TAKBO at lakad lang ang ginawa ni Bethany. Wala na siyang pakialam kahit dise oras na ng gabi. Kailangan niyang makatakas. Kailangan niyang makaalis agad agad. Dapat ngayon din mismo. Patingin tingin siya sa likod niya dahil ramdam niya na may nakasunod sa kanya. Ewan niya ba kung paranoid lang siya o ano pero hindi siya mapakali. Tulog na ang lahat bago pa man siya gumising para layasan ang marangya niyang buhay.
Malalim na ang gabi. Wala nang bumabyahe. May nagdaraan naman pero hindi naman bumabyahe ang mga ito ng probinsiya.Hanggang sa may isang matandang nagmamaneho ng truck ang huminto sa harap niya. May karga itong mga gulay na mukhang ide-deliver sa kung saan man."Tatay! P-Pwede niyo ho ba akong mapasakay? Saan ho kayo papunta? I will pay! K-Kahit magkano." Hinihingal pa siya habang kinakausap ito.Napakamot ng ulo ang matanda. "Ineng, papunta akong probinsiya para mag-deliver ng gulay. Kung gusto mong sumakay, wala nang available na lugar kundi diyan sa likod kasama ng mga kaing-kaing na gulay na karga ko. Ipagkasya mo na lang ang sarili mo."Hindi na nagawa pang magreklamo ni Bethany dahil pabor na iyon sa kanya. Napalinga linga muna siya saglit sa paligid kung mayroon bang nagmamasid sa kanya pero dahil mukhang wala naman ay diretso siyang sumampa sa likoran ng truck kahit na mahirap. Kahit na nakasuot pa siya ng dress na lampas hanggang tuhod niya. Hindi na niya pwede pang palampasin ang pagkakataong ito baka maabutan pa siya kapag pinagpabukas niya.Mahaba ang biyahe. Masyadong malayo. Ni hindi nga niya alam kung saang probinsiya siya dadalhin ng matandang ito. Sana lang ay nasa mabuti siyang mga kamay at hindi siya pagsasamantalahan. Sa pagod niya ay nakatulog na lamang siya katabi ang dala-dala niyang bag na naglalaman ng lahat ng mga gamit na sa tingin niya ay kaya niya lang dalhin. Hindi rin siya nakalimot magdala ng pera."Ineng, gising na. Nandito na tayo sa palengke." Gising sa kanya ng matandang nagmamaneho ng truck.Pipikit pikit pa siya pero maliwanag na nang iminulat niya ang mga mata niya although the sun is not yet shining. Napatingin siya sa mamahalin niyang relo. It's 5:30 AM. Sobrang lamig kaya agad siyang napayakap sa sarili niya."A-Ah e, manong. W-Wala ho ba kayong kilala na pwede kong mapasukan ng trabaho rito? Kailangang kailangan ko ho kasi e."Nangunot ang noo ng matanda saka tila nag-isip pa ito ng ilang segundo. "Teka sandali," sagot nito saka bumunot sa kanyang bulsa.Hindi alam ni Bethany kung ano yun pero bahagya siyang lumayo dahil baka mamaya ay panyong puti na may pampatulog pala ang dinudukot nito di ba? At baka madali pa siya."Ito. Napulot ko lang kanina sa kalsada habang nagdidiskargo ng mga prutas at gulay. Taga rito iyang naghahanap ng kasambahay. Baka pwede ka dyan. Kaso sigurado ka ba ineng? E sa ayos at pananamit mo, parang hindi ka naman mukhang nangangailangan." Puna pa sa kanya ng matanda.Napa-pout agad si Bethany. "Hehe, s-salamat ho ah!" sagot na lang niya saka nagsimulang naglakad paalis.She's now trying to figure out kung saan niya hahanapin ang address na ito. Hay, mabuti na lang talaga hindi siya ganon kabobo. In fact, graduating na sana siya as a flight attendant kung hindi lang siya plinano ng mommy niya na ipakasal sa isang Chinese