Ayaw ni Winter na maging pabigat kay Frank habang nagmemeditate siya ng mag-isa.Gaya ng dati, pumapasok siya sa klase sa umaga at tumutulong siya sa nanay niya sa bago niyang snackbar sa tuwing may oras siya.Pagkatapos muling buksan ni Carol ang kanyang snackbar, muli siyang naging abala sa tuwing darating ang rush hour.-Pagkaraan ng ilang araw, tumutulong din si Winter sa gabi.Pagkatapos niyang tulungan ang kanyang ina na isara ang mga pinto, sinabi ni Carol na, “Dito ka na magpalipas ng gabi, Winter.”Umiling si Winter. “Hindi na muna, kailangan ko nang bumalik sa Skywater Bay. Nakakulong pa sa kwarto si Frank, at hindi ko sigurado kung kailan siya lalabas. Kailangan kong bumalik para silipin siya.”Ngumiti si Carol. “Talagang nag-aalala ka para sa kanya.”Namula si Winter. “Tumigil ka na, Mom. Malaki ang utang na loob ng pamilya natin sa kanya—dapat lang na magpakita ako ng pag-aalala sa kanya bilang kapalit.”“Sige. Magmadali ka nang umuwi,” ang sabi sa kanya ni Carol
Gayunpaman, masyadong maliit si Winter para makapalag, at ngumiti ang lalaking naka-itim. "Huminahon ka, isa lang itong maliit na marka sa mukha mo! Matatapos din ‘to… Pero habang nagpupumiglas ka, lalo itong sasakit!”Naluluha ang mga mata ni Winter habang pinagmamasdan niya ang patalim na unti-unting lumalapit sa mukha niya.Biglang kumidlat ng malakas, at naliwanagan ang buong silid.Bang!Kasabay nito, mayroong malakas na kalabog mula sa baba, nagulat si Winter at ang lalaking naka-itim dahil dito!" Frank! Tulong!” Sumigaw ng malakas si Winter.Pagkatapos ay naramdaman ng lalaking naka-itim ang isang nakakatakot na presensya sa likod niya at lumingon siya at nakita niya ang isang lalaki na nakatayo doon.Napakadilim ng paligid, ngunit kumislap ng malamig ang mga mata ng lalalki.Sa takot niya at dahil alam niya na hindi na maganda ang sitwasyon para sa kanya, sinubukang atakihin ng lalaking naka-itim si Frank!Thud.Narinig ang isang mahinang kalabog, at nanigas ang lala
”Birthright?”Nagtatakang tumingin ang asawa ni Kenny sa kanya.Kaunti lang ang alam niya tungkol sa martial arts, ang tanging alam lang niya ay naabot na ng asawa niya ang pinnacle ng paggamit ng vigor.Ang bagay na iyon ang dahilan kaya siya ang naging chief ng isang buong martial sect.Gaano kalakas ang taong tinutukoy ni Kenny kung naabot na nila ang Birthright rank?Tumango si Kenny. “Tumingin ka sa langit. Mukhang magbabago ang ihip ng hangin sa Riverton dahil sa bagong Birthright rank.”-Narinig din ni Kim White ang kulog sa labas ng bahay niya.Lumabas siya ng kanyang kwarto ng nakasuot ng pajamas at nakita niya ang tatay niya na nakatingala sa langit mula sa likod ng pinto.Nang makita niya si Kim, ngumiti siya. “Bakit gising ka pa ng ganitong oras, Kim?”“Nakarinig ako ng kulog… Nagising ako dahil dun,” sumagot ng tahimik si Kim.Tumango si Eron. “Hindi iyon isang ordinaryong kulog. Mayroong tao na nakaabot sa Birthright rank.”“Birthright rank? Malakas ba talaga
