Pinagsisihan ni Helen ang sinabi niya at sinubukan niyang magpakita ng pag-aalala para kay Frank. “Ang ibig kong sabihin, nag-aalala lang ako sayo…”"Nag-aalala? Para saan?" tanong ni Frank."That those people would trick you," sabi ni Helen, kumbinsido pa rin na masyadong inosente si Frank para sa mundo.Pagkatapos ng lahat, naniniwala siya na hindi niya nakita ang mundo sa labas sa tatlong taon na sila ay kasal, hindi alam na si Frank ay maaaring mas karanasan kaysa sa kanya.Kumpiyansa namang tumawa si Frank. "Salamat sa iyong pag-aalala, ngunit hindi iyon mangyayari sa ngayon."-Nang sa wakas ay ibalik ni Helen si Frank sa mansion sa tuktok ng burol sa Skywater Bay, naghihintay na si Winter sa pintuan.Nagmamadali siyang lumapit sa kanya, lumukso sa kanyang mga bisig nang makita siyang bumalik. "Maligayang pagbabalik, Frank."Nang makita ang reaksyon niya, mabilis na nagtanong si Frank, "Ano ang nangyari?""Wala lang. Naiinip lang ako sa bahay..." Umiling si Winter.Buma
Ang sabi ni Frank, “Sa ganoong paraan, nasa malapit lang ako habang nakakapaghanapbuhay ka para sa sarili mo. Ano sa tingin mo?”"Oo naman, mabuti iyon." Paulit-ulit na tumango si Carol ngunit hindi nagtagal ay huminto. "Ngunit hindi ba't ang pagbili ng isang buong tindahan ay napakamahal? Hindi ko naman talaga kailangan iyon..."Napangiti si Frank. "Huwag kang mag-alala—kaya ko naman.""Kung gayon... Maraming salamat. Hindi ko alam kung ano pa ang masasabi ko," bulalas ni Carold. "Pwede bang kasama ko rin si Winter? Huwag kang mag-alala—hindi tayo tatakas.""Nag-iingat ka pa rin ba sa akin, Madam Zims?" Nagtatakang tanong ni Frank.Hindi niya masabi na hindi siya nasaktan sa pagiging maingat nito sa paligid, lalo na't sincere siya.Umiling si Carol at siniguradong wala si Winter bago sinabing, "Hindi... Sa tingin ko alam mo rin ang sitwasyon ni Winter, na hindi ko siya anak...?""I am aware. I don't mind telling you that I show up at your snackbar the first time to look for her
Maghahatinggabi na noong nakauwi si Zeb at nagtungo siya sa study room ng tatay niya.Nang makita niya ang anak niya, inilapag ni Cram ang librong binabasa niya at nagtanong siya, “Ang dinig ko kaarawan daw ngayon ni Henry Lane. Kamusta?”“Hindi maganda. Napahiya ako.” Bumuntong hininga si Zeb. “Inagaw ni Frank Lawrence ang spotlight ko—bukod sa pinuntahan siya ng secretary ng Chief of General Affairs, nandoon din ang lahat ng mga associate ng mga Turnbull, at inimbitahan nila si Frank na bisitahin niya sila!”“Sige na, kalimutan mo na ang lahat ng ‘yun,” sabi ni Cram. “Sa ngayon, dapat subukan mong kunin ang recipe ng Rejuvenation Pill.”“Gagawin ko ‘yun, pero walang tiwala sa'kin si Helen.” Napabuntong-hininga si Zeb sa inis. Nag-isip sandali si Cram at sinabing, “Kung ganun oras na para kumilos ako.”Agad siyang binalaan ni Zeb, “Dad, hindi mo dapat maliitin si Frank Lawrence. Hindi siya madaling kalaban.”“Haha!” Tumawa si Cram. “Kung talagang ganun siya kagaling, hindi siy
