Chapter Four: The Deal
C H A R L I E
Despite being late, pumasok pa rin naman ako sa trabaho. Hindi ako pala make-up na tao dahil naniniwala ako na nasasayang lang ang oras ko tuwing umaga sa paglalagay ng kahit ano sa mukha ko para lang sa huli, magmukha akong clown? Pero sa kinailangan ngayon dahil sa mga binigay ni Zeno kagabi, I really had to. Concealer lang naman para matakpan ang ngayong kulay violet na mga marka. At dahil nakita ko rin ang mukha ko sa salamin pagkabalik ko sa sariling apartment, naglagay na rin ako sa mga pimples na hindi mawala-wala sa mukha ko.
Nakakahiya nga kay Zeno dahil sigurado ako na kapag nagtitigan kaming dalawa nun, lugi ako dahil mabilis akong maconscious sa hitsura kapag may kaharap na gwapong lalake. I mean I was that kind of girl, wala naman pinagkaiba sa mga babae diyan na mahilig sa mga lalakeng matatangkad, malakas ang dating- ganun. Ni isang bahid galing sa tigyawat o ano man, wala kang makikita sa makinis na balat ni Zeno. Maalaga sa sarili hindi tulad ko. He definitely has a skin care routine.
Matanong nga minsan. And I'm definitely not judging him by this state, ang cute nga ngayon na naisip ko na. Hindi pa ako nakakakilala ng lalakeng tulad niya. Wala siyang pake kung masyado siyang feminine sa harap ng maraming tao, that is what I guess at least. Kasi si James mukha namang tanggap kung ano ang kaibigan niya at hindi ito pinandidirian.
Kaya mas gusto ko lalake mga kaibigan ko. Walang arte. At totoo sa mga sinasabi nila- hindi na magsusugarcoat sa pananalita. At ganun din naman ako.
Kaya akala nila babae gusto ko.
This time too, nagsuklay ako ng buhok nang maayos. Wala na ngang ligo hindi pa magsusuklay ng buhok, di'ba? Ang dugyot ko naman kahit ang tanda-tanda ko na. At kahit papaano mukha na akong disente. Again, thanks to Zeno.
Nang makapasok na ako sa office, saka ko na napansin ang tingin ng mga tao. Yung iba nagtataka pero mostly gulat habang nakatingin sa gawi ko. Alam kong hindi ako maganda pero sana hindi nila pinapamukha sakin. Kahit papaano nasasaktan pa rin ang nararamdaman ko kapag nasasabihan akong pangit. Lalo na kapag may hitsura ka pa kahit na bang sabihin mong malakas personality ko, hindi mo naman alam tinatago ko.
Nakakababa kaya ng self-esteem.
My eyes roamed around the office once more kung makikita ang tarantadong ex ko. Alam naman kasi niya talaga na ganun ako maglambing, yung nananakit. Bakit niya gagawing rason yun para magbreak kami? Palibhasa! Mas lalake nga ang asta ko sa kanya. Nakasira sa ego niya kaya nakipaghiwalay.
Walang bayag.
Pumasok na ako sa mismo sa meeting room habang hinawi-hawi ang buhok ko na naririndi akong nakababa imbes na nakataas na laging kong ginagawa dito. You would think, someone like me na masyadong boyish would have a man cut too pero sobrang haba ng buhok ko if you must know.
I felt stares once more kaya napatingin na rin sa mga tao na nandun. There were shareholders, assistants.. but what struck me the most— I mean what shocked me was that I saw Zeno, talking to the CEO himself. Sa lahat ng taong pwede kong makita ngayon si Zeno pa. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Ano ba dapat ang maramdaman ko?
Matuwa? Kasi umalis siya ng apartment ko na walang binanggit tungkol sa nangyari and that’s making me really feel uncomfortable. I felt played with.
