“So, kuya kumusta ka naman? Hindi tayo gano’n nagkakausap lately, medyo busy rin kasi ako sa field eh. Alam mo na, buhay journalist,” natawang sambit ni Terra kay Julian habang nasa side pool sila at nakabantay kay Jessie na masayang nagsu-swimming.
Natapos na ang lunch ng pamilya at mamaya pa silang hapon uuwi kaya naman nag-aya munang magliwaliw ang anak na babae. As usual si Hesusa ay nasa Opisina na niya’t nagbubuklat ng ilang papeless sa trabaho. Gano’n naman ang gawi nito, ang weekends ay ginagawang workday.
“Ayos lang naman ako, gano’n pa rin naman ang takbo ng buhay,” tunay na napatawa si Julian sa sinabi niya. Alam naman niyang nakuha ng kapatid ang nais iyang ipunto, para sa lalaki ay isa itong Anghel na kayang magbasa ng isip ng mga tao.
“Ay naku, tiis-tiisin mo na lang din ang mama, ha. Alam mo naman ‘yon masiyadong workacholic, masungit at nagmemenopause na rin kasi.”
Dito’y sabay na napa-igik ang magkapatid. Kahit kailan naman ay naiintindihan nila ang isa’t-isa. Walang lihim na kailangang itago sa pgitan nila. Halos lahat ng dumaang problema kay Terra ay alam ng kapatid, siya lang naman kasi ang naging sandigan nito, kakampi.
“Baby, dito ka lang sa malapit,” sigaw ni Terra sa pamangkin na ngayon ay sinusubukan na gumawi sa gitna ng pool. Noon pa man ay sadyang malapit na ang dalaga sa pamangkin, parehas silang maganda at makulit ng bata kaya malawak ang bond nila. Ngunit bukod roon ay may isang dahilan pa si Terra na itinatago kung bakit gano’n na lang ang reaksiyon niya para sa pamilya ng kapatid. Gustong-gusto niyang sabihin kay Julian ngunit parati na lang siyang kinukuluban ng takot. Ayaw niyang magkaroon sila ng lamat ng kapatid kaya naman ginagawa niya ang makakaya upang mailihim ang katotohanan.
“‘Wag kang mag-alala kay Jessie, Ter, magaling ‘yan,” napalingon ang magandang Kordal sa kapatid sa itinuran nito. “At isa pa, malakas ‘yan katulad niyo ni Alice, hindi basta-basta nagpapatalo,” masayang pagkukwento ni Julian, kung saan sa pagngiti nito ay halos mabura na ang mata sa kaniyang mukha.
“Alam ko naman ‘yon kuya, pero gusto ko pa rin na mas protektahan si Jessie, tita’s duty,” tila may laman ang winika n’yang iyon pero hindi na napansin pa ni Julian. Bagkus ay nagkaroon na ng katahimikan sa pagitan nila, katahimikang parating nangyayari tuwing may malalim na iniisip si Julian.
“Hay naku! Biglang naging creepy ang atmosphere natin kuya eh, ba’t di na lang kaya natin pag-usapan ang tungkol sa darating mong birthday? May gusto ka bang puntahan o gift?” Maligaya pa sa maligaya si Terra para sa pagigig thirty-five years old ng kuya, alam kasi niyang makukuha na rin nito sa wakas ang para sa kaniya.
“Wala, wala naman akong gusto para sa sarili ko,” aniya. “Pero gusto kong sorpresahin si Alice at Jessie sa araw na ‘yon, matutulungan mo ba ako?”
Namilog ang mga mata ni Terra sa tinuran ng kapatid, heto ang gusto niya, gumagawa ng surprises. “Oo naman kuya, ako pa ba! So, ano ba plano?” bahagyang lumapit ang kapatid na babae kay Julian, upang makuha ng malinaw ang planong sorpresa para sa sister-in-law at pamangkin.
