KULANG na lang ay mapatalon sa gulat si Milagros nang may kumatok sa pinto ng cabin. Naguguluhan at natatakot na nagkatinginan sila ni Monica. Nagtatanong ang mata niya kung ano ba ang dapat nilang gawin. Hindi siya makagalaw sa pagkakaluhod sa sahig at napahinto na rin siya sa ginagawang pagkuskos ng dugo sa sahig. Walang pagsidlan ang kaba niya ng sandaling iyon.
Si Monica ang lumapit sa pinto pero hindi nito iyon binuksan kahit patuloy ang pagkatok. “Sino `yan?” Malakas na tanong ni Monica.
“Miss Monica, staff po ako rito sa cabin. Nandito na po iyong nirequest ninyo na wine.” Boses iyon ng isang babae.
Sa buka ng bibig ni Monica ay alam niya na nagmura ito. “Ayoko na pala ng wine. Ipapa-cancel ko na lang iyan.”
“Pero hindi na po pwedeng ipa-cancel kasi nasa bill niyo na po ito—”
“Then `wag ninyong alisin sa bill! Kahit triplehin niyo
MABILIS na narating nina Monica at Milagros ang tinukoy na resthouse ng una. Sinalubong sila ng isang matandang babaeng caretaker na nagtaka sa biglaan na pagdating ni Monica. Hindi na matandaan ni Monica kung kailan ang huling beses siyang nakabisita sa resthouse nilang iyon. Sa lahat kasi ng bahay-bakasyunan nila ay iyon ang hindi niya talaga gusto. Masyadong malayo sa kabihasnan at medyo problema rin ang tubig.“Bakit hindi man lang kayo nagpasabi, Miss Monica? Hindi ko tuloy kayo naipaghanda ng almusal ng iyong kasama,” turan ng caretaker nang makapasok na sila sa loob ng resthouse.“Don’t worry, manang. Busog pa naman kami. We’ll just want to check this place kasi may possible buyer ako.” Itinuro niya si Milagros na sobrang nagulat.“A-ako? Buyer?” Nagtatakang turo nito sa sarili.“Yes, Miss Milagros. Right?” May kasamang panlalaki ng mata
KAHIT anong pilit na isantabi ni Milagros ang kaniyang konsensiya ay hindi niya iyon magawa. Oo, tinutulungan niya si Monica sa pagtatago ng bangkay ng taong aksidente nitong napatay ngunit sa loob niya ay umiiyak siya at nagdurusa.Alam niya sa sarili na hindi na siya makakabalik pa sa dating siya. Alam niya na hinding-hindi na magiging malinis ang tingin niya sa kaniyang sarili matapos ang pangyayaring iyon.Paano pa niya yayakapin at hahalikan si Martin gayong meron siyang maitim na sikretong itinatago mula rito? Magagawa pa ba niyang turuan ng magandang asal ang magiging anak niya? Magiging magandang ehemplo pa ba siya sa mga ito? Hindi na niya alam ang mga sagot sa tanong niyang iyon na gumugulo sa kaniyang isipan.“And we’re done!”Napapitlag si Milagros mula sa pagkakatulala nang marinig niya ang boses ni Monica. Nagawa na pala nitong takpan ulit ang balon.Kanina, matapo
HINDI makapaniwala si Monica na nakunan pala ng video ang nangyari sa kanila ni Erika sa cabin. Dahil sa putol ang video ay hindi roon nakita ang dahilan kung bakit galit na galit siya kay Erika. Ang nakita lang sa video ay ang pagsigaw niya at paghila kay Erika na naging dahilan upang mahulog ito sa hagdan na naging sanhi ng kamatayan nito.Lahat ng comment na naroon ay nagsasabi na dapat siyang makulong at mabulok sa bilangguan. May mga naging detective na rin na nagsasabi na may galit talaga ako kay Erika kaya ko iyon nagawa. Doon pa lang daw sa naunang video na sinaktan ko si Erika ay halatang may balak na raw akong patayin ito. Ang dami pang mga opinyon ng ibang tao na sobrang exxagerated na.Kung pwede nga lang siya na sumagot sa mga ito para ipaliwanag ang side niya ay ginawa na niya kanina pa. Ngunit hindi niya iyon pwedeng gawin dahil baka iyon pa ang maging dahilan para ma-trace siya ng mga pulis kung nasaa
