Share

An Unforgettable Night

Chapter Three: An Unforgettable Night

“Sandali lang ako nawala, nakakuha ka na ng libro na babasahin ah? Hindi ba masakit ulo mo? Mukhang naparami ka rin ng inom eh.” bungad ko paglabas ng banyo habang nagtutuyo ng buhok 

I thought he’d feel more wary lalo na nasa apartment siya ng ibang tao– taong hindi naman niya kilala pa. Pero heto siya, feel at home kaagad but I don’t mind, really. Parang mas madali na siyang i-approach kaysa kanina na nahampas pa ako ng unan sa mukha dahil magkalapit lang kami. It wasn’t my fault that I was about to kiss him! It was my hormones acting up, seeing such an attractive human species. 

“It isn’t just my head.” sagot niya pa na binaba ang libro na kanyang binabasa. “It’s my whole body aching.”

Even his actions were graceful. More like a princess than a prince, per se. Parang sobrang sopistikadong tao niya at medyo nahihiya ako kasi burara pa ako sa sarili. I was the woman between the two of us but why do I feel like I’m not one at all? 

“Thank you, though. Nandito ka sa gantong sitwasyon dahil gusto mo lang naman ako tulungan.”

“What happened after I blacked out anyway?” tanong lamang niya na umusog pa sa gilid ng kama para paupuin ako which made my heart pound. 

But why does my heart feel this way? Natural lang na magbigay siya ng space, kama ko ‘to! Siguro kasi gwapo siya- nope, scratch that. Maganda siya at ngayon lang ako masyadong natameme. Meron din ako na crush na mga babae pero hanga lang ‘yun pero bakit pagdating sa kanya, it’s different? Why do I feel different?

Umupo na rin ako sa tabi niya nun na kinamot pa ang ulo ko. “Ayun, niresbak kita! Sinuntok ko ‘yung mga ugok na ‘yun! Dinala na sila sa presinto.”

“On your own?”

“Yes, on my own.”

“Huh…” it looked like he contemplated life at that very moment.

“Bakit, mukha bang imposible?” tanong ko pa na sinimangutan siya. “Mukha naman akong lalake, may lakas din ako ng lalake.”

“Well, yes.” sagot niya bago tumango. “They were huge guys, though. How did you manage to? I’m sorry I wasn’t much of a help. Tapos inaalagaan mo pa tuloy ako ngayon.”

“Well, I appreciated the effort! I’m the one who feels bad. Tingnan mo na yung mukha mo ngayon, puro pasa.” hahawak sana ako sa pisngi niya nang mabilis niyang napalo ang kamay ko palayo. “Kanina ka pa ah! Napaka bayolente mong tao!”

“Quit touching me. I don’t like to be touched, especially on the face.”

Sungit naman. May regla ba ‘to? Mas daig pa ata ako neto kapag nireregla ako. Kasi ako kapag meron, tawa nang tawa, hindi nagsusungit.

“Pwede ka na lang ba bayaran? Nakakahiya pa rin eh.” nakatingin lang din ako sa kanya.

His eyes, it’s easy to get lost in them. They were a deep shade of brown and they were doe-like. Doe-like meaning malalaking mata- eyes like a doll’s. Ayun, dun ko siya mahahaintulad, sa manika. Alam niyo yung mga chinese dolls? Yung gawa sa porcelain tapos ‘yung hitsura, parang out of this world. Yung tipong alam mo na walang tao na may ganung physical appearance. But him- he was living proof. O may pinagawa siya? Di uso sa Pinas ang magpasurgery pero kung may pera ka naman, diba?

“It’s fine, you letting me stay in your apartment after that whole fiasco is enough.” nginitian niya ako.

And I swear I caught my breath in my throat. Pati yung ngiti niya– his teeth are pearly white and his eyes crinkle. I’m a sucker for guys who smile like he does. Yung pati mga mata niya ngumingiti. But this smile of his, it's manly compared to the rest of him.

Kinakabahan na naman ako kasi baka anong katangahan magawa ko.

"Maganda ba ako?"

"Huh?"

"Maganda ba ako?" inulit ko lang ang tanong ko nun kasi kung lumabas na sa bibig ko, bakit ko pa idedeny na sinabi ko?

"You're not too bad."

"Not too bad? Bad nga yun! As a man, what do you think of me? Or are you even into women?" tanong ko lang nang maauos na baka ma offend ko pa siya.

