PAALIS na sana si Valentina at ang kausap niyang tauhan nang makarinig siya ng matining na tunog mula sa loob ng opisina ni Monica. Parang may barya o maliit na metal na nalaglag sa sahig. Agad siyang kinabahan dahil mukhang may tao pa pala sa loob ng opisina. Ang buong akala niya ay wala na dahil nag-chat si Monica sa kaniya at nagsabi ito na pauwi na.
Nagkatinginan sila ng kasama niya at nang sabay silang tumingin sa pinto ng opisina ay doon niya lang napansin na may kaunti iyong awang. Napatunayan niyang merong tao sa loob nang biglang puminid ang pinto.
Malakas niyang hinampas sa likod ang tauhan. “Bilisan mo! Tingnan mo kung sino ang nasa loob!” sigaw ni Valentina.
Sumunod siya sa lalaki nang lumapit ito sa pinto. Kinatok nito iyon nang malakas at pinilit na buksan ang door knob pero lahat ng iyon ay walang nagawa para mabuksan ang pinto.
“Sinong nandiyan?! Buksan mo itong pinto!&
NATIGALGAL si Milagros nang makita niya si Valentina sa bahay nina Martin. Kahit nakangiti ito sa kaniya ay nakakatakot pa rin ito. Bigla siyang kinabahan nang makita na kausap nito ang kaniyang asawa. Nagkaroon tuloy siya ng hinala na baka alam na nito na siya ang nasa loob ng opisina ni Monica na nakarinig sa pinag-uusapan nito at no’ng lalaki.Kung tama ang hinala niya ay nasa panganib na ngayon ang buhay niya at ng lahat ng taong malapit sa kaniya. Malamang, poprotektahan ni Valentina ang pinaka tatago nitong madilim na sikreto lalo na ngayong tumatakbo ito bilang governor sa kanilang bayan.“M-madam, a-anong ginagawa ninyo dito?” Pilit niyang itinatago ang takot sa tanong niya.“I just want to talk to you. Kahit ilang minuto lang. Pwede ba?” Akala mo ay maamong tupa na turan ni Valentina. Matiim siya nitong tiningnan nang diretso sa mga mata at alam niya na meron iyong kahulu
MAHIMBING nang natutulog ang buong ni Martin ng gabing iyon nang walang anu-ano’y nagising siya nang makarinig ng tatlong magkakasunod na pagkatok sa pinto. Sa lahat ng naroon ay tanging siya lamang ang nagising dahil siguro sa mababaw siyang matulog.Nagtataka siya kung sino ang kakatok ng ganoong oras sa bahay nila lalo na at unang beses iyong nangyari. Pumasok tuloy sa isip niya na baka merong nangti-trip kaya hindi muna siya tumayo. Hanggang sa naulit ang pagkatok. Doon na siya nagdesisyon na tumayo upang malaman kung sino iyon.Tiwalang binuksan ni Martin ang pinto dahil wala namang krimen ng pagnanakaw o pagpatay sa lugar nila. Tuluyang nawala ang antok niya nang pagbukas niya ng pinto ay may nakita siyang tatlong lalaking may suot na bonnet mask habang ang isa ay diretso siyang tinutukan ng baril sa mukha.Natigalgal si Martin. Hindi siya nakagalaw dahil hindi niya alam kung ano ang nangyayari.