business man kapag naka-graduate na siya.Habang naglalakad siya ay nakahanap siya ng mauupuan kaya naupo muna siya saglit para basahin at unawain ang papel. "Wanted, housemaid. For interested applicants, pumunta lang sa Hacienda Almero. Contact details 09*******. Well, matawagan nga." Ani Bethany saka niya dinukot ang phone niya to call the number.Nag-ring naman iyon at nang sinagot ang tawag ay atat na atat siyang nagsalita. "Hello? Good morning po! Interisado ho akong mag-apply bilang katulong.""May I know your address please?" wika ng lalaki sa kabilang linya. Nawindang pa nga si Bethany sa malalim na boses nito. Pero sa boses nito ay parang may katandaan na ito. Hindi kaya matanda ang naghahanap ng katulong?"A-Ah, nandito ako ngayon s-sa w-wet m-market.""Ma'am, we need the specific details." Dagdag pa nito.Nataranta naman si Bethany na napalinga-linga sa paligid para makita kung nasa anong street siya."Uhm, dito sa Rosas Street, sa may wet market. Okay na po ba?" Pinagpapawisang sagot niya."Alright. May itim na kotse ang maghihintay diyan sa 'yo sa labasan. I will send you the plate number they will come to pick you up.""Okay po. Salamat--"Hindi pa nga sana siya tapos sa sinasabi niya pero binabaan na agad siya ng tawag. Sumakit ang ulo niya bigla. Ano ba tong pinasok niya? Mukhang palakasan na lang yata ng guardian angel to!Napabuntong-hininga siya ng malalim. "Itim na kotse. Tapos ito ang plate number. Okay, sige. Kaya mo 'yan, Bethany." Aniya sa sarili.Nang huminto ang itim na kotse sa tapat nya ay napaatras siya ng kaunti para i-check ang plate number. Tama naman ang nakasulat dito sa number na ibinigay sa kanya. Ito na kaya iyon? Ito na kaya ang susundo sa kanya? E bakit parang si kamatayan yata ang susundo sa kanya ngayong araw?Nagsilabasan ang mga lalaking nakaitim. Matatangkad ang mga ito at may matikas na pangangatawan. Isang buhat lang sa kanya ng mga ito ay wala na siya Tuluyan na siyang madadala na parang isang sakong bigas.Pero kailangan niyang tatagan ang loob niya kung gusto niyang makatakas sa matandang intsik na 'yon. "H-Hello! A-Ako ho ang tumawag sa number ninyo." Bati niya sa mga ito saka niya iwinagayway sa harapan ng mga lalaki ang poster na bigay sa kanya nung matanda kanina.Nagkatitigan pa ang tatlong kalalakihan saka tumango sa isa't isa. Iyon na 'yon?"Sumakay na ho kayo," kaswal pero maayos nitong sabi saka pinagbuksan pa siya ng pinto.Hindi niya alam kung bakit pinagtitinginan siya ng mga tao. Dahil ba maganda siya? Alam na niya 'yon ano. Small thing. Aniya sa isipan.Bethany Gayle Chavez-- Sweet, sassy, kikay. Balingkinitan din ang katawan niya at sa kutis niyang mestisa ay sino nga ba ang mag-aakala na papasukin niya ang ganitong trabaho? Isa lang naman siya sa mga magagandang mukha ng university na pinapasukan niya sa Manila. Graduating na nga sana siya ng kursong architecture kung hindi lang umepal ang mommy niya at nanguna sa mga desisyon niya sa buhay ay hindi naman sana siya lalayas at magpapakalayo-layo. Ikaw ba naman ang ipakasal sa isang matandang mayamang Chinese, matutuwa ka ba? E baka nga uugod-ugod na 'yon. Malayo sa pangarap niyang guwapo, mayaman, at syempre, kahit na hindi niya kasing edad basta hindi naman na magse-senior citizen. Sobrang tahimik ng mga lalaking kasama ni Bethany sa sasakyan. Mapapanis yata ang laway niya. Akala niya ay tatahimik lang ang mga ito hanggang sa makarating sila sa paroroonan nila pero biglang nagsalita ang lalaking katabi niya. "Ehem." Panimula pa nito kaya naagaw nito ang kanyang atensyon. "Dahil