Samantala, mula sa isang silid sa loob ng mansiyon ay umuusok ang ilong at magkasalubong ang mga kilay ni Alice habang nakasilip sa bintana patungo sa swimming pool. Una’y sa anak lamang niya siya nakatuon ngunit ng lumaon ay sa asawa na niya at hipag na tila masayang-masaya sa kung ano man ang pinag-uusapan ng mga ito. Bahid ang selos sa mukha n’ya, hindi ni Alice maiwasan ang gano’ng isipin lalo na’t alam naman ng lahat na hindi naman purong magkadugo ang magkapatid. O baka, masiyado lang siyang nade-demonyo ng mga salita na naririnig niya.
“Malagkit na naman ang titig mo sa kanila, baka naman mamaya ay matunaw na ang mga ‘yan.”
Napapitlag si Alice sa tinig na ‘yon, si Harold na kakagaling lang mula sa banyo. Nakatapis lang ito ng tuwalya sa iba, ang buhok ay basa pa’t pumapatak ang ilang butil ng tubig mula roon. Naamoy ni Alice ang imported na shampoo nito na paborito niyang naamoy sa bayaw.
“Ahm, pasensya na,” umiwas ng tingin si Alice sa lalaki na siyang ikinasilay ng ngiti sa labi nito. Alam na alam niya kung paano kunin ang kiliti ng babaeng nasa harapan. “Aalis na ‘ko, dinala ko lang ‘yong iniutos sa akin ni mama, inilapag ko sa lamesa mo,” malumanay na sambit ni Alice at saka humakbang patungo sa pintuan. Ngunit bago pa man nangyari ‘yon ay nakabig na siya ni Harold papalapit sa basa nitong katawan.
“H-Harold, a-ano ka b-ba,” pagpupumiglas ni Alice.
“Why? You don’t like this?” Inilapit pa ni Harold ang mukha sa leeg ni Alice, at hindi nga siya nagkamali’t umalinghing ng bahagya ang babae.
“Aray! Harold, aalis na ‘ko. Please.” Mahirap basahin ang emosyon sa mga mata ni Alice, takot siya, na parang hindi naman.
“Don’t push too much yourself away Alice, you’ll regret it if you do,” puno ng paalala ang tinig ni Harold, sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagningning pa ang mga mata nito na akala mo’y nanalo sa lotto.
“B-bitiwan mo na ‘ko, Harold, baka may biglang makakita sa ‘tin,” walang otoridad sa boses ni Alice, imbes ay pangamba ang laman ng tinig nito. “Si Julian, baka kung ano ang magawa niya kapag nahuli niya kung ano ang ginagawa mo sa ‘kin.”
Bumitiw ang lalaki sa kaniya, matamang tumitig sa mga mata nito sabay ang paghawi sa ilang hibla ng buhok na tumakip sa maamo nitong mukha. “And so? Mas gusto ko nga ‘yon, para naman matapos na ang pagtitiis ko. Parati na lang siyang nakaharang sa lahat ng naisin ko, hindi na nakakatuwa ang presensiya niya sa mata ko.”
“Hindi mo alam kung ano’ng sinasabi mo, hindi mo gu-gustuhin na mawala ang kapatid mo, lalo na ngayon.”
Humagalpak ng tawa si Harold na siyang pumaibabaw sa kabuuan ng soundproof niyang silid. Si Alice naman ay napatulala na lang sa asal nito. Mula pagkabata ay naging karibal ni Harold ang kapatid sa halos lahat ng bagay, sa eskwelahan, atensiyon ng ama at maging sa babaeng gusto ay naungusan pa siya nito. Kaya naman ngayong kaya na nilang tumayo sa sariling mga paa ay hindi siya pumapayag na maging anino lang nito. Wala siyang ibang pinangarap kundi ang pabagsakin ang kapatid na si Julian. Ang makitang gumagapang ang kapatid ang labis na pinapangarap ni Harold, aangkinin niya lahat ng pinapahalagahan nito, kahit buhay pa ang maging kabayaran.
