"Nagbunga ang namagitan sa inyo?" Kalmado pa ito ngunit mababatid mong mabigat ang bawat salita. Nanigas ang panga ni Darcy. Namuo ng mga luha sa gilid ng kanyang mga mata maski anong pigil niyang sumilay ang mga iyon. Mabigat na din ang paghinga niya. Akala mo ay inaasma siya dahil tila ba naninikip ang daluyan. "A-anak mo ba ang dinadala niya?" Ang tinging kulang na lang tusukin ang parehas niyang mata sa sobrang talim. Lumunok pang muli si Darcy bago sinubukang magsalita. "L-let me explain-" Winaksi niya ang mga kamay nitong alam niyang papalibot sa kanya. "Don't!" Marahas at malamig na turan ni Audhrey. Nag uunahan ang mga luhang dumadaloy sa kanyang pisngi. Wala sa isiping muli siyang masasaktan at sa ganitong pangyayari pa. Lubhang triple ang sakit nito kumpara sa nauna. "Sinabi ng wag mo kong hawakan!!" Labas litid niyang tanggi kay Darcy dahil sumubok itong haluhin siya. "Lumayo ka sakin!" Paatras siya. Nagmamakaawa ang mukha ni Darcy. "Please, Audhre
****** "Sa likod na tayo dumaan." Hila niya rito. Mas mabuting tahimik silang umalis. "Hindi mo naman kasi kailangan pa gawin ito." Pero pumayag din naman siya. Kung tutuusin maari naman talaga siyang umalis ng hindi ito kasama kung gugustuhin lamang niya. "Ang dami mo pang sinasabi. Andito na tayo sa sitwasyun na to. Isa pa ibibilin ka sa akin ni Madam walang duda dahil anak niya yan. Yun pa din ang alam niya." May punto si Bianca pero yun lang ba talaga ang dahilan nito? Bakit tila sa kanyang kaibuturan umaasa pa siya ng ibang kasagutan. "Saan kayo pupunta?" Sabay na huminto sa paghakbang ang dalawa. "Kailangan kong malaman kung saan ka tutuloy, Ingrid." Patay at malamig na hayag ni Darcy. Anak pa din niya ang dinadala nito kahit ano pang sitwasyun ang kasadlakan niya. "Hindi na ko safe dito. Alam mo yan. Maliit na ang mundo namin ng asawa mo." Paliwanag nito. "Sasama ka sa kanya?" Balin niya sa gawi ni Bianca. May dala din itong bag. Hindi niya na pinansin
Hindi kalayuan kung saan siya nanggaling nakita niya ang pila ng mga tricycle. Sumakay na lamang siya roon ng hindi nag iisip kung saan ba siya papunta. "Manong pwede nyu ho ba ako ibaba sa pinaka malapit na hotel." Sabi niya at naghintay ng sagot mula sa driver. "Naku walang hotel rito." Napatingin siya sa matandang nagsalita. Nakaupo ito sa kanyang kaliwa. "Taga saan po ba kayo?" Pag usisa sa kanya ng driver. Wala siyang maisagot. Mabilis niyang pinagana ang isip dahil ayaw niyang mahalata ng mga ito na baka naliligaw siya. Mahirap na at baka mapahamak siya. Lalo na at dayo lamang siya sa lugar. Hindi niya masasabi kung may magtangkang masama sa kanya. "Ako ng bahala sa kanya." Naunang magsalita ng katabi niya bago pa man mabuka ang bibig. Napatingin siya. Mukhang mapagkakatiwalaan naman ang matanda. Isa pa kayang kaya niya ito kung sakaling may masamang balak. Marahil tatakbo na lamang siya ng mabilis kung sakali. Sandali pa ngay umandar na ito matapos mapun