She knocked the door three times pero walang sumasagot. Hmm, pipe ba itong boss nila? bakit naman hindi nagsasalita? Aniya sa isipan. Imbes na mag-isip pa ng kung ano-ano ay dahan-dahan na lang niyang binuksan ang pinto. Creepy pa nga ang tunog niyon na tila ba ilang taong hindi nabuksan. Napapikit siya ng marahan at dahan-dahang binuksan ang mga mata niya nang namalayan niyang nasa loob na siya ng kwarto. Kumurap-kurap pa siya nang makita ang napakalinis na kwarto. Parang walang taong nakatira. But one man caught her attention. Nakaupo ito sa isang wheeled chair. Nakatalikod sa kanya at nakaharap sa bintana at nakatingin lang sa labas. Loner ba ang taong to? Aniya sa isipan saka siya napa-ubo para kunin ang atensyon ng binata. "Hel--" Babati pa nga lang naman sana siya nang bigla siyang hindi patapusin ng binata. "Who told you to enter my room, woman?" tanong nito sa kalmadong boses pero mababakas mo sa tono ng pananalita nito ang pagkairita. "A-Ah, si Manang Lucile, Sir. Tinur
NANG maayos ni Bethany ang lahat ng mga kagamitan niya sa kanyang kwarto ay pinatawag agad siya ng mayordoma para sa hapunan. Syempre, nakahain na ang lahat. Kakain na lang siya. "Miss Bethany, Pinatatawag ka na ng mayordoma," tawag ng isa sa mga utusan din dito sa mansiyon. "Sige ho. I'll follow. Thanks!" Tiniklop niya na lang muna ang pamalit niya para mamaya para ready na ang isusuot niya matapos niyang maligo. Hanggang ngayon kasi ay ang suot niya pa ring damit kagabi ang suot suot niya. Pagdating niya sa kusina, nakahain na ang lahat. Para tuloy siyang prinsesa just for tonight dahil kakain na lang siya. "Uh, hindi niyo ho ako tinawag to help everyone cook dinner," wika ni Rebecca habang takam na takam sa mga pagkain. E sa magdamag ba naman siyang walang kain. "Ngayon lang 'yan. Kailangan mo ng lakas para sa training mo bukas, Miss English speaking." Tila sarkastiko namang sagot ni Manang Lucile. Hmm, bigla tuloy kinabahan si Bethany. Para namang hindi na siya sisikat
Napanguso si Bethany ng kanyang mga labi nang una siyang dalhin ni Manang Lucile sa banyo. Napalunok agad siya ng laway. Kahit na malinis naman ang banyo, hindi pa rin siya ganoon kakomportable dahil ni sa bahay nila ay hindi nga siya humahawak kahit ng pangkuskos niyon. "Ito ang pinakamahalagang parte sa lahat. Nakikita mo ba 'yang bowl na yan? Ang toilet bowl na 'yan ay kailangang puting-puti at makintab sa linis. Dapat lagi rin iyang tuyo. Naiintindihan mo?" "E malinis naman ho ang nakikita ko e." Napailing-iling ang matanda. "Oo nga, malinis. Pero araw-araw ay kailangan mo pa rin iyang linisan para mapanatili ang linis nitong comfort room. Yung tipong pwede ka ditong mahiga at matulog. Ganoon kalinis." Napangiwi agad si Bethany saka napaatras. "That's so gross, Manang Lucile." Bulong niya. "May sinasabi ka pa ba dyan? Ineng, nandito ka para magtrabaho. Ipapaalala ko lang sa 'yo, okay?" Bethany cleared her throat. "Yes po. Hindi ko naman ho nakakalimutan 'yon. Madalas ko l
