Home / Romance / The Housemaid's Secret / Kabanata 1 - Kabanata 10

Lahat ng Kabanata ng The Housemaid's Secret: Kabanata 1 - Kabanata 10

19 Kabanata

PROLOGUE

TAKBO at lakad lang ang ginawa ni Bethany. Wala na siyang pakialam kahit dise oras na ng gabi. Kailangan niyang makatakas. Kailangan niyang makaalis agad agad. Dapat ngayon din mismo. Patingin tingin siya sa likod niya dahil ramdam niya na may nakasunod sa kanya. Ewan niya ba kung paranoid lang siya o ano pero hindi siya mapakali. Tulog na ang lahat bago pa man siya gumising para layasan ang marangya niyang buhay. Malalim na ang gabi. Wala nang bumabyahe. May nagdaraan naman pero hindi naman bumabyahe ang mga ito ng probinsiya. Hanggang sa may isang matandang nagmamaneho ng truck ang huminto sa harap niya. May karga itong mga gulay na mukhang ide-deliver sa kung saan man. "Tatay! P-Pwede niyo ho ba akong mapasakay? Saan ho kayo papunta? I will pay! K-Kahit magkano." Hinihingal pa siya habang kinakausap ito. Napakamot ng ulo ang matanda. "Ineng, papunta akong probinsiya para mag-deliver ng gulay. Kung gusto mong sumakay, wala nang available na lugar kundi diyan sa likod kasama ng mg
Magbasa pa

CHAPTER 1

Bethany Gayle Chavez-- Sweet, sassy, kikay. Balingkinitan din ang katawan niya at sa kutis niyang mestisa ay sino nga ba ang mag-aakala na papasukin niya ang ganitong trabaho? Isa lang naman siya sa mga magagandang mukha ng university na pinapasukan niya sa Manila. Graduating na nga sana siya ng kursong architecture kung hindi lang umepal ang mommy niya at nanguna sa mga desisyon niya sa buhay ay hindi naman sana siya lalayas at magpapakalayo-layo. Ikaw ba naman ang ipakasal sa isang matandang mayamang Chinese, matutuwa ka ba? E baka nga uugod-ugod na 'yon. Malayo sa pangarap niyang guwapo, mayaman, at syempre, kahit na hindi niya kasing edad basta hindi naman na magse-senior citizen. Sobrang tahimik ng mga lalaking kasama ni Bethany sa sasakyan. Mapapanis yata ang laway niya. Akala niya ay tatahimik lang ang mga ito hanggang sa makarating sila sa paroroonan nila pero biglang nagsalita ang lalaking katabi niya. "Ehem." Panimula pa nito kaya naagaw nito ang kanyang atensyon. "Dahil
Magbasa pa

CHAPTER 2

She knocked the door three times pero walang sumasagot. Hmm, pipe ba itong boss nila? bakit naman hindi nagsasalita? Aniya sa isipan. Imbes na mag-isip pa ng kung ano-ano ay dahan-dahan na lang niyang binuksan ang pinto. Creepy pa nga ang tunog niyon na tila ba ilang taong hindi nabuksan. Napapikit siya ng marahan at dahan-dahang binuksan ang mga mata niya nang namalayan niyang nasa loob na siya ng kwarto. Kumurap-kurap pa siya nang makita ang napakalinis na kwarto. Parang walang taong nakatira. But one man caught her attention. Nakaupo ito sa isang wheeled chair. Nakatalikod sa kanya at nakaharap sa bintana at nakatingin lang sa labas. Loner ba ang taong to? Aniya sa isipan saka siya napa-ubo para kunin ang atensyon ng binata. "Hel--" Babati pa nga lang naman sana siya nang bigla siyang hindi patapusin ng binata. "Who told you to enter my room, woman?" tanong nito sa kalmadong boses pero mababakas mo sa tono ng pananalita nito ang pagkairita. "A-Ah, si Manang Lucile, Sir. Tinur
Magbasa pa

