Share

CHAPTER 1

Author: Zenshine
last update Last Updated: 2023-06-13 20:04:26

Bethany Gayle Chavez-- Sweet, sassy, kikay. Balingkinitan din ang katawan niya at sa kutis niyang mestisa ay sino nga ba ang mag-aakala na papasukin niya ang ganitong trabaho? Isa lang naman siya sa mga magagandang mukha ng university na pinapasukan niya sa Manila. Graduating na nga sana siya ng kursong architecture kung hindi lang umepal ang mommy niya at nanguna sa mga desisyon niya sa buhay ay hindi naman sana siya lalayas at magpapakalayo-layo. Ikaw ba naman ang ipakasal sa isang matandang mayamang Chinese, matutuwa ka ba? E baka nga uugod-ugod na 'yon. Malayo sa pangarap niyang guwapo, mayaman, at syempre, kahit na hindi niya kasing edad basta hindi naman na magse-senior citizen. 

Sobrang tahimik ng mga lalaking kasama ni Bethany sa sasakyan. Mapapanis yata ang laway niya. Akala niya ay tatahimik lang ang mga ito hanggang sa makarating sila sa paroroonan  nila pero biglang nagsalita ang lalaking katabi niya. 

"Ehem." Panimula pa nito kaya naagaw nito ang kanyang atensyon. "Dahil nandito ka na, unang una, hindi ka na pwedeng humindi pa. Nakapasok ka na sa trabahong ito kaya wala ka nang lusot maliban na lang kung si Boss mismo ang magpatalsik sa 'yo. Naiintindihan mo ba 'yon?" 

Bahagya siyang natakot sa baritonong boses nito. Bakit parang illegal naman yata tong pinasok niya? Nakakatakot naman tong mga kasama niya! Hindi kaya hindi talaga pagkakatulong ang gagawin niya? Kinakabahan siya kaya hindi siya pwedeng pumikit man lang o kumurap dahil kapag ginawa niya iyon ay baka ibenta siya ng mga ito. 

"Miss? Nakikinig ka ba o tutulala ka na lang dyan habang buhay?" Saway sa kanya ng lalaki kaya napabalik siya sa kanyang ulirat. 

"Ay, hehe, sorry po! I did not mean to look stupid but yeah. I am listening of course." 

Hindi makapaniwala si Bethany na ang mala-fairy tale nyang buhay ay magiging ganito. Never in her life she imagined escaping from her family and applying as a maid! Sa takot niya na maikasal sa matandang intsik ay mas masisikmura niya pang maging katulong na lang. She is graduating real soon at a prestigious university. But she heard from her mom na ipapakasal siya nito sa isang matandang negosyanteng instik para mas lumawak pa ang kuneksyon at ari-arian ng pamilya nila. Bagay na hindi niya pinahintulutan. Kapag hindi naman siya pumayag, she will be forced to. Kaya minabuti niyang tumakas. 

Napakunot noo ang isang lalaki na nagmamaneho ng sasakyan. Maya-maya pa ay nakatanggap ang mga ito ng tawag. "Sir, yes? Opo. Kasama namin. . . Uh, hindi ho halata na trabaho ang pinunta. Opo, Sir. Malapit na kami." 

Iyon lang ang narinig niya at duda niya ay siya ang tinutukoy nito. Boss kaya nila ang kausap nito sa cell phone? Napatingin naman tuloy siya sa ayos niya. Maganda pa rin naman siya kahit na halatang wala siyang ligo. Saka sa ayos niya kasi ay hindi halatang mangangatulong. Para siyang magpi-pictorial sa beach. Hindi kaya baka hindi maniwala ang mga ito na katulong ang a-apply-an niya? E ano bang pakialam nila. Psh. Aniya sa isipan. 

"Is it far pa ba, manong?" conyo niyang tanong sa katabi niyang lalaki. 

