Perfect na sana ang umaga ni Dhrey hanggang sa mamataan niya ang asawa kasama si Ingrid sa kusina. Naging punit ang mukha niya sa hindi maunawaang tagpo sa pagitan ng dalawa. Hindi siya agad nagsalita upang malayang obserbahan ang kakaibang ikinikilos ng mga nasa harapan niya, hindi kalayuan. Ni walang naging epekto ang presensya niya sa mga ito. "Sumipa nga!" Naaaliw na turan ni Darcy. Hindi nakaligtas sa paningin ni Audhrey ang nakakayamot na ngiting lumabas kay Ingrid buhat ng naging kagalakan ni Darcy. Lalo na ang palad ng asawa na nasa tiyan pa din ni Ingrid. Nag ngingitngit ang pakiramdam niya ngunit hindi siya maaring mawala sa kanyang postura. Magmumukhang may basihan ang nararamdaman niya kung ipapahalata sa mga ito. Kukunin na sana niya ang atensyun ng mga ito ng maunahan siya. "Kamusta ang tulog mo?" Napalingon siya. Saka lang natauhan ang dalawang abala kanina. Ngumiti siya bago sumagot. "..Totally fine. Ikaw? Kamusta ang gising mo?" Paraan niya yun para iw
Makalipas ang isang linggo ay tumawag kay Darcy ang taong inutusan niyang mag asikaso ng kaso ng kapatid ni Ingrid. Napag alamang walang panalo ito dahil sa lakas ng ebidensya at kabi kabilang gulong kinasankutan. Tanging ang pag urong sa kaso ni Nathalia ang tatapos sa problema nilang lahat. Samantala nakarating kay Nathalia na si Darcy ang nasa likod ng lahat ng tulong na tinatamasa ng kapatid ni Ingrid. Hindi malayong malaman niya ito sa kuneksyun na meron. "I didn't tell her anything. What are you talking about?" Natigilan si Bianca dahil sa narinig. Kasunod ang paghikbi ni Ingrid. Dahan niyang inilapag ang pagkaing dala dahil nag aalala siya sa hindi nito paglabas kaninang umagahan. "Ikaw ba.. Did you tell her?" Maliban sa pamumula ng mata, nasaksihan din ni Bianca ang labis na lungkot. "I trusted you!" Tila ba napatunayan agad niya na tama ang hinala. Si Bianca lang naman ang nakakaalam ng sinapit ng kapatid. "Tutulungan niya tayo." Napailing ng marahas
"Nagbunga ang namagitan sa inyo?" Kalmado pa ito ngunit mababatid mong mabigat ang bawat salita. Nanigas ang panga ni Darcy. Namuo ng mga luha sa gilid ng kanyang mga mata maski anong pigil niyang sumilay ang mga iyon. Mabigat na din ang paghinga niya. Akala mo ay inaasma siya dahil tila ba naninikip ang daluyan. "A-anak mo ba ang dinadala niya?" Ang tinging kulang na lang tusukin ang parehas niyang mata sa sobrang talim. Lumunok pang muli si Darcy bago sinubukang magsalita. "L-let me explain-" Winaksi niya ang mga kamay nitong alam niyang papalibot sa kanya. "Don't!" Marahas at malamig na turan ni Audhrey. Nag uunahan ang mga luhang dumadaloy sa kanyang pisngi. Wala sa isiping muli siyang masasaktan at sa ganitong pangyayari pa. Lubhang triple ang sakit nito kumpara sa nauna. "Sinabi ng wag mo kong hawakan!!" Labas litid niyang tanggi kay Darcy dahil sumubok itong haluhin siya. "Lumayo ka sakin!" Paatras siya. Nagmamakaawa ang mukha ni Darcy. "Please, Audhre
****** "Sa likod na tayo dumaan." Hila niya rito. Mas mabuting tahimik silang umalis. "Hindi mo naman kasi kailangan pa gawin ito." Pero pumayag din naman siya. Kung tutuusin maari naman talaga siyang umalis ng hindi ito kasama kung gugustuhin lamang niya. "Ang dami mo pang sinasabi. Andito na tayo sa sitwasyun na to. Isa pa ibibilin ka sa akin ni Madam walang duda dahil anak niya yan. Yun pa din ang alam niya." May punto si Bianca pero yun lang ba talaga ang dahilan nito? Bakit tila sa kanyang kaibuturan umaasa pa siya ng ibang kasagutan. "Saan kayo pupunta?" Sabay na huminto sa paghakbang ang dalawa. "Kailangan kong malaman kung saan ka tutuloy, Ingrid." Patay at malamig na hayag ni Darcy. Anak pa din niya ang dinadala nito kahit ano pang sitwasyun ang kasadlakan niya. "Hindi na ko safe dito. Alam mo yan. Maliit na ang mundo namin ng asawa mo." Paliwanag nito. "Sasama ka sa kanya?" Balin niya sa gawi ni Bianca. May dala din itong bag. Hindi niya na pinansin
