Nagmadaling lumapit si Jaud at maingat niya dinampot ang isa sa mga Rejuvenation Pill.Nanlaki ang mga mata niya, nanlalaki ang mga pupil niya sa hindi makapaniwala. "Whoa... Pinagsasama ng tableta ang mga natural na elemento, at pinupuno ng herbal na pabango ang mga butas ng ilong. Nakakamangha."Ang herbal scent ng pill lamang ang nagsabi kay Jaud na ang Rejuvenation Pill ay mas mataas sa kanilang Beauty Pill."Hah! Anong katarantaduhan—ang ilang kalokohang tableta na nilalabas ng Grande Corp ay hindi makakaabot sa ating tableta!" Ngumuso si Donald—hindi siya maniniwala kay Jaud at agad na uminom ng isa sa mga tabletas.Napagtanto ni Jaud na nagkamali siya sa pagsasalita at mabilis na inayos ang sarili. "True, true. This would never measure up to our Beauty Pill kahit gaano pa ito kahusay.""Try it yourself," sabi ni Donald sa kanya. "I don't think it is that good compared to our Beauty Pill."Talagang na-curious si Jaud tungkol sa epekto ng Rejuvenation Pill at agad na uminom
Huminga ng malalim si Donald habang pinapanood niya ang mga nangyayari.Nagdesisyon siya noong sandaling iyon na kailangan niyang kumilos, o hindi bebenta ang kanyang Beauty Pill!Agad niyang tinawag ang dalawa sa mga tauhan niya, binulong niya sa kanila ang mga utos niya...-Puno ng pananabik ang mga tao sa product launch conference ng Grande Corp, pinaulanan ng papuri ng mga journalist ang Rejuvenation Pill.Biglang narinig ang isang sigaw sa conference hall.“Ano?”“Ano ‘yun?”Nagtaka ang lahat nang bumagsak sa sahig ang isang lalaki sa gitna ng mga tao, at kinumbulsyon siya.Isa pang lalaki ang nagmadaling lumapit sa kanya, at natatarantang sumigaw, “Kuya! Anong nangyari?!”“Anong nangyari?” Nagmadaling lumapit sa kanila si Dan upang alamin kung ano ang nangyari, at agad na nagbigay daan ang mga tao.“Hindi ko alam!” Nagpatuloy sa pag-iyak ang isa pang lalaki. “Uminom siya ng isang Rejuvenation Pill, at bigla na lang siyang bumagsak! Nagsimula siyang mangisay ng ganyan…
Tumayo si Vicky at sinagot niya si Donald, “Nagsisinungaling ka! Hindi dahil sa Rejuvenation Pill ang pangingisay ng lalaking ‘yun. Tsaka, anong ginagawa mo dito sa press conference ko sa halip na nandoon ka sa conference mo?”Nagkibit balikat si Donald. “Huwag mong ibahin ang usapan, Ms. Turnbull. Dapat sinasabi mo sa'min ngayon kung anong gagawin mo tungkol dito.”Suminghal sa galit si Vicky. “Gagawin namin ang nararapat. Magbabayad kami ng danyos kung talagang ang Rejuvenation Pill ang may problema.”“Kung ganun bakit hindi pa natin ‘yun gawin?”“Hindi pa nasisiguro na ang Rejuvenation Pill ang naging sanhi ng kondisyon ng lalaking ‘yun. Maging ang isang gaya mo ay hindi kailangang mag-alala na hindi mo mababawi ang pera mo.”Doon naglakad si Frank palapit kay Dan pagkatapos niyang manahimik ng matagal. “Mr. Zimmer, hayaan mong tingnan ko ang pasyente.”Paulit-ulit na tumango si Dan at nagbigay daan siya para kay Frank. “Oh, shit! Sino yung batang ‘yun?!”“T-Talaga bang tun