Ang sabi ni Frank, “Ibigay mo ang utos na i-boycott ang mga Larkin.”“Yes, Mr. Lawrence,” sumagot si Trevor ng walang pag-aalinlangan.-Samantala, pumasok si Zeb sa kwarto ng tatay niya at nagtanong, “Kamusta, Dad? Ibibigay na ba ni Frank ang recipe ng Rejuvenation Pill?”Hinampas ni Cram ang palad niya sa mesa habang galit na galit niyang sinabi na, “Sinabi niya sa’kin na lumuhod ako at humingi ng tawad! Napakataas ng tingin niya sa sarili niya!”Naningkit ang mga mata ni Zeb. “Kung ganun, dukutin na lang natin si Helen. Nakikita ko na may nararamdaman pa rin si Frank para sa kanya, at magbubunga ang lahat ng pagod natin kapag ibinigay niya sa’tin ang recipe kapag pinagbantaan natin si Helen.”Pinag-isipan ni Cram ang tungkol dito at tumango siya. “Mukhang ‘yun na lang ang magagawa natin. Sarili lang niya ang pwede niyang sisihin dahil sa kayabangan niya.”Tumango si Zeb at magsisimula pa lang sana siya noong biglang tumunog ang phone sa may study room.Sinagot ito ni Cram at
Umalis si Zeb sa bahay nila, at nagmaneho siya papunta sa opisina ni Helen at binati niya si Helen noong lumabas siya ng gusali.“Uy, Helen.” Ngumiti si Zeb.“Anong ginagawa mo dito, Mr. Larkin?” Napatingin si Helen sa kanya.“Na-miss lang kita. Hindi ka pa nagtanghalian, hindi ba? May bagong restaurant sa malapit—bakit hindi natin tikman ang pagkain dun?” Ang alok ni Zeb kay Helen.Pinag-isipan ni Helen ang tungkol dito at tumango siya—kakain lang naman siya, at walang dahilan para tumanggi siya.Hindi nagtagal ay nakarating sila sa restaurant, masayang umorder si Zeb bago siya ngumiti, “Ano sa tingin mo ang magandang inumin natin?”Umiling si Helen. “Pass muna ako sa alcohol—may kailangan pa akong gawin na trabaho.”Hindi na nagpumilit sdi Zeb, at pagkatapos nilang kumain, nagsalita siya. “Maraming taon na ang lumipas, Helen. Sigurado ako na alam mo kung ano ang nararamdaman ko para sayo. Bumalik ako sa bansa noong malaman ko ang tungkol sa divorce mo, at hindi ako nagpakasal
Inakala ni Helen na masyadong mabilis ang pagtayo niya at aabutin sana niya ang pader, ngunit bumagsak siya sa sahig.“Anong…”Sinubukang humingi ng tulong ni Helen ngunit napagtanto niya na hindi siya makapagsalita!Lumapit si Zeb sa kanya at ngumiti siya. “Oh, Helen—hindi ka dapat umiinom kung madali kang malasing. Tara, ihahatid kita pauwi.”Nanlaki ang mga mata ni Helen at tiningnan niya ng masama si Zeb, alam niya na drinoga siya ni Zeb.Malinaw ang isipan niya, ngunit ayaw kumilos ng katawan niya!Kasabay nito, binitbit ni Zeb si Helen palabas ng restaurant, habang nakatingin sa kanila ang mga waitress ng nakangiti, at inilagay niya siya sa may backseat.Inilibot ni Helen ang mga mata niya sa paligid at sinubukan niyang sumigaw, ngunit wala siyang magawa.Doon niya nakita ang sarili niyang phone sa loob ng kanyang pitaka at sinubukan niyang itulak ang kamay niya sa abot ng makakaya niya!Kasing bigat ito ng lead, ngunit hindi siya sumuko. Lalo na’t wala siyang ideya kung
Sinagot ni Frank ang tawag ni Helen, ngunit ang tanging narinig niya ay ang boses ni Zeb na abala sa pagmamaneho at hindi nakikita kung ano ang ginawa ni helen.Tumawa siya at nagyabang, “Huwag ka nang pumalag, Helen. Malaki ang ginastos ko para sa gamot na ‘yun—gising ka, pero hindi ka makakagalaw. Kung sabagay, ipapakita ko sayo kung ano ang ibig sabihin ng mag-good time bilang isang babae. Ang ibig kong sabihin, ang dinig ko wala pang nangyari sa inyo ni Frank… baog ba siya? Hahaha!”Nagalit si Frank sa kanyang narinig at sumigaw siya habang tumatayo siya, “Papatayin kita, Zeb Larkin!”Hindi siya narinig ni Zeb, bagaman nagtaka si Cram habang nakaupo siya sa harap ni Frank.“Anong nangyari, Mr. Lawrence?” Tanong niya, hindi siya sigurado kung bakit nagalit si Frank.Tumingin ng masama si Frank kay Cram at sinipa niya siya sa dibdib, dahilan upang tumalsik si Cram!“Oof… Bleurgh!” Sumigaw si Cram at umubo siya ng maraming dugo habang sumasakit ang kanyang dibdib!Lumabas din n