Agad na sinabi ni Cram, “Huwag mo muna akong tanggihan, Mr. Lawrence. Bibilhin ko ang recipe, hindi ko ito hinihingi—higit pa rito, pwede tayong patuloy na magtulungan sa hinaharap. O gusto mo bang maging sugar mommy si Vicky Turnbull habangbuhay? Talaga ba? Ang isang lalaki na maraming talento na gaya mo?”Natawa si Frank sa sinabi niya.Gayunpaman, inisip ni Cram na makukumbinsi niya si Frank dahil hindi nakipagtalo si Frank at agad niyang dinagdag, “Hindi isang dinastiya ang pamilya ko, pero kapag nagtulungan tayo, makakagawa tayo ng isang empire kung saan tayo ang magiging pinakamakapangyarihan!”“Tama na.” Itiniaas ni Frank ang isa niyang kamay upang patahimikin siya. “Sasabihin ko ito sa huling pagkakataon—hindi ko ibibigay sayo ang Rejuvenation Pill at hindi ako makikipagtulungan sayo. Makakaalis ka na.”Alam kaya ni Cram kung gaano kalawak ang impluwensya ng mga Turnbull? Ganun ba siya katanga para maniwala na ipagpapalit ni Frank ang mga Turnbull para sa kanya?!Kumunot a
Ayaw ni Winter na maging pabigat kay Frank habang nagmemeditate siya ng mag-isa.Gaya ng dati, pumapasok siya sa klase sa umaga at tumutulong siya sa nanay niya sa bago niyang snackbar sa tuwing may oras siya.Pagkatapos muling buksan ni Carol ang kanyang snackbar, muli siyang naging abala sa tuwing darating ang rush hour.-Pagkaraan ng ilang araw, tumutulong din si Winter sa gabi.Pagkatapos niyang tulungan ang kanyang ina na isara ang mga pinto, sinabi ni Carol na, “Dito ka na magpalipas ng gabi, Winter.”Umiling si Winter. “Hindi na muna, kailangan ko nang bumalik sa Skywater Bay. Nakakulong pa sa kwarto si Frank, at hindi ko sigurado kung kailan siya lalabas. Kailangan kong bumalik para silipin siya.”Ngumiti si Carol. “Talagang nag-aalala ka para sa kanya.”Namula si Winter. “Tumigil ka na, Mom. Malaki ang utang na loob ng pamilya natin sa kanya—dapat lang na magpakita ako ng pag-aalala sa kanya bilang kapalit.”“Sige. Magmadali ka nang umuwi,” ang sabi sa kanya ni Carol
Gayunpaman, masyadong maliit si Winter para makapalag, at ngumiti ang lalaking naka-itim. "Huminahon ka, isa lang itong maliit na marka sa mukha mo! Matatapos din ‘to… Pero habang nagpupumiglas ka, lalo itong sasakit!”Naluluha ang mga mata ni Winter habang pinagmamasdan niya ang patalim na unti-unting lumalapit sa mukha niya.Biglang kumidlat ng malakas, at naliwanagan ang buong silid.Bang!Kasabay nito, mayroong malakas na kalabog mula sa baba, nagulat si Winter at ang lalaking naka-itim dahil dito!" Frank! Tulong!” Sumigaw ng malakas si Winter.Pagkatapos ay naramdaman ng lalaking naka-itim ang isang nakakatakot na presensya sa likod niya at lumingon siya at nakita niya ang isang lalaki na nakatayo doon.Napakadilim ng paligid, ngunit kumislap ng malamig ang mga mata ng lalalki.Sa takot niya at dahil alam niya na hindi na maganda ang sitwasyon para sa kanya, sinubukang atakihin ng lalaking naka-itim si Frank!Thud.Narinig ang isang mahinang kalabog, at nanigas ang lala
”Birthright?”Nagtatakang tumingin ang asawa ni Kenny sa kanya.Kaunti lang ang alam niya tungkol sa martial arts, ang tanging alam lang niya ay naabot na ng asawa niya ang pinnacle ng paggamit ng vigor.Ang bagay na iyon ang dahilan kaya siya ang naging chief ng isang buong martial sect.Gaano kalakas ang taong tinutukoy ni Kenny kung naabot na nila ang Birthright rank?Tumango si Kenny. “Tumingin ka sa langit. Mukhang magbabago ang ihip ng hangin sa Riverton dahil sa bagong Birthright rank.”