"PINATATAWAG ka ni Mr. Silvestre." Iyon ang mga katagang bumungad kay Bethany sa kalagitnaan niya ng pagkain ng tanghalian kaya agad na nagsitinginan ang iba pang mga kasambahay. Nagtaka naman si Bethany kaya agad siyang naapturo sa kanyang sarili. "Ako? Ako talaga? Are you sure about that, Manong?" tanong niya pa doon sa matandang lalaking katiwala sa mansiyon. "Oo. Ikaw si Betty 'di ba?" Agad na nalaglag ang panga ng dalaga. "Betty? Excuse me? Sabi ko na nga ba hindi ako e."Napaisip naman ang matanda para alalahanin kung sino nga ba ang pinatatawag ni Simon. "Ikaw iyong bago 'di ba?" tanong pa nito para kumpirmahin."Yes, ako nga." Confident pang sagot ng dalaga habang hinihipan ang kuko niya. "O e 'di ikaw nga ang pinatatawag niya. Tara na, Miss Betty. Baka mainip iyon at mabugahan tayo ng apoy." Bahagyang nakaramdam ng pagkairita si Bethany pero may respeto pa rin naman siya sa matatanda kaya tinikom niya na lang ang bibig niya. "Fine, manong. I will go. Tara na." Sumuno
KANINA pa iritable si Bethany dahil panay ang pagngisi ni Juancho sa kanya. May pa-kindat kindat pa nga ito na para bang gusto niya lang talagang inisin ang dalaga. Nasa kotse na nga sila ngayon at bumabyahe na papuntang bayan dahil doon ang mall dito na dinarayo ng lahat. Balot na balot si Bethany sa takot niya na makilala siya ng mga tao. So far, hindi pa naman siya hinahanap ng mommy niya through local TV. Iniisip niya na kinakalma siguro ng mom niya ang sarili nito at ayaw niyang mapahiya ang angkan nila kung sakali mang malaman ng lahat na nawawala siyaa. Kilala niya ang mommy niya. Hindi iyon gagawa ng kahit na anong ikakapahiya ng pangalan ng mga Chavez. “Alam mo, kahit na mag-cap ka pa, mag-jacket ng ilang layer at magsuot ng mask, wala namang magiging pakialam sa ‘yo ang mga tao rito. Hindi lang nila makikita ang maganda mong mukha. Ganon lang. Hindi ka ba naiinitan?” ani Juancho dahil ito pa yata ang nanlalagkit sa sobrang init ng suot ni Bethany. “What do you mean wala si
Naabutan ni Bethany ang mga kasambahay sa kitchen na nagbubulong-bulungan habang naghahanda ng ng tanghalian kaya dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa mga ito para makinig sa usapan nila.“Alam niyo, por que maganda siya feeling na niya ay magkakaroon siya ng special treatment dito. Ano siya, sinuswerte? Akala niya ba prinsesa siya dito?” wika ng isang katulong.Ito iyong katulong na panay ang ngiti sa kanya ah? Aba, now alam na niya na pinaplastic lang siya nito.“At rinig ko rin girl na pinag-shopping siya ni Mr. Silvestre. Hindi ba nakakaintriga ‘yon? E wala naman silang special relationship. Ke bago bago pero sipsip na agad? E paano naman tayo na ilang taon nang naninilbihan rito?”“Oh e paano kung may relasyon pala sila? Ang landi na niya kapag ganon!”Naningkit ang mga mata n Bethany sa usapang naririnig niya. Mga bruhang to? They’re talking behind my back?“Hello! Pasensya na kayo if I was late. E kasi, ang dami kong bilini e. ano pa bang ibang gawain sa kusina?” patay mali
