Share

Kabanata 682

Ang kaliwang kamay ni Donald—na nakatago sa mata ng lahat—ay biglang pumindot sa isang nakatagong uka sa pader.

Pagkatapos, isang itim na handgun ang lumitaw at lumapag sa kamay niya.

Habang patuloy siyang sinugod ni Quinn nang nakataas ang espada, ngumisi siya nang mabangis habang tinapat niya ang baril sa pagitan ng mga mata niya.

“Ano—”

Nanlaki ang mga mata ni Quinn, hindi niya inasahang may tinatago palang alas si Donald!

Ang masaklap pa roon, babarilin siya nito sa ulo bago pa ito maabot ng espada niya!

Habang kagat ang labi niya, pumikit siya at sumuko sa kanyang kapalaran…

Bang!

Klang!

Tumunog ang putok ng baril na sinundan ng nakakasulasok na amoy ng pulbura.

Dumilat si Quinn at inisip na nabaril siya… ngunit nakita niyang lumipad ang baril mula sa mga kamay ni Donald at tumama ang bala sa plorera sa likod niya.

“Frank Lawrence!!!” Nagwawalang tinitigan ni Donald si Frank.

Nakita niya si Frank na nagpakawala ng isang bugso ng purong vigor niya at nagpalipad sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status