Kailangan niyang magdahan-dahan at baka masampal siya. Tanggal ang ipin niya kapag nangyari yon dahil sa laki ng katawan nitong mga kasama niya. Kaya kailangan niyang maging mahinahon at hindi niya pwedeng pairalin ang pagiging m*****a niya at spoiled.

"Malayo pa, Miss. Sigurado ka bang magkakatulong ka o mag-a-apply ka bilang boss?" Natatawa pang wika ng lalaking nagmamaneho ng sasakyan. 

Nagsitawanan naman silang tatlo. 

"Ang corny ng joke mo, manong. But yes, ayaw niyo ba? Nag-a-apply na nga 'yung tao e. Huwag na kayong choosy." She murmured. 

Napailing-iling na lamang silang tatlo. Iniisip nila na hindi na nila ito dapat kausapin pa dahil mukhang may attitude ang dalaga. 

Pagdating nila sa hacienda ay nalula si Bethany. Akala niya, pagpasok ng gate ay bubungad na agad sa kanya ang mansiyon pero hindi pala. Papasok pa lang iyon sa loob. Ang daming pananim at mga puno ang dinaanan nila. Sobrang laki at lawak na lupain naman nito. Hindi siya makapaniwala na isang pamilya lang ay may-ari nito. Well, they have a lot of properties too. Iyon lang ay hindi niya iyon masyadong napupuntahan kaya hindi niya rin alam kung anong itsura. Masyado kasi siyang tutok sa pagiging studyante niya. Hindi naman kasi siya katalinuhan kaya ganon na lang kung magpursige siya.

"We 're here," wila ng lalaking katabi niya saka siya pinagbuksan ng pinto. 

"Welcome to Hacienda Apolonia. Ito ang isa sa pinakamalawak at pinakakilalang hacienda sa probinsiyang ito. Minana na ng boss namin ang lahat nang naabot ng mga mata mo. Magiging boss mo na rin siya kaya pag-igihan mo." Wika naman ng isa na may moustache.

Inilibot nga ni Bethany ang kanyang paningin. Sobrang laki! Nakakalula! Pero gandang ganda siya sa lugar. Nakakabighani. What a nice place to live and start a new life!

"Ang dami niyo pang sinasabi ano ho? Hindi naman ako nandito para kumalap ng datus tungkol sa hacienda ng boss niyo. I am here as a maid. So, tara na ho ano po?" sarkastiko pang sagot ni Bethany habang nakapamewang. 

Parang nananaginip pa rin kasi siya hanggang ngayon. Nasanay kasi siya na siya ang pinagsisilbihan. Pero ngayon siya naman ang maninilbihan. Hindi niya tuloy alam kung kakayanin niya ba ito? 

"Okay, dalhin niyo na 'yan. Nagmamadali yata na masesante." 

Nagpantig agad ang tenga ni Bethany sa mga sinabi nito. Hindi pa nga siya naha-hire completely, sesante agad ang maririnig niya? 

"Excuse me, Sir? Paano niyo naman nasabi na masesesante agad ako? Masipag kaya ako." Confident niyang sagot. Masipag naman talaga siya. Natulong pa nga siya minsan sa mga kasambahay nila sa mansiyon. Kaso, wala lang talaga siyang alam sa pagluluto. Cooking is hell for her. Saka, marunong lang siya pero hindi magaling. Natulong nga siya sa bahay pero madalas palpak. E syempre, kapag sinabi niya iyon, e di baka hindi na sa kanya ibigay ang trabaho. Kaya kailangan niyang magpa-impress muna.

"Wala 'yon sa sipag sipag lang kundi sa tatag, Miss. Sa ingay mo pang 'yan at pagiging masyadong demanding, hindi ko na lang alam. Tara na para wala ka nang masabi." Inis na sagot naman pabalik nung lalaki. 