“HINALUGHOG niyo ba nang mabuti ang bahay? Sigurado ba kayo na wala kayong nakitang cellphone na pagmamay-ari ng Milagros na iyon?” Paninigurong tanong ni Valentina kay Robert nang magkita sila sa kaniyang warehouse.“Wala po talaga, madam. Ang ibang cellphone na naroon ay puro basic phone. Hindi kayang magrecord ng video o boses. Lumang model na, madam,” sagot ng kaniyang tauhan.Tumango siya at pinaalis na niya sa harapan niya si Robert.Nang mapag-isa ay nahulog siya sa malalim na pag-iisip. Tila nakakapagtaka na walang cellphone ni Milagros na nakuha sa bahay kung saan ito nakatira. Bigla siyang natigilan nang may pumasok sa isip niya.Hindi kaya… nasa office ni Monica ang cellphone ni Milagros? Tanong niya sa kaniyang sarili.Nang dahil sa naisip niyang iyon ay agad niyang tinawagan si Monica. Gusto niyang malaman kung nasaan ito dahil sa pagkakatanda
“SHE’S here na!”Nagulat si Erika sa biglang paghampas ni Veron sa kaniyang braso habang nagsa-sunbathing sila sa gilid ng pool. Kasalukuyan silang nasa resort and cabin kung saan naroon din si Monica. Kahit may kamahalan ang day tour sa lugar na iyon ay talagang tumuloy pa rin sila upang maisakatuparan ang pinaplano nila kay Monica upang mas lalo siyang sumikat at kaawaan ng netizens.Day tour lamang ang kinuha nila dahil iyon lang ang kaya nila. Kaya kailangan ay maisagawa na nila ang kanilang plano dahil pagsapit ng ala-sais ng gabi ay kailangan na nilang umalis. Open cottage lamang ang meron sila at wala silang room.Sa pagkakaalam nila at base sa reservation slip na nakita nila sa social media ni Monica ay nasa isang private cabin ito. Ang mga private cabin ay nasa paligid ng malaking lawa at may kalayuan pa iyon sa kinaroroonan nila.“Aray ko! Pwede mo naman akong tawagin nang hindi mo ako sinasaktan!” Maarteng turan ni Erika sabay tingin sa cellphone ng kaibigan.Nakita ni
HINDI na kinakaya ni Monica ang tila pag-iinarte ni Erika. Talagang kailangan na nitong umalis ng cabin niya at pagkatapos ay tatawag siya sa staff upang i-secure nang maigi ang paligid niya at baka bumalik pa ang babaeng iyon na parang nasisiraan na yata ng bait.Malakas niyang hinila si Erika papunta sa hagdan. Medyo nagwawala na ito at sumisigaw na nasasaktan ito. Hindi naman ito masasaktan kung hindi ito nagpupumiglas.“Shut up!” sigaw ni Monica ngunit mas lalong nagsisigaw ang babae.Talagang akala mo ay intensyunal ang pananakit na nararanasan nito mula sa kaniya. Kung hindi niya kasi ito pupwersahin ay hindi siya magtatagumpay na hilahin ito.Nang nasa unang steps na siya ng hagdan ay kumapit si Erika sa barandilya upang mas mahirapan siya sa paghila rito. “Let go and get out!” Nanlilisik ang matang asik niya sa babae.“Please, Miss Monica! Isang picture lang! `Wag niyo naman pong ipagdamot iyon sa akin lalo na’t ikaw po ang nagpapunta sa akin dito—”“That’s a lie! Ba
HINDI na mapakali si Monica. Kahit alam niya na ilang minuto at maaaring hanggang isang oras pa ang magiging biyahe ni Milagros bago roon makarating ay hindi pa rin niya maiwasan ang mainip sa pagdating nito.Tumawag na siya sa front desk at in-inform na niya roon na may darating siyang kasama at nagbayad na rin siya gamit ang kaniyang card. Nagbigay siya ng instruction na papasukin iyong sasakyan ng kasama niya hanggang sa mismong tapat ng cabin niya. Maraming dala si Milagros at mahihirapan itong bitbitin ang mga iyon. Ayaw niya kasi na merong tutulong ritong ibang tao dahil baka makahalata kung bakit may dala ito ng mga pinabili niya.Hindi na niya tinitingnan ang katawan ni Erika dahil talagang inuusig siya ng konsensiya. Kahit sabihin na hindi niya sinasadya ang nangyari ay hindi pa rin niya maitatanggi na siya ang dahilan kung bakit ito nahulog sa hagdan at namatay.Bahagya nang natutuyo ang dugong nagka