“Tama ka, hindi pa ngayon pero malapit na hindi ba? Itataon ko sa araw na makukuha niya ang para sa akin naman talaga!” May kalakasan ang boses ng binata ngunit wala na siyang pakialam pa. Daglian niya pang sinunggaban si Alice at saka sinibasib ng halik ang labi nito, sinadya niyang idiin ang katawan sa babae at ipadama ang kumakawalang init sa kaniyang katawan. Sa una’y pinipilit pang itulak ni Alice ang bayaw subalit hindi na rin niya napigilan ang sarili’t tumugon sa makamandag na halik nito. Hindi na rin niya maitago ang kasabikan sa lalaki, matagal na panahon na rin nilang pilit na itinatago ang tunay na koneksiyon nila sa isa’t-isa. Ngayon ay medyo nangangamba siya dahil lahat sila’y nasa isang teritoryo’t napakadelikado ng sitwasyon kung hindi niya pipigilan si Harold.
“Hey, don’t push me. I missed you.” Nang magkahiwalay ang kanilang mga labi ay malamyos na hinaplos ni Harold ang makinis na mukha ni Alice - ang kaniyang mahal.
“Delikado Harold, nasa labas lang si Julian, tiyak na hahanapin niya ako kapag matagal na nawala ako sa mga mata niya,” anito. Ngayon ay lumabas na ang tunay na Alice, umpisa pa lang ng relasyon nila ni Julian ay nagtataksil na siya rito. Simula College days ay sI Harold naman talaga ang mahal niya, nabuo lang ang planong pagpapakasal nila ni Julian ng mabuntis siya. Planado ang pagiging magnobyo nila ni Julian, pero hindi ang pagkakaroon ng anak.
“Shhh… don’t mind them. Let me be yours for now,” wala ng iba pang nais sabihin si Harold. Hindi na niya mapigilan ang nagsusumidhing damdamin sa loob ng katawan. Itinulak niya si Alice sa malambot niyang kama sabay ang pag-alis ng tabing sa kalahati ng kaniyang katawan.
Byernes na, araw ng kaarawan ni Julian kaya naman nakapag-leave siya para sa importanteng araw na ito. Maagap na kumilos ang lalaki, lalo pa’t mayroon siya nakahandang sorpreso sa asawa’t anak. Madali niyang pinuntahan ang bahay na pinag-ipunan niyang mabili sa loob ng limang taon. At ngayon ay handa na ito para malipatan nila, bahay na gusto niyang maging parte ng kanilang pagsasama ng asawa. Nang matapos ang mga kailangang asikasuhin ay nagtungo siya sa grocery store upang bumili ng cake, pinili niya ang caramel flavor na paborito nila pinalagyan ‘yon ng lettering para sa pagwelcome sa kanilang bagong bahay. Kailangang magmadali ni Julian dahil ang paalam niya sa kaniyang asawa’y may importante lang siyang kailangang asikasuhin patungkol sa kanilang bank account, kaya ng makuha ang cake ay binalak na niyang dumiretso pauwi. “Sana’y magustuhan ito nila,” masaya niyang sabi sa sarili. Bitbit ang cake ay tinungo na nga ni Julian ang sasakyan, maaliwalas ang panahon kahit magta-ta
Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga, hindi kasi naging maganda ang epekto ng sinag ng araw na tumama sa kabuuan ng mukha ko. Kasabay no’n ay ang paulit-ulit na pag-a-alarm ng telepono na iniwan ko sa side table katabi ng kama ko. Mas’yado pa atang maaga, tinatamad pa ‘kong bumangon. Bahagya kong hinila ang unan na alam kong nasa tabi ko lang, niyakap iyon na animo’y ang asawa kong si Alice. Alice? Asawa? Doon ay tuluyan na akong napatayo sa kinahihigaan ko. Ang sunod kong ineksamin ay ang aking mukha, ilang beses kong kinapa ang pisnge sunod ay ang aking mga palad. “Buhay ako?” Pero impossible ata ‘yon, kitang-kita ko kung paano walang awang iniwan nina Harold ang katawan ko sa ilog. Pinatay nila ako ng gabing ‘yon. “Nasa langit na ba ‘ko? O nakaligtas ba ko mula sa insidenteng ‘yon?” muli pang pagtatanong ko sa sarili. “Hindi. Hindi. Napakaimpossible talaga no’n,” ani ko. “Pero ano ‘to?” Hindi na mawala ang labis na pagtataka ko sa nangyayari. “Kung nakaligtas man nga ako ay