Hindi kalayuan kung saan siya nanggaling nakita niya ang pila ng mga tricycle. Sumakay na lamang siya roon ng hindi nag iisip kung saan ba siya papunta. "Manong pwede nyu ho ba ako ibaba sa pinaka malapit na hotel." Sabi niya at naghintay ng sagot mula sa driver. "Naku walang hotel rito." Napatingin siya sa matandang nagsalita. Nakaupo ito sa kanyang kaliwa. "Taga saan po ba kayo?" Pag usisa sa kanya ng driver. Wala siyang maisagot. Mabilis niyang pinagana ang isip dahil ayaw niyang mahalata ng mga ito na baka naliligaw siya. Mahirap na at baka mapahamak siya. Lalo na at dayo lamang siya sa lugar. Hindi niya masasabi kung may magtangkang masama sa kanya. "Ako ng bahala sa kanya." Naunang magsalita ng katabi niya bago pa man mabuka ang bibig. Napatingin siya. Mukhang mapagkakatiwalaan naman ang matanda. Isa pa kayang kaya niya ito kung sakaling may masamang balak. Marahil tatakbo na lamang siya ng mabilis kung sakali. Sandali pa ngay umandar na ito matapos mapun
Mabilis silang lumayo sa isa't isa. Parehas na gulat sa naging tagpo. "W-who the hell are you?" Salubong ang mga kilay na tanong niya. Kunot din sa pagtataka si Audhrey. "H-hindi ba dapat ako ang magtanong niya? Sino ka?" Napabuntong hininga ng mabigat ang babae sa ganting sagot ng estranghera sa kanyang harapan. Di porket maganda ka palalagpasin ko to. Tumakbo sa kanyang isipan. "Akin ang kubong to!" Pagtataray niya. Naging malinaw na kay Audhrey. Ito siguro ang apo ng matanda. Hindi niya napansing natignan niya ito mula paa gang ulo. Napanatag siya ng maisip na tama siya. Imbis na sagutin ang babae ay tinalikuran niya ito at lumabas ng kwarto. Oo may maliit na silid sa loob ng kubo. "Hoy! kinakausap pa kita!" Sinundan niya ang babae. "Siguro magnanakaw ka!" Wala pa din siyang makuhang sagot hanggang makarating na sila ng labas. "At san ka pupunta?" Kontra niya kay Audhrey. Akma itong papasok sa pinto ng bahay niya. Laging bukas yun gawa ng lola niya. Tila pa wala
Nagmistulang mortal na magka away ang dalawa habang magkaharapan naka upo sa dining area. Si Lola ay naghahanda na ng umagahan nila. Binili niya ang mga malalagkit, kakanin na mga iyon sa naglalako kanina. "Anu pong naisipan nyu at nagpatuloy ng ibang tao dito, Meema." Sinusundan niya ng matalim na tingin ang kanyang lola. "Abay kailangan ko bang magpaliwanag sayo? Ha? Sa akin ang lupa na to. Pati ang bahay na to kaya wala kang pakialam kung sinong patuluyin ko dito-" "Eh bakit ho pati sa kubo ko!" Yamot niyang bwelta. Espesyal sa kanya iyon dahil sa taong nag design nun. "Ehhhh. Ano bang pinuputok ng butsi mo hindi ka naman nauwi rito ng madalas.." Para sa kanya hindi sapat na rason yun para magpatuloy ng hindi naman kilala. "Aalis na lang ho ako nay." Biglang singit ni Audhrey at patayo na. "Hindi." Humawak siya sa kamay ng dalaga. Hindi niya mapapahintulutan umalis ito lalo pa sa kundisyun. Sa daan pa lamang bago madala ang babae sa bahay ramdam niya ng may pin
HINDI pa sumisilip Ang araw ay gising na gising na si Audhrey. Lumabas Siya ng kanyang silid at nagtungo ng kusina upang uminom ng tubig. "Feel na feel Ang bahay aaa.." Kumorte Ang kilay na sambit nito. Kasunod Naman Ang paglingon matapos maubos Ang laman ng baso ni Audhrey. Dismayado Siyang nagpanagpo pa talaga sila nito. Dinedma niya Ang tila pagsisimula ng babae at akmang aalis na matapos malapag Ang nagamit na baso sa sink. "May katulong ka?!" Lumunok Siya upang ikalma Ang sarili saka muling humarap pero para balinan Ang baso Hindi Ang naghahamong tinig. Tahimik niya itong hinugasan na para bang walang ibang tao sa paligid. "Nang aasar ka ba talaga?!" Nauubusan ng pasensyang tanong ni Bettina. Muling napalunok si Audhrey. Nilagay niya muna Ang baso sa lagayan nito bago hinarap Ang babaeng walang balak Siyang tantanan. "Bored ka ba sa buhay mo?!" Matapang na tanong niya sa ngayong tila naihipan ng hangin. Napalunok si Betina at bago pa Siya mapansin ay agad