The last thing I want right now is to offend this beautiful creature in front of me. Baka kasi one time lang ito, hindi ko na siya makita in the future so knowing me, sinusulit ko lamang.

"I am into women, personally I go for, you know, chic women."

"Di ako chic." sumalpak ang mga balikat ko pababa sa disappointment. "Mas boyish ako."

"Well, I don't really mind whatever kind woman you are. As long as you don't mind that I'm like this."

"Are you kidding me? I like guys who can express themselves more! Yung hindi nahihiya na ilabas yung ganito nilang side. Saka parang pareho lang tayo, noh? Babae ako pero astang lalake, ikaw naman lalake pero babae hitsura."

Tumango-tango ako sa sarili na nag-aagree lang din sa sinabi ko. Tama. Pareho ang sitwasyon namin. Doesn't that make us soulmates then?

"You need to shave your stubble though."

"Ha!?"

Agad akong hunawaj sa mukha at kinapa-kapa ang gilid bago ang sa taas ng bibig. He wasn't kidding when he said stubble. Para akong tutubuan ng bigote at balbas.

"Trim your eyebrows too. They're on the thicker side," sabi pa niya na tinuro na yun. "Do you even have skin care? Puro acne na mukha mo."

"M-maano ka ah!" tinakpan ko na lamang ang mukha ko sa hiya bago may maisip.

Dali-dali rin akong umupo sa tiyan niya. Hindi ko sinasadyang humawak sa dibdib niya pero napahawak ako at ramdam ko talaga na maalaga siya sa katawan. Matigas.

"What are you doing? I just told you not to tou—"

Kinuha ko ang collar ng kanyang damit at nilapit na siya sa akin.

"That hurts."

"Charlie! Charlie pangalan ko."

"Okay, Charlie, let go of my shirt. And get off me."

He had that stern husky voice. I am turned on.

"Zeno. Zeno's your name."

"How did you— are you a stalker or something??" nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.

"Zeno, I'll show you what a woman is." Mas nilapit ko ang mukha ko bago h*****k sa labi niya at tinulak ang katawan niya pabalik sa kama.

Bumungad sakin ang isang 'pretty face' kung tawagin ng ibang tao- gwapong hijo in other words. Nung una, wala pa talaga akong mabigay na reaksyon sa sitwasyon dahil kakagising lang din ng utak. Pinalipas ko muna ang ilang minutong titigan namin kahit mga mata ko lang talaga ang nakatingin sa kanya, saka lang ako napaupo.

'..did I lose my virginity to some random stranger?' tanong ko sa sariling isip habang nakayakap sa kumot nang maigi na nakaharang sa dibdib ko.

Kahit sinong katabi ko kahit na may distansya pa saming dalawa kung sino man 'to, mararamdaman nila ang lakas ng pagtibok ng puso ko. Natuon ko ulit ang pansin sa lalake sa tabi ko na parang pagising na rin mula sa sa pagtulog nito.

Alam mo yung nakapatataka sa sitwasyon ko ngayon? I didn't regret anything that happened even though my mind had been running blank the moment I woke up and my memories of last night were still hazy. 

Siguro kung ibang tao ako na sobrang conservative sa sarili, maghihintay pa talaga ako na ikasal muna para lang hindi ako makonsensya sa karelasyon sa pagkuha ng virginity ko. And yes, hindi ko kinacool 'to pero kapag desperada ka na talaga at ganito ka na katanda, iba na ang maiisip mo.

Nagkaron nga ako ng boyfriend but we didn't go as far as sex is involved. Hindi ko rin malaman-laman kung bakit.

"Good morning.."

It was a sudden shock to me and my eyes widened nang marinig ang boses niya habang parang trailer ng pelikula ang tumatakbo sa isip ko na pinapalabas ang mga nangyari kagabi. Wala naman music na pinatugtog pero bakit nakakarinig akong parang… careless whisper pa ang background music.

Akala ko matapang na ako pero grabe ‘yung tapang ko kagabi. Ano ba pumasok sa utak ko at naisip kong i-take advantage pa yung sitwasyon?

Pero mukhang nagustuhan din naman niya ang nangyari. 

“Are you staying for breakfast?” tanong ko pa like it was the most casual thing in the world. Like kilala na namin kaagad ang isa’t-isa and we were so close that I let him see me so vulnerable.