Lumingon si Zeb at nakita niya na biglang nagkaroon ng malaking yupi ang pinto!Purong kahoy ang pinto! Gaano kalakas ang lalaking sumipa nito para mayupi ito ng ganito?!Nasundan ito ng isa pang malakas na kalabog, at bumagsak ang pinto sa sahig habang papasok si Frank!Tuwang-tuwa si Helen nang makita niya si Frank. “Frank, tulungan mo ako…”“Sinisira mo nanaman ang mga plano ko!” Galit na sinabi ni Zeb.Nagsasawa na siya kay Frank. Oras na para tapusin niya ito!Galit na sumagot si Frank, “Hahayaan sana kitang mabuhay, Zeb Larkin, pero hindi ka tumigil sa paghuhukay ng masmalalim na hukay para sa sarili mo. Katapusan mo na.”Kaya niyang palampasin ang pakikisali ni Zeb sa mga Zonda sa pag-insulto sa kanya sa harap ng publiko, ngunit hindi niya palalampasin ang ginawa ni Zeb kay Helen.“Pu*angina mo!” Inilabas ni Zeb ang isang pocket knife at sinubukan niyang saksakin si Frank, hindi pa niya nakitang makipaglaban si Frank at wala rin siyang pakialam.“Frank!!!” Sumigaw ng ma
Habang umaasang tumingin sa'kin si Peter, nilapag niya ang phone at bumuntong-hininga. “Kalimutan na natin yun. Binenta ko ang lupang iyon, at ayoko nang makuha ito ulit, dahil—”Limang bilyon ang pinag-uusapan natin dito, Tita Gina!” Sigaw ni Cindy sa sandaling iyon, na nakakaalam sa nangyari, ngunit masyado lang talagang makapal ang mukha niya. “Sa limang bilyon, pwede nating gawin ang kahit na anong gusto natin habangbuhay! Hingiin mo na lang yun kay Frank—ibibigay naman niya yun sa'yo para kay Helen, eh. Alam mo kung gaano niya kagustong magyabang sa harapan niya.”Nagsimulang matinag si Gina sa sandaling iyon. Kagaya ng sabi ni Cindy, limang bilyon ito—ano pa bang gugustuhin niya sa buhay pagkatapos nun?Sa kabilang banda, initsa ni Peter ang sarili niya sa kama ni Gina at nagsimulang umiyak, “Ma, kailangan mong mabawi ang lupang yun mula kay Frank, kundi ay mamamatay ako!”Napatalon sa gulat si Gina. “Ano? Mamamatay ka?”Si Cindy, na nakita na ang binabalak ni Peter, ay ma
Sabi ni Gina pagkatapos, “Sasama ka sa'kin sa Lanecorp. Magmakaawa tayo at luluhod sa kanya para tulungan ka. Wag mo lang banggitin ang lupang iyon…”“Hindi mangyayari yan!” Biglang nagwawalang sumigaw si Peter. “Patayin niyo na lang ako! Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa magmakaawa kay Frank!”“Pero…” Nag-alangan si Gina sa katigasan ng ulo ng anak niya. Nagsalita si Cindy sa sandaling iyon. “Ano ka ba, Tita Gina, sa huli, pera lang ang gusto ni Kit Jameson. Dapat kang mag-isip ng plano para mabawi ang lupang yun mula kina Frank at Helen, pagkatapos, babayaran natin si Mr. Jameson para mabawi si Peter. Pagkatapos nun, pwede nating paghatian ang pera—yun lang yun!”Mabilis na sumang-ayon si Peter, na biglang hindi na umiiyak habang ngumisi siya. “Iba ka talaga Cindy! Ang talino mo!”Umirap si Cindy sa sandaling iyon. “Hey. Sabi ng handa akong saktan kanina.”“Ang lupa? Pero…” Halatang nag-aalangan si Gina. “Pag-isipan mo to, Tita Gina.” Nagpatuloy si Cindy na tuksuhin siya.