INIHINTO ni Monica ang kotse sa tapat ng isang convenience store. Si Milagros lang ang pinababa niya dahil sa hindi safe kung may ibang taong makakakita sa kaniya at baka merong makakilala sa kaniya. Sa sandaling iyon ay halos oras-oras na nakapaskil sa telebisyon ang kaniyang mukha kaya hindi imposibleng merong makakakilala sa kaniya.Mabilis lang na nawala si Milagros at pagbalik nito ay may dala na itong mga pagkain at inumin.Ang totoo ay hindi pa nila alam kung saan sila pupunta. Basta ang nasa utak niya ay ang makalayo at makapagtago. Hindi sila maaaring bumalik sa Plaridel dahil mas mapanganib doon.Muling pinaandar ni Monica ang kotse at nag-drive nang walang direksyon na patutunguhan. Sa sandaling iyon ay masaya siya na nagawa nilang takasan ni Milagros ang mga pulis na nagpunta doon sa resthouse.Naiinis pa rin siya sa caretaker nila. Para sa kaniya ay kulang pa ang ginawa niya rito. Kung mara
“TUMIGIL ka kundi papaputukan ka namin!” Ang malakas na sigaw ng mga pulis na humahabol kay Milagros ang narinig niya nang pumasok siya sa isang kasukalan.Maraming matataas na puno at makakapal na halaman sa paligid. Umaga kaya napaka liwanag. Mahihirapan siyang magtago sa mga humahabol sa kaniya.Wala siyang ideya kung paano siya napunta sa lugar na iyon basta ang huli niyang natatandaan ay nagpunta sila ni Monica sa isang motel. Naguguluhan si Milagros sa kung ano ba talaga ang nangyari. Nalaman ba ng mga pulis kung nasaan sila ni Monica? Ang akala ba niya ay hindi siya suspek pero bakit pati siya ay nais na hulihin ng mga pulis?Natagpuan na lang niya ang sariling tumatakbo dahil may mga pulis na humahabol sa kaniya at nais siyang hulihin. Tagaktak na ang pawis sa buo niyang katawan at ramdam na niya ang labis na pagod pero ayaw pa ring huminto ng katawan niya sa
HABANG nag-aalmusal sina Milagros at Monica ay isang tawag ang nag-rehistro sa cellphone ng huli. Pagtingin ni Monica sa cellphone na nasa side table ay agad siyang napasimangot nang malaman na tumatawag si Valentina. Bumalik siya sa pagkain at hinayaan na mag-ring iyon.“Sino `yong tumatawag?” usisa ni Milagros.“As usual, si mama. Alam ko na ang sasabihin niya. Papasukuin niya ako.” Pabalewala niyang tugon habang ngumunguya ng pandesal. “Pero hayaan mo siya. Tapusin na natin `tong breakfast kasi kailangan na nating umalis.”Panay ang tawag ni Valentina at talagang hindi yata ito titigil hangga’t hindi niya ito kinakausap. Papatayin na sana niya ang kaniyang cellphone para hindi na makatawag si Valentina pero naisip niya na dapat niyang masabi rito ang mga nasa loob niya upang huminto na ito sa pakikipag-usap sa kaniya.Dapat lang na malaman ni Valentina na aware siya sa mga plano nito at hindi siya makakapayag na maging biktima nito. Ngunit bago niya sagutin ang tawag ng ina ay