Sinamahan siya ng tatlo sa mayordoma ng mansiyon. Nakataas pa nga ng kilay ang matandang mayordoma na may hawak na pamaypay. May aircon naman pero bakit may paypay pa ito? Kunot noong tanong ni Bethany sa kanyang isipan. 

"Ito si Manang Lucile. Siya ang mayordoma ng mga kasambahay dito. Kailangan mo siyang pakisamahang mabuti at sundin. Naiintindihan mo ba?" 

Tumango-tango lang ang dalaga. "Yes, I do. Uh, but excuse me, Manang Lucile? Bakit ho kayo nagpapaypay e may aircon naman ho dito sa loob ng bahay?" Pag-uusisa niya pa. 

Naningkit ang mga mata ng matanda. "E bakit ka ba nag-uusisa?" pasuplada nitong sagot. 

Napatakip si Bethany sa bibig niya dahil nasa isip niya lang naman iyon kanina. Hindi niya namalayan na nasabi na pala niya. 

Maya-maya ay bigla na lang ngumiti si Manang Lucile. "Biro lang! E kasi nag-iihaw ihaw kami sa labas. Kaya may dala akong abaniko. O siya, dito ka na muna. Ayun ang kwarto ni Sir sa ikatlong kwarto. Knock before you open para hindi ka mabugahan ng apoy ha?" Bilin pa nito. 

Nambubuga pala ng apoy ang amo nila? Oh, can't wait to wake the sleeping dragon. . .teka parang iba yata iyon. Well. . . Aniya sa isipan. This seem challenging to her kaya naman she is ready to bring it on. Huwag lang siyang mapunta sa matandang intsik na iyon na parang masamang damo na matagal mamatay. 

Related chapters

  • The Housemaid's Secret   CHAPTER 2

    She knocked the door three times pero walang sumasagot. Hmm, pipe ba itong boss nila? bakit naman hindi nagsasalita? Aniya sa isipan. Imbes na mag-isip pa ng kung ano-ano ay dahan-dahan na lang niyang binuksan ang pinto. Creepy pa nga ang tunog niyon na tila ba ilang taong hindi nabuksan. Napapikit siya ng marahan at dahan-dahang binuksan ang mga mata niya nang namalayan niyang nasa loob na siya ng kwarto. Kumurap-kurap pa siya nang makita ang napakalinis na kwarto. Parang walang taong nakatira. But one man caught her attention. Nakaupo ito sa isang wheeled chair. Nakatalikod sa kanya at nakaharap sa bintana at nakatingin lang sa labas. Loner ba ang taong to? Aniya sa isipan saka siya napa-ubo para kunin ang atensyon ng binata. "Hel--" Babati pa nga lang naman sana siya nang bigla siyang hindi patapusin ng binata. "Who told you to enter my room, woman?" tanong nito sa kalmadong boses pero mababakas mo sa tono ng pananalita nito ang pagkairita. "A-Ah, si Manang Lucile, Sir. Tinur

    Last Updated : 2023-07-09
  • The Housemaid's Secret   CHAPTER 3

    NANG maayos ni Bethany ang lahat ng mga kagamitan niya sa kanyang kwarto ay pinatawag agad siya ng mayordoma para sa hapunan. Syempre, nakahain na ang lahat. Kakain na lang siya. "Miss Bethany, Pinatatawag ka na ng mayordoma," tawag ng isa sa mga utusan din dito sa mansiyon. "Sige ho. I'll follow. Thanks!" Tiniklop niya na lang muna ang pamalit niya para mamaya para ready na ang isusuot niya matapos niyang maligo. Hanggang ngayon kasi ay ang suot niya pa ring damit kagabi ang suot suot niya. Pagdating niya sa kusina, nakahain na ang lahat. Para tuloy siyang prinsesa just for tonight dahil kakain na lang siya. "Uh, hindi niyo ho ako tinawag to help everyone cook dinner," wika ni Rebecca habang takam na takam sa mga pagkain. E sa magdamag ba naman siyang walang kain. "Ngayon lang 'yan. Kailangan mo ng lakas para sa training mo bukas, Miss English speaking." Tila sarkastiko namang sagot ni Manang Lucile. Hmm, bigla tuloy kinabahan si Bethany. Para namang hindi na siya sisikat