Sunod-sunod ang pagtunog ng hugis bilog na hawak ni Bethany. Nagva-vibrate kasi iyon at tumutunog tuwing may iuutos sa kanya ang amo niya kaya lagi itong nasa bulsa ng uniporme niya. Iba na rin ang uniporme niya sa ibang mga kasambahay. May pormal ito. Mahaba ang manggas. Init na init na nga siya sa haba niyon at hindi siya sanay. Nang muling tumunog iyon ang nag-vibrate ay natataranta na naman siyang pumasok sa silid ng binata. Sumilip nga siya muna sa pintuan bago tuluyang pumasok. Malay niya ba e baka may kung ano siyang makita kapag bigla-bigla niya itong pasukin. Nang mapagtantong tila safe naman ang mga mata niya sa kung anong makikita niya ay tuluyan na nga siyang pumasok. "Ehem, ano hong gusto niyong iutos, Sir?" ani Bethany pa sa mahinang boses. Sobrang tahimik ng buong kwarto. Tila nakakabingi. Lalo pa at si Simon, nakatalikod sa kanya, nakatanaw na naman sa bintana at tahimik. "I need a bath, Betty. You need to undress me." Pagkasabing-pagkasabi niyon ni Simon ay
HINDI pinabayaan ni Juancho si Bethany hanggang sa pagpasok nito sa unang araw niya sa University. Syempre, hindi naman niya iyon gagawin kung walang utos mula kay Simon. May iniingatan silang sikreto na hindi maaring mabunyag kaya naman hanggang sa school ay bantay-sarado si Bethany ng mga body guards mula sa malayo.Pag-apak na pag-apak niya pa lang sa university ay ramdam na niya ang mapanuksong titig sa kanya ng mga studyante doon. Alam niyang sa mga titig ng mga ito ay kinukutya na siya at pinagtatawanan. Not the life that she has before. Sa dati niya kasing school ay isa siya sa campus crush. Tila bumaliktad tuloy ang mundo niya rito. Pero hindi na naman iyon bale. Ang mahalaga sa kanya ay matuloy niya ang pag-aaral niya. "I heard she's the transfer student. Akala ko pa naman magkakaroon na ako ng karibal dito. E mukhang kuko ko lang 'yan, e." Wika ni Ericka. Anak ng mayor ng lugar nila. Napakaganda rin naman nito pero hindi maganda ang ugali. Isama mo na ang mga minion niya na
UNANG araw ni Bethany bilang isang studyante sa isang unibersidad sa probinsya. Graduating na siya at huling taon na lang niya ito pero pakiramdam niya ay first time pa rin siyang tutungtong ng kolehiyo. Siguro dahil first time niyang maging transfery at magpanggap na nobody para pagtaguan ang pamilya niya na hanggang ngayon ay wina-wanted siya. Mangiyak-ngiyak siya ngayon sa harapan ng salamin. Tila ba kinakausap ang sarili. "Do I really need to make myself ugly? Mukhang mahirap iyon ha," aniya pa sa sarili. "You have to. Kung gusto mong mag-aral nang normal at hindi kinukuyog ng mga studyante." Halos maitapon niya ang brush na hawak niya nang biglang magsalita si Simon mula sa kanyang likuran. "Can't you knock bago ka pumasok ng room ko, Sir? Aatakihin ako sa 'yo sa heart, e." Maarte nitong sagot. "Isa pa, it's just 5AM oh. Why are you gising na ba?" she added. "I forgot to tell you that you still need to wake up early and help the maids before you go to school. It would help if