Hindi ako natutuwa sa pagkanta-kanta ni Joker habang lulan kami ng sasakyan, parehas kami nasa backseat habang nagmamaneho si Mang Nardo. Sa pagkakaalala ko’y si Mang Nardo ang isa sa personal driver ng pamilya namin na nakatalaga para sa aming magkakapatid. Araw-araw ay sabay-sabay kami sa pagpasok ng mga half-siblings ko ngunit nakapagtataka ngayon kung bakit hindi sila lulan ng kotse na ‘to. So, kung totoo man ang mga pangyayari na ‘toy napunta ako sa past life ko? O baka narito talaga ako tapos ay panaginip lang lahat ng nangyari sa tinuturing kong present time? Possible rin ang gano’n. Patuloy ang pagtugtog ng musika na kung hindi ako nagkakamali ay kanta ng Cueshe na Ulan. Hindi rin magkamayaw si Joker sa pagsunod sa liriko no’n. “Sa’n ba tayo pupunta?” mahinahon kong tanong sa kaniya. Napatda si Joker sa tanong ko, kaya naman tumalima siya sa pagkakaayos ng upo’t hinarap ako. “Okay ka lang ba talaga? Kanina ka pa parang wala sa sarili mo. Saan ba tayo palaging pumupunta kap
“Hi Julian, kumusta?” Napatda ako sa napakapamilyar na boses na ‘yon. Hindi ko akalain na lalapit siya’t papansinin ako. Siguro’y nadissapoint siya dahil hindi ko ginawa ang paghabol-habol sa kaniya simula kaninang umaga. “Hi,” napakatipid kong sagot sa kaniya. Sinulyapan ko lang siya ng mabilis bago ibinalik ang paningin ko sa paglalakad. “Ahm, hindi mo ba ‘ko sasabayan sa pag-uwi?” mamaya’y tanong niya pa, medyo kumukulot pa ang boses nito na animo’y nahihiya sa pagtatanong niyang ‘yon. Ang totoo’y hindi naman galing si Alice sa marangyang pamilya na gaya ko. Ang alam ko’y isang government employee ang papa niya habang ang ina ay nagta-trabaho bilang isang public servant. Kumbaga nasa average ang income ng pamilya niya kada buwan na sumasapat naman basta ba’t hindi siya magluluho. Apat silang magkakapatid at pangalawa siya, kaya naman siya ang inaasahan ng kaniyang pamilya na mag-aahon sa kanila sa buhay. Ang panganay kasi niyang kapatid ay nag-asawa na. Kaya rin siguro sinunod n
“Hoy pare! Ano’t naisipan mong magyaya para uminom?” takang-taka na bungad ni Joker sa kaibigan na kararating pa lang habang may bitbit na plastic na may lamang energy drink at ilang snacks. Ang utos ni Julian ay beer ang bilhin niya ngunit iba naman ang nadala nito sa kaniya. “Pampalipas oras pero ba’t ‘yan ang binili mo?” Napatingin muna si Joker sa bitbit niya bago sa kaniyang kaibigan, tapos ay napakamot ito sa kaniyang ulo sabay sabing hindi niya nadala ang identification card niya kaya hindi siya napagbigyan ng alak sa convinience store na binilhan. “Ayos na nga ‘yan,” ani Julian. Umisod siya sa pagkakaupo sa malamig na sementadong sahig, nakaharap sa dagat habang bahagya itong umahampas sa may gilid ng bay. Medyo malamig ang dalang hangin na dumadaan sa dagat kaya naman beer ang masarap na inumin sa mga oras na ‘yon, pero dahil wala ay wala na rin siyang magagawa. “So, ano ang tunay na nangyari, pre?” tanong ni Joker sabay abot sa kaniya ng energy drink na kulay berde.