KAHIT ilang buwan pa lang na nakasama ni Monica si Milagros ay kilala na niya ito kahit paano. Madali kasing basahin ang ugali at pagkatao nito kaya nga alam niya na mapagkakatiwalaan ang kaniyang personal assistant. Alam niya rin kapag nagsasabi ito ng totoo at kung ito ay nagsisinungaling.Kagaya ng ikinikilos nito ngayon na hindi ito makapagsalita ng maayos at hindi makatingin ng diretso sa kaniya. Kitang-kita sa kilos ni Milagros na nagsisinungaling ito. Isa pa, nadulas ito kanina at sinabi nitong alam nito kung ano ang negosyo ni Valentina.“Milagros, sabihin mo sa akin kung ano ang nalalaman mo tungkol sa mother ko. Matagal ko nang gustong alamin ang business ng mama ko pero hindi niya sinasabi sa akin ang totoo. Huwag mo sanang ipagkait sa akin na malaman ko ang totoo,” turan ni Monica sa pananahimik ni Milagros.Dahan-dahan na umangat ang mukha ni Milagros at sinalubong ang mata niya. &ldqu
ALAS-DIYES ng gabi. Binabagtas na nina Monica at Milagros ang kadiliman ng daan papunta sa parke kung saan nila kakatagpuin si Ambrose upang kunin ang perang hiniram niya rito.Aminado si Monica na may kaba sa kaniyang dibdib ng sandaling iyon at may mga negatibong bagay pa rin ang tumatakbo sa utak niya kagaya ng baka may kasamang mga pulis si Ambrose. Ngunit pinanghahawakan na lang niya ang pagmamahal ng nobyo niya sa kaniya na hindi nito hahayaan na mapahamak siya. Isa pa, wala na rin siyang pagpipilian pa dahil tanging si Ambrose na lamang ang taong maaari niyang hingian ng perang kailangan nila ni Milagros upang makapagpatuloy sila sa pagtatago.Ayaw naman niya na nagtatago na nga sila ay gutom pa ang kanilang aabutin. Nais niya na kumportable pa rin sila habang nagtatago sa batas at hanggang sa maging okay na ang lahat.Ang totoo ay wala pa rin siyang konkretong plano hanggang sa sandaling iyon at ang ta
“ANG akala mo yata ay makakatakas ka sa akin? Hindi, Milagros! Sa dami ng naging atraso mo sa akin, hindi ako makakapayag na mabubuhay ka pa. Ako mismo ang dapat na pumatay sa iyo!” Nangingilid na ang luha ni Valentina sa sobrang galit na kaniyang nararamdaman ng sandaling iyon.Nakatutok sa mukha ng Milagros ang baril na kaniyang hawak.Mula sa umiiyak na mukha ni Milagros ay naging matigas iyon. “Wala akong atraso sa iyo, Valentina! Ikaw ang nagsabi sa akin na ako si Monica at totoong wala akong naaalala noon! Kung anuman ang nangyayari sa iyo ngayon, ikaw ang lahat ng may kagagawan. Ikaw ang may kasalanan ng lahat kung bakit ka bumagsak! Masyado kang nagpabulag sa pera kahit mayaman ka na at lahat na ay nasa iyo. Ang pagiging ganid at makasarili mo ang nagtulak sa iyo kung nasaan ka ngayon! Kaya huwag mo akong sisisihin!”Nanlisik ang mga mata niya. Tumagos sa puso niya ang mga sinab
KINSE minutos pa lamang ang nakakalipas simula nang makausap ni Martin si Ambrose ngunit parang isang araw na siyang naghihintay sa may gilid ng kalsada papunta sa kasukalan na maaaring kinaroroonan ni Milagros.Hindi niya kayang pakalmahin ang sarili gayong alam niya na si Valentina ang may hawak sa asawa niya at alam na pala nito na hindi si Monica ito. Kaya alam niya kung gaano kagalit ngayon si Valentina at base sa mga patong-patong na kaso nito ngayon ay hindi maipagkakaila na kaya nitong patayin si Milagros.Kanina pa rin siya nagdadasal na sana ay maging ligtas si Milagros at buhay nila itong mabawi kay Valentina dahil hindi niya magagawang patawarin ang sarili sa sandaling may nangyaring hindi maganda sa kaniyang asawa at sa anak nila na nasa sinapupunan nito.Palakad-lakad siya at hindi mapirmi sa iisang pwesto. Nagtatalo ang utak niya kung dapat na ba siyang sumuong sa kasukalan o hintayin niya si Am