-Narinig din ni Kim White ang kulog sa labas ng bahay niya.Lumabas siya ng kanyang kwarto ng nakasuot ng pajamas at nakita niya ang tatay niya na nakatingala sa langit mula sa likod ng pinto.Nang makita niya si Kim, ngumiti siya. “Bakit gising ka pa ng ganitong oras, Kim?”“Nakarinig ako ng kulog… Nagising ako dahil dun,” sumagot ng tahimik si Kim.Tumango si Eron. “Hindi iyon isang ordinaryong kulog. Mayroong tao na nakaabot sa Birthright rank.”“Birthright rank? Malakas ba talaga
Ang sabi ni Frank, “Ibigay mo ang utos na i-boycott ang mga Larkin.”“Yes, Mr. Lawrence,” sumagot si Trevor ng walang pag-aalinlangan.-Samantala, pumasok si Zeb sa kwarto ng tatay niya at nagtanong, “Kamusta, Dad? Ibibigay na ba ni Frank ang recipe ng Rejuvenation Pill?”Hinampas ni Cram ang palad niya sa mesa habang galit na galit niyang sinabi na, “Sinabi niya sa’kin na lumuhod ako at humingi ng tawad! Napakataas ng tingin niya sa sarili niya!”Naningkit ang mga mata ni Zeb. “Kung ganun, dukutin na lang natin si Helen. Nakikita ko na may nararamdaman pa rin si Frank para sa kanya, at magbubunga ang lahat ng pagod natin kapag ibinigay niya sa’tin ang recipe kapag pinagbantaan natin si Helen.”Pinag-isipan ni Cram ang tungkol dito at tumango siya. “Mukhang ‘yun na lang ang magagawa natin. Sarili lang niya ang pwede niyang sisihin dahil sa kayabangan niya.”Tumango si Zeb at magsisimula pa lang sana siya noong biglang tumunog ang phone sa may study room.Sinagot ito ni Cram at
Ang masaklap pa roon, parte nito ang kapatid ni Larry!Bumuntong-hininga si Helen. “Wala lang si Larry kumpara sa kapatid niya—ang lalaking iyon ang tunay na puso ng Zomber Group na nagtatago sa dilim. Siya ang nagplanong gamitin ka, dahil sinabi niya yun sa'kin!”Napaluhod si Peter at nanigas. Kapag nalaman ng kapatid ni Larry kung sinong pumatay kay Larry, tiyak na madudurog ang isang kagaya niyang hindi pinoprotektahan at hindi mahalaga!“A-Anong dapat kong gawin?! Helen… Frank! Pakiusap, kailangan niyo kong tulungan!”Pinagpatong ni Frank ang mga braso niya sa dibdib niya at suminghal, nang halatang hindi siya interesadong masangkot dito. “Hahayaan ko sanang mabuhay si Larry, pero nagpumilit kang patayin siya. Kailangan mo lang harapin ang kapalit nito ngayon.”“Tama si Frank. Harapin mo yan nang mag-isa,” malamig na pagsang-ayon ni Helen. “Sa tingin mo tutulungan pa rin kita pagkatapos mo kong ibenta, nang walang pakialam kung anong mangyayari sa Lanecorp o sa dangal ko?!”H
Malinaw na alam na alam ni Helen kung sino ang nagdala sa kanya sa gulong ito. Kahapon lang, nang nagbalik si Peter, inisip niya sandaling pwede niya siyang bigyan ng trabaho hindi kagaya ni Cindy, ngunit binenta siya nito sa isang kurap. “Nataga na kita kung hindi lang kita kapatid!” Sigaw ni Helen. Napangiwi kang si Peter sa sarili niya nang nakayuko. Hindi pa niya nakitang nagalit nang ganito si Frank, at lalapit na sana siya para pakalmahin siya… ngunit siya na mismo ang yumakap sa kanya nang umiiyak, “Bakit, Frank?! Bakit ganito ang pamilya ko…?”“Ayos lang yan. Nandito ako.” Tinapik siya ni Frank sa likod habang maingat siyang dinadamayan. “P-Pasensya na, ate. Napilitan lang ako…” utal ni Peter sa sandaling iyon. “Kalimutan mo na yan. Hindi ko kailangan ang paliwanag mo,” sagot ni Helen, nang parang pa ring isang girlboss habang mabilis niyang pinakalma ang sarili niya at pinunasan ang mga luha niya. Habang tinataboy si Peter, bumuntong-hininga siya. “Pwede kang ma