Mabilis silang lumayo sa isa't isa. Parehas na gulat sa naging tagpo. "W-who the hell are you?" Salubong ang mga kilay na tanong niya. Kunot din sa pagtataka si Audhrey. "H-hindi ba dapat ako ang magtanong niya? Sino ka?" Napabuntong hininga ng mabigat ang babae sa ganting sagot ng estranghera sa kanyang harapan. Di porket maganda ka palalagpasin ko to. Tumakbo sa kanyang isipan. "Akin ang kubong to!" Pagtataray niya. Naging malinaw na kay Audhrey. Ito siguro ang apo ng matanda. Hindi niya napansing natignan niya ito mula paa gang ulo. Napanatag siya ng maisip na tama siya. Imbis na sagutin ang babae ay tinalikuran niya ito at lumabas ng kwarto. Oo may maliit na silid sa loob ng kubo. "Hoy! kinakausap pa kita!" Sinundan niya ang babae. "Siguro magnanakaw ka!" Wala pa din siyang makuhang sagot hanggang makarating na sila ng labas. "At san ka pupunta?" Kontra niya kay Audhrey. Akma itong papasok sa pinto ng bahay niya. Laging bukas yun gawa ng lola niya. Tila pa wala
Nagmistulang mortal na magka away ang dalawa habang magkaharapan naka upo sa dining area. Si Lola ay naghahanda na ng umagahan nila. Binili niya ang mga malalagkit, kakanin na mga iyon sa naglalako kanina. "Anu pong naisipan nyu at nagpatuloy ng ibang tao dito, Meema." Sinusundan niya ng matalim na tingin ang kanyang lola. "Abay kailangan ko bang magpaliwanag sayo? Ha? Sa akin ang lupa na to. Pati ang bahay na to kaya wala kang pakialam kung sinong patuluyin ko dito-" "Eh bakit ho pati sa kubo ko!" Yamot niyang bwelta. Espesyal sa kanya iyon dahil sa taong nag design nun. "Ehhhh. Ano bang pinuputok ng butsi mo hindi ka naman nauwi rito ng madalas.." Para sa kanya hindi sapat na rason yun para magpatuloy ng hindi naman kilala. "Aalis na lang ho ako nay." Biglang singit ni Audhrey at patayo na. "Hindi." Humawak siya sa kamay ng dalaga. Hindi niya mapapahintulutan umalis ito lalo pa sa kundisyun. Sa daan pa lamang bago madala ang babae sa bahay ramdam niya ng may pin
HINDI pa sumisilip Ang araw ay gising na gising na si Audhrey. Lumabas Siya ng kanyang silid at nagtungo ng kusina upang uminom ng tubig. "Feel na feel Ang bahay aaa.." Kumorte Ang kilay na sambit nito. Kasunod Naman Ang paglingon matapos maubos Ang laman ng baso ni Audhrey. Dismayado Siyang nagpanagpo pa talaga sila nito. Dinedma niya Ang tila pagsisimula ng babae at akmang aalis na matapos malapag Ang nagamit na baso sa sink. "May katulong ka?!" Lumunok Siya upang ikalma Ang sarili saka muling humarap pero para balinan Ang baso Hindi Ang naghahamong tinig. Tahimik niya itong hinugasan na para bang walang ibang tao sa paligid. "Nang aasar ka ba talaga?!" Nauubusan ng pasensyang tanong ni Bettina. Muling napalunok si Audhrey. Nilagay niya muna Ang baso sa lagayan nito bago hinarap Ang babaeng walang balak Siyang tantanan. "Bored ka ba sa buhay mo?!" Matapang na tanong niya sa ngayong tila naihipan ng hangin. Napalunok si Betina at bago pa Siya mapansin ay agad
HINDI mapirmi si Bettina pati na din ang isip nito. Tinungo niya Ang kanyang Lola na madalas naglalagi sa Hardin kapag patay na oras. "Ahemm.." Pasimpleng pagpapa-alam ng kanyang presensya na tila dedma lang Naman Ang matanda. kumurba ang mga kilay niyang inulit Ang ginawa para mapansin. "Ano bang kailangan mo?!" May halong pagtataray na tanong nitong hindi sinusulyapan ang apo. Lumunok si Bettina na akala mo'y humuhugot ng lakas ng loob. Kunwari patingin tingin din siya sa mga halaman ng kanyang Meema. Tila Hindi nakaligtas sa kanyang Lola Ang nasa isip. "Wala dito ang pakay mo." Kasabay nun ang pagsalubong ng nagtataka niyang kilay. "Ano bang sinasabi mo meema.." Patagong sulyap niya sa kanyang Lola. Bumuntong hininga Ang kausap na para bang Hindi ito maloloko. "Bata ka pa lang kabisado na kita..." Magsasalita pa sana Siya bilang kontra sa tinutumbok nito pero naunahan na Siya agad. "Wag mo ng ikaila pa. Wag ka mag alala at nasa bayan lamang Siya." Muling nan