    Last Updated : 2023-07-09
  • The Housemaid's Secret   CHAPTER 4

    Napanguso si Bethany ng kanyang mga labi nang una siyang dalhin ni Manang Lucile sa banyo. Napalunok agad siya ng laway. Kahit na malinis naman ang banyo, hindi pa rin siya ganoon kakomportable dahil ni sa bahay nila ay hindi nga siya humahawak kahit ng pangkuskos niyon. "Ito ang pinakamahalagang parte sa lahat. Nakikita mo ba 'yang bowl na yan? Ang toilet bowl na 'yan ay kailangang puting-puti at makintab sa linis. Dapat lagi rin iyang tuyo. Naiintindihan mo?" "E malinis naman ho ang nakikita ko e." Napailing-iling ang matanda. "Oo nga, malinis. Pero araw-araw ay kailangan mo pa rin iyang linisan para mapanatili ang linis nitong comfort room. Yung tipong pwede ka ditong mahiga at matulog. Ganoon kalinis." Napangiwi agad si Bethany saka napaatras. "That's so gross, Manang Lucile." Bulong niya. "May sinasabi ka pa ba dyan? Ineng, nandito ka para magtrabaho. Ipapaalala ko lang sa 'yo, okay?" Bethany cleared her throat. "Yes po. Hindi ko naman ho nakakalimutan 'yon. Madalas ko l

    Last Updated : 2023-07-16
  • The Housemaid's Secret   CHAPTER 5

    "PINATATAWAG ka ni Mr. Silvestre." Iyon ang mga katagang bumungad kay Bethany sa kalagitnaan niya ng pagkain ng tanghalian kaya agad na nagsitinginan ang iba pang mga kasambahay. Nagtaka naman si Bethany kaya agad siyang naapturo sa kanyang sarili. "Ako? Ako talaga? Are you sure about that, Manong?" tanong niya pa doon sa matandang lalaking katiwala sa mansiyon. "Oo. Ikaw si Betty 'di ba?" Agad na nalaglag ang panga ng dalaga. "Betty? Excuse me? Sabi ko na nga ba hindi ako e."Napaisip naman ang matanda para alalahanin kung sino nga ba ang pinatatawag ni Simon. "Ikaw iyong bago 'di ba?" tanong pa nito para kumpirmahin."Yes, ako nga." Confident pang sagot ng dalaga habang hinihipan ang kuko niya. "O e 'di ikaw nga ang pinatatawag niya. Tara na, Miss Betty. Baka mainip iyon at mabugahan tayo ng apoy." Bahagyang nakaramdam ng pagkairita si Bethany pero may respeto pa rin naman siya sa matatanda kaya tinikom niya na lang ang bibig niya. "Fine, manong. I will go. Tara na." Sumuno

    Last Updated : 2023-07-18
  • The Housemaid's Secret   CHAPTER 6

    KANINA pa iritable si Bethany dahil panay ang pagngisi ni Juancho sa kanya. May pa-kindat kindat pa nga ito na para bang gusto niya lang talagang inisin ang dalaga. Nasa kotse na nga sila ngayon at bumabyahe na papuntang bayan dahil doon ang mall dito na dinarayo ng lahat. Balot na balot si Bethany sa takot niya na makilala siya ng mga tao. So far, hindi pa naman siya hinahanap ng mommy niya through local TV. Iniisip niya na kinakalma siguro ng mom niya ang sarili nito at ayaw niyang mapahiya ang angkan nila kung sakali mang malaman ng lahat na nawawala siyaa. Kilala niya ang mommy niya. Hindi iyon gagawa ng kahit na anong ikakapahiya ng pangalan ng mga Chavez. “Alam mo, kahit na mag-cap ka pa, mag-jacket ng ilang layer at magsuot ng mask, wala namang magiging pakialam sa ‘yo ang mga tao rito. Hindi lang nila makikita ang maganda mong mukha. Ganon lang. Hindi ka ba naiinitan?” ani Juancho dahil ito pa yata ang nanlalagkit sa sobrang init ng suot ni Bethany. “What do you mean wala si