KULANG na lang ay mapatalon sa gulat si Milagros nang may kumatok sa pinto ng cabin. Naguguluhan at natatakot na nagkatinginan sila ni Monica. Nagtatanong ang mata niya kung ano ba ang dapat nilang gawin. Hindi siya makagalaw sa pagkakaluhod sa sahig at napahinto na rin siya sa ginagawang pagkuskos ng dugo sa sahig. Walang pagsidlan ang kaba niya ng sandaling iyon.Si Monica ang lumapit sa pinto pero hindi nito iyon binuksan kahit patuloy ang pagkatok. “Sino `yan?” Malakas na tanong ni Monica.“Miss Monica, staff po ako rito sa cabin. Nandito na po iyong nirequest ninyo na wine.” Boses iyon ng isang babae.Sa buka ng bibig ni Monica ay alam niya na nagmura ito. “Ayoko na pala ng wine. Ipapa-cancel ko na lang iyan.”“Pero hindi na po pwedeng ipa-cancel kasi nasa bill niyo na po ito—”“Then `wag ninyong alisin sa bill! Kahit triplehin niyo
MABILIS na narating nina Monica at Milagros ang tinukoy na resthouse ng una. Sinalubong sila ng isang matandang babaeng caretaker na nagtaka sa biglaan na pagdating ni Monica. Hindi na matandaan ni Monica kung kailan ang huling beses siyang nakabisita sa resthouse nilang iyon. Sa lahat kasi ng bahay-bakasyunan nila ay iyon ang hindi niya talaga gusto. Masyadong malayo sa kabihasnan at medyo problema rin ang tubig.“Bakit hindi man lang kayo nagpasabi, Miss Monica? Hindi ko tuloy kayo naipaghanda ng almusal ng iyong kasama,” turan ng caretaker nang makapasok na sila sa loob ng resthouse.“Don’t worry, manang. Busog pa naman kami. We’ll just want to check this place kasi may possible buyer ako.” Itinuro niya si Milagros na sobrang nagulat.“A-ako? Buyer?” Nagtatakang turo nito sa sarili.“Yes, Miss Milagros. Right?” May kasamang panlalaki ng mata
“ANG akala mo yata ay makakatakas ka sa akin? Hindi, Milagros! Sa dami ng naging atraso mo sa akin, hindi ako makakapayag na mabubuhay ka pa. Ako mismo ang dapat na pumatay sa iyo!” Nangingilid na ang luha ni Valentina sa sobrang galit na kaniyang nararamdaman ng sandaling iyon.Nakatutok sa mukha ng Milagros ang baril na kaniyang hawak.Mula sa umiiyak na mukha ni Milagros ay naging matigas iyon. “Wala akong atraso sa iyo, Valentina! Ikaw ang nagsabi sa akin na ako si Monica at totoong wala akong naaalala noon! Kung anuman ang nangyayari sa iyo ngayon, ikaw ang lahat ng may kagagawan. Ikaw ang may kasalanan ng lahat kung bakit ka bumagsak! Masyado kang nagpabulag sa pera kahit mayaman ka na at lahat na ay nasa iyo. Ang pagiging ganid at makasarili mo ang nagtulak sa iyo kung nasaan ka ngayon! Kaya huwag mo akong sisisihin!”Nanlisik ang mga mata niya. Tumagos sa puso niya ang mga sinab