CHAPTER 3

NANG maayos ni Bethany ang lahat ng mga kagamitan niya sa kanyang kwarto ay pinatawag agad siya ng mayordoma para sa hapunan. Syempre, nakahain na ang lahat. Kakain na lang siya. "Miss Bethany, Pinatatawag ka na ng mayordoma," tawag ng isa sa mga utusan din dito sa mansiyon. "Sige ho. I'll follow. Thanks!" Tiniklop niya na lang muna ang pamalit niya para mamaya para ready na ang isusuot niya matapos niyang maligo. Hanggang ngayon kasi ay ang suot niya pa ring damit kagabi ang suot suot niya. Pagdating niya sa kusina, nakahain na ang lahat. Para tuloy siyang prinsesa just for tonight dahil kakain na lang siya. "Uh, hindi niyo ho ako tinawag to help everyone cook dinner," wika ni Rebecca habang takam na takam sa mga pagkain. E sa magdamag ba naman siyang walang kain. "Ngayon lang 'yan. Kailangan mo ng lakas para sa training mo bukas, Miss English speaking." Tila sarkastiko namang sagot ni Manang Lucile. Hmm, bigla tuloy kinabahan si Bethany. Para namang hindi na siya sisikat
Magbasa pa

CHAPTER 4

Napanguso si Bethany ng kanyang mga labi nang una siyang dalhin ni Manang Lucile sa banyo. Napalunok agad siya ng laway. Kahit na malinis naman ang banyo, hindi pa rin siya ganoon kakomportable dahil ni sa bahay nila ay hindi nga siya humahawak kahit ng pangkuskos niyon. "Ito ang pinakamahalagang parte sa lahat. Nakikita mo ba 'yang bowl na yan? Ang toilet bowl na 'yan ay kailangang puting-puti at makintab sa linis. Dapat lagi rin iyang tuyo. Naiintindihan mo?" "E malinis naman ho ang nakikita ko e." Napailing-iling ang matanda. "Oo nga, malinis. Pero araw-araw ay kailangan mo pa rin iyang linisan para mapanatili ang linis nitong comfort room. Yung tipong pwede ka ditong mahiga at matulog. Ganoon kalinis." Napangiwi agad si Bethany saka napaatras. "That's so gross, Manang Lucile." Bulong niya. "May sinasabi ka pa ba dyan? Ineng, nandito ka para magtrabaho. Ipapaalala ko lang sa 'yo, okay?" Bethany cleared her throat. "Yes po. Hindi ko naman ho nakakalimutan 'yon. Madalas ko l
Magbasa pa

CHAPTER 5

"PINATATAWAG ka ni Mr. Silvestre." Iyon ang mga katagang bumungad kay Bethany sa kalagitnaan niya ng pagkain ng tanghalian kaya agad na nagsitinginan ang iba pang mga kasambahay. Nagtaka naman si Bethany kaya agad siyang naapturo sa kanyang sarili. "Ako? Ako talaga? Are you sure about that, Manong?" tanong niya pa doon sa matandang lalaking katiwala sa mansiyon. "Oo. Ikaw si Betty 'di ba?" Agad na nalaglag ang panga ng dalaga. "Betty? Excuse me? Sabi ko na nga ba hindi ako e."Napaisip naman ang matanda para alalahanin kung sino nga ba ang pinatatawag ni Simon. "Ikaw iyong bago 'di ba?" tanong pa nito para kumpirmahin."Yes, ako nga." Confident pang sagot ng dalaga habang hinihipan ang kuko niya. "O e 'di ikaw nga ang pinatatawag niya. Tara na, Miss Betty. Baka mainip iyon at mabugahan tayo ng apoy." Bahagyang nakaramdam ng pagkairita si Bethany pero may respeto pa rin naman siya sa matatanda kaya tinikom niya na lang ang bibig niya. "Fine, manong. I will go. Tara na." Sumuno
Magbasa pa

CHAPTER 6

KANINA pa iritable si Bethany dahil panay ang pagngisi ni Juancho sa kanya. May pa-kindat kindat pa nga ito na para bang gusto niya lang talagang inisin ang dalaga. Nasa kotse na nga sila ngayon at bumabyahe na papuntang bayan dahil doon ang mall dito na dinarayo ng lahat. Balot na balot si Bethany sa takot niya na makilala siya ng mga tao. So far, hindi pa naman siya hinahanap ng mommy niya through local TV. Iniisip niya na kinakalma siguro ng mom niya ang sarili nito at ayaw niyang mapahiya ang angkan nila kung sakali mang malaman ng lahat na nawawala siyaa. Kilala niya ang mommy niya. Hindi iyon gagawa ng kahit na anong ikakapahiya ng pangalan ng mga Chavez. “Alam mo, kahit na mag-cap ka pa, mag-jacket ng ilang layer at magsuot ng mask, wala namang magiging pakialam sa ‘yo ang mga tao rito. Hindi lang nila makikita ang maganda mong mukha. Ganon lang. Hindi ka ba naiinitan?” ani Juancho dahil ito pa yata ang nanlalagkit sa sobrang init ng suot ni Bethany. “What do you mean wala si
Magbasa pa