    Last Updated : 2023-07-20
  • The Housemaid's Secret   CHAPTER 7

    Naabutan ni Bethany ang mga kasambahay sa kitchen na nagbubulong-bulungan habang naghahanda ng ng tanghalian kaya dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa mga ito para makinig sa usapan nila.“Alam niyo, por que maganda siya feeling na niya ay magkakaroon siya ng special treatment dito. Ano siya, sinuswerte? Akala niya ba prinsesa siya dito?” wika ng isang katulong.Ito iyong katulong na panay ang ngiti sa kanya ah? Aba, now alam na niya na pinaplastic lang siya nito.“At rinig ko rin girl na pinag-shopping siya ni Mr. Silvestre. Hindi ba nakakaintriga ‘yon? E wala naman silang special relationship. Ke bago bago pero sipsip na agad? E paano naman tayo na ilang taon nang naninilbihan rito?”“Oh e paano kung may relasyon pala sila? Ang landi na niya kapag ganon!”Naningkit ang mga mata n Bethany sa usapang naririnig niya. Mga bruhang to? They’re talking behind my back?“Hello! Pasensya na kayo if I was late. E kasi, ang dami kong bilini e. ano pa bang ibang gawain sa kusina?” patay mali

    Last Updated : 2023-07-24
  • The Housemaid's Secret   CHAPTER 8

    Sunod-sunod ang pagtunog ng hugis bilog na hawak ni Bethany. Nagva-vibrate kasi iyon at tumutunog tuwing may iuutos sa kanya ang amo niya kaya lagi itong nasa bulsa ng uniporme niya. Iba na rin ang uniporme niya sa ibang mga kasambahay. May pormal ito. Mahaba ang manggas. Init na init na nga siya sa haba niyon at hindi siya sanay. Nang muling tumunog iyon ang nag-vibrate ay natataranta na naman siyang pumasok sa silid ng binata. Sumilip nga siya muna sa pintuan bago tuluyang pumasok. Malay niya ba e baka may kung ano siyang makita kapag bigla-bigla niya itong pasukin. Nang mapagtantong tila safe naman ang mga mata niya sa kung anong makikita niya ay tuluyan na nga siyang pumasok. "Ehem, ano hong gusto niyong iutos, Sir?" ani Bethany pa sa mahinang boses. Sobrang tahimik ng buong kwarto. Tila nakakabingi. Lalo pa at si Simon, nakatalikod sa kanya, nakatanaw na naman sa bintana at tahimik. "I need a bath, Betty. You need to undress me." Pagkasabing-pagkasabi niyon ni Simon ay

    Last Updated : 2023-08-01
  • The Housemaid's Secret   CHAPTER 9

    UMAGANG-UMAGA ay tsismis na naman ang almusal ng mga marites na mga kasambahay sa kusina. Habang nagluluto ay sinasahugan yata nila ng paninira sa buhay ng iba ang mga niluluto nilang agahan. Gusto lang sanang magkape ni Bethany pero mukhang siya na naman ang pinagpipiyestahan ng mga ito. Sinadya na nga lang niya na kumanta-kanta na may pa-humming humming pa para makuha ang atensyon ng mga ito. "Lalalala, hmmmm. Uy anong meron? Baka may gusto kayong ikwento, share niyo naman sa 'kin. Para namang hindi tayo magkakasama e." Nakanguso pa niyang sabi na halata naman na pina-plastik niya ang mga ito. Pero syempre, todo ngiti pa rin siya para hindi ipahalata sa mga kasama. "Ay beh. Tapos na kwento namin e. Nahuli ka nang dating. Next timek, agahan mo naman para makasali ka sa usapan." "Oo nga, para hindi ako mapag-usapan, ano. . ." Bulong niya sabay kagat ng saging na hawak niya. "May binubulong ka ba, Miss?" tanong pa ng isang atribidang kasambahay na nakatirintas pa ang buhok. Ito

