NAPAKUNOT-NOO si Valentina nang pagpasok siya sa Montealta Beach Resort and Hotel ay nakita niya ang mga taong nakasuot ng puti na para bang dumalo ang mga iyon sa isang kasalan. “Guard, anong meron? May event ba today dito?” tanong niya sa guard na nasa gate. Kumakain pa ito ng pancit at fired chicken na nasa paper plate.
“Ay, opo, madam. Dito po kasi ginanap iyong reception ng personal assistant ni Miss Monica. Ang alam ko po ay libre ni Miss Monica ang reception at pagkain doon sa bagong kasal!” Halos hindi niya maintindihan ang pagsagot ng guard dahil puno ng pagkain ang bibig nito.
Napataas ang isang kilay ni Valentina. Hindi siya makapaniwala na pati ang bagay na iyon ay sasagutin pa ng anak niya. Ang akala niya ay matalino ito ngunit parang nagiging uto-uto na ito sa Milagros na iyon. Mainit pa naman ang dugo niya sa babaeng iyon kaya hindi niya matanggap na pinapakitaan iyon ng kabutihan ni Monica.
&ldq
“NGAYON ko lang nalaman na isa ka na palang charity institution.”Napahinto si Monica sa akmang pag-akyat sa hagdan para sana pumunta sa kaniyang silid nang marinig niya ang boses ni Valentina ng gabing iyon. Lumabas ito mula sa kusina. Nakasuot ito ng gold night dress at may hawak na isang bote ng wine at baso.“What do you mean?” Nagtataka niyang tanong. Humakbang ito palapit sa kaniya.“Ikaw pala ang sumagot ng reception and catering sa kasal ng personal alalay mo. You even bought gown for her. At may nakapagsabi rin sa akin na nagbigay ka pa sa kaniya ng half million pesos. So, I guess, tumutulong ka na sa mga hampaslupa ngayon. Baka naman makakuha ka na ng Nobel Prize Award niyan!”“I am just doing what I think is right. Milagros saved my life—”“Kung hindi dahil sa kaniya ay wala ka na!” gagad nito. “Monica, I already k
IKINAGULAT ni Monica ang pagpunta ni Ambrose sa opisina ng umagang iyon dahil ang buong akala niya ay may pinuntahan ito ng araw na iyon. Napakagwapo nito sa simpleng black polo shirt at white shorts and rubber shoes. Sino bang mag-aakala na thirty years old na ang boyfriend niya? Marunong kasi itong mag-alaga sa sarili nitong katawan. Bukod sa gym ay nagpupunta rin ito kung minsan sa isang kilalang derma clinic para magpa-alaga ng balat nito.Lumapit si Ambrose upang gawaran siya ng mabilis na halik sa labi. “You look surprised, hon.” Nakangiting wika ni Ambrose.“I am surprised. Akala ko kasi ay may lakad ka today tapos nandito ka ngayon. What brought you here?” Hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Monica.Kasalukuyang nasa kabilang table si Milagros ng sandaling iyon at abala ito sa pag-check ng mga papeles na kailangan niyang pirmahan mamaya.“Gusto ko lang ibigay sa i
SA isang kilalang fastfood restaurant dinala ni Martin ang kaniyang asawa na si Milagros. Kung sa ibang couple ay normal nang kumain sa ganoong kainan, sa kanilang dalawa ay malaking bagay na iyon at talagang espesyal. Hindi naman sila kasi iyong maraming pera na kahit anong oras at araw ay makakakain sa labas. Kaya naman kapag may ganoon silang pagkakataon ay talagang masayang-masaya silang dalawa.Habang nakapila si Martin ay manaka-naka niyang sinusulyapan si Milagros sa kinauupuan nito. Hindi pa rin siya makapaniwala na sa sandaling iyon ay mag-asawa na sila. Misis na niya si Milagros.Noon ay tila nag-alinlangan siya na ituloy ang pagpapakasal nila dahil sa natakot lang siya na baka makuha ito ng iba sa kaniya. Ngayon ay nawala na ang alinlangan na iyon. Hindi siya nagsisisi na si Milagros ang babaeng makakasama niya habangbuhay. Ito ang babaeng noon pa man ay pinapangarap niya. Maganda ngunit napaka simple. Kah