Kahit na ganun, bumuntong-hininga si Larry habang nagsimula siya, “Nagkataong nakita ko ang babaeng iyon sa isang business trip sa Talnam. L-Lumapit siya sa'kin, at pinilit akong mag-invest sa dalawang piraso ng lupa na sinabi niyang kikita nang malaki. Naloko ako, at nilayasan niya ako ilang araw lang ang nakaraan habang tangay-tangay ang malaking parte ng ari-arian ng kumpanya ko..” Umubo nang malakas si Larry, na halatang naaalis sa galit habang nagtapos siya, “H-Hindi ako mag-aalala sa pag-akyat ng Lanecorp kung hindi dahil doon…”“Ganun ba.” Tumango si Frank sa mga sinabi ni Larry nang napagtanto niya ito. Sabi ni Larry, nakilala niya si Juno sa Talnam… Kung ganun, Talnamese siya?“S-Siya nga pala, Mr. Lawrence….”Nang makitang interesado si Frank kay Juno, mabilis na nagdagdag si Larry para lang makaligtas, “Allergic ang babaeng iyon sa lilies… at sa matinding lebel pa nga.”“Matinding allergy sa mga lily?” Bumulong si Frank habang tinandaan niya ito—mukhang tama siyang p
Banal na ang katawan ni Frank, pero ang pure vigor niya ay nanatiling Birthright rank. Bulong niya sa sarili niya nang naglalakbay ang isipan niya. “Kapag natuto akong sumakay sa ulap at gumamit ng salamangka, talaga bang magiging banal na ako? O kaya… Ascendant rank?”Hindi kaya lumampas na ang katawan niya sa Ascendant rank at nakarating sa Transcendent rank?At kakaunti lang ang mga Ascendant rank sa buong Draconia! Kahit na ganun, natauhan si Frank, tumingin sa mga sangganong nakaluhod sa kanya, at suminghal. “Layas.”“Oo, oo, oo… Aalis na kami ngayon din…”“Dali, tara na…”Nakatayo lang si Frank at hindi hinabol ang mga sanggano habang tumakas silang lahat. Hindi siya ganun kauhaw sa dugo. Kahit na nararapat na mamatay ang mga lalaking iyon, nawalan na sila ng kagustuhang lumaban at hindi sila hadlang para kay Frank kaya hindi siya nabahala. “Tama na yan.” Hinablot ni Frank si Peter sa kwelyo at hinila siya palayo kay Larry nang para ba siyang isang pusa. Duguan at
Splat!Muli, hindi ginamit ni Frank ang pure vigor niya. Sumipa lang siya, na humiwa sa katawan ni Vin sa dalawa. Namutla sina Larry, Peter, at iba pa nang tinitigan nila ang mga piraso ng laman at dugong nagkalat sa paligid. “Tao… ba siya?!” Bulong ni Larry, bago siya lumingon para titigan nang masama si Peter. Masasampal niya nang dalawang beses si Peter—anong kampon ng kamatayan ang dinala ni Peter sa pintuan niya?Hindi… Sinadya bang dalhin ni Peter si Frank para patayin siya?!“Ako… Imposible yan…” Halos maiyak si Peter at bumagsak siya sa lapag. Nanginig siya na para bang may humigop sa lahat ng lakas niya. Kapag hinabol siya ni Frank, tiyak na mapapatay siya!Lalo na sa ginawa niya at sa lahat ng insultong binato niya kay Frank, parang gusto niyang sampalin ang sarili niya roon. “A-Anong dapat kong gawin?” bulong niya, sabay desperadong naghanap ng ideya para makaligtas sa kabila ng gulat niya. Doon niya nakitang nakatitig sa kanya nang galit na galit si Larry.