    Last Updated : 2023-08-03

Latest chapter

  • The Housemaid's Secret   CHAPTER 18

    HINDI pinabayaan ni Juancho si Bethany hanggang sa pagpasok nito sa unang araw niya sa University. Syempre, hindi naman niya iyon gagawin kung walang utos mula kay Simon. May iniingatan silang sikreto na hindi maaring mabunyag kaya naman hanggang sa school ay bantay-sarado si Bethany ng mga body guards mula sa malayo.Pag-apak na pag-apak niya pa lang sa university ay ramdam na niya ang mapanuksong titig sa kanya ng mga studyante doon. Alam niyang sa mga titig ng mga ito ay kinukutya na siya at pinagtatawanan. Not the life that she has before. Sa dati niya kasing school ay isa siya sa campus crush. Tila bumaliktad tuloy ang mundo niya rito. Pero hindi na naman iyon bale. Ang mahalaga sa kanya ay matuloy niya ang pag-aaral niya. "I heard she's the transfer student. Akala ko pa naman magkakaroon na ako ng karibal dito. E mukhang kuko ko lang 'yan, e." Wika ni Ericka. Anak ng mayor ng lugar nila. Napakaganda rin naman nito pero hindi maganda ang ugali. Isama mo na ang mga minion niya na

  • The Housemaid's Secret   CHAPTER 17

    UNANG araw ni Bethany bilang isang studyante sa isang unibersidad sa probinsya. Graduating na siya at huling taon na lang niya ito pero pakiramdam niya ay first time pa rin siyang tutungtong ng kolehiyo. Siguro dahil first time niyang maging transfery at magpanggap na nobody para pagtaguan ang pamilya niya na hanggang ngayon ay wina-wanted siya. Mangiyak-ngiyak siya ngayon sa harapan ng salamin. Tila ba kinakausap ang sarili. "Do I really need to make myself ugly? Mukhang mahirap iyon ha," aniya pa sa sarili. "You have to. Kung gusto mong mag-aral nang normal at hindi kinukuyog ng mga studyante." Halos maitapon niya ang brush na hawak niya nang biglang magsalita si Simon mula sa kanyang likuran. "Can't you knock bago ka pumasok ng room ko, Sir? Aatakihin ako sa 'yo sa heart, e." Maarte nitong sagot. "Isa pa, it's just 5AM oh. Why are you gising na ba?" she added. "I forgot to tell you that you still need to wake up early and help the maids before you go to school. It would help if

  • The Housemaid's Secret   CHAPTER 16

    MUKHANG kakaiba ang kinikilos ngayon ni Juancho kung kay Bethany pa. Mukhang mas mabait yata ito ngayon? E, the last time she checked, wala naman itong ambag sa buhay niya kundi ang asarin siya at sabihang baliw.“And what is this?” tila disappointed na sagot ng dalaga habang inaabot sa kanya ni Juancho ang pang-disguise niya.“Syempre kailangan mong mag-disguise.”Kibit-balikat na lang na tinanggap iyon ni Bethany. Sinuot niya ang cap, glasses, at mask. Hindi na siya nag-jacket pa dahil mas magmumukha siyang hold-upper kapag nagkataon.“In fairness, maganda ka pa rin kahit na balot na balot ang mukha mo.”She smiled. “Well, thanks. Ako lang ‘to.“Ayan, ngumiti ka nang gumanda ka lalo. We will go to a university in the nearby town.” Prangkang wika ni Juancho.Tila namilog naman ang mga mat ani Bethany sa mga sinabi nito. They’re going to school? Ibig ba nitong sabihin, she’s going back to school? For real?“W-Wait, anong g-gagawin natin don?” nagtataka niyang tanong na tila may kasaman

