ni Axell. Pero ang hindi ko natanong ay kung bakit hindi man lang niya nakwento sa akin. Ang dami ko pa sanang gustong itanong pero nakatulog si mama marahil dala ng mga gamot na iniinom niya. After kong magbihis lumabas ako ng kwarto at tutungo sana ng garden ng may marinig akong tawanan. Kilala ko ang isa sa mga boses. Si Axell yun. Mukhang may bisita siya. Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang marating ko ang pakay. Naging tambayan ko na to maliban sa kwarto ko at dining. Nang makaupo ako ng bench naalala ko nanaman si Lian. Ilan sandali lang napaluha nanaman ako. Sa kabila n