PAGKASANDAL ni Martin kay Milagros sa malamig na dingding ng banyo ay agad niyang sinunggaban ang malambot nitong labi at hinalikan iyon na para bang isa siyang hayop na gutom na gutom. Walang tigil ang isang kamay niya sa paghaplos sa iba’t ibang parte ng katawan ng kaniyang napakagandang asawa. Umabot na nga sa pagkababae ni Milagros ang kamay niya at gamit ang mga daliri ay nilaro-laro niya ang bukana no’n.Kumawala sa bibig ni Milagros ang walang pagtitimping ungol. Mahigpit itong napakapit sa magkabilang niyang balikat. Sinelyuhan niya ang bibig nito ng halik para pigilan ang ungol nito.Pinatalikod niya ang kaniyang asawa at niyakap niya ito mula sa likuran habang ang dalawa niyang kamay ay hinahawakan ang mga dibdib ni Milagros. Mariin niyang ikinukuskos ang matigas niyang pagkalalaki sa likuran ni Milagros at manaka-naka’y ginagawaran niya ng halik ang makinis nitong likod.Labis ang
NAPAPALAKPAK sa tuwa si Monica nang sa wakas ay natapos na nila ni Milagros ang huling task nila para sa linggo na iyon. Nagawa nilang lahat ang mga gagawin nila sa deadline nila na Friday. Gusto pa nga sana niyang yakapin si Milagros pero dahil sa hindi siya mayakap na tao ay hindi na lang niya ginawa. Saka baka ma-weirduhan pa ito sa kaniya.“Good job, Milagros! I cannot do these kung hindi dahil sa tulong mo!” Masayang turan niya sa kaniyang personal assistant.“Naku, hindi mo na kailangang magpasalamat dahil ginagawa ko lang ang trabaho ko, Miss Monica.”“No. Kung iba siguro ang kinuha kong PA ko ay baka namumroblema ako ngayon. And because of that, matutuloy na talaga ang cabin date namin bukas ni Ambrose.”“Oo nga, Miss Monica. Enjoy kayo roon ni Sir Ambrose saka mag-iingat po kayo.”“Thank you. By the way, tapos na ang work natin for th
PAALIS na sana si Valentina at ang kausap niyang tauhan nang makarinig siya ng matining na tunog mula sa loob ng opisina ni Monica. Parang may barya o maliit na metal na nalaglag sa sahig. Agad siyang kinabahan dahil mukhang may tao pa pala sa loob ng opisina. Ang buong akala niya ay wala na dahil nag-chat si Monica sa kaniya at nagsabi ito na pauwi na.Nagkatinginan sila ng kasama niya at nang sabay silang tumingin sa pinto ng opisina ay doon niya lang napansin na may kaunti iyong awang. Napatunayan niyang merong tao sa loob nang biglang puminid ang pinto.Malakas niyang hinampas sa likod ang tauhan. “Bilisan mo! Tingnan mo kung sino ang nasa loob!” sigaw ni Valentina.Sumunod siya sa lalaki nang lumapit ito sa pinto. Kinatok nito iyon nang malakas at pinilit na buksan ang door knob pero lahat ng iyon ay walang nagawa para mabuksan ang pinto.“Sinong nandiyan?! Buksan mo itong pinto!&