  • The Housemaid's Secret   CHAPTER 15

    "Coffee?" Bethany offered. Napaangat ng tingin niya si Simon para salubungin ang magagandang mga mata ni Bethany. Kanina lang ay halos malunod na siya sa iniisip niya dahil sa sobrang lalim niyon. Buti na lang, dumating si Bethany."You're late, Betty. I just had mine." Puna pa nito sabay balik ulit ng kanyang tingin sa kawalan. Pagkatapos non ay tahimik na ulit siya at hindi na muli pang nagsalita.Paalis na sana ang dalaga nang magsalita si Simon. "Leave the coffee."Natigilan si Bethany. Kahit na anong bantot ng dating ng "Betty" sa kanya, kapag si Simon na ang bumibigkas non ay tila nagiging sosyal bigla sa pandinig niya. Ang lamig ng boses ni Simon. Tila ba nanuot iyon sa buong katawan niya. Well, lagi naman siyang ganyan. But it's way different today. Para bang sobrang seryoso nito. E parang kagabi lang ay medyo ayos naman siya na nakikipag-usap kay Darryl. Nagtataka tuloy si Bethany kung anong nangyari. Bigla na lang itong nanlamig. E madalas, ito pa nga ang mas malakas na mang

  • The Housemaid's Secret   CHAPTER 14

    It's half past eight when the doctor came to check on Simon. Kagat labi pa si Bethany nang pumasok ang doktor dahil tulad nang ini-imagine niya ay hindi siya nagkakamali na guwapo ito. Maputi, mabango, at halatang malinis. Matangkad rin ito at napakaprominente ng jaw line kaya naman hindi niya maiwasang hindi ito titigan ng matagal na kulang na lang ay tunawin niya ito. "Ehem." Simon interrupted. Agad na napaayos ng tayo niya ang dalaga sabay sipit ng buhok niya sa kanyang tenga. "I assume you are Simon's--" "Ah, oo. Ako ang bago niyang Yaya." Pagdidiin pa ni Bethany habang natatawa. Napatakip ng bibig niya ang doctor na tila ba pinipigilan ang matawa. Paano ba naman, pinagdiinan kasi talaga ni Bethany ang salitang Yaya na para lang naman sana sa mga bata. "Tsk. Stop laughing, Darryl!" Saway nito sa doctor. Napatango-tango ang dalaga. Ohh, so si Darryl pala siya? Cool name. Bagay sa kanya. Anito sa kanyang isipan habang simpleng nakatitig sa doctor. Bata pa nga ito. Napaisip tul

  • The Housemaid's Secret   CHAPTER 13

    KINIKILIG? ME? NEVER. Ani Bethany sa isipan habang sinasariwa ang mga binitawang salita ni Simon sa kanya. Alam naman niya na inaasar lang siya nito ng bongga. Akala naman niya madadala nito si Bethany sa charm niya? After so many months ay nakahanap ng tyempo si Bethany na ma-contact ang kaibigan niya. Ilang beses na siyang nag-attempt na makipag-communicate rito pero hindi siya makakuha ng timing. Now is the time. Alam niyang sasabog sa galit ang best friend niya pero kailangan niya itong tanggapin. She dialed her best friend's number. Nakailang ring pa lang siya nang agad na sagutin ng kaibigan niya ang tawag. "A-Antonette." Bulong niya sa kabilang linya. Napasinghap si Antonette nang marinig pa lamang ang boses nito. "T-Tangina mo, Bethany!! Bwiset ka! Bakit ngayon ka lang tumawag?" halos bulong nitong sagot. Pilit na hinihinaan ang boses niya. Pero halata ang panggigigil nito sa tono ng kanyang pananalita. Nanginig agad ang mga kamay ni Bethany. Finally. Ito na iyon. Ang araw