Sa sandaling iyon mismo, nakumbinsi ang lahat na natalo si Frank at dumudugo nang parang baboy, hanggang sa isang mahinang ubo ang narinig sa gitna ng humuhupang usok. “Guh… Takbo, Vin…”“Ano?!” Nanlaki ang mga mata ni Vin habang nakaluhod siya sa isang tuhod, hawak ang sugat niya kung nasaan ang kamay niya noon. Narinig niya bang sabihan siya ng kapatid niyang tumakbo?Anong nangyayari rito?!Sa loob lang ng ilang segundo, tuluyang humupa ang usok at sa wakas ay nakita ni Vin kung anong nangyari: tahimik pa ring nakaunat ang braso ni Frank, na ginamit niya para suntukin si Mos tagos sa dibdib niya!Ang totoo, nakabitin lang ang bangkay ni Mos sa braso ni Frank. Walang kabuhay-buhay ang mga braso at ulo niya habang nalagutan siya ng hininga. “Ano?!” Namutla si Vin—napatay ang kapatid niya sa isang simpleng suntok?!“Huh?!” Nabigla rin si Peter. Alam niyang martial artist si Frank, at sinabihan siya ng iba na malakas siya kahit na matagal siyang nawala sa Riverton. Kung kay
“Kung ganun, kayo ang may gusto nito!”Kuminang nang malamig ang mga mata ni Frank habang umatake rin siya gamit ng nakaunat na palad niya, at nadurog kaagad ang kamao ni Vin. "Huh?!"Malinaw na naramdaman ni Frank na nabasag ang mga buto niya at nakatulala siyang tumitig sa palad niya habang sumigaw si Vin. Hindi naman siya masyadong gumamit ng lakas, di ba?Binalak niyang gamitin ang palad niya para salagin ang paparating na suntok ni Vin, bago niya suntukin at during ang ulo ni Vin sa isang suntok para mapatay siya. Natural na hindi niya inasahang madudurog ng palad niya ang kamao ni Vin, nang parang giniling!Ang totoo, sa sobrang gulat niya ay natulala siya sa kinatatayuan niya, nakalimutan niyang ipagpatuloy ang atake niya at hindi siya nahimasmasan. “Pareho lang ang pure vigor ko, kaya ang lakas lang ng katawan ko ang nagbago. Anong nangyayari rito?!”Doon sumigaw si Mos, “Anong ginawa mo?!”Bumagsak ang ekspresyon niya nang nakita niyang nadurog ni Frank ang kamao n
Napakunot din ang noo ni Larry sa tanong ng Hansen brothers, at lumingon siya kay Peter. “Sigurado ka bang siya si Frank Lawrence, ang asawa ni Helen Lane?”“Oo!”Nakatitig ang mga mata ni Peter kay Frank habang ngumisi siya. “Wag kang mag-alala, Mr. Jameson. Makikilala ko siya kahit saan.”“Siguraduhin mo lang, kundi ay malalaman mo kung anong mangyayari.” Malamig na tumawa si Larry. Napangiwi si Peter sa sandaling iyon ngunit mabilis siyang ngumiti nang nambobola. “Anong sinasabi mo, Mr. Jameson? Bakit ako magsisinungaling sa'yo? Ibig kong sabihin, may utang pa akong ninety million dollars sa'yo! Hindi ako magsisinungaling sa'yo kahit na ibig sabihin nito ay isusuko ko ang Lanecorp bilang collateral, di ba?”Narinig nila si Frank kahit na napalibutan siya—mukhang trinaydor ni Peter sila ni Helen dahil sa utang niya kay Larry. Basura…” Sumama ang ekspresyon niya. Para bang mas mababa pa sa tao ang pamilya ni Helen, at balak nilang ubusin ang pera niya. “Nasaan si Helen?” T
Tumalon si Peter palabas ng kotse sa sandaling iyon nang sumisigaw habang tumakbo siya papunta sa isang abandonadong pabrika. “Mr. Jameson! Mr. Jameson! Nadala ko na si Frank Lawrence—sabihan mo ang mga tao mong patayin siya!”"Hehe…"Isang lalaking nasa animnapung taong gulang ang lumabas mula sa pabrika kagat ang isang tabako sa bibig niya at nakasuot ng isang pinstripe suit. Kaagad siyang nakilala ni Frank—si Larry Jameson ito. Kausap niya si Helen noon sa Zamri lease bid, at kasama niya si Juno noon. Naalala rin ni Frank na sinabi ni Helen na isa siya sa Three Bears ng Zamri. At ngayon, bumuga ng usok si Larry habang pinanood niyang bumaba si Frank, nang tumatawa. “Ikaw alam si Frank Lawrence, ang asawa ni Helen Lane?”“Tama ka.” Naglakad si Frank at tumayo sa harap ni Larry habang umiiling kay Peter na mabilis na nagtago sa likod ni Larry. “Akala ko inayos mo na ang sarili mo pagkatapos mong umalis sa Riverton, pero lumalabas na nakakadiri ka pa rin pala.”“Nakakadiri? D