“Sige, Mr. Lawrence.” Sumang-ayon si Trevor dito kaagad nang walang tanung-tanong. Pagkatapos ay bumalik si Frank sa Maybach niya ngunit para bang masikip ito habang nagtatalo ang mga babae sa kung sino ang uupo sa harapan. Sa huli, nanalo si Winter, hindi dahil natalo si Vicky o si Helen, ngunit dahil hindi nila kayang isiping mauupo sa harap ang isa sa kanila. “Hmph. Maraming beses naman na akong umupo sa harapan kasama ng darling ko,” singhal ni Vicky habang pinagpatong ang mga braso niya sa dibdib niya. “Sino ang darling mo? Ang kapal ng mukha mo,” sagot ni Helen na naglaho ang parang reyna ng yelong pag-uugali niya. “Hay, tigilan niyo na nga yan…” Hinimas no Frank ang kilay niya—katapusan na ng mapayapang buhay niya. “Hindi ako babalik sa Skywater Bay,” sabi ni Kiki na nakatayo sa labas ng kotse at kumakaway. “Sinukuan na ako ng mga Sorano pagkatapos mamatay ni Hubert Sorano, at pwede na akong mabuhay sa paraang gusto ko ngayon.”“Magiging ayos ka lang ba?” Kumunot an
Kinawayan siya ni Helen at bahagyang ngumiti. “Tama na yan—may dala akong magandang balita, dahil kaming Northstream Lanes ay parte nang muli ng Lane family.”“Uh huh, tapos?” Nanatiling hindi apektado si Frank. Hindi nagulat si Helen at nagpatuloy na ngumiti. “Well, hindi lang yun. Sinabi rin sa'kin ni Tito Gavin na isa na ako ngayong kandidato para sa head ng pamilya!” “Kandidato lang?” suminghal si Frank sa pagkamuhi. “Hoy, wag kang masyadong sakim!” Binatukan siya nang mahina ni Helen habang tumatawa. “Yung iba kailangan pa nilang kalkalin ang utak nila para magplano para lang makakuha ng pagkakataon. Nakakamangha nang ang isang taong kagaya ko, na kakabalik lang sa pamilya, ay pinili nila!”Ang totoo, walang pakialam si Helen sa pagbalik niya sa main family kagaya ni Frank. Magiging sangay lang sila ng kamaganak, na may mababaw na relasyon sa Southstream Lanes nang walang makahulugang usapan. Dahil dito, iba ang pagiging isang kandidato para sa susunod na head ng pamilya
Sa huli, si Vicky ay ang heiress ng isang importanteng pamilya. Talagang hindi maikukumpara si Helen sa kanya at hindi ito matanggap ng pride niya. Kung kaya't ngayong may pagkakataon siyang maging head ng Lane family at maging kapantay ni Vicky, kukunin niya ito. Para naman sa kung sino ang mangingibabaw, nakadepende ito sa kani-kanilang kakayahan!Ring…Nagsimulang tumunog ang phone ni Helen at sinagot niya ito. “Hello?”Kaagad na nagsalita si Gina, “Nasaan ka? Bumalik ka sa manor ngayon din! Natatandaan mo si Madam Lang, ang second wife ni Mark? Nandito siya, at ikaw mismo ang gusto niyang makita!”“Gusto niya kong makita? Bakit?” Tanong ni Helen habang tumingin siya kay Frank. Si Mark ay kapatid ni Henry Lane—ang lolo ni Helen—at ikinasal sa tatlong babae sa kabataan niya. Nagkataon ring ito ang dahilan kung bakit naghiwalay ng landas sina Henry at Mark noon. Kahit na ganun, naging masigla na naman si Gina, “Oh, di mo ba naiintindihan? Dahil ito siguro sa sinabihan ka