NATIGALGAL si Milagros nang makita niya si Valentina sa bahay nina Martin. Kahit nakangiti ito sa kaniya ay nakakatakot pa rin ito. Bigla siyang kinabahan nang makita na kausap nito ang kaniyang asawa. Nagkaroon tuloy siya ng hinala na baka alam na nito na siya ang nasa loob ng opisina ni Monica na nakarinig sa pinag-uusapan nito at no’ng lalaki.Kung tama ang hinala niya ay nasa panganib na ngayon ang buhay niya at ng lahat ng taong malapit sa kaniya. Malamang, poprotektahan ni Valentina ang pinaka tatago nitong madilim na sikreto lalo na ngayong tumatakbo ito bilang governor sa kanilang bayan.“M-madam, a-anong ginagawa ninyo dito?” Pilit niyang itinatago ang takot sa tanong niya.“I just want to talk to you. Kahit ilang minuto lang. Pwede ba?” Akala mo ay maamong tupa na turan ni Valentina. Matiim siya nitong tiningnan nang diretso sa mga mata at alam niya na meron iyong kahulu
MAHIMBING nang natutulog ang buong ni Martin ng gabing iyon nang walang anu-ano’y nagising siya nang makarinig ng tatlong magkakasunod na pagkatok sa pinto. Sa lahat ng naroon ay tanging siya lamang ang nagising dahil siguro sa mababaw siyang matulog.Nagtataka siya kung sino ang kakatok ng ganoong oras sa bahay nila lalo na at unang beses iyong nangyari. Pumasok tuloy sa isip niya na baka merong nangti-trip kaya hindi muna siya tumayo. Hanggang sa naulit ang pagkatok. Doon na siya nagdesisyon na tumayo upang malaman kung sino iyon.Tiwalang binuksan ni Martin ang pinto dahil wala namang krimen ng pagnanakaw o pagpatay sa lugar nila. Tuluyang nawala ang antok niya nang pagbukas niya ng pinto ay may nakita siyang tatlong lalaking may suot na bonnet mask habang ang isa ay diretso siyang tinutukan ng baril sa mukha.Natigalgal si Martin. Hindi siya nakagalaw dahil hindi niya alam kung ano ang nangyayari.
“ANG akala mo yata ay makakatakas ka sa akin? Hindi, Milagros! Sa dami ng naging atraso mo sa akin, hindi ako makakapayag na mabubuhay ka pa. Ako mismo ang dapat na pumatay sa iyo!” Nangingilid na ang luha ni Valentina sa sobrang galit na kaniyang nararamdaman ng sandaling iyon.Nakatutok sa mukha ng Milagros ang baril na kaniyang hawak.Mula sa umiiyak na mukha ni Milagros ay naging matigas iyon. “Wala akong atraso sa iyo, Valentina! Ikaw ang nagsabi sa akin na ako si Monica at totoong wala akong naaalala noon! Kung anuman ang nangyayari sa iyo ngayon, ikaw ang lahat ng may kagagawan. Ikaw ang may kasalanan ng lahat kung bakit ka bumagsak! Masyado kang nagpabulag sa pera kahit mayaman ka na at lahat na ay nasa iyo. Ang pagiging ganid at makasarili mo ang nagtulak sa iyo kung nasaan ka ngayon! Kaya huwag mo akong sisisihin!”Nanlisik ang mga mata niya. Tumagos sa puso niya ang mga sinab
KINSE minutos pa lamang ang nakakalipas simula nang makausap ni Martin si Ambrose ngunit parang isang araw na siyang naghihintay sa may gilid ng kalsada papunta sa kasukalan na maaaring kinaroroonan ni Milagros.Hindi niya kayang pakalmahin ang sarili gayong alam niya na si Valentina ang may hawak sa asawa niya at alam na pala nito na hindi si Monica ito. Kaya alam niya kung gaano kagalit ngayon si Valentina at base sa mga patong-patong na kaso nito ngayon ay hindi maipagkakaila na kaya nitong patayin si Milagros.Kanina pa rin siya nagdadasal na sana ay maging ligtas si Milagros at buhay nila itong mabawi kay Valentina dahil hindi niya magagawang patawarin ang sarili sa sandaling may nangyaring hindi maganda sa kaniyang asawa at sa anak nila na nasa sinapupunan nito.Palakad-lakad siya at hindi mapirmi sa iisang pwesto. Nagtatalo ang utak niya kung dapat na ba siyang sumuong sa kasukalan o hintayin niya si Am