Pero alam ko deep, deep, deep, deep, deep inside kinikilig ako. Alam ko ring fashionable 'tong lalake na 'to pero him in a suit was just wow. Malalaman mo talaga na babae ako, na straight ako, kapag nahuhulog panty ko kapag nakakita ng gwapong lalake. And he fits the standard I want in a guy. Unang tingin lang niya sa'yo maglalaway ka na.
"Miss Charlotte Costales, are you ready for your project proposal?"
"Y-Yes, sorry, sorry." madalian kong inayos ang gamit na dala na mas nacoconscious lalo na nandun si Zeno.
Bakit kasi nandito siya?
WAIT.
Bakit nga ba siya nandito?
Does that mean—
Oh hell no.
"Good morning," bati ko lang sa mga nandun na sadyang iniiwasan talagang matingnan nang diretso si Zeno.
Bakit ang gwapo-gwapo kasi niya? Tapos paulit-ulit pang nagrereplay sa isip ko ang nangyari saming dalawa. I could feel him gazing back at me.
Nagpaliwanag na rin ako ng gusto kong mangyari sa mga board members kahit sobrang naiilang na ako. Okay lang kung yung ibang tao lang nandito kaso si Zeno kasi, hindi siya ibang tao sakin. He was a person I had sex with last night and then he showed up the next morning sa company kung saan ako nagtatrabaho mismo!
Anyway, isa ako sa mga taong who comes up with ideas or products to be used. Yung company kasi namin naglalabas ng products, kahit ano. I've been working here for a few years now pero promise, hindi ko talaga alam kung anong aim namin. Sinabihan lang talaga ako na mag propose ng ideas.
And here I am.
"How do you supposed we do that, Ms. Costales?"
Bakit si Zeno pa yung nagtatanong?
"Sir, I would devise a survey first before we could. Ang target audience natin ay teenagers who are more likely to buy the product than anyone else. Then we could proceed to the second plan. To gather more people to test the product itself."
"You mean to say na nagpropose ka ng project but you've never done any of the things you said? Isn't that a little too time consuming?"
"Sir," may pagdiin na ang sabi ko na nagawang tingnan ang kausap. "I just propose the projects. I'm not the one who will be conducting the surveys—"
"But it's your project after all, right?"
I take back what I said. Ang pangit ni Zeno.
"Yes pero ho—"
Nakakahulog ng panty.. tapon ko kaya 'to sa kanya!
"Then you should be the one to handle those kung gusto mong matanggap ang proposal mo. Kulang din ang research mo." tinitingnan lang niya ang mga papel na nakahanda.
Sino ba siya para sabihan ako kung paano magtrabaho? Eh kung mga boss ko nga hinahayaan ako na magbigay nang mabigay ng mga ideas nang walang masyadong ginagawa tapos siya bigla lang papasok dito para sabihan ako nang ganyan?
Palibhasa astang babae, kaya akala mo laging nireregla sa sungit!
"Mr. Madrigal," nakisama na sa usapan si sir Joey. "Si Charlotte lang ang brains namin dito. We have people who do the testing."
"I see," tumingin pa rin sakin si Zeno. "Pero sayang sa resources. If she were your head, she should've been the one to do the testing too."
"We'll just talk about that some other time," sagot lang ni sir Joey.
Humingi na rin ang boss ko ng input galing sa ibang investors din. Kahit ako napapatingin pa rin kay Zeno na imbes na kilig ang maramdaman ay inis lang. And he's looking back at me.
"Well," tumingin na lahat kay Zeno. "I guess your product is well thought out. I'll invest in this."
I tried so hard not to roll my eyes right now! Of course it was a well thought idea. Hindi ako nagpepresent ng pucho-pucho na product. Why do you think I have this job for a few months now na walang reklamo sakin ang superiors ko?
"Thank you, sir Madrigal." may diin pa rin ang pagsabi ng pangalan nito. Nakakainis kasi, akala mo kung sino.
Kinuha ko pa ang mga dalang papel para makalabas na. My time there was done at kailangan din ng iba na magpresent. Hindi lang naman ako yung may trabahong ganito. In fact, marami kami.