Mas lalong nainis si Gina sa paglipas ng pinto. “Hah! Sinusubukan mo pa rin akong lokohin? Personal itong pinasuri ni Cindy kay Randall Young ng Square Street. Espesyalista ang lalaking iyon, at sabi niya, isa itong glass orb na nagkakahalaga nang hindi hihigit sa dalawampung dolyar—o sinasabi mo bang mali siya? Wag mong isiping pwede mong makuha ang anak ko gamit lang ng isang hamak na laruan. Bayaran mo ko ng limampung milyong dolyar na dote kung gusto mo siyang pakasalan!”Kahit nang hinila ni Gina si Helen at tinitigan nang masama si Frank, sinubukan ni Helen na pakalmahin ang sitwasyon. “Nagkakamali ka ba, Mom? Hindi magkakamali si Frank.”“Nagkakamali?! Nandito ang ebidensya! Sinungaling si Frank!” Galit na sigaw ni Gina. “Baka nga nagsisinungaling pa siya na napasuko niya raw si Titus Lionheart! Wag kang magpapaloko sa kanya, Helen!”“Tama na!” Malamig na sumbat ni Frank pero pinanatili niyang mahina ang boses niya dahil nakikita niyang masaya silang pinapanood ng Southstream
Napaupo si Gina sa lapag. Hindi siya nakaiyak kahit gustong-gusto niya at nakaramdam siya ng kawalan sa loob niya. Paano niya malalaman na ang isang ruby na initsa sa kanya ni Frank ay ganoon kamahal?!“Anong. Ginagawa niyo diyan?! Hindi niyo ba nakikita na kanina pa naghihintay si Madam Lang?! Nasaan ang manners at tamang pagpapalaki sa inyo?!”Sa kabilang banda, sa wakas ay nainip na si Jade at sumigaw mula sa malayo sabay binagsak ang tasa niya sa salaming mesa nang may malakas na kalabog. Iyon ay espesyal na tumama ang Gina nakaupo sa lapag nang parang isang palengkera. “Kalimutan mo na yan—mamaya na lang natin pag-usapan to. Bumalik tayo sa pinunta natin rito,” kalmadong sabi ni Frank. Alam niya kung gaano kahalaga ang araw na ito para kay Helen. Natauhan si Helen sa mga sinabi niya. Totoo iyon—iniisip niya pa rin ang ruby, pero ang sitwasyon ngayon ang mas mahalaga. Pagkatapos ay iniunat ni Jade ang kamay niya habang nagpakilala, “Helen, pinapakilala ko sa'yo si Madam
Suminghal nang malamig si Jade sa sandaling iyon. “Pwede mo naman yang gawin kanina, pero pinatagal mo pa. Napakawalanghiya.”Sa tabi niya, kuminang ang mga mata ni Luna nang may malinaw na saya na para bang nakaluhod si Helen sa kanya at hindi kay Fleur. Malinaw na hindi siya natuwang napili si Helen bilang kandidato para maging susunod na head ng Lane family, pero ano naman kung ganun? Sa huli, kailangan pa ring lumuhod ni Helen sa harapan ng lola niya. Sa kabilang banda, nakakunot ang noo ni Frank habang pinanood niyang lumuhod si Helen. Diring-diri siya sa ganito kasagwang tradisyon na ito, at maging si Godwin Lawrence—ang pinakasakim na taong nakilala ni Frank—ay walang ganitong klase ng tradisyon. Kung ikukumpara, nilinaw ng katotohanang may ganitong tradisyon ang ilang hamak na pamilya na sanay sila sa pang-aapi sa nakababatang henerasyon. Kahit ganun, tiniis ito ni Frank. Nanatili siyang tahimik dahil ang pagiging kandidato para sa susunod na head ng Lane family ay n
“S-Sige, gagawin ko ito kaagad,” bulalas ni Gina at kaagad na nagsalin ng isa pang tasa ng tsaa, iniabot ito kay Helen at dinaan siya sa tingin. Sinara ni Helen ang mga kamao niya. Handa na siyang tumangging pagsilbihan muli si Fleur nang naalala niya si Vicky. Kahit ngayon, malaki ang agwat nila—ang pagiging head ng Lane family ay ang nag-iisang paraan ni Helen para baliktarin ang sitwasyon kay Vicky. Habang naghanda si Helen na abutin ang tasa, inagaw ng napuno nang si Frank ang baso mula sa mga kamay niya. Nabigla si Gina pero hindi nagtagal ay nagalit siya. “Anong ginagawa mo, Frank?!”Sisirain na naman ba niya ang isa pang malaking pagkakataon para sa kanya?!Kapag ginalit niya si Fleur, hindi lang hindi magiging susunod na head ng Lane family si Helen—mapapalayas na naman sila!“Frank…” Bulong ni Helen. Alam niyang napuno na si Frank at iniligtas siya nito sa mas matinding pagpapahirap. Kahit na ganun, habang nag-alinlangan ang lahat, suminghal si Frank nang itinap