Tinaas ni Cindy ang lahat ng daliri niya habang sumigaw siya, “Sampung beses, Tita Gina! Hindi, baka higit pa nga! Binenta natin to ng limandaang milyon, pero ngayon, nagkakahalaga na ito ng limang bilyon! Limang bilyon, Tita Gina!”Nang marinig ang numerong iyon, nanigas si Gina matapos niyang mapaupo, at hindi siya nakapagsalita. “Dali… Dali!” sigaw niya pagkatapos tumulala nang matagal, sabay iniunat ang kamay niya kay Cindy. “Ibigay mo sa'kin ang phone ko. Tatawagan ko si Frank!”“Sige!”Talagang sabik na sabik si Cindy—tiyak na makakakuha siya ng parte kapag mabawi ni Gina ang lupang iyon. Gayunpaman, nang nakuha ni Gina ang phone niya at tinignan ang contact list niya para hanapin ang pangalan ni Frank, nanigas siya bago niya siya natawagan. “Anong problema, Tita Gina? Tawagan mo siya!” Sigaw ni Cindy, na halatang mas kabado kaysa kay Gina. Ganun rin si Peter, na pinilit si Gina sa sandaling iyon, “Tawagan mo siya, Ma. Bakit ka nagdadalawang-isip?”“Ako…”Natulala si
Nagpatuloy na magyabang si Peter, “Hayaan mo siyang kumapit kay Frank kung gusto niya. Mamalasin din sila sa huli at magmamakaawa sa paanan natin!”“Tama! Talagang nagtitino na ang anak ko!”Nakahinga nang maluwag si Gina na marinig ang mga salitang iyon, ngunit kaagad na nailang ang mukha niya. “Kahit na ganun… Naibenta ko na ang lupang yun.”“Ano?!”Tumalon si Peter nang parang pusang naapakan ang buntot. “Ma… Ano? Nabenta mo na yun kaagad?! Sino namang bibili nun sa'yo?!”Naiilang na napakamot ng ulo si Gina, naramdaman niya ang konsensya niya dahil sa reaksyon ng anak niya. “Medyo nag-alala ako pagkatapos ka naming hindi matawagan, kaya binenta ko to kay Frank.”“Kay Frank?! Binenta mo to kay Frank?!”Para bang sasabog si Peter. Kahit na ganun, kumapit siya sa huling pag-asa niya at pinilit na ngumiti habang kalmadong nagtanong, “Magkano mo to binenta sa kanya?”“Limandaang milyon.” Nakangisi si Gina habang tinaas niya ang mga daliri niya. “Ayos lang, Peter. Gusto niyang
Nanlumo ang mukha ni Gina sa sandaling nakita niya si Peter, at sumigaw siya, “Hayop ka! Ang kapal ng mukha mong ipakita ang mukha mo rito!”Talagang pinasakay siya ni Peter. Napakasama na siguro ng nangyari sa kanya kung hindi binili ng talunang si Frank ang bulok na lupa sa mga kamay ni Gina. Ang habulin ng mga loan shark at mawala ang Lane Manor? Naisip pa lang ito ni Gina ay napangiwi na siya. Nanginig siya sa galit habang tinitigan niya nang masama ang may gawa nito at dinuro si Peter habang sumigaw siya, “Walanghiya kang basura ka! Balak mo bang ipapatay ang nanay mo?! Tapos ang kapal pa rin ng mukha mong pumunta rito?!”“Ano ka ba, Ma. Sobra naman yan.” Kinamot ni Peter ang ulo niya ay mapagpaumanhing ngumiti. Sinubukan niyang ilagay sa mesa ni Gina ang mga bouquet na binili niya, ngunit hinawi niya ito. Nalaglag ang mga bulaklak habang sumigaw siya, “Layas! Ayaw kitang makita! Wala akong anak na lalaki—hindi yung sinusubukang lokohin pati ang sarili niyang nanay!”Nanl