"Pasado," nag thumbs up ako kay Clyde nung makalabas na.
Si Clyde yung tipo na matakutin pero kapag nagseryoso lalo na sa trabaho niya, katulad ng sakin, ibang tao ang makikita mo. Yung para bang may sasanib na lang bigla sa kanyang espirito.
Siya lang ata yung nakakasundo ko rito sa office. I like him.
"Congrats, Charlie~"
Nginitian ko pa rin ang kasama bago na magdiretso patungo sa office namin. I worked so hard para mapromote ako na maiba rin ang mismong office. Kasama ko sila Clyde pero mas okay na yun kaysa ang mga kasama ko yung iba na hindi ako gusto. At least may nagtotolerate sakin kahit papaano, diba?
"Charlotte– Charlie, wait!"
Isa lang naman ang tumatawag sakin nun at walang iba kung hindi si Zeno. Kaya sinadya ko lang bilisan ang lakad ko para hindi makasunod sakin. Ayaw ko pa namang makausap siya ngayon after that. Wala na akong balak kausapin pa siya kung yun ang iniisip niya.
Nagulat ako nung biglang may humarang sakin. Taka din ako kung bakit parang hinihingal siya.
Sus, kalalakeng tao.
"What is it, sir Madrigal?"
"I need a favour from you."
Matagal akong hindi nakasagot na tiningnan ang lalakeng kaharap nang diretso.
Is he kidding me right now? After all that bullshit in the meeting room. Siguro ako yung ripo rin ng tao na hindi mahiwalay ang personal life sa trabaho because I have no social life truth be told. Puro na lang din kasi ako trabaho, if he was going to ask a personal favour, I don’t know if I can grant that.
“Will you marry me?”
Sabi na nga, bakit–
“What the hell did you say!?”
Nanlaki ang mga mata ko. I was like a predator ready to pounce on her prey, dahil biglaan na tanong and it made my heart hurt. Matagal ko ng gusto ipakasal and alam ni Zeno yun, is he making fun of me right now?
“Shh!” he put his hand over my mouth and pulled me aside to a narrow hallway kung saan walang masyadong mga tao ang pumupunta. “I asked if you’d marry me.”
“We slept together! That doesn’t make you have the right to ask me something like that!” inalis ko kaagad ang kamay niya nung kaming dalawa na lamang.
We were staring eye-to-eye and I had my eyebrows furrowed at him. “I know, I know. But hear me out. My dad… he’s dying and I want nothing more than his approval. Hindi ko na rin naman magagawa yun kay Ivy, hindi ba? She’s already married. And you told me you wanted to get married soon, have children.”
“Yes! But with the man I love! Mahirap ba intindihin ‘yun o masyadong business-minded utak mo?” tanong ko pa na tinusok ng daliri ang noo niya. “Wala naman tayong ibang relasyon, inins mo nga ako kanina!”
“Why? I wanted you to lead the project, I didn’t even know what your job was. Besides, iba ako na CEO ng kumpanya namin sa Zeno na nakatayo sa’yo ngayon. Please, I’m begging you. Matagal na wala si mama and my dad is all I have. I want to grant that before he dies.” he looked really… upset and I can’t help but wonder. “May tradition kasi ang Madrigal family, we need to bear a heir before we turn 30, and I think you would understand that more.”
“Aba, gusto mo rin ako magka-anak? Namumuro ka na ah! Ni hindi naman kita boyfriend para sagutin ko yang proposal mo!” I still refused, crossing my arms against my chest. “You’re not convincing me at all!”
“Nagpapanic na ako, okay!? Pagkauwi ko kaninang umaga, my dad was rushed to the hospital, na stroke siya at hindi pa gumigising. Natatakot ako na hindi pa ako tanggap ni papa ngayon. Gusto ko lang naman ‘yun and this is the only way I know how to prove to him…”
Bumuntong hininga ako nang mapansin na paiyak na si Zeno kaya madali ko lang ginulo ang buhok niya para maudlot. Ayokong nakakakita ng umiiyak, maiiyak din kasi ako bago na lang tumango. I know how he feels, wanting to be accepted. I’m accepted by the people I love and cared for but it’s different for Zeno. Somehow, I really want to help him.