MUKHANG kakaiba ang kinikilos ngayon ni Juancho kung kay Bethany pa. Mukhang mas mabait yata ito ngayon? E, the last time she checked, wala naman itong ambag sa buhay niya kundi ang asarin siya at sabihang baliw.“And what is this?” tila disappointed na sagot ng dalaga habang inaabot sa kanya ni Juancho ang pang-disguise niya.“Syempre kailangan mong mag-disguise.”Kibit-balikat na lang na tinanggap iyon ni Bethany. Sinuot niya ang cap, glasses, at mask. Hindi na siya nag-jacket pa dahil mas magmumukha siyang hold-upper kapag nagkataon.“In fairness, maganda ka pa rin kahit na balot na balot ang mukha mo.”She smiled. “Well, thanks. Ako lang ‘to.“Ayan, ngumiti ka nang gumanda ka lalo. We will go to a university in the nearby town.” Prangkang wika ni Juancho.Tila namilog naman ang mga mat ani Bethany sa mga sinabi nito. They’re going to school? Ibig ba nitong sabihin, she’s going back to school? For real?“W-Wait, anong g-gagawin natin don?” nagtataka niyang tanong na tila may kasaman
"Coffee?" Bethany offered. Napaangat ng tingin niya si Simon para salubungin ang magagandang mga mata ni Bethany. Kanina lang ay halos malunod na siya sa iniisip niya dahil sa sobrang lalim niyon. Buti na lang, dumating si Bethany."You're late, Betty. I just had mine." Puna pa nito sabay balik ulit ng kanyang tingin sa kawalan. Pagkatapos non ay tahimik na ulit siya at hindi na muli pang nagsalita.Paalis na sana ang dalaga nang magsalita si Simon. "Leave the coffee."Natigilan si Bethany. Kahit na anong bantot ng dating ng "Betty" sa kanya, kapag si Simon na ang bumibigkas non ay tila nagiging sosyal bigla sa pandinig niya. Ang lamig ng boses ni Simon. Tila ba nanuot iyon sa buong katawan niya. Well, lagi naman siyang ganyan. But it's way different today. Para bang sobrang seryoso nito. E parang kagabi lang ay medyo ayos naman siya na nakikipag-usap kay Darryl. Nagtataka tuloy si Bethany kung anong nangyari. Bigla na lang itong nanlamig. E madalas, ito pa nga ang mas malakas na mang
It's half past eight when the doctor came to check on Simon. Kagat labi pa si Bethany nang pumasok ang doktor dahil tulad nang ini-imagine niya ay hindi siya nagkakamali na guwapo ito. Maputi, mabango, at halatang malinis. Matangkad rin ito at napakaprominente ng jaw line kaya naman hindi niya maiwasang hindi ito titigan ng matagal na kulang na lang ay tunawin niya ito. "Ehem." Simon interrupted. Agad na napaayos ng tayo niya ang dalaga sabay sipit ng buhok niya sa kanyang tenga. "I assume you are Simon's--" "Ah, oo. Ako ang bago niyang Yaya." Pagdidiin pa ni Bethany habang natatawa. Napatakip ng bibig niya ang doctor na tila ba pinipigilan ang matawa. Paano ba naman, pinagdiinan kasi talaga ni Bethany ang salitang Yaya na para lang naman sana sa mga bata. "Tsk. Stop laughing, Darryl!" Saway nito sa doctor. Napatango-tango ang dalaga. Ohh, so si Darryl pala siya? Cool name. Bagay sa kanya. Anito sa kanyang isipan habang simpleng nakatitig sa doctor. Bata pa nga ito. Napaisip tul
KINIKILIG? ME? NEVER. Ani Bethany sa isipan habang sinasariwa ang mga binitawang salita ni Simon sa kanya. Alam naman niya na inaasar lang siya nito ng bongga. Akala naman niya madadala nito si Bethany sa charm niya? After so many months ay nakahanap ng tyempo si Bethany na ma-contact ang kaibigan niya. Ilang beses na siyang nag-attempt na makipag-communicate rito pero hindi siya makakuha ng timing. Now is the time. Alam niyang sasabog sa galit ang best friend niya pero kailangan niya itong tanggapin. She dialed her best friend's number. Nakailang ring pa lang siya nang agad na sagutin ng kaibigan niya ang tawag. "A-Antonette." Bulong niya sa kabilang linya. Napasinghap si Antonette nang marinig pa lamang ang boses nito. "T-Tangina mo, Bethany!! Bwiset ka! Bakit ngayon ka lang tumawag?" halos bulong nitong sagot. Pilit na hinihinaan ang boses niya. Pero halata ang panggigigil nito sa tono ng kanyang pananalita. Nanginig agad ang mga kamay ni Bethany. Finally. Ito na iyon. Ang araw