Itinupi ni Vicky ang kanyang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib habang tumatawa siya. “Mr. Salazar, nauunawaan ko ang ambisyon mo na sakupin ang Riverton Market gamit ng Beauty Pill. Yung totoo, tinatanggap ko ang kompetisyon, pero hindi ko inakala na gagawin mo ang bagay na ito!”“Totoo ba ‘yun, Mr. Salazar?”“May masasabi ka ba tungkol dito, Mr. Salazar?”Kasabay nito, pinagkumpulan ng mga journalist si Donald, halos isalaksak na nila ang kanilang mga mikropono sa lalamunan ni Donald.Sumimangot si Donald, ngunit wala ring silbi kahit na magsalita pa siya ngayon—kapag nagsalita pa siya, lalo lang siyang mapapahiya! Suminghal siya at nagmadali siyang lumabas ng conference hall kasama ng mga journalist.“Sandali, Mr. Salazar!”“Bigyan niyo kami kahit konti…”Sinundan siya ng mga journalist, nakita na nila ang susunod nilang headline! -Talagang nabaligtad ng mga Turnbull ang sitwasyo sa launch conference, kung saan maraming mga bigatin ang nagkakagulo upang makapag pre-o
Tumingin si Donald kay Jaud. “Anong nasa isip mo?”Ngumiti si Jaud. “Twenty-six na ang anak mong babae ngayon, at panahon na para magpakasal siya. Kapag nakapag arrange tayo ng isang strategic marriage sa isa sa mga pinakamakapangyarihang pamilya sa Riverton, sa tulong ng impluwensya nila, mas magiging madali tayong magkakaroon ng foothold sa Riverton.”Naisip ni Donald na may punto si Jaud, ngunit ugali niyang i-spoil ang kanyang anak na babae.Kahit na gusto niya ng isang strategic marriage sa isa sa pinakamakapangyarihang pamilya sa Riverton, gusto pa rin ni Donald na ang mapapangasawa ng kanyang anak ay isang tao na gusto mismo ng anak niya.“Tawagin niyo si Viola. Kakausapin ko siya tungkol dito,” ang sabi niya.Di nagtagal, isang kaakit-akit na babae na naka suot ng isang gown ang dumating sa study room ni Donald—siya ay walang iba kundi si Viola, ang panganay na anak na babae ni Donald.“Gabi na, Dad. Bakit mo ako pinatawag?” Ang tanong niya.Tahasang sinabi ni Donald ang
Agad na niyakap ni Viola si Chris. “Anong sinasabi mo? Ayaw kong umalis ka. Tsaka, sasakyan ko lang ang mga kaganapan sa party na ‘yun. Walang magagawa ang dad ko kung hindi ako interesado sa kahit sino sa mga lalaki sa Riverton.”Inangat ni Chris ang baba ni Viola. “Sabi ko na nga ba the best ka talaga.”Binilog niya ang ulo ni Viola gamit ang lahat ng mga pick up lines niya sa nakalipas na mga taon, dahilan upang mahumaling nang husto sa kanya si Viola.“Oo nga pala, kamusta ang kumpanya mo?” Biglang nagtanong si Viola.“Yung totoo, hindi ganun kaganda,” ang sabi ni Chris ng may nahihiyang ekspresyon. “Hindi naging maganda ang takbo ng market nitong mga nakaraan… Oo nga pala, may pera ka ba ngayon? Balak ko sanang mag-import ng ilang equipment at i-upscale na din ang kumpanya, o hindi kami makakasabay sa kompetisyon!”Mukhang namroblema si Viola dahil doon. “Wala akong gaanong pera ngayon…”“Ah… Mukhang wala na akong magagawa.” Malungkot na bumuntong hininga si Chris.“Huwag m
Natapos na si Helen, “Isa akong babae, kaya wala ring mangyayari kahit na pumunta ako."Hindi siya interesado sa mga marangyang handaan, bagaman magpapadala siya ng tao upang ipaabot kay Viola ang mga regalo niya dahil nararapat lang na respetuhin niya ang mga Salazar. “Tama naman ‘yun. Kung ganun, hindi rin ako pupunta,” sabi ni Chris. Nakahinga siya ng maluwag sa loob-loob niya—nag-aalala siya ng husto na baka magkita sila Helen at Viola. Kahit na walang kaalam-alam ang dalawa tungkol sa isa't isa, kapag nagkita sila at nagkausap, posibleng may mabunyag na ilang mga bagay… Kapag nangyari ‘yun, magkakaroon ng malaking problema. Ngumiti si Helen noong sandaling iyon habang inaasar niya si Chris. “Bakit hindi ka pupunta? Bukod sa maganda si Viola mayaman at maimpluwensya din siya. Sa tingin ko bagay kayo sa isa't isa.”“Sa tingin ko pagmamay-ari na ng iba ang puso ni Mr. Steiner.” Ngumiti si Gina noong sandaling iyon. Kung sabagay, binibisita ni Chris si Helen sa tuwing ma
