Agad na sinabi ni Cram, “Huwag mo muna akong tanggihan, Mr. Lawrence. Bibilhin ko ang recipe, hindi ko ito hinihingi—higit pa rito, pwede tayong patuloy na magtulungan sa hinaharap. O gusto mo bang maging sugar mommy si Vicky Turnbull habangbuhay? Talaga ba? Ang isang lalaki na maraming talento na gaya mo?”Natawa si Frank sa sinabi niya.Gayunpaman, inisip ni Cram na makukumbinsi niya si Frank dahil hindi nakipagtalo si Frank at agad niyang dinagdag, “Hindi isang dinastiya ang pamilya ko, pero kapag nagtulungan tayo, makakagawa tayo ng isang empire kung saan tayo ang magiging pinakamakapangyarihan!”“Tama na.” Itiniaas ni Frank ang isa niyang kamay upang patahimikin siya. “Sasabihin ko ito sa huling pagkakataon—hindi ko ibibigay sayo ang Rejuvenation Pill at hindi ako makikipagtulungan sayo. Makakaalis ka na.”Alam kaya ni Cram kung gaano kalawak ang impluwensya ng mga Turnbull? Ganun ba siya katanga para maniwala na ipagpapalit ni Frank ang mga Turnbull para sa kanya?!Kumunot a
Ayaw ni Winter na maging pabigat kay Frank habang nagmemeditate siya ng mag-isa.Gaya ng dati, pumapasok siya sa klase sa umaga at tumutulong siya sa nanay niya sa bago niyang snackbar sa tuwing may oras siya.Pagkatapos muling buksan ni Carol ang kanyang snackbar, muli siyang naging abala sa tuwing darating ang rush hour.-Pagkaraan ng ilang araw, tumutulong din si Winter sa gabi.Pagkatapos niyang tulungan ang kanyang ina na isara ang mga pinto, sinabi ni Carol na, “Dito ka na magpalipas ng gabi, Winter.”Umiling si Winter. “Hindi na muna, kailangan ko nang bumalik sa Skywater Bay. Nakakulong pa sa kwarto si Frank, at hindi ko sigurado kung kailan siya lalabas. Kailangan kong bumalik para silipin siya.”Ngumiti si Carol. “Talagang nag-aalala ka para sa kanya.”Namula si Winter. “Tumigil ka na, Mom. Malaki ang utang na loob ng pamilya natin sa kanya—dapat lang na magpakita ako ng pag-aalala sa kanya bilang kapalit.”“Sige. Magmadali ka nang umuwi,” ang sabi sa kanya ni Carol
Gayunpaman, masyadong maliit si Winter para makapalag, at ngumiti ang lalaking naka-itim. "Huminahon ka, isa lang itong maliit na marka sa mukha mo! Matatapos din ‘to… Pero habang nagpupumiglas ka, lalo itong sasakit!”Naluluha ang mga mata ni Winter habang pinagmamasdan niya ang patalim na unti-unting lumalapit sa mukha niya.Biglang kumidlat ng malakas, at naliwanagan ang buong silid.Bang!Kasabay nito, mayroong malakas na kalabog mula sa baba, nagulat si Winter at ang lalaking naka-itim dahil dito!" Frank! Tulong!” Sumigaw ng malakas si Winter.Pagkatapos ay naramdaman ng lalaking naka-itim ang isang nakakatakot na presensya sa likod niya at lumingon siya at nakita niya ang isang lalaki na nakatayo doon.Napakadilim ng paligid, ngunit kumislap ng malamig ang mga mata ng lalalki.Sa takot niya at dahil alam niya na hindi na maganda ang sitwasyon para sa kanya, sinubukang atakihin ng lalaking naka-itim si Frank!Thud.Narinig ang isang mahinang kalabog, at nanigas ang lala
”Birthright?”Nagtatakang tumingin ang asawa ni Kenny sa kanya.Kaunti lang ang alam niya tungkol sa martial arts, ang tanging alam lang niya ay naabot na ng asawa niya ang pinnacle ng paggamit ng vigor.Ang bagay na iyon ang dahilan kaya siya ang naging chief ng isang buong martial sect.Gaano kalakas ang taong tinutukoy ni Kenny kung naabot na nila ang Birthright rank?Tumango si Kenny. “Tumingin ka sa langit. Mukhang magbabago ang ihip ng hangin sa Riverton dahil sa bagong Birthright rank.”-Narinig din ni Kim White ang kulog sa labas ng bahay niya.Lumabas siya ng kanyang kwarto ng nakasuot ng pajamas at nakita niya ang tatay niya na nakatingala sa langit mula sa likod ng pinto.Nang makita niya si Kim, ngumiti siya. “Bakit gising ka pa ng ganitong oras, Kim?”“Nakarinig ako ng kulog… Nagising ako dahil dun,” sumagot ng tahimik si Kim.Tumango si Eron. “Hindi iyon isang ordinaryong kulog. Mayroong tao na nakaabot sa Birthright rank.”“Birthright rank? Malakas ba talaga