“Okay, fine… Diba mga contract marriage ‘yang mga sainyong mayayaman? Pero wala bang ibang kandidato or what?” tanong ko na lang na humawak pa sa pisngi niya para punasan ang luha na nakatakas.
“Yes, contract marriage. We’ll talk about it more, okay?” ngumiti na rin siya sa akin and I couldn’t help but smile back. “You’re the only woman I can trust. I promise, we’ll still have a life separate from one another.”
“Okay/” umirap lang naman ako nun na napaisip pa sandali. “I’ll do this for you but you have to do something for me too.”
“Alright, I’ll give you anything, just tell me.”
“You have to make me a woman everyone would like.”
“Huh?”
“Alam mo na ‘yun! Anyway, sunduin mo ko at libre mo ko ng dinner. 5 ang off ko so I’ll see you.” tumingkayad ako nang kaunti at h*****k sa pisngi niya. “See you later.”
“H-huh? O-okay, I’ll see you later. Thank you so much, Charlie. I owe you big time.”
Chapter Five: Charlie’s FamilyZ E N O“Ih, I’m not wearing that.”We were at the mall to shop for clothes. Sinama ko na si Charlie para malaman ko rin kung anong gusto niyang suotin if she approves or not yung mga pinipili ko sa kanya. So far 30 minutes na kami nag-iikot at kada kuha ko sa natitipuhan kong suotin niya, madali siyang sumasagot na ayaw niya. Which I get, honestly, nakasanayan niya na magsuot ng mga panlalake na damit per se. But my father wouldn’t believe I’m going to marry her if she’s going to dress the way she would and present herself. I actually like her this way but my father is rather… you know, iba ang mindset nila. Lalo na I carry the Madrigal name now. Malaki pressure sa akin at malaki rin ang pressure sa magiging asawa ko
Chapter Six: Past“I like it when your hair is up.” I complimented Charlie who looked really casual on a weekend.You would really think she was a guy when you don’t know any better. And akala niya hindi ko mapapansin but she was checking girls out– women that pass by her. Nagdududa na nga ako kung lalake talaga hanap niya because she’s just as flirty as she is sa mga babae. Should I be worried? Alam kong nagpapanggap lang na kami but I can’t help but feel worry.“Talaga? Nagsasawa na nga ata yung mga ka-officemate ko na nakataas lagi buhok ko. Parang mas tinatrato na nila akong tao kapag nakalugay.” nagkibit balikat pa siya. “Sabi nga pala nila papa, iniimb
Chapter Seven: Cheer-up DateNaalala ko si Ivy and when she was upset, I’d make a small cheer-up date for her and it works every time. The only problem and limitation I have was that hindi kami pwede lumabas na lantad kasi makikita ng mga magulang niya o mga magulang ko. Even my own mother doesn’t approve of our relationship so I really couldn’t go to her for advice about relationships. Natuto na lang din ako kasama si Ivy and we grew up and mature together. But now that she’s gone, it will be weird to ask her for advice, hindi pa rin ako okay sa naging break-up namin.But I know she’s still there. This time around though, ako na mag-isa nagplano kung paano ko ididistract sandali si Charlie. After confronting her ex again, she’s become quieter at hindi ko gusto. Hindi ko siya makausap nang maayos at kahit sa pag-t