“So, sino ang gusto mo sa kanila?” tanong ni Joker sa kaibigang si Julian na nasa harapan niya’t kinikilatis ang detalye ng mga babae na ipangba-blindate niya rito. Sakto lang ang request ng kaniyang kaibigan dahil may nakalatag na naman ang kaniyang mama para nga sa kaniya, ang tatlong babae na ibinibida niya kay Julian ay para naman talaga sa kaniya. “Tignan na lang natin lahat,” ani Julian. “Wooh! Sigurado ka, pre?” sulyap ni Joker sa kaibigan. Nasa locker tapat sila ng kanilang mga lockers. Si Julian ay kinukuha ang kaniyang spare rubber shoes habang siya naman ay inilalagay ay inilalagay ang ilang paperworks na gawa niya na para pa naman mamayang hapon na pasok nila. “Oo naman,” gano’n katipid na sumagot si Julian. Ngunit ang kanilang tahimik na pag-uusap ay biglang napuno ng ingay ng magkaroon ng komosyon sa paligid. Ilang babaeng Bucian ang papalapit sa kanila habang nakangiting nagbubulungan. “Ano’ng mayro’n?” maang na tanong ni Julian. “Naku! Hindi mo alam? Poging pogi
“Wow pre, ang ganda ng motor mo ha. So, ready to joinride na ba? Makakasama ka na sa akin niyan.” Ipinakita ko kay Joker ang motor na hiningi ko mula sa aking madrasta, alam ko namang ibibigay niya sa ‘kin ‘to, kaya inexcpect ko na. At personal pa niyang inihatid sa eskwelahan ko, masiyado niyang pinapahalata kung gaano sya sa desperada na mapaamo ang papa. ‘Hindi rin, alam mo namang hindi ako mahilig magpaandar ng ganiyan. Gusto ko lang talagang galitin si Harold, siguradong nag-aalboroto sa galit ‘yon dahil bigla kong nakuha ang gusto ko galing sa nanay niya.” Nakatayo lang ako, habang panay ang kilatis ni Joker sa naturang motor. Ngunit ilang sandali lang ay seryoso itong lumapit sa ‘kin para magtanong. Una’y gusto niyang malaman kung ayos lang ba ako, wala akong sakit o anu pa man. Kaya naman naisip ko na baka naninibago siya sa kung ano mang mga ikinikilos ko. Tiyak na alam niya na may kakaiba talaga sa ‘kin, siya lang naman ang pinakanakakakila sa akin bilang ako. “Ayos lan
“Alliyah!” Nagulat ako sa pagtawag na iyon sa pangalan ko, ngunit mas lalo akong namangha ng malaman kay Julian nanggaling ang tinig na ‘yon. Anong ginagawa niya rito sa labas ng bar? “J-Julian?” “Wow, akalain mo ‘yon, may knight in shining armor ka ngayon?” Humagalpak ng tawa ang isa sa tatlong lalaki na kanina pa nanghaharass sa akin. Parati nila ‘tong ginagawa sa tuwing kailangan nila ng pera. Pinapapunta nila ako upang hingian ng ilang halaga kapalit ng pananahimik nila, ikakalat daw nila ang isang litrato kuha sa akin habang kita ang legs ko sa ilalim ng maikling paldang uniporme. Sadya ang pagkakakuha ng picture na ‘yon upang mangikil ng pera sa katulad ko. Hindi lang naman kasi ako ang target nila, marami kaming takot na ma-expose at masira ang dignidad. “Ano’ng nangyayari?” maang na tanong ni Julian ng tuluyan siyang makalapit sa kinaroroonan namin. Isa-isa ko rin munang sinulyapan ang tatlo bago nagbaling kay Julian. Tumakbo na ako sa tabi niya nang malingat sila sa