CHAPTER 7

Naabutan ni Bethany ang mga kasambahay sa kitchen na nagbubulong-bulungan habang naghahanda ng ng tanghalian kaya dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa mga ito para makinig sa usapan nila.“Alam niyo, por que maganda siya feeling na niya ay magkakaroon siya ng special treatment dito. Ano siya, sinuswerte? Akala niya ba prinsesa siya dito?” wika ng isang katulong.Ito iyong katulong na panay ang ngiti sa kanya ah? Aba, now alam na niya na pinaplastic lang siya nito.“At rinig ko rin girl na pinag-shopping siya ni Mr. Silvestre. Hindi ba nakakaintriga ‘yon? E wala naman silang special relationship. Ke bago bago pero sipsip na agad? E paano naman tayo na ilang taon nang naninilbihan rito?”“Oh e paano kung may relasyon pala sila? Ang landi na niya kapag ganon!”Naningkit ang mga mata n Bethany sa usapang naririnig niya. Mga bruhang to? They’re talking behind my back?“Hello! Pasensya na kayo if I was late. E kasi, ang dami kong bilini e. ano pa bang ibang gawain sa kusina?” patay mali
Magbasa pa

CHAPTER 8

Sunod-sunod ang pagtunog ng hugis bilog na hawak ni Bethany. Nagva-vibrate kasi iyon at tumutunog tuwing may iuutos sa kanya ang amo niya kaya lagi itong nasa bulsa ng uniporme niya. Iba na rin ang uniporme niya sa ibang mga kasambahay. May pormal ito. Mahaba ang manggas. Init na init na nga siya sa haba niyon at hindi siya sanay. Nang muling tumunog iyon ang nag-vibrate ay natataranta na naman siyang pumasok sa silid ng binata. Sumilip nga siya muna sa pintuan bago tuluyang pumasok. Malay niya ba e baka may kung ano siyang makita kapag bigla-bigla niya itong pasukin. Nang mapagtantong tila safe naman ang mga mata niya sa kung anong makikita niya ay tuluyan na nga siyang pumasok. "Ehem, ano hong gusto niyong iutos, Sir?" ani Bethany pa sa mahinang boses. Sobrang tahimik ng buong kwarto. Tila nakakabingi. Lalo pa at si Simon, nakatalikod sa kanya, nakatanaw na naman sa bintana at tahimik. "I need a bath, Betty. You need to undress me." Pagkasabing-pagkasabi niyon ni Simon ay
Magbasa pa

CHAPTER 9

UMAGANG-UMAGA ay tsismis na naman ang almusal ng mga marites na mga kasambahay sa kusina. Habang nagluluto ay sinasahugan yata nila ng paninira sa buhay ng iba ang mga niluluto nilang agahan. Gusto lang sanang magkape ni Bethany pero mukhang siya na naman ang pinagpipiyestahan ng mga ito. Sinadya na nga lang niya na kumanta-kanta na may pa-humming humming pa para makuha ang atensyon ng mga ito. "Lalalala, hmmmm. Uy anong meron? Baka may gusto kayong ikwento, share niyo naman sa 'kin. Para namang hindi tayo magkakasama e." Nakanguso pa niyang sabi na halata naman na pina-plastik niya ang mga ito. Pero syempre, todo ngiti pa rin siya para hindi ipahalata sa mga kasama. "Ay beh. Tapos na kwento namin e. Nahuli ka nang dating. Next timek, agahan mo naman para makasali ka sa usapan." "Oo nga, para hindi ako mapag-usapan, ano. . ." Bulong niya sabay kagat ng saging na hawak niya. "May binubulong ka ba, Miss?" tanong pa ng isang atribidang kasambahay na nakatirintas pa ang buhok. Ito
Magbasa pa
PREV
12
DMCA.com Protection Status