Naglakad papasok ng pintuan si Cindy noong sandaling iyon, dala ang mga shopping bag na magkakaiba ang laki."Saan ka nanggaling Cindy?" tanong ni Gina.Ngumisi si Cindy. "Shopping—mamaya na tayo mag-usap, Tita Gina. Busy ako."Gayunpaman, bago siya umakyat sa itaas, nakita niya ang red diamond necklace sa may tea table."Woah!" bulalas niya habang nilalapag ang kanyang mga shopping bag at dumiretso siya sa kwintas, at dinampot niya ito. "Isa ‘tong red diamond, hindi ba?""Oo." Ngumiti ng mayabang si Gina. "Nagkakahalaga ito ng higit sa dalawampung milyong dolyar."Sa mga salitang iyon, buong tapang na isinabit ni Cindy ang kwintas sa kanyang leeg at tinanong si Gina, "Bagay ba sa’kin, Tita Gina?"Nagkaroon ng naiilang na ekspresyon sa mukha ni Gina noong sandaling iyon. "Oh, uh... Oo.""Kung ganun, ipahiram mo muna ‘to sa’kin ng ilang araw." Humagikgik si Cindy.Agad namang kumunot ang noo ni Gina. "Binigay ‘to ni Chris kay Helen. Hindi maganda kung isusuot mo ‘to—Pwede kitan
Nahuli ni Helen si Frank at nagseselos na nagtanong, “Anong sinasabi mo sa babaeng yun?”“Ano?” Nabigla si Frank—ganito ba talaga siya kaselosa noon?Kahit na ganun, tumawa siya pagkatapos mag-isip. “Inimbitahan niya ako sa isang masquerade ball.”“Isang masquerade ball?!” Sumama ang mukha ni Helen, halatang alam na alam niya ang ibig sabihin nito. “Ano? Pumayag ka ba?”“Bakit di ka manghula?” Tumawa si Frank at mabilis na tumakbo papasok ng manor. “Hoy!” Sigaw ni Helen sa inis. Kahit na ganun, kumalma siya kaagad—kilala niya si Frank, at hindi siya mangangahas na pumunta sa ganung klaseng lugar. Lalo na't hindi niya siya pinagsamantalahan kahit noong…Namula si Helen at uminit ang pisngi niya nang naalala niya ang gabing iyon. “Hmph!” Suminghal siya bago nagmadali ring pumasok sa manor. Puno ng tao ang manor, at lahat ng tao roon ay nakatitig nang maigisa iisang tao.Natural na ito ay wala nang iba kundi si Will Zeller.Nakatayo siya sa hagdan suot ng itim na suit niy
Si Frank ang nagmamaneho, at nang dumating sila ni Helen, nakita nilang isa pala itong pribadong hardin. Pinalamutian ang lugar na para bang para ito sa isang social ball, kasama ang buffet, wine, at classical music. Naglabas-masok ang mga waiter sa gitna ng mga tao at nagsilbi para sa mga bisita. Natural na ang lahat ng naroon ay mga representante ng malalaking negosyo sa Zamri—kahit na hindi mahina ang Lanecorp kumpara sa kanila, wala rin silang maipagmamayabang. Ang bawat isang bisita ay may tag na nagpapakita ng grupong kinakatawan nila, at napansin pa nga ni Frank si Victor Sorano mula sa malayo. “Hmm…? Hindi na si Kallum ang kumakatawan sa Lanecorp ngayon?” tanong ng isang matandang lalaking may hawak na red wine habang nilapitan niya si Helen kasama ng isang babaeng nasa dalawampung taong gulang na nakakapit sa braso niya. Isa itong malinaw na kaso ng pagiging sugar daddy—nasa animnapung taong gulang na ang lalaki. Magalang naman siyang binati ni Helen. “Ikaw si Mr.