HUMINTO Ang sasakyan sa tapat ng malaki at magandang bahay na tinutukoy ng driver. "Wag na ho, Mam!" Nakangiting tanggi nito ng akmang iaabot Ang bayad. "Regards na lang ho Kay Mam Bettina at sa Lola nito." Hindi pa din nawawala ang aliwalas nito sa mukha. Hinayaan niya na at Hindi na ipinilit Ang pera saka bumaba ng kotse matapos magpa salamat. "Bakit Ngayon ka lang?!" Halos tumalon Ang kanyang puso sa pagka gulat. Pinagtaka niya din kung ano bang ginagawa nito at bakit tila inantay ata Ang pagdating niya. "Teka.." Napatingin si Bettina sa ilang dala ni Audhrey. "Ayan na ba yun?!" May dudang turan niya. "Kulang ata Yan.. Sinasabi ko na nga ba.." Dahil sa nangyari kanina ay Wala Siyang lakas o panahon sabayan Ang diskusyung sinisimulan ng isa. Basta na lang Siya nagpatuloy sa paglakad para lagpasan Ang babaeng kanina pa madami sinasabi. "Hoy! Ang bastos mo-" Hindi niya natapos dahil nakalayo na ang pilit kinakausap. Iritableng napa Singhal si Bettina. Nam
"Hindi mo maitago Ang pag aalala sa kanya ah.." Hayag ni Bettina ng maabutan si Nathalia. "Don't start AMBROCIA.." "What? May Mali ba Kong sinabi?" "The way you said it.." Umikot Ang mga mata niya. "Tsaka bat ba sumunod ka pa?!" Naiinis Siya dahil parang hinuhusgahan Ang pagiging mabuting tao lamang niya. Naitanong din sa sarili ni Bettina bat nga ba sinundan niya to. "Ayokong dalhin sa kunsensya ni Audh na Wala kaming ginawa after mong lumapit samin to ask help.." Mabilis niyang naisip. "Ah so inutusan ka niyang sundan Ako." Tunog pagdududa o dahil may iba Siyang inaasahang dahilan. Bumuntong hininga lamang Siya. "So what can I do?" "Let's report it.." Sagot niya. "Report it? 24 hrs na ba Ang dumaan? Ang OA mo Naman." Sa sinabi niya sinamaan Siya ng tingin ni Nathalia. "Malaki Ang kasalanan ko sa kanya, AMBROCIA. Kung kaya mo lang sana Kong pakinggan para maipaliwanag Ang lahat." Sumilay Ang lungkot sa mga Mata niyang Hindi naitago Kay Bettina. Nauna
—TAHIMIK na nagmamaneho si Darcy. Naging Panay Ang sulyap rito ni Nathalia. Nais niyang pagaanin Ang kalooban nito kahit kaunti lang pero malabong mangyari iyon. maski Siya kung masabihan ng ganun ay higit ding masasaktan. "I'll just drop you." Nabasag Ang katahimikan ng magsalita Siya. "A-amm." Hindi naituloy ni Nathalia buuin ang kanyang salita. Alam niyang kailangan nitong mapag isa. Nang makarating ng hotel ay ganun nga Ang ginawa ni Darcy. Pinagmasdan ni Nathalia Ang sasakyan nitong humarurot palayo. Sa klase ng patakbo nito Hindi niya maiwasang mag aalala na baka may mangyaring Hindi maganda. Dagdag nanaman iyon sa bigat ng dinadala niya. Palagay niya kailangan niya ng kausapin si Audhrey. Pero anong sasabihin niya rito? Hindi nga nito pinakinggan si Darcy Siya pa kayang simula pa lang kaaway na Ang tingin sa kanya. DALAWANG oras na lang maghahating Gabi na pero Wala pa din maski anino ni Darcy. Nag aalala na si Nathalia. Gusto niya ng humingi ng tulong pero kanino