“Salamat sa araw na ito Julian, kahit papaano’y nakalimutan ko ang tungkol sa nangyari sa akin.” Narito na kami sa tapat ng bahay namin, alam nila papa na kasama ko si Julian kaya nang magsabi ako na medyo malalate ako ng uwi ay hindi na sila tumutol pa. Sa tagal ng panahon na nanilbihan ang ama ko sa mga Kordal ay kabisado na nito kung sino ang dapat at hindi dapat na pagkatiwalaan, nasabi naman niya sa akin ang tungkol doon. “Walang anuman ‘yon, kapag kailangan mo ng makakausap ay tawagan mo lang ako.” Nakakagulat man ngunit napangiti pa rin ako sa tinuran na iyon ni Julian. “Sige, sabi mo ‘yan ha.” “Hmp. Isa pa’y ako naman ang dahilan kung bakit nangyari ito sa ‘yo.” “Hala, parang makokonsensya pa ata ako ha, bakit ikaw ba ang nanakit sa akin? Hindi naman eh, kung hindi pa nga dahil sa ‘yo ay baka mas malala pa ang nangyari sa akin,” sabi ko naman sa kaniya. Hindi ko naman talaga siya sinisisi ang totoo pa nga niyan ay nahihiya ako sa kaniya. Simula pa lang ay ako naman
“Thank you, Julian.”Sa isang parke ako dinala ni Julian, sumikat na nang mataas ang araw kaya ramdam na ramdam ko ang init niyon sa aking mukha. Hindi gano’n karami ang tao na naririto dahil na nga rin siguro sa magtatanghali pa lang. “It’s nothing Alliyah, as long as you are safe,” sagot niya sa akin.Ngumiti ako bilang tugon sa kaniya.Nagpalinga-linga ako, nasa bayan pala kami ng aming lugar. Mula nga rito sa aking kinauupuan ay tanaw ko ang malaking Mall. Kaya naman bigla kong naisipan na ayain si Julian doon, mas malamig at maraming makikita roon. “Tutal narito na rin naman tayo, ano ba ang gusto mong kainin?”Nag-isip ako, as of the moment ay wala naman akong gusto, pero para hindi naman masyadong nakakahiya sa kaniya ay sinabi ko na lang ayos na sa akin ang burger. Wala namang turo-turo dito sa loob ng mall dahil kung mayroon lang ay ‘yon na lang para mas mura.Dinala niya ako sa isang fastfood chain, bale nagtake out na nga lang pala siya para sa aming dalawa. Tig isang bur
“Mabuti naman at pumasok ka na.” Nagkaroon kami ni Alliyah ng pagkakataon upang makapag-usap. Matapos kong i-deklara kay Coach kung ano ang gusto kong mangyari sa pilit nilang pagbawi sa posisyon na ibinigay nila sa akin ay nagbreak muna kami. Lumabas ng sabay sina Joker at Janice matapos ulit nai-congratulate ako. Ang sabi nila’y babalik daw sila kapag natapos na ang sunod na klase ni Janice. “Hmm. Napag-isip-isip ko kasi ang sinabi mo sa akin, salamat sa panenermon mo Julian. Kung hindi ka siguro pumunta’t naglaan ng oras para sa akin ay baka naroon pa rin ako hanggang ngayon, nagmumukmok sa nangyari,” mahabang sabi niya sa akin. “Ako ang dapat na manghingi sa ‘yo ng pasensiya, kung hindi dahil sa akin ay hindi ka naman mapupunta sa gano’ng sitwastyon.” Naglalakad kaming dalawa patungo sa Canteen, balak ko siyang i-treat para sa kaniyang muling pagbabalik. “Naku! Hindi ko naman inisip ang tugkol do’n Julian, walang ibang may mali kundi sila lang. Sadyang makikitid lang kasi a