Kapag naulit ito, baka talagang hindi makapagpigil si Frank—matinding hamon ito para sa kanya!Nagising din nang maaga si Helen at naglakad papunta sa bintana. Iniunat niya ang buhok niya habang pinanood niyang tumakbo si Frank sa baba. Kaagad na naging malambing, natatawa, at dismayado ang titig niya. -Sa sumunod na linggo, nanatili si Frank sa tabi ni Helen sa lahat ng oras, handa siyang harapin ang kahit na anong posibleng pag-atake sa kanya. Kahit na ganun, mas madaling hawakan ang Lanecorp kumpara sa inaasahan niya—para bang nalinis ang kurapsyong nagkalat sa kumpanya sa loob ng isang linggo, at sari-saring operasyon ang nagaganap at tumatakbo. Bilang pinuno, natural na nakakuha si Helen ng paghanga mula sa lahat ng board members at shareholders. Natural na pasalamat din ito sa makapangyarihang sumusuporta sa kanya—paano pa nila siya malalabanan ngayong kaya niyang maningil ng utang mula sa Victorget?Samantala, nakakulong pa rin si Kallum sa sarili niyang opisina n
Malokong ngumiti si Frank. “Magsimula tayo sa ‘Oh, darling, takot ako sa dilim… pwedeng wag kang umalis?’” Bumuka ang labinni Helen at sinubukang ipaliwanag ang sarili niya sa pagkataranta. “Hindi, naisip ko lang na di tayo dapat mag-book ng magkahiwalay na kwarto. Mahal ito at maraming posibleng mangyari…”“Hahaha…” Tumawa nang malakas si Frank nang makita ang nahihiya at mala-dalagang reaksyon niya. At nang makitang tinatawanan niya siya, ayaw nang ipaliwanag ni Helen ang sarili niya at sumimangot habang tumalikod siya.”“Sige, hindi na kita aasarin.” Umupo si Frank sa tabi niya at hinila siya sa mga bisig niya nang nakangiti. “Pwede tayong matulog sa isang kwarto, pero isa akong lalaking may integridad—papakasalan kita nang maayos kapag talagang maayos na ako. Hindi natin kailangang magmadali, di ba?”Naantig ang damdamin ni Helen sa katapatan sa mga mata niya habang nakasimangot siya nang parang isang inosenteng dalaga. “At kailan naman yun?”“Kailan nga ba…”Habang yakap
Pagkatapos pinadaan ni Frank ang room card at binuksan ang pinto, natulala siya nang makitang isa itong kwartong may deluxe bed. Naiilang siyang lumingon kay Helen, na umiling habang pumasok siya. “May nag-book ng presidential suite, kaya kailangan kong magtiyaga sa deluxe twin. Wag kang mag-alala, ang kondisyon ng hotel ay…”Natulala rin siya nang nakita niyang isang kama lang ang nasa loob ng malaking kwarto. “Heh. Kung ganun…” Kinamot ni Frank ang ulo niya at naiilang na tumawa. May nakita si Helen sa ngiti niya na nagpamula sa kanya at nagreklamo siya. “Hindi maaari to… Naalala kong sinabi ko kay Cindy na kukuha ng twin bed room…”Lumabas siya at nagtanong sa isa sa mga attendant sa labas, na humingi naman ng tawad. “Pasensya na, Ms. Lane, pero wala kaming oras para ipaalam ito sa'yo kanina. Dati kang nilagay sa Room 506, isang deluxe twin room. Gayunpaman, biglang nagkaroon ng biglaan government inspection, at kinailangan ka naming ilipat. Pumayag dito ang sekretarya mo ka