KINSE minutos pa lamang ang nakakalipas simula nang makausap ni Martin si Ambrose ngunit parang isang araw na siyang naghihintay sa may gilid ng kalsada papunta sa kasukalan na maaaring kinaroroonan ni Milagros.Hindi niya kayang pakalmahin ang sarili gayong alam niya na si Valentina ang may hawak sa asawa niya at alam na pala nito na hindi si Monica ito. Kaya alam niya kung gaano kagalit ngayon si Valentina at base sa mga patong-patong na kaso nito ngayon ay hindi maipagkakaila na kaya nitong patayin si Milagros.Kanina pa rin siya nagdadasal na sana ay maging ligtas si Milagros at buhay nila itong mabawi kay Valentina dahil hindi niya magagawang patawarin ang sarili sa sandaling may nangyaring hindi maganda sa kaniyang asawa at sa anak nila na nasa sinapupunan nito.Palakad-lakad siya at hindi mapirmi sa iisang pwesto. Nagtatalo ang utak niya kung dapat na ba siyang sumuong sa kasukalan o hintayin niya si Am
HINDI makapaniwala si Milagros na maging si Ambrose ay idadamay ni Valentina sa masasama nitong balak lalo na’t alam niya na walang ginawang masama ang lalaki rito. Base sa pagkakarinig niya sa pakikipag-usap ni Valentina kay Ambrose sa cellphone ay papapuntahin ng una ang huli sa lugar na iyon. Kunwari ay ipagpapalit siya ni Valentina sa dalang pera ni Ambrose ngunit hindi iyon totoo sapagkat kapag nakuha na ni Valentina ang pera ay papatayin na nito si Ambrose.Talagang ubod ito ng sama kaya kahit natatakot siya ng sandaling iyon ay hindi niya pa rin ito dapat hayaan na magtagumpay!Sa oras na iyon ay mahimbing na ang tulog ni Valentina at ng babaeng kasama nito na narinig niya na ang pangalan ay Lukring.Kaya naman pala hirap na hirap ang mga pulis na malaman kung nasaan si Valentina ay dahil sa gitna ng kasukalan ito nagtatago. Sino nga ba namang mag-aakala na ang sosyal at ubod ng yaman na si Valent
“SIGURADO ka ba na hindi na makakawala ang babaeng iyan?” Paninigurong tanong ni Valentina kay Lukring matapos nitong itali si Milagros sa isang haligi ng kubo nito.Nakaupo sa sahig sa Milagros habang nakatali ang mga kamay sa likod na nakatali rin sa haligi. Maging ang mga paa nito ay may tali rin upang makasiguro sila na hindi nito magagawang manipa. May busal din ito sa bibig. Kahit naman magsisigaw ito ay walang makakarinig dito ngunit mas mabuti na ang sigurado. Nang sandaling iyon ay wala pa rin itong malay.“Of course naman! Matibay na matibay iyan! Wala ka bang tiwala sa akin?” Turo pa ni Lukring sa sarili.“Talaga bang tinatanong mo ako niyan, Lukring? Of course din! Wala!”“Wala rin. Wala ka ring choice kundi magtiwala sa akin kasi ako lang ang kakampi mo ngayon!” At nakakalokong tumawa si Lukring na ikinairita niya. Akala mo kasi ay isa itong m
“MILAGROS, nandito na ako!” Masiglang turan ni Martin pagkapasok niya sa bahay.Napakunot-noo siya nang mapagtantong nakapatay lahat ng ilaw. Una siyang nagpunta sa kusina dahil ang inaasahan niya ay naroon ang kaniyang asawa dahil ang sabi nito ay magluluto ito pero hindi niya rin natagpuan roon si Milagros. Maging sa banyo, kwarto at likod-bahay ay wala rin ito. Nagbalik siya sa sala at umupo.Inilabas niya ang cellphone upang tawagan si Milagros. Ilang beses na niyang tinawagan ito pero hindi nito sinasagot ang mga tawag niya.Kahit hindi pa man niya alam kung nasaan ang kaniyang asawa ay hindi niya maiwasan ang kabahan. Kapag kasi ganoong hindi niya alam kung nasaan si Milagros ay talagang kung anu-ano na ang pumapasok sa kaniyang isip. Hindi na niya iyon maiwasan matapos ang mga nangyari. Ang hirap alisin na maging paranoid lalo na at alam niya na hanggang sa sandaling iyon ay hindi pa rin nah