NAPANGISI ako nang malaman ang pinaggagawa ni Julian. Ang lakas ng loob niyang lumaban sa alam niyang mas mataas sa kaniya. Isa si Lizzy Burkinton sa superior sa University, bukod sa maganda at maagas siya ay ito pa ang bunsong anak ng may-ari ng Unibersidad. Hindi niya man lang ba naisip kung ano ang kalalabasan ng maling kilos niya? Pero ano nga bang pakialam ko do’n? Eh mas gusto ko nga na masaktan siya para mas masaya sa akin. Makaganti man lang sa mga pinapasok niya sa utak ni Papa tungkol sa akin. “Narinig mo na ba ang bagong balita, Harold?” lumapit ang isa sa kasa-kasama ko mula sa Department namin. “Hindi, ano ba ‘yon?” tanong ko. Isinalampak ko ang aking sarili sa upuan, magulo ang loob ng silid namin. Parehas lang naman kami ng kurso ni Julian pero magkaiba ng block. Ayaw ko siyang makasama, though may ilang subjects na nagkakasabay talaga kami. “Ang kapatid mo, talaga palang binasted na si Alice. Usap-usapan na ‘yon sa lahat ng Department.”Medyo nagulat ako sa sinabi
Wala akong pakialam sa kahit na sino ngayon, kahit na sina Joker at Janice ay hindi ko ring magawang pagtuunan ng pansin. Pinag-iisipan kong mabuti kung ano-ano pa ang mga nangyari noon, sa panahon na ito. Gusto kong maalala upang mapaghandaan ko na. Batay sa obserbasyon ko ay nangyayari pa rin ang mga dapat, ngunit mayroon na parang nalilihis ng sitwasyon, lalo na sa mga events na tungkol sa akin. Sa tuwing may babaguhin akong kilos ay may kaakibat na rin na pagbabago iyon para sa iba na maaapektuhan. Tulad na lang ng hindi ko pagpatuloy sa panliligaw kay Alice, nang mawala siya ay bigla naman na dumating si Alliyah. Nang iligtas namin si Mang Nardo sa isang maling akusasyon ay si Harold naman ang naipit sa isang maling sitwasyon na hindi naman dapat na mangyari. Kumbaga, mangyayari pa rin ang mga dapat mangyari, kung iiwasan ang isang masamang mangyayari sa isang tao ay may sasalo niyo na iba dapat. Hindi maaaring wala kapalit, at baka maging magulo na ang hinaharap. At ngayon
Maagang naging usap-usapan ang tungkol sa pambubully sa isang babaeng estudyante. Maaga pa lang ay napuno na ng chismis ang buong BU. Ayon sa ilan ay brutal daw ang ginawang pananakit, habang ang iba naman ay hindi na magawang magkomento dahil na rin sa takot. Nang malaman kasi nila na ang may pakana niyon ay ang anak ng may-ari ng BU ay hindi na sila nagbigay ng komento.Dumating si Julian sa University, sakay ng motor na hiningi niya sa kaniyang madrasta noon. Mayroon siyang hindi magandang karanasan sa motor kaya nahirapan siyang ipush ang sarili na gamitin iyon. Ngunit ngayon ay hinanda na niya ang sarili. Ang motor na iyon kasi ang naging daan upang makapaningil siya sa nagkasala sa kaniya.Buong-buo ang kaniyang lakad, ni hindi siya tumititig sa kung sino man, poker faced at diretso lang ang tingin sa kaniyang dinaraanan. At at punta niya? Sa department kung saan naroon ang grupo na nanakit kay Alliyah.“Uy, si Julian Kordal ‘yan ha. Naku, ang usap-usapan di ba girlfriend niya ‘