—PORMAL na ngang nagkapirmahan ang magkabilang panig. Sina Bettina at Darcy para sa proyektong pagsasamahan. "I'm glad we're finally starting to make my dream turn to reality. I hope you guys would come up into even more amazing results." Pahayag ng reyna. "To put an end to my urging curiosity.." bumalin bigla Ang tingin nito Kay Bettina at Audhrey. ".. are you two related to each other?" Napangiti si Audhrey. "Soon your highness.." Pagbibigay galang niya rito. "..but for now we'll enjoying being unrelated." Bumibigat Ang bawat pag hinga ni Darcy sa mga binibitawan ng asawa. Kung alam lang sana ng Reyna Ang apelyidong dinadala ni Audhrey Hindi niya pagkakamalan Ang dalawa. Pero Malay ba nito sa same sex relationship. "So you are not sisters?" So iyon pala Ang ibig sabihin nito. Kung blood related Ang dalawa. Marahang napailing si Bettina. "We're couple your highness.." Pagkaklaro nito. "I'm her fiancee.." Dagdag Naman ni Audhrey. "I'm so sorry. I just thought y
Oras din Ang ginugol ni Audhrey sa mala paraisong Lugar bago sila nagpasyang tuldukan na ito para makapag ready pa sa magiging contract signing na gaganapin mamayang after lunch. "How's your feeling?" Panaka nakang tingin Ang pinukol niya Kay Audhrey habang nasa daan Ang priority. Napangiti ito," I had fun, Bett. Thanks to you." with sincerity. "Hayaan mo pag may time babalik Tayo." Ramdam niya na tila tinatawag ng karagatan si Audhrey kanina ngunit alangan ito dahil kailangan nilang bumalik agad. Mabibitin lang Siya kung sakali. Patatakamin lamang Ang sarili. "Yup.. Madami pang next time, Bett." Sumulyap Siya rito ng may ngiting nakapaskil. Nang makarating sila ng hotel nagpahinga lamang sandali saka naligong muli si Audhrey. Ganun din si Bettina ng matapos Siya. Nagsimula silang mag gayak. Isang simple pero eleganteng dress na kulay peach Ang suot ni Audhrey. Nagmistulang isang prinsesa sa isang kaharian Ang datingan niya. Maamong prinsesa na may mataas na antas ng
Nag alis ng seatbelt si Audhrey, "Stay.." Awat niya ng akmang lalabas na sana ito ng kotse matapos niyang makahanap ng mapag paparkingan. Agarang Siyang lumabas, nagtungo sa kabilang pintuan upang pagbuksan si Audhrey. "What's that?" Bahagya kasing pumaibaba si Bettina na may hawak na box sa kanyang paanan. Pinanood lang niya itong inilabas Ang isang gawa sa rattan na slipper na may malambot sa ibabaw para kumportable Ang talampakan ng gagamit. "wow.. Kailan mo Naman nabili Yan?" Batid Ang kagalakan sa kanyang himig. Hindi nagsalita si Bettina pero nananatiling banat Ang labing kinuha Ang isang paa ni Audhrey. "Hey that's too much.." Tinuloy pa din nito Ang ginagawa. "..I can manage myself I mean my foot. duh.." Umikot ng mga Mata niya. Isinuot ni Bettina Ang unang pares ng maalis Ang sandals. Alam niyang Hindi makakabuti sa isang preggy Ang mataas na takong. Nagpaubaya na si Audhrey dahil mukhang walang balak makinig sa kanya ng kaibigan. "Thank you.." sincere niyang
"No.. I won't do that to her." Dadaanin niya sa legal na paraan. Hindi na katulad noon na inilagay niya ito sa alanganing posisyun para lang magpakasal sa kanya. Alam niyang Mali Ang ginawang iyon simula pa lang na Ngayon inaani niya. "But I need a plan. What's your plan, Darcy. Kagaya mo Hindi pwedeng mawala sakin si Bettina.." Lumakad na din sila para mag almusal sa mapiling restaurant na nasa loob lamang ng malaking hotel na tinutuluyan nilang apat. Kung Hindi ba Naman talaga sila pinaglalaruan ni kupido. Palaging pinagtatama ng mga landas nila at nasa iisang floor pa Ang kwartong nakuha nila. Pero advantage Yun para Kay Nathalia upang magawa Ang balak ngayong Gabi. "Let's go." Sabay ng kanyang pag Tayo matapos mag Iwan ng cash sa kinain nilang dalawa. "Where to?" Akala niya babalik din sila agad ng room after. Nakaupo pa din Siyang nakatingala Kay Bettina. Napaka aliwalas Naman ng Mukha nitong abot mata ang ngiti. "Somewhere... that we can have some.. hmm f