HINDI makapaniwala si Milagros na maging si Ambrose ay idadamay ni Valentina sa masasama nitong balak lalo na’t alam niya na walang ginawang masama ang lalaki rito. Base sa pagkakarinig niya sa pakikipag-usap ni Valentina kay Ambrose sa cellphone ay papapuntahin ng una ang huli sa lugar na iyon. Kunwari ay ipagpapalit siya ni Valentina sa dalang pera ni Ambrose ngunit hindi iyon totoo sapagkat kapag nakuha na ni Valentina ang pera ay papatayin na nito si Ambrose.Talagang ubod ito ng sama kaya kahit natatakot siya ng sandaling iyon ay hindi niya pa rin ito dapat hayaan na magtagumpay!Sa oras na iyon ay mahimbing na ang tulog ni Valentina at ng babaeng kasama nito na narinig niya na ang pangalan ay Lukring.Kaya naman pala hirap na hirap ang mga pulis na malaman kung nasaan si Valentina ay dahil sa gitna ng kasukalan ito nagtatago. Sino nga ba namang mag-aakala na ang sosyal at ubod ng yaman na si Valent
“SIGURADO ka ba na hindi na makakawala ang babaeng iyan?” Paninigurong tanong ni Valentina kay Lukring matapos nitong itali si Milagros sa isang haligi ng kubo nito.Nakaupo sa sahig sa Milagros habang nakatali ang mga kamay sa likod na nakatali rin sa haligi. Maging ang mga paa nito ay may tali rin upang makasiguro sila na hindi nito magagawang manipa. May busal din ito sa bibig. Kahit naman magsisigaw ito ay walang makakarinig dito ngunit mas mabuti na ang sigurado. Nang sandaling iyon ay wala pa rin itong malay.“Of course naman! Matibay na matibay iyan! Wala ka bang tiwala sa akin?” Turo pa ni Lukring sa sarili.“Talaga bang tinatanong mo ako niyan, Lukring? Of course din! Wala!”“Wala rin. Wala ka ring choice kundi magtiwala sa akin kasi ako lang ang kakampi mo ngayon!” At nakakalokong tumawa si Lukring na ikinairita niya. Akala mo kasi ay isa itong m
“MILAGROS, nandito na ako!” Masiglang turan ni Martin pagkapasok niya sa bahay.Napakunot-noo siya nang mapagtantong nakapatay lahat ng ilaw. Una siyang nagpunta sa kusina dahil ang inaasahan niya ay naroon ang kaniyang asawa dahil ang sabi nito ay magluluto ito pero hindi niya rin natagpuan roon si Milagros. Maging sa banyo, kwarto at likod-bahay ay wala rin ito. Nagbalik siya sa sala at umupo.Inilabas niya ang cellphone upang tawagan si Milagros. Ilang beses na niyang tinawagan ito pero hindi nito sinasagot ang mga tawag niya.Kahit hindi pa man niya alam kung nasaan ang kaniyang asawa ay hindi niya maiwasan ang kabahan. Kapag kasi ganoong hindi niya alam kung nasaan si Milagros ay talagang kung anu-ano na ang pumapasok sa kaniyang isip. Hindi na niya iyon maiwasan matapos ang mga nangyari. Ang hirap alisin na maging paranoid lalo na at alam niya na hanggang sa sandaling iyon ay hindi pa rin nah