“ANO bang ginagawa natin dito, Valentina? Hindi ba tayo papasok sa loob ng resort? Magbe-beach ba tayo para makapag-relax? Sayang, wala akong dalang bathing suit!” Pangungulit na tanong ni Lukring.Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Valentina sa kasama. Kasalukuyan silang nasa labas ng resort ng hapon na iyon. May nakabalabal na scarf sa kaniya ulo upang walang makakilala sa kaniya. “Tumahimik ka nga! Hindi mo ba alam kung magkano ang entrance sa resort na iyan? Kung makapagsalita ka ay parang meron tayong pera! Basta, maghintay ka lang diyan at meron akong hinihintay na lumabas! Saka kilabutan ka nga sa sinasabi mong bathing suit! Hindi bagay sa iyo!” Inis niyang wika.Sumimangot si Lukring at mukhang disappointed. “Wow, ha! Body shamer yarn?!” Hindi na ulit ito nagsalita pa.Matiyaga silang naghintay sa labas ng resort. Medyo malayo sila sa mismong gate entra
“GOOD morning, S-sir Ambrose…” Ang nahihiyang pagbati ni Milagros nang pumasok sa opisina si Ambrose. Hindi siya makatingin dito nang diretso sapagkat kahit paano ay may nararamdaman pa rin siyang pagka-ilang rito nang dahil sa mga nangyari.“Good morning, Milagros!” ganting bati ng lalaki.Bahagya siyang nabigla nang mapansin niya ang sigla sa boses ni Ambrose. Maging ang dating nito sa umagang iyon ay tila masaya at maaliwalas ang mukha nito. Maganda yata ang gising ng kaniyang boss ng umaga na iyon.Ang akala niya ay didiretso ito sa table nito ngunit sa kaniya ito lumapit at umupo sa upuan sa kaniyang harapan. “Milagros, gusto kong malaman mo na hindi ako galit sa iyo. Naiintindihan ko ang mga ginawa mo at biktima ka rin ng mga naging kilos noon ni Valentina,” seryosong turan nito.Hindi niya alam kung paano nalaman ni Ambrose ang kaniyang nararamdaman ngun
“IF you don’t want to help me, sabihin mo. Hindi `yong may suggestion ka pa na sumuko ako sa mga pulis. Wala kang alam sa pinagdadaanan ko, Ambrose. Hindi mo alam kung bakit ayokong sumuko at mas pinipili kong magtago ngayon!” Malakas na itinulak ni Valentina si Ambrose.Labis ang disappointment na nararamdaman niya dahil umasa siya nang malaki na si Ambrose ang makakatulong sa kaniya at hindi siya nito bibiguin. Pero nagkamali siya ng akala dahil ang nais nito ay sumuko siya.Maya maya ay narinig niya ang pagbukas ng pinto. Agad na ibinalabal ni Valentina ang scarf sa kaniyang ulo.“Sir, ready na po—” Nagulat ang babaeng dumating na base sa suot ay alam niyang masahista. “Hoy! Sino ka? Anong ginagawa mo rito?!”“It’s okay. Nanlilimos lang siya at pumasok dito,” turan ni Ambrose.Tumalim ang mga mata ni Valentina habang nakatingin
SUMABOG na ang kalungkutan at paninisi sa sarili ni Milagros nang muli niyang binalikan ang mga nangyari kung bakit humantong sa aksidenteng bumago sa buhay niya ang lahat. Nasa puso niya pa rin ang pagsisisi kung bakit namatay si Monica. Alam niya na kung hindi lang sana siya sumunod sa lahat ng sinabi ni Monica at mas kinumbinse niya itong sumuko na lang ay baka buhay pa ang kaniyang kaibigan. Baka nagawa pa nitong sabihin ang katotohanan at paniwalaan ito ng lahat hanggang sa mapawalang-sala ito sa ibinato rito noon.Ngunit wala na. Huli na ang lahat. Kahit anong pagsisisi ang kaniyang gawin ay hindi na maibabalik ang buhay na nawala.Kahit masakit para sa kaniya na balikan ang pangyayaring iyon ay hindi niya naisipan na ipagdamot iyon kay Ambrose. Dapat nitong malaman na wala talagang kasalanan si Monica at hindi totoo ang mga sinasabi ng mga tao tungkol dito.Habang halos hindi na siya makahinga sa pag-iy