Hindi nila kayang palampasin ang ganito kalaking pagkakataon—ano ba ang maliit na hindi pagkakaunawaan kumpara sa isang billion-dollar company?!Gayunpaman, umiling si Helen sa nasasabik na ekspresyon ni Gina. Kahit ganun, dinampot niya ang tasa at umiling pa kay Frank para hindi siya mangialam. Nanatiling walang emosyon si Frank habang umatras siya. Nakatitig pa rin ang mga mata niya kay Fleur na nagpainis dito. Nang ibibigay na ni Helen sa kanya ang tasa, pinagpatong ni Fleur ang mga braso niya sa dibdib niya at tinanggihan ito. Hinampas niya ang kasunduan sa mesa sabay tinuro si Frank at malamig na nagsabing, “Kung gusto mo to, basain mo siya ng tsaa sa mukha!”Nanigas si Helen sa mga salita ni Fleur at lumingon kay Frank, na magkapatong ang mga braso sa dibdib niya at nanatiling tahimik. Malinaw na pagbawi at pang-iinsulto rin ito kay Helen!“Ano pang hinihintay mo, Helen?!” Sigaw ni Gina sa inis—pwede niyang kunin ang tasa at basain si Frank nang personal! “Nararapat
Pagkatapos kunin ang Blue Fangs at ihanda sila para bantayan ang mga proyekto, mayroong kakaibang namomroblemang ekspresyon si Frank sa mukha niya asa sandaling nakasakay siya sa kotse niya. “Anong problema, Frank?” mabilis na tanong ni Frank. “Hindi…” Namomroblemang tumingin si Frank sa kanya, ngunit sa huli ay sumuko siya at bumuntong-hininga. “Sige, sasabihin ko sa'yo ang totoo—Ang kliyente mong si Ms. Clarity ay isang assassin na pinakamataas sa Blackrank.”“Ano?!”Nagulat si Helen—nakikita niya mula sa presensya ni Clarity na espesyal siya, pero wala sa hinagap niya ang pagiging top assassin. Nanahimik siya, tuyo ang lalamunan niya habang lumingon siya kay Frank at nahirapang magsalita. “Sinasabi mo bang dapat tanggapin ng Lanecorp ang pagiging kliyente niya?”“Hindi, hindi yun ang ibig kong sabihin.” Umiling si Frank at nagpaliwanag, “Sinabi niya lang sa'kin kung sino siya at hindi man lang tinago ang pagkatao niya.”“Kung ganun, ano palang habol niya?”Natawa si Helen
“Teka, wag kayong magbigay-galang sa'kin.” Kumaway si Frank sa kanila. “Hindi ako interesadong maging gang leaders. Bantayan niyo lang ang mga sarili niyo at lumayo kayo sa gulo.” Pagkatapos, hinablot ni Frank ang mohawk ni Ted at inalog ito, sabay sabing, “At saka, ayusin niyo ang itsura nito. Maghahanda ako ng uniporme para sa lahat—mula sa araw na'to, mga empleyado na kayong lahat ng health and security department ng Lanecorp!”“Ano?” Bulalas ni Ted, na hindi masyadong naintindihan kung anong nangyayari. “Anong ibig mong sabihin sa ‘ano’?! May sasabihin ka ba tungkol diyan?” Tanong ni Frank habang tinitigan ang mga siga. Karamihan sa kanila ay mabilis na lumuhod sa pasasalamat. Hindi nila pinangarap na maging mga siga, dahil karamihan sa kanila ay sinusubukan lang na mabuhay. Minalas lang sila sa kapanganakan nila, kakulangan ng edukasyon, at kakayahan. Dahil dito, kahit na may ilang nag-aalangang sumailalim sa isang malaking kumpanya, karamihan sa kanila ay mukhang napuno