HINDI makapaniwala si Milagros na maging si Ambrose ay idadamay ni Valentina sa masasama nitong balak lalo na’t alam niya na walang ginawang masama ang lalaki rito. Base sa pagkakarinig niya sa pakikipag-usap ni Valentina kay Ambrose sa cellphone ay papapuntahin ng una ang huli sa lugar na iyon. Kunwari ay ipagpapalit siya ni Valentina sa dalang pera ni Ambrose ngunit hindi iyon totoo sapagkat kapag nakuha na ni Valentina ang pera ay papatayin na nito si Ambrose.Talagang ubod ito ng sama kaya kahit natatakot siya ng sandaling iyon ay hindi niya pa rin ito dapat hayaan na magtagumpay!Sa oras na iyon ay mahimbing na ang tulog ni Valentina at ng babaeng kasama nito na narinig niya na ang pangalan ay Lukring.Kaya naman pala hirap na hirap ang mga pulis na malaman kung nasaan si Valentina ay dahil sa gitna ng kasukalan ito nagtatago. Sino nga ba namang mag-aakala na ang sosyal at ubod ng yaman na si Valent
“SIGURADO ka ba na hindi na makakawala ang babaeng iyan?” Paninigurong tanong ni Valentina kay Lukring matapos nitong itali si Milagros sa isang haligi ng kubo nito.Nakaupo sa sahig sa Milagros habang nakatali ang mga kamay sa likod na nakatali rin sa haligi. Maging ang mga paa nito ay may tali rin upang makasiguro sila na hindi nito magagawang manipa. May busal din ito sa bibig. Kahit naman magsisigaw ito ay walang makakarinig dito ngunit mas mabuti na ang sigurado. Nang sandaling iyon ay wala pa rin itong malay.“Of course naman! Matibay na matibay iyan! Wala ka bang tiwala sa akin?” Turo pa ni Lukring sa sarili.“Talaga bang tinatanong mo ako niyan, Lukring? Of course din! Wala!”“Wala rin. Wala ka ring choice kundi magtiwala sa akin kasi ako lang ang kakampi mo ngayon!” At nakakalokong tumawa si Lukring na ikinairita niya. Akala mo kasi ay isa itong m
“MILAGROS, nandito na ako!” Masiglang turan ni Martin pagkapasok niya sa bahay.Napakunot-noo siya nang mapagtantong nakapatay lahat ng ilaw. Una siyang nagpunta sa kusina dahil ang inaasahan niya ay naroon ang kaniyang asawa dahil ang sabi nito ay magluluto ito pero hindi niya rin natagpuan roon si Milagros. Maging sa banyo, kwarto at likod-bahay ay wala rin ito. Nagbalik siya sa sala at umupo.Inilabas niya ang cellphone upang tawagan si Milagros. Ilang beses na niyang tinawagan ito pero hindi nito sinasagot ang mga tawag niya.Kahit hindi pa man niya alam kung nasaan ang kaniyang asawa ay hindi niya maiwasan ang kabahan. Kapag kasi ganoong hindi niya alam kung nasaan si Milagros ay talagang kung anu-ano na ang pumapasok sa kaniyang isip. Hindi na niya iyon maiwasan matapos ang mga nangyari. Ang hirap alisin na maging paranoid lalo na at alam niya na hanggang sa sandaling iyon ay hindi pa rin nah