Halatang sinusubukang umiwas ni Peter sa responsibilidad. Gayunpaman, tumayo si Kit, naglakad papunta kay Peter, at hinablot siya sa kwelyo habang sumigaw siya, “Ikaw ang nakaisip ng lahat ng ito! Niloko mo ang nanay mo gamit ng lupang yun para makuha ang pera niya—tignan mo ang nangyari! Binigyan mo lang sila ngayon ng pera!” Binato niya si Peter sa sofa at sumigaw, “May tatlong araw ka. Bawiin mo ang lupang iyon sa kung magkano mo ito ibinenta, kundi ay pupugutan kita ng ulo!”"Security!"Habang hinampas ulit ni Kit ang mesa niya, bumukas ang mga pinto ng opisina niya. Pumasok ang dalawang maskuladong bodyguard na may taas na dalawang metro habang tinuro ni Kit si Peter at sumigaw, “Iitsa niyo siya palabas!” “Masusunod, Mr. Jameson,” sagot ng mga bodyguards, pagkatapos ay dinampot si Peter nang parang pusa at initsa siya sa kalsada. “Sumosobra na kayo!” Sumigaw si Peter habang bumangon siya, pinaglaban ang damit niya, at sumigaw sa opisina ng Zomber Group, “Paano ko nam
Pagkatapos ay iniabon ni Frank si Winter mula sa bathtub at nilagay siya sa kama. Pwede niya siyang iwan nang ganyan, pero nang makitang malalim ang tulog niya at basang-basa siya, sumuko siya pagkatapos ng mahabang pagdadalawang-isip. Tiyak na magkakasipon siya kapag nagpatuloy siyang matulog nang ganito, at wala siyang malalaman dahil tulog siya. Pinunasan siya ni Frank, pagkatapos ay kumuha ng damit mula sa damitan niya at tinulungan siyang magbihis. Ginawa niya ang lahat para hindi tumingin, pero nakita pa rin naman niya. Nakakailang ito, pero natapos niya ito sa huli at nakahinga nang maluwag habang tumakas siya mula sa kwarto ni Winter. -Natakot din si Frank na manatili sa Skywater Bay dahil magiging nakakailang ang sitwasyong paggising ni Winter, kung kaya't tumakas siya ng Riverton pagsapit ng gabi. Sa sumunod na araw, nagpakita siya sa opisina ng Lanecorp sa Zamri at maagang pumasok sa trabaho. Kahit na ganun, bilang head ng health and security department ng
“Nadroga ka. Magtiis ko na lang muna—tutulungan kita pag-uwi natin.”Pinagngitngit ni Frank ang ngipin niya para tiisin ang lambot habang nakatuon ang mga mata niya sa daan. “Oh… Sige…” umungol si Winter habang maamo siyang tumango. Nang nakauwi na sila sa wakas sa Skywater Bay, dinala niya si Winter sa kwarto niya. Mabuti na lang at walang ibang tao sa mansyon. Aligaga si Carol Zims sa snackbar niya, habang bumalik sina Noel York at Kat Yego sa opisina ni Noel pagkatapos ng perfomance nila sa convocation at hindi pa sila nakakauwi. Isa itong pambihirang pagkakataon…Sinampal ni Frank ang sarili niya at mapait na tumawa—pambihirang pagkakataon?! Ano yun?!Hinanda niya ang pampaligo, tinunaw niya ang antidote dito at pinalakas ang solusyon gamit ng pure vigor niya. Hindi nagtagal, isang sariwang bango ang nagmula sa bathtub. “Sige na, Winter. Ngayon—”Lumingon si Frank, ngunit nakita niya si Winter na nakasuot lang ng underwear at parang lasing na nakangiti sa kanya n
"Frank…"Biglang lumapit si Winter kay Frank, sabay sumandal sa kanya at kumapit sa braso niya habang hiningal at nagmakaawa, “K-Kalma ka lang, Frank… Magkakaproblema ka… kapag pinatay mo siya—”Bago pa siya nakatapos, pumikit ang mga mata niya at bumagsak siya sa lapag nang walang malay. "Winter!"Nang makitang mawalan ng malay si Winter, walang oras si Frank para kay Bill—initsa niya siya, pagkatapos ay binuhat niya si Winter at pumikit para pakiramdam siya. Hindi nagtagal, nakaramdam siya ng apoy na nagsisimula sa loob ng katawan niya at nagtaka siya sa umpisa. Kahit na ganun, bigla niyang naalalang pinilit siya ni Bill na uminom ng wine, na nilagyan siguro ng gamot na nagpapasabik sa katawan. “Hayop ka!”Nakikita ni Frank kung anong binabalak ni Bill at kaagad siyang nagalit. Ngunit sa dami ng mga nanonood sa kanila, hindi niya pwedeng gamutin si Winter dito at napilitan siyang pakawalan si Bill. Kahit na ganun, habang dala niya si Winter palabas ng hall, inapakan n