Pagkatapos mag-isip sandali, sabi n Frank, “Kung ganun, may iaalok ako kung gusto niyo kong pakinggan.”“May iaalok ka?” Nabigla si Ted, ngunit lumitaw ang pag-asa sa mga mata niya habang tumingin siya kay Frank. Hindi talaga sila aalis ng Zamri kung hindi kailangan!Tumango si Frank. “Tutulungan kitang pabagsakin ang dalawa pang gang para makabalik ka sa Zamri. Ang kondisyon naman para roon ay pagsisilbihan niyo ang Lanecorp. Sa ibang salita…”Pagkatapos, nakangiti niyang tinuro si Helen at tinapos ang pangungusap niya, “Susundin niyo siya, ang board chairwoman ng Lanecorp.”“Ano?!” Napanganga si Helen. Sa kabilang banda, sinadya rin ni Frank na sumimangot nang nakita niyang nakanganga rin sina Ted at ang mga tauhan niya. “Ano, umaayaw ba kayo?”“Syempre hindi!” Sagot ni Ted. “Hindi kami aalis ng Zamri maliban na lang kung kailangan dahil nandito ang mga kaibigan at pamilya namin. Pero…”Habang naiilang na huminto si Ted, nagpatuloy si Frank, “Pero ano?”“Pero…”Napatitig
Nang makitang handa nang tumakbo ang Blood Wolves, pinigilan ni Frank ang lider nilang si Terry ‘Ted’ Cotton na sumunod sa kanila. Aaminin niyang napabilib siya sa lalaking ito, lalo na't napakadramatiko niya sa suntok niya kanina. Kahit na ganun, napansin ni Ted mula sa isang suntok na iyon na hindi nila kayang manalo laban kay Frank, at sumuko siya. Dito pa lang ay isa na siyang desididong tao. “Sinusubukan niyo bang tumakas? Pwes, huli na ang lahat.” Ibinalik ni Frank ang banta ni Terry, pero di nagtagal ay ngumiti. “Siya nga pala, hindi ito ang buong gang mo, hindi ba?”“Ano…?” Nagbutil-butil ang pawis ni Terry sa tanong ni Frank—atatakihin niya ba ngayon ang Blood Wolves?!Kahit na ganun, lumunok siya at hinanda ang sarili para sumagot. “Tama ka, sir. Maliit na grupo lang kami ng Blood Wolves… merong hindi pagkakasundo sa loob ng gang, at wala akong nagawa kundi lumipat dito kasama ng mga bata ko…”“Hindi pagkakasundo? Talaga?” Lumapit si Frank habang hinihimas ang baba
Sa mga utos ni Terry ‘Ted’ Cotton, susugod ang mga siga kay Frank at pagpipira-pirasuhin siya!Kahit na ganun, naningkit ang mata ni Ted sa napakaaroganteng lalaki at nakaramdam ng kaunting pag-iingat. Hindi kaya isa siyang miyembro ng mahalagang pamilya o apprentice ng isa sa South Sea Sects?“Matapang ka, bata,” sabi niya. “Saan ka nagmula?”“Wala. Ako lang si Frank Lawrence, ang head ng health and security department ng Lanecorp,” kampanteng sagot ni Frank. Nasamid si Ted. Lanecorp? Yung kumpanya?At ang head ng health and security department ng Lanecorp… Natagalan si Ted bago ito mapagtanto, ngunit napahiya siya nang naintindihan niya kung anong sinasabi ni Frank. Head ng health and security department ng Lanecorp?! Ibig sabihin lang nito ay isa siyang pinagandang security guard! At may lakas ng loob ang isang security guard na pagbantaan siya?!Sa galit, sumigaw si Ted habang tinuro niya si Frank sa sandaling iyon, “Sugod! Baliin niyo ang bawat isang buto sa kataw
Malinaw na armado ang lahat ng mga siga dala ang mga baseball bat at machete nila at hinarangan ang daan paalis ni Helen. Sa isang iglap, biglang sumigla ang tahimik na sira-sirang gusali. Vroom!Umingay ang mga makina ng motor at sumunod ang mga sipol habang humarurot ang isang dosenang mga sangganong nakamotor. Kumaskas ang mga huling nila habang huminto sila sa tabi nina Frank at Helen. Ngayon, talagang napalibutan na sila. “Huli na para umalis pa kayo!” Pagmamayabang ni Terry at tumawa nang malakas. Nagsimula ring tumawa ang iba pang mga siga—dahil sabay-sabay na tumawa ang higit isang daan sa kanila, halos maramdamang yumanig ang gusali. “Ano bang gusto niyo?!” Sigaw ni Helen, habang dismayado niyang napagtantong nakapasok sila sa literal na lungga ng mga lobo. Kahit na kampante siya sa kakayahan ni Frank, nag-aalala pa rin siya dahil napakarami nila sa Blood Wolves. “Ano bang gusto ko?!”Biglang dumura si Ted sa lapag at tinitigan nang mapangbanta si Frank haban