When I say vulnerable; I meant kitang-kita niya pa yung dibdib ko. Everything that is to see privately, he saw and he’s not even weirded about it like it happens every time? Dami siguro nitong kinakama na chicks!

Well, in his defence, ako naman ‘yung nag come at sa kanya so you really can’t blame him being a guy this time. Ako lang siguro yung insecure kasi wala siyang reaksyon sa akin. But what do I expect? This was driven out of lust not out love though nakakadisappoint in my part.

“Sure, but I got work later on.” he nodded, taking the sheet off of him.

Hindi ko rin napigilan kahit anong gawin ko, napatingin kaagad ako sa abs niya. It felt weird to see him a face like that tapos ganun yung katawan? Para siyang Ken doll, yung tipong mas maganda pa mismo kaysa Barbie.

“Can I ask about bakit ka nalasing nang ganun? Parang ano kasi, not to be judgemental, but I bet na kaya mo rin patumbahin yung mga lalake if you really tried. Pero mukhang lasing na lasing ka kasi to be able to, you know. Curious lang ako, hindi mo naman kailangan sabihin kung ayaw mo.”

Tumungo ako sa kusina para paghandain na lamang kami ng umagahan nung sumunod din siya sakin. Nahanap ko lang yung damit ko kagabi kaya ayun na ang sinuot ko but he seemed comfortable enough na wala siyang pantaas, only in a boxers.

“Hm, I guess I have no one to talk to about it; I’ll tell you.” bumuntong hininga siya bago umupo.

Even yung pag-upo niya, parang maraming arte sa katawan. Nakakapanibago na makakita ng lalake na tulad niya but it wasn’t entirely bad, you know. I kind of like it.

“I had a girlfriend of 5 years, we were really happy. Isa lang naman hadlang samin; yung alitan ng mga magulang namin. I know her parents wouldn’t approve of me for two reasons: one, I am a Madrigal, two I’m not a man suitable for her. She broke it off yesterday and I really just wanted to forget it.”

He looked like a sad kitten.

“Hm, kaya tuloy ka lang kagabi noh? Gusto mo lang makalimot yung sakit.” napangiti ako nang kaunti. “Well, did it work?”

Well, it hurts. Pero ano nga ba ineexpect ko eh ni hindi ko nga kilala yang Zeno Madrigal na yan. Parang gusto ko na lang pala na out of lust kaysa napilitan lang siya kasi wala siyang choice kung gusto niya makalimot.

“Yes, perhaps.” tumango na rin siya. “What about you? What were you drunk about?”

“Oh… hehehe, ganun lang din.” napakamot pa ako sa ulo na sumandal lang sa may counter nung hinihintay na maluto ang sinalang. “Wala kasing tumatagal sakin. Madali akong magkagusto, madali akong ma-fall, madali kong ibigay sarili ko pero kahit anong effort ko, I just.. I’m never enough.”

“I get it,” if he was sad kanina, he looked more sad now. I can’t help but to feel really bad. “Maybe it’s just that? Kasi masyado kang nag-eeffort and guys take advantage of that. In the end, ikaw kawawa.”

Kung 5 years tinagal nila, edi Zeno is assumingly the perfect guy- the perfect boyfriend tapos tago pa sila. I would never get it between these rich people kapag may alitan sa kanila ng mga pamilya nila, nadadamay yung mga bata. Para pala silang Romeo and Juliet, noh! Forbidden love.

“Ayos lang. Gusto ko sana magkapamilya, you know. Magka-asawa. Yung pagiging desperada ko ata problema sakin kaya walang tumatagal.” bumuntong hininga ako nang malakas na binalikan ang niluluto na nilagay na lang sa plating para makakain na siya. “Maybe it’s time to just give up on the whole marriage thing. Mag-adopt na lang.”

Nakakahiya kasi may pasok pa raw siya, hindi ko naman gustong ma-late siya dahil sakin. Meron din naman ako pero ako kasi nag-aya na kumain.

“Maybe that would be for the best. Thanks for the food.. Charlie. Is it really Charlie?” tanong pa niya na sinimulan na ang pag kain.

Again, even paggising niya, hindi nawawala ang manners. Pag-inom nga niya ng tubig nakataas pa yung pinky finger niya. That’s how sosyal he is. 

“Charlotte. Pero ayoko nun kaya Charlie na lang.”

“Okay.”

So are not just going to talk about what happened?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status