“ANO bang ginagawa natin dito, Valentina? Hindi ba tayo papasok sa loob ng resort? Magbe-beach ba tayo para makapag-relax? Sayang, wala akong dalang bathing suit!” Pangungulit na tanong ni Lukring.Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Valentina sa kasama. Kasalukuyan silang nasa labas ng resort ng hapon na iyon. May nakabalabal na scarf sa kaniya ulo upang walang makakilala sa kaniya. “Tumahimik ka nga! Hindi mo ba alam kung magkano ang entrance sa resort na iyan? Kung makapagsalita ka ay parang meron tayong pera! Basta, maghintay ka lang diyan at meron akong hinihintay na lumabas! Saka kilabutan ka nga sa sinasabi mong bathing suit! Hindi bagay sa iyo!” Inis niyang wika.Sumimangot si Lukring at mukhang disappointed. “Wow, ha! Body shamer yarn?!” Hindi na ulit ito nagsalita pa.Matiyaga silang naghintay sa labas ng resort. Medyo malayo sila sa mismong gate entra
“GOOD morning, S-sir Ambrose…” Ang nahihiyang pagbati ni Milagros nang pumasok sa opisina si Ambrose. Hindi siya makatingin dito nang diretso sapagkat kahit paano ay may nararamdaman pa rin siyang pagka-ilang rito nang dahil sa mga nangyari.“Good morning, Milagros!” ganting bati ng lalaki.Bahagya siyang nabigla nang mapansin niya ang sigla sa boses ni Ambrose. Maging ang dating nito sa umagang iyon ay tila masaya at maaliwalas ang mukha nito. Maganda yata ang gising ng kaniyang boss ng umaga na iyon.Ang akala niya ay didiretso ito sa table nito ngunit sa kaniya ito lumapit at umupo sa upuan sa kaniyang harapan. “Milagros, gusto kong malaman mo na hindi ako galit sa iyo. Naiintindihan ko ang mga ginawa mo at biktima ka rin ng mga naging kilos noon ni Valentina,” seryosong turan nito.Hindi niya alam kung paano nalaman ni Ambrose ang kaniyang nararamdaman ngun
“IF you don’t want to help me, sabihin mo. Hindi `yong may suggestion ka pa na sumuko ako sa mga pulis. Wala kang alam sa pinagdadaanan ko, Ambrose. Hindi mo alam kung bakit ayokong sumuko at mas pinipili kong magtago ngayon!” Malakas na itinulak ni Valentina si Ambrose.Labis ang disappointment na nararamdaman niya dahil umasa siya nang malaki na si Ambrose ang makakatulong sa kaniya at hindi siya nito bibiguin. Pero nagkamali siya ng akala dahil ang nais nito ay sumuko siya.Maya maya ay narinig niya ang pagbukas ng pinto. Agad na ibinalabal ni Valentina ang scarf sa kaniyang ulo.“Sir, ready na po—” Nagulat ang babaeng dumating na base sa suot ay alam niyang masahista. “Hoy! Sino ka? Anong ginagawa mo rito?!”“It’s okay. Nanlilimos lang siya at pumasok dito,” turan ni Ambrose.Tumalim ang mga mata ni Valentina habang nakatingin
SUMABOG na ang kalungkutan at paninisi sa sarili ni Milagros nang muli niyang binalikan ang mga nangyari kung bakit humantong sa aksidenteng bumago sa buhay niya ang lahat. Nasa puso niya pa rin ang pagsisisi kung bakit namatay si Monica. Alam niya na kung hindi lang sana siya sumunod sa lahat ng sinabi ni Monica at mas kinumbinse niya itong sumuko na lang ay baka buhay pa ang kaniyang kaibigan. Baka nagawa pa nitong sabihin ang katotohanan at paniwalaan ito ng lahat hanggang sa mapawalang-sala ito sa ibinato rito noon.Ngunit wala na. Huli na ang lahat. Kahit anong pagsisisi ang kaniyang gawin ay hindi na maibabalik ang buhay na nawala.Kahit masakit para sa kaniya na balikan ang pangyayaring iyon ay hindi niya naisipan na ipagdamot iyon kay Ambrose. Dapat nitong malaman na wala talagang kasalanan si Monica at hindi totoo ang mga sinasabi ng mga tao tungkol dito.Habang halos hindi na siya makahinga sa pag-iy