"Hahaha…"Biglang tumawa nang malakas si Frank pagkatapos tumingin sa paligid, na nagpatulala sa mga papalapit na mga siga. “Anong problema?” Nag-aalalang lumingon si Helen kay Frank—nabaliw ba siya dahil gumastos siya ng limandaang milyon sa isang walang kwentang lote ng lupa?Habang lumitaw ang iba't-ibang posibilidad sa isipan niya, nakatitig na lang si Helen kay Frank habang ngumiti siya sa kanya at kindat. “Kung tama ang kutob ko, mukhang sinayang to ng nanay mo.”“Ano?”Nanlaki ang mga mata ni Helen sa pagtataka, at lalo siyang nag-alala na baka talagang nabaliw na si Frank. Gayunpaman, tumingin si Frank sa paligid niya sa loob ng lote. “Gigibain ang lahat ng nakatayo sa lupa na'to sa susunod na dalawang linggo. Handa ang Zamri City Hall na magtayo ng highway sa lupang to.”“Alam mo ba kung anong ibig sabihin nun?” Ngumisi siya kay Helen, at tinapos ang sasabihin niya bago siya nakasagot. “Tataas ng sampung beses ang halaga ng loteng to! Hahaha… Talagang swinerte tayo, H
Napuno ng malamig na dismaya ang puso ni Helen nang tumayo siya sa dulo ng lote at inobserbahan ito. Hindi lang mga opisina—maging mga pabrika ay hindi praktikal na itayo rito sa layo ng lote mula sa main road!Kahit na may mga proyekto sa loob ng lugar, nagsimula nang tumabingi ang bawat isang block nito. May mga kamay din sa pader—malinaw na senyales ito ng pagguho “Frank… Limandaang milyon… Para sa lupang to! Talagang nalugi tayo rito.” Malungkot na bumuntong-hininga si Helen—sa pananaw niya, walang kwenta ang lupang ito!Wala ring laman ang mga proyekto, at karamihan ng mga unit ay bakante. “Pero malay mo lang.” Ngumiti si Frank at nagpunta sa mga proyekto bago nakakilos si Helen. Hindi sila masyadong nakalayo nang nakita nila ang isang grupo ng mga sigang nagtitipon nang sama-sama habang naglalaro ng poker sa sira-sirang lobby. Mukhang mga bata pa sila ngunit kakaiba ang pananamit nila. Ang isa sa kanila, na nakaharap sa pintuan, ay nakita sina Helen at Frank na puma
Nag-aalala talaga si Gina na baka magbago ang isip ni Frank at mauwi sa wala ang pambobola niya sa nagdaang kalahating oras. Gayunpaman, halatang wala siyang dapat ipag-alala dahil wala talagang anjalam si Frank sa limandaang milyon. Ang totoo, tinawagan niya kaagad si Trevor Zurich para sabihan siyang ipadala ang pera sa account ni Gina at pirmahan ang pangalan niya sa kasunduan. Nakasimangot si Helen nang natapos siya habang nakangiti naman si Gina. “Oh, Frank,” sabi niya. “Bakit di ka manatili rito ngayong gabi? Ililibre ko kayo ni Helen ng hapunan.”“Di na kailangan,” mahinang sagot ni Frank habang umiiling. “Bibisitahin ko ang lupa at titignan ko kung meron akong mapaggagamitan rito, para hindi ako mawalan masyado ng pera.”Sinsero ang sagot ni Frank, kasabay ng pagdating ng notification kay Gina mula sa bangko. Nakahinga nang maluwag si Gina nang makita iyon at kaagad na nabawasan ang sigla niya. As ng totoo, nakahiga na siya sa kama at pumikit. “Sige, hindi na kita