NAKABUSANGOT na binagsak ni Bethany ang pagod niyang katawan sa kama niya. Alas sais na ng gabi silang nakabalik sa mansiyon at pagod na pagod siya sa lahat ng pinaggagawa sa at inutos sa kanya ni Simon buong araw. Kakahiga niya pa lang nang biglang mag-ingay na naman ang bell na siyang hudyat na may utos na naman sa kanya ang mahal na hari. Wala bang pahingahan to? Aba, mukhang sobra pa sa 8 hrs a day ang duty niya ah? Mas lalong nagsalubong ang kanyang kilay. "Haaay ito na naman tayo." Dagdadabog siyang bumangon at naglakad papuntang pintuan. Pagbukas na pagbukas niya ay agad na bumungad sa kanya si Simon na salubong ang kilay. Nagulat siya rito. "Uh? What brought you here?" aniya sa binata. "Bakit ang tagal mo? I need some help." Tila inis nitong. Iniisip ni Bethany kung ano na naman ang kailangan nito at tila iritableng iritable ang bungad nito sa kanya. "Pwede bang kalma? Katatayo ko lang ho, Sir. Palibhasa hindi ka maka-relate e kasi hindi ka makatayo." Bubulong bulong pa
CHAPTER 11 Hindi rin sukat akalain ni Bethany na si Simon pa mismo ang mag-aaya sa kanya na magpunta sila sa plantasyon. Ang sabi ba naman sa kanya ni Manang Lucile ay tila nawalan na si Simon ng gana pa na magpupunta doon simula noong naaksidente siya. Habang tulak-tulak niya ang wheeled chair ng binata ay sinasalubong rin sila ng malakas at preskong hangin.Bagay na gustong gusto ng dalaga dahil hindi ganito kasarap ang simoy ng hangin sa syudad. Bigla na lamang nga sumagi sa isip niya ang napabayaan niyang jowa at matalik na kaibigan. Sa takot niya na mahanap ng magulang niya, imbes sana na ko-contact-in niya pa ang mga ito ay umatras na lamang siyang bigla dahil baka madamay pa ang dalawa. Kumusta na kaya sila? Nami-miss rin ba nila ako? “Kaysa mag-isip ka dyan ng kung anu-ano, why not pick me a fresh mango.” Walang anu-anong wika ni Simon. Napabalik sa ulirat niya si Bethany. “H-Ha? E puno ng mangoes yung basket natin kanina ah? Bakit mo paako pagpipitasin ngayon? Okay ka lang
HINDI masydadong kumportable si Bethany na kasama nila sina Juancho at si Cheina. Hindi tuloy siya makagalaw ng maayos sa harap ng mga ito. Nasa farm na nga sila at minamasdan pa lamang niya ang plantasyon ng mga prutas at gulay ay amazed na amazed na siya. "So, Clarke, what keeps you busy these days? Since, hindi ka naman na nakakalabas ng mansiyon," tanong ni Cheina habang nakangiti ng matamis sa binata. Halata mo ang kuneksyon sa kanilang dalawa. Which is acceptable dahil matagal na silang magkakilala. Pero ang mga titig ni Cheina, hindi man nito sabihin pero halata naman na may pagtingin ito sa binata. Napatanaw si Simon sa malayo. "Well, uh, nothing really. I do check everything here in the plantation. Lahat ng mga iniwang trabaho sa 'kin ng mga magulang ko. I managed those well despite my condition. Saka, hindi naman to permanente. Once I get well, I can do everything that I wanted." "That's good. Your condition did not hinder your responsibilities. Mas lalo mo akong napapa