Ang sabi ni Frank, “Ibigay mo ang utos na i-boycott ang mga Larkin.”“Yes, Mr. Lawrence,” sumagot si Trevor ng walang pag-aalinlangan.-Samantala, pumasok si Zeb sa kwarto ng tatay niya at nagtanong, “Kamusta, Dad? Ibibigay na ba ni Frank ang recipe ng Rejuvenation Pill?”Hinampas ni Cram ang palad niya sa mesa habang galit na galit niyang sinabi na, “Sinabi niya sa’kin na lumuhod ako at humingi ng tawad! Napakataas ng tingin niya sa sarili niya!”Naningkit ang mga mata ni Zeb. “Kung ganun, dukutin na lang natin si Helen. Nakikita ko na may nararamdaman pa rin si Frank para sa kanya, at magbubunga ang lahat ng pagod natin kapag ibinigay niya sa’tin ang recipe kapag pinagbantaan natin si Helen.”Pinag-isipan ni Cram ang tungkol dito at tumango siya. “Mukhang ‘yun na lang ang magagawa natin. Sarili lang niya ang pwede niyang sisihin dahil sa kayabangan niya.”Tumango si Zeb at magsisimula pa lang sana siya noong biglang tumunog ang phone sa may study room.Sinagot ito ni Cram at
Umalis si Zeb sa bahay nila, at nagmaneho siya papunta sa opisina ni Helen at binati niya si Helen noong lumabas siya ng gusali.“Uy, Helen.” Ngumiti si Zeb.“Anong ginagawa mo dito, Mr. Larkin?” Napatingin si Helen sa kanya.“Na-miss lang kita. Hindi ka pa nagtanghalian, hindi ba? May bagong restaurant sa malapit—bakit hindi natin tikman ang pagkain dun?” Ang alok ni Zeb kay Helen.Pinag-isipan ni Helen ang tungkol dito at tumango siya—kakain lang naman siya, at walang dahilan para tumanggi siya.Hindi nagtagal ay nakarating sila sa restaurant, masayang umorder si Zeb bago siya ngumiti, “Ano sa tingin mo ang magandang inumin natin?”Umiling si Helen. “Pass muna ako sa alcohol—may kailangan pa akong gawin na trabaho.”Hindi na nagpumilit sdi Zeb, at pagkatapos nilang kumain, nagsalita siya. “Maraming taon na ang lumipas, Helen. Sigurado ako na alam mo kung ano ang nararamdaman ko para sayo. Bumalik ako sa bansa noong malaman ko ang tungkol sa divorce mo, at hindi ako nagpakasal
Inakala ni Helen na masyadong mabilis ang pagtayo niya at aabutin sana niya ang pader, ngunit bumagsak siya sa sahig.“Anong…”Sinubukang humingi ng tulong ni Helen ngunit napagtanto niya na hindi siya makapagsalita!Lumapit si Zeb sa kanya at ngumiti siya. “Oh, Helen—hindi ka dapat umiinom kung madali kang malasing. Tara, ihahatid kita pauwi.”Nanlaki ang mga mata ni Helen at tiningnan niya ng masama si Zeb, alam niya na drinoga siya ni Zeb.Malinaw ang isipan niya, ngunit ayaw kumilos ng katawan niya!Kasabay nito, binitbit ni Zeb si Helen palabas ng restaurant, habang nakatingin sa kanila ang mga waitress ng nakangiti, at inilagay niya siya sa may backseat.Inilibot ni Helen ang mga mata niya sa paligid at sinubukan niyang sumigaw, ngunit wala siyang magawa.Doon niya nakita ang sarili niyang phone sa loob ng kanyang pitaka at sinubukan niyang itulak ang kamay niya sa abot ng makakaya niya!Kasing bigat ito ng lead, ngunit hindi siya sumuko. Lalo na’t wala siyang ideya kung
Sinagot ni Frank ang tawag ni Helen, ngunit ang tanging narinig niya ay ang boses ni Zeb na abala sa pagmamaneho at hindi nakikita kung ano ang ginawa ni helen.Tumawa siya at nagyabang, “Huwag ka nang pumalag, Helen. Malaki ang ginastos ko para sa gamot na ‘yun—gising ka, pero hindi ka makakagalaw. Kung sabagay, ipapakita ko sayo kung ano ang ibig sabihin ng mag-good time bilang isang babae. Ang ibig kong sabihin, ang dinig ko wala pang nangyari sa inyo ni Frank… baog ba siya? Hahaha!”Nagalit si Frank sa kanyang narinig at sumigaw siya habang tumatayo siya, “Papatayin kita, Zeb Larkin!”Hindi siya narinig ni Zeb, bagaman nagtaka si Cram habang nakaupo siya sa harap ni Frank.“Anong nangyari, Mr. Lawrence?” Tanong niya, hindi siya sigurado kung bakit nagalit si Frank.Tumingin ng masama si Frank kay Cram at sinipa niya siya sa dibdib, dahilan upang tumalsik si Cram!“Oof… Bleurgh!” Sumigaw si Cram at umubo siya ng maraming dugo habang sumasakit ang kanyang dibdib!Lumabas din n