"Leave her alone.." May awtoridad na utos ni Bettina Kay Darcy ng may kasamang pagtulak upang tumabi ito dahil nagbukas na Ang elevator. "We need to talk, Dhrey.. " Sumunod Siya sa dalawa. Nakabuntot Naman si Nathalia sa kanyang likuran. Desperada na Siyang ipagsigawan kahit nasa public place sila na Wala Siyang kasalanan. Na she never cheated. Na biktima lang din Siya ng circumstances. Patuloy pa din sa paglakad. "Please.. You just have to listen to me..." Hinawakan niya si Audhrey sa balikat ng maabutan. Sa kasamaang palad winaksi lamang iyon ni Audhrey ng Hindi man lang Siya tinatapunan ng tingin. Natigilan si Darcy na tulalang tinignan na lang Ang papalayong asawa. "Do I need to kneel down?!!" Sigaw niya na kumuha ng atensyun ng ilang taong anduroon. Dahilan ito para huminto si Audhrey at Bettina. "I guess Hindi Siya Basta Basta susuko, Audh.. Mahal ka niya talaga. Nakikita ko. I would never do such scene even after life." "Tsk... Love??? Does not it. Selfishness
—BAGONG umaga panibong pakikibaka Ika nga para sa apat na pangunahing karakter ng kwentong ito. Halos sabay lang natapos si Bettina at Audhrey sa pag gagayak. Sa lobby sila mag uumagahan para maiba Naman. "Let's go?" Tanong niya Kay Audhrey ng matapos suriin Ang sarili sa salamin. "Yeah." kasabay ng pagtango. Handa na ba Siyang makasama sa gagawing project si Darcy? Pero saka niya na yun iisipin dahil excited Siya. Unang lumabas si Audhrey kasunod lamang si Bettina na nagsara ng main door. Lumakad sila sa hallway ng magkasabay Hanggang pumasok ng elevator. Pasara na sana ito ng ihabol ni Darcy Ang kanyang kamay. "Ladies first." Payak Siyang ngumiti Kay Nathalia. Nangunot Ang noo ni Audhrey. Umagang umaga masisira pa ata Ang araw niya. Nagpatay malisya Siya at ganun din si Bettina na mas dumikit Kay Audhrey para hawakan ito sa bewang. Umigting Ang bagang ni Darcy sa Patagong nasulyapan sa gilid ng kanyang mga Mata. "Chill... Don't let them got you." Bulong ni Nath
Sa hallway nakakailang hakbang pa lamang si Bettina ay tumambad na sa kanya Ang dating nobya kasama Ang babaing madaling magpakulo Ngayon ng dugo niya. "Nananadya ka ba talaga?!" Pagkausap niya sa kanyang sarili. Hindi niya mawari eksakto ng kanyang nararamdaman. Minabuti niyang wag na lang pansinin at magpatuloy sa unang sadya. "AMBROCIA.." Narinig niyang bigkas nito bago pa man niya malampasan. Ayaw niyang tumigil pero huli na. "Let's talk please." "Don't mind her.." Bulong niya sa sarili. "Just go.." Dagdag pa niya pero ayaw gumalaw ng paa niya. "Madami tayong dapat pag usapan, Please.." Nagbingi bingihan Siya kahit malinaw Naman sa kanyang pandinig ng mga salita nito. "Hear me out before it's too late." Bakit parang Siya pa Ang nalagay sa alanganin at nabigyan ng ultimatum samantalang Siya itong naiwan sa ere at nasaktan. "Matagal na tayong tapos." Pinatigas niya Ang pagkakasabi at pinaramdam Ang pinaka malamig na trato na maaring Gawin ng isang katulad niya.