Nang bumalik sila sa mga mesa nila, gumawa ng palusot si Will na natumba siya at tumaga ang kamay niya sa tinidor na nasa lapag, na nagsanhi ng kahulugan kanina. Hindi nakayanan ni Cindy na manood na lang at maupo, at sinimulan niya siyang hilahin. “Halika na. Dadalhin kita sa doktor para linisin yan.”“Ayos lang,” naiilang na sabi ni Will habang sumilip kay Frank at umubo. “Tinulungan na ako ni Mr. Lawrence at hindi na'to masakit kaya…”Natural na hindi nagtiwala sa kanya si Cindy at suminghal sa ideyang kayang tumulong ni Frank. “Imposible! Sanggano lang siya—sinong mas papaniwalaan mo, siya o ang doktor?! Tara na, kundi baka maimpeksyon ka dahil sa kanya. Masama ito kapag nag-iwan yan ng peklat.”Sa huli, walang nagawa si Will kundi umalis dahil hinila siya ni Cindy paalis. Nang naiinis, tumango siya kay Frank bago umalis, ngunit umiinom si Frank ng kape at parang hindi siya sumagot. Nanood si Helen habang umalis sina Will at Cindy, pagkatapos ay kinakabahan siyang lumingon
“Ano?!” Nabigla si Frank. Nagpasya ang mga Lionheart na makipaggiyera laban sa mga Turnbull?!Pero sabi ni Glen Turnbull, ang plano laban sa mga Turnbull ay plinano at sinagawa ni Titus Lionheart nang mag-isa. Kung nasa paligid ang head ng mga Lionheart, hindi sila susugal nang ganito ka-delikado. Ngunit sa kung anong dahilan, nagbago ang isip ng mga Lionheart pagkatapos ng isang buwan at handa na silang umatake?!Metikuloso pa nga sila at binalak nilang sirain ang Lane family… Mukhang habol din siya ng mga Lionheart!“Ganun pala… Iyon pala ang nangyayari…” Tumawa nang malamig si Frank pagkatapos isipin ang mga pagpipilian niya at kumuha ng isang mabahong itim na pill at sinaksak ito sa bibig ni Will. “Dahil kilala ako ako, alam mo dapat kung gaano ako kagaling sa medisina. Ang pill na pinainom ko sa'yo ngayon ay tinatawag na Veinbreaker, at kailangan mo ng antidote bawat linggo, kundi ay mamamatay ka nang nagdurusa habang pumuputok ang bawat isang ugat na mayroon ka.”Habang
“Sir, anong—”“Tabi.” Tinulak ni Frank ang mga attendant na nakaharang sa daan niya at naglakad papunta kay Will. Hinablot niya ang lalaki sa kwelyo, pagkatapos ay tinulak ito sa men's room at sinara nang malakas ang pinto para i-lock ito. “Ano bang gusto mo?!” Sumigaw si Will habang nagngitngit ang ngipin. Nagsimulang mag-apoy ang mga mata niya sa galit kay Frank habang pinanood niyang dumugo nang matindi ang palad niya. “Anong gusto ko? Ikaw ang dapat kong tanungin niyan.”Tinulak ni Frank si Will sa lapag nang nakangisi habang inapakan niya ang butas na kamay ni Will. Napasigaw siya ulit. Habang malamig na naningkit ang mga mata, sumigaw si Frank, “Unang-una, magsimula tayo sa kung sino ka ba talaga… Lumapit ka sa Lanecorp mula kay Cindy, para saan? Para may manatiling aligaga?! Sino yun?! Magsalita ka!”“A-Anong sinasabi mo?! Wala akong alam!”Nataranta si Will sa mga tanong ni Frank. Hindi niya alam kung paano ito nalaman ni Frank. “Hindi ka magsasalita, ha? Kung gan
Mapagbantang sumagot si Helen, “Wag mo kong hawakan, Mr. Zeller, kundi ay baka hindi mo malaman ang mangyayari sa'yo.”“Talaga? Kilala mo ba kung sino ang mga kaibigan ko? Hehe… Aatakihin ka sa puso kapag sinabi ko sa'yo, pero iibahin ko ang usapan.”Madilim na ngumiti si Will, dinilaan niya ang mga labi niya habang hinarangan niya si Helen. “Samahan mo ko ngayong gabi, Ms. Lane, at nangangako ako sa karangalan ko na makukuha mo ang larawan at lahat ng files na kinopya ko… Kundi baka bukas, lumitaw sa mesa ng CEO ng karibal mong kumpanya ang lahat ng nasa larawan. Kaya ano ang pipiliin mo?”Pumikit si Helen sa kabila ng banta niya, at nanahimik sandali bago nagsabing, “Kung ganun, pwede ko bang isiping pinagbabantaan mo ko?”“Tama.” Nanatiling nakangiti si Will, na tuwang-tuwa dahil kumbinsido siyang sa kanya na si Helen. Nagsimula pa nga siyang magpantasya kung anong kayamanan ang nasa ilalim ng suit niya at tumindi ang init sa pagitan ng binti niya. Walang makakapigil dito, a