Chapter Eight: The Sudden Decision“Ikaw, Zeno, hindi pa talaga kita natatanong why you’re upbringing is like this.”Charlie’s question made me pause for a moment before continuing to put on her make-up. Pumayag siyang ako ang magmake-up sa kanya the day we were going to see my father. Kaya lang daw niya ilagay ay lipstick at hindi pa pantay minsan ang pagkakalagay ng eyeshadow niya so she doesn’t really bother anymore. Medyo matagal ko ngang thinread yung kilay niya kasi sobrang kapal din at nilagyan ko lang talaga ng shape.“Siguro sama na rin ng loob ko kay papa nung lumalaki ako. As an act of rebelding, sadya kong ginusto mga ‘pambabae’ na gamit kuno.” sagot ko lang na tiningnan pa siya sa salamin. “Sa huli nagustuhan ko rin na
Chapter Nine: Meeting HimC H A R L I E“Hindi ka ba talaga pwede makasama, Zeno?” tanong ko lang sa lalakeng mapapangasawa ko na kanina pa busy sa pagtingin ng mga papeles.Nasa apartment niya kami. Nahahalata na raw niya na may sumusunod samin at in-a-assume niya na isa sa mga tauhan ng papa niya kaya as much as possible ‘rito na raw muna ako sa kanya bago pa ang kasal.Pero sa totoo lang kasi, kinakabahan ako. Akala ko matutuwa ako kasi nakajackpot nga naman ako kay Zeno pero kasi malaking responsibilidad ang makasal at hindi ko pa ganoon kakilala ang fiance ko kuno. Nag-aalangan na rin ako magpatuloy pa pero nung nakilala ko kasi papa ni Zeno, bigla na lang din akong nakaramdam ng parang spark sa loob-looban ko na ipagtanggol si
Chapter Ten: New Found Interest“Wala ka bang nagugustuhan?” tanong pa ni James nung naghahanap pa ako ng ibang wedding dress na pwede kong masuot.Tuwang-tuwa mga kapatid ko kapag lumalabas ako sa dressing room. Hindi ko alam kung tuwa nga o jinojoke time lang ako ng mga ‘to eh. Pero sabi ni James na sobrang lively raw ng place at mukhang hindi naman inis ang mga employees niya kahit na maingay sila kuya. Pinapatahimik na nga ni papa pero wa epek.“Parang di kasi ako kumportable pa sumuot ng mga ganito.” sabi ko na rin na napatingin pa kay papa nun na ayaw na ayaw silang madisappoint dahil hindi ko lang gustong magsuot ng dress.“Hm, I see.” tumango lang din siya bago mapaisip sandali. “Ho
Chapter Eleven: Is Sorry Enough?Z E N OKanina ko pa gustong i-text si Charlie kung nasaan na siya kasi inaasahan ko na mag-di-dinner kami by 7 or 8 but it’s closing to midnight already. Wala naman siyang pasintabi kung may iba siyang plano pero nagtatampo ako sa totoo lang. Kasi ako ‘yung tipo ng tao who put high regards on people who keeps their promise to me. But I guess it’s just wishful thinking at this point, baka may nangyari lang at napapalalim na naman ang pag-iisip ko. I tend to overthink sometimes, it’s one of my worst traits.But I wasn’t disappointed with what my assumptions were earlier, kasi may dumating na kotse sa courtyard and I can barely make out the face kung sino yung nasa driver’s seat. I could be wrong for all I know kasi medyo naglalab
Chapter Twelve: Preparation for the Wedding“Pwede ba kita masundo? Next week na kasi yung wedding and I’m still at a loss para sa reception. You did say you wanted to help out pagdating sa reception, right?”Tiningnan ko lang ang mga kabundok-bundok na papeles sa harapan ko bago bumuntong hininga nang kaunti. “Bakit wala ba akong secretary?” tanong ko pa sa sarili na nakaligtaan na kausap pa si Charlie sa telepono. “Maybe because I’m too prideful for one.”“Ha? Bakit wala kang secretary diyan? Ang hirap-hirap kaya mag-isa! Ako na walang secretary hirap na hirap ako sa buhay, ikaw na CEO pa, Zeno? Ayos ka lang?” sarkastikong tanong pa sakin ni Charlie sa huli. “Ako na lang pupunta diyan sa office mo, pakisabihan na lang na papasuki