“ANO bang ginagawa natin dito, Valentina? Hindi ba tayo papasok sa loob ng resort? Magbe-beach ba tayo para makapag-relax? Sayang, wala akong dalang bathing suit!” Pangungulit na tanong ni Lukring.Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Valentina sa kasama. Kasalukuyan silang nasa labas ng resort ng hapon na iyon. May nakabalabal na scarf sa kaniya ulo upang walang makakilala sa kaniya. “Tumahimik ka nga! Hindi mo ba alam kung magkano ang entrance sa resort na iyan? Kung makapagsalita ka ay parang meron tayong pera! Basta, maghintay ka lang diyan at meron akong hinihintay na lumabas! Saka kilabutan ka nga sa sinasabi mong bathing suit! Hindi bagay sa iyo!” Inis niyang wika.Sumimangot si Lukring at mukhang disappointed. “Wow, ha! Body shamer yarn?!” Hindi na ulit ito nagsalita pa.Matiyaga silang naghintay sa labas ng resort. Medyo malayo sila sa mismong gate entra
“GOOD morning, S-sir Ambrose…” Ang nahihiyang pagbati ni Milagros nang pumasok sa opisina si Ambrose. Hindi siya makatingin dito nang diretso sapagkat kahit paano ay may nararamdaman pa rin siyang pagka-ilang rito nang dahil sa mga nangyari.“Good morning, Milagros!” ganting bati ng lalaki.Bahagya siyang nabigla nang mapansin niya ang sigla sa boses ni Ambrose. Maging ang dating nito sa umagang iyon ay tila masaya at maaliwalas ang mukha nito. Maganda yata ang gising ng kaniyang boss ng umaga na iyon.Ang akala niya ay didiretso ito sa table nito ngunit sa kaniya ito lumapit at umupo sa upuan sa kaniyang harapan. “Milagros, gusto kong malaman mo na hindi ako galit sa iyo. Naiintindihan ko ang mga ginawa mo at biktima ka rin ng mga naging kilos noon ni Valentina,” seryosong turan nito.Hindi niya alam kung paano nalaman ni Ambrose ang kaniyang nararamdaman ngun
“IF you don’t want to help me, sabihin mo. Hindi `yong may suggestion ka pa na sumuko ako sa mga pulis. Wala kang alam sa pinagdadaanan ko, Ambrose. Hindi mo alam kung bakit ayokong sumuko at mas pinipili kong magtago ngayon!” Malakas na itinulak ni Valentina si Ambrose.Labis ang disappointment na nararamdaman niya dahil umasa siya nang malaki na si Ambrose ang makakatulong sa kaniya at hindi siya nito bibiguin. Pero nagkamali siya ng akala dahil ang nais nito ay sumuko siya.Maya maya ay narinig niya ang pagbukas ng pinto. Agad na ibinalabal ni Valentina ang scarf sa kaniyang ulo.“Sir, ready na po—” Nagulat ang babaeng dumating na base sa suot ay alam niyang masahista. “Hoy! Sino ka? Anong ginagawa mo rito?!”“It’s okay. Nanlilimos lang siya at pumasok dito,” turan ni Ambrose.Tumalim ang mga mata ni Valentina habang nakatingin
SUMABOG na ang kalungkutan at paninisi sa sarili ni Milagros nang muli niyang binalikan ang mga nangyari kung bakit humantong sa aksidenteng bumago sa buhay niya ang lahat. Nasa puso niya pa rin ang pagsisisi kung bakit namatay si Monica. Alam niya na kung hindi lang sana siya sumunod sa lahat ng sinabi ni Monica at mas kinumbinse niya itong sumuko na lang ay baka buhay pa ang kaniyang kaibigan. Baka nagawa pa nitong sabihin ang katotohanan at paniwalaan ito ng lahat hanggang sa mapawalang-sala ito sa ibinato rito noon.Ngunit wala na. Huli na ang lahat. Kahit anong pagsisisi ang kaniyang gawin ay hindi na maibabalik ang buhay na nawala.Kahit masakit para sa kaniya na balikan ang pangyayaring iyon ay hindi niya naisipan na ipagdamot iyon kay Ambrose. Dapat nitong malaman na wala talagang kasalanan si Monica at hindi totoo ang mga sinasabi ng mga tao tungkol dito.Habang halos hindi na siya makahinga sa pag-iy