  • The Housemaid's Secret   CHAPTER 12

    NAKABUSANGOT na binagsak ni Bethany ang pagod niyang katawan sa kama niya. Alas sais na ng gabi silang nakabalik sa mansiyon at pagod na pagod siya sa lahat ng pinaggagawa sa at inutos sa kanya ni Simon buong araw. Kakahiga niya pa lang nang biglang mag-ingay na naman ang bell na siyang hudyat na may utos na naman sa kanya ang mahal na hari. Wala bang pahingahan to? Aba, mukhang sobra pa sa 8 hrs a day ang duty niya ah? Mas lalong nagsalubong ang kanyang kilay. "Haaay ito na naman tayo." Dagdadabog siyang bumangon at naglakad papuntang pintuan. Pagbukas na pagbukas niya ay agad na bumungad sa kanya si Simon na salubong ang kilay. Nagulat siya rito. "Uh? What brought you here?" aniya sa binata. "Bakit ang tagal mo? I need some help." Tila inis nitong. Iniisip ni Bethany kung ano na naman ang kailangan nito at tila iritableng iritable ang bungad nito sa kanya. "Pwede bang kalma? Katatayo ko lang ho, Sir. Palibhasa hindi ka maka-relate e kasi hindi ka makatayo." Bubulong bulong pa

  • The Housemaid's Secret   CHAPTER 11

    CHAPTER 11 Hindi rin sukat akalain ni Bethany na si Simon pa mismo ang mag-aaya sa kanya na magpunta sila sa plantasyon. Ang sabi ba naman sa kanya ni Manang Lucile ay tila nawalan na si Simon ng gana pa na magpupunta doon simula noong naaksidente siya. Habang tulak-tulak niya ang wheeled chair ng binata ay sinasalubong rin sila ng malakas at preskong hangin.Bagay na gustong gusto ng dalaga dahil hindi ganito kasarap ang simoy ng hangin sa syudad. Bigla na lamang nga sumagi sa isip niya ang napabayaan niyang jowa at matalik na kaibigan. Sa takot niya na mahanap ng magulang niya, imbes sana na ko-contact-in niya pa ang mga ito ay umatras na lamang siyang bigla dahil baka madamay pa ang dalawa. Kumusta na kaya sila? Nami-miss rin ba nila ako? “Kaysa mag-isip ka dyan ng kung anu-ano, why not pick me a fresh mango.” Walang anu-anong wika ni Simon. Napabalik sa ulirat niya si Bethany. “H-Ha? E puno ng mangoes yung basket natin kanina ah? Bakit mo paako pagpipitasin ngayon? Okay ka lang

  • The Housemaid's Secret   CHAPTER 10

    HINDI masydadong kumportable si Bethany na kasama nila sina Juancho at si Cheina. Hindi tuloy siya makagalaw ng maayos sa harap ng mga ito. Nasa farm na nga sila at minamasdan pa lamang niya ang plantasyon ng mga prutas at gulay ay amazed na amazed na siya. "So, Clarke, what keeps you busy these days? Since, hindi ka naman na nakakalabas ng mansiyon," tanong ni Cheina habang nakangiti ng matamis sa binata. Halata mo ang kuneksyon sa kanilang dalawa. Which is acceptable dahil matagal na silang magkakilala. Pero ang mga titig ni Cheina, hindi man nito sabihin pero halata naman na may pagtingin ito sa binata. Napatanaw si Simon sa malayo. "Well, uh, nothing really. I do check everything here in the plantation. Lahat ng mga iniwang trabaho sa 'kin ng mga magulang ko. I managed those well despite my condition. Saka, hindi naman to permanente. Once I get well, I can do everything that I wanted." "That's good. Your condition did not hinder your responsibilities. Mas lalo mo akong napapa

DMCA.com Protection Status