“Ano’ng ginawa mo, Alice?” “W-wala akong ginagawa, J-Julian-” “Wala, eh ano ‘to?” Hindi ko na napigilan na masaktan si Alice, hindi ko na napigilan pa lalo nang makita si Alliyah na nasa harapan niya, lugmok sa sahig at nahihirapan. “Alliyah,” tinawag ko ang pangalan niya ngunit hindi ito sumagot, nagpakislot-kislot lang ang kaniyang mga mata na animo’y hindi makapaniwala na nasa harapan niya ako ngayon. “Hear me out Julian,” anito. Pero dahil wala akong pakialam sa sasabihin niya ay itinuloy ko ang pagrescue kay Alliyah. Dali-dali kong kinalas ang tali sa kaniyang kamay at paa, hindi ko kayang titigan ang nangyari sa kaniya. Namuo ang ilang mapupulang pasa sa ilang parte ng braso at binti nito. Hindi nga rin nakatakas ang mukha niya sa ilang gasgas at sugat. At ang higit sa lahat ay ang pagkakaputol ng kaniyang mahabang buhok. Naikuyom ko ang aking kamay at muling tiningala si Alice na hindi na maipinta ang mukha sa kung ano ang sasabihin niya sa mga oras na iyon. Ano ba ang
Madiin ang ginawa kong pagtapak sa gas ng sasakyan ni Joker. Wala akong ibang nasa isip ngayon kundi ang mapuntahan ng mabilis si Alliyah. Sa tuwing sumasagi ang litrato niya na ipinakita ni Janice sa isipan ko’y nanggigigil lang ako sa kung sino ang may gawa niyon. Paano at bakit nila nagawang pahirapan ng walang kalaban-laban ang isang babae? Pangako, hind ko mapapatawad ang tao na ‘yon.Ilang pag overtake pa ang aking ginawa sa mga sasakyang nasa unahan ko. Higpit na higpit ang pagkakahawak ko sa manibela, pansin ko ‘yon, konti pa ay baka masira ko na ito. “Hang on Alliyah, papunta na ako.”Sa BU ang tungo ko. Sinipat ko ang aking relo upang malaman nga kung ano’ng oras na. It was already 9:30 pm, siguradong wala ng tao doon maliban sa security guard na mahihirapan akong malusutan kapag nagkataon.Habang nasa daan nga ay napa-isip ako ng mabuti. Walang nangyari o naibalita sa eskwelahan namin noon tungkol sa isang bullying accident sa ganitong oras o araw. O baka hindi ko na nam
Hindi na natutuwa pa si Julian sa tagal ni Alliyah sa pagdating. Hndi na rin kasi biro ang mahigit isang oras at kalahati na nakalipas ay wala pa rin ang dalaga. Hindi na mapakali ang binata, panay ang paglalakad niya nang pabalik-balik sa harapan ng kaniyang mga kaibigan. “Julian, puwede bang manahimik ka sa isang lugar? Nahihilo na kami sa ‘yo, eh.” Pagsaway ni Janice sa lalaki. Gusto rin nitong magpanick ngunit wala namang magagawa kung gano’n ang gagawin niya. Kaya ang mas mabuting gawin ay magtanong-tanong sa mga kakilala niya, magbabakasakali kung nakita man lang nila si Alliyah. “Baka naman ayaw niya lang talagang pumunta,” ani Joker na ikinatigil ni Julian sa pagkakaparanoid. Possible ang sinabi nito, pero tama ba na hindi man lang mag-abiso si Alliyah at paasahin siya? “Impossible ‘yon, love, kasi tuwang-tuwa nga siya kanina no’ng sinabi natin na hinahanap siya ni Julian eh. Excited siya kaya napaka impossible talaga na bigla na lang itong hindi pupunta sa usapan.” Si Jan