Tumingin si Donald kay Jaud. “Anong nasa isip mo?”Ngumiti si Jaud. “Twenty-six na ang anak mong babae ngayon, at panahon na para magpakasal siya. Kapag nakapag arrange tayo ng isang strategic marriage sa isa sa mga pinakamakapangyarihang pamilya sa Riverton, sa tulong ng impluwensya nila, mas magiging madali tayong magkakaroon ng foothold sa Riverton.”Naisip ni Donald na may punto si Jaud, ngunit ugali niyang i-spoil ang kanyang anak na babae.Kahit na gusto niya ng isang strategic marriage sa isa sa pinakamakapangyarihang pamilya sa Riverton, gusto pa rin ni Donald na ang mapapangasawa ng kanyang anak ay isang tao na gusto mismo ng anak niya.“Tawagin niyo si Viola. Kakausapin ko siya tungkol dito,” ang sabi niya.Di nagtagal, isang kaakit-akit na babae na naka suot ng isang gown ang dumating sa study room ni Donald—siya ay walang iba kundi si Viola, ang panganay na anak na babae ni Donald.“Gabi na, Dad. Bakit mo ako pinatawag?” Ang tanong niya.Tahasang sinabi ni Donald ang
Agad na niyakap ni Viola si Chris. “Anong sinasabi mo? Ayaw kong umalis ka. Tsaka, sasakyan ko lang ang mga kaganapan sa party na ‘yun. Walang magagawa ang dad ko kung hindi ako interesado sa kahit sino sa mga lalaki sa Riverton.”Inangat ni Chris ang baba ni Viola. “Sabi ko na nga ba the best ka talaga.”Binilog niya ang ulo ni Viola gamit ang lahat ng mga pick up lines niya sa nakalipas na mga taon, dahilan upang mahumaling nang husto sa kanya si Viola.“Oo nga pala, kamusta ang kumpanya mo?” Biglang nagtanong si Viola.“Yung totoo, hindi ganun kaganda,” ang sabi ni Chris ng may nahihiyang ekspresyon. “Hindi naging maganda ang takbo ng market nitong mga nakaraan… Oo nga pala, may pera ka ba ngayon? Balak ko sanang mag-import ng ilang equipment at i-upscale na din ang kumpanya, o hindi kami makakasabay sa kompetisyon!”Mukhang namroblema si Viola dahil doon. “Wala akong gaanong pera ngayon…”“Ah… Mukhang wala na akong magagawa.” Malungkot na bumuntong hininga si Chris.“Huwag m
Natapos na si Helen, “Isa akong babae, kaya wala ring mangyayari kahit na pumunta ako."Hindi siya interesado sa mga marangyang handaan, bagaman magpapadala siya ng tao upang ipaabot kay Viola ang mga regalo niya dahil nararapat lang na respetuhin niya ang mga Salazar. “Tama naman ‘yun. Kung ganun, hindi rin ako pupunta,” sabi ni Chris. Nakahinga siya ng maluwag sa loob-loob niya—nag-aalala siya ng husto na baka magkita sila Helen at Viola. Kahit na walang kaalam-alam ang dalawa tungkol sa isa't isa, kapag nagkita sila at nagkausap, posibleng may mabunyag na ilang mga bagay… Kapag nangyari ‘yun, magkakaroon ng malaking problema. Ngumiti si Helen noong sandaling iyon habang inaasar niya si Chris. “Bakit hindi ka pupunta? Bukod sa maganda si Viola mayaman at maimpluwensya din siya. Sa tingin ko bagay kayo sa isa't isa.”“Sa tingin ko pagmamay-ari na ng iba ang puso ni Mr. Steiner.” Ngumiti si Gina noong sandaling iyon. Kung sabagay, binibisita ni Chris si Helen sa tuwing ma
Naglakad papasok ng pintuan si Cindy noong sandaling iyon, dala ang mga shopping bag na magkakaiba ang laki."Saan ka nanggaling Cindy?" tanong ni Gina.Ngumisi si Cindy. "Shopping—mamaya na tayo mag-usap, Tita Gina. Busy ako."Gayunpaman, bago siya umakyat sa itaas, nakita niya ang red diamond necklace sa may tea table."Woah!" bulalas niya habang nilalapag ang kanyang mga shopping bag at dumiretso siya sa kwintas, at dinampot niya ito. "Isa ‘tong red diamond, hindi ba?""Oo." Ngumiti ng mayabang si Gina. "Nagkakahalaga ito ng higit sa dalawampung milyong dolyar."Sa mga salitang iyon, buong tapang na isinabit ni Cindy ang kwintas sa kanyang leeg at tinanong si Gina, "Bagay ba sa’kin, Tita Gina?"Nagkaroon ng naiilang na ekspresyon sa mukha ni Gina noong sandaling iyon. "Oh, uh... Oo.""Kung ganun, ipahiram mo muna ‘to sa’kin ng ilang araw." Humagikgik si Cindy.Agad namang kumunot ang noo ni Gina. "Binigay ‘to ni Chris kay Helen. Hindi maganda kung isusuot mo ‘to—Pwede kitan
Ngumiti si Frank habang sinusubukan niyang maging mabait. “Frank na lang. Hindi mo kailangang maging pormal sa’kin.”Gayunpaman, habang nagiging mas palakaibigan siya, mas naging maingat si Fred. Lalo rin siyang nakumbinsi na may binabalak si Frank…Maya-maya ay tumunog ang phone ni Fred, at agad niya itong sinagot nang makita niya ang numero.Walang ideya si Frank kung sino ang kausap ni Fred ngunit hindi niya maiwasang mapakunot ang kanyang noo dahil naririnig niya ang lalaki sa kabilang linya na nagagalit, "Ano bang ginagawa mo, Mr. Lawrence?! Maaabot mo ba ang quota mo para sa buwan na ‘to o hindi?!"Sa tapat ni Frank, paulit-ulit na humingi ng tawad si Fred at nagpakumbaba. "Oo naman, boss! Sisiguraduhin ko na maaabot ko ang quota ko...""Kapag hindi mo naabot ang quota mo, pwede mo nang kunin ang mga gamit mo at umalis ka na!"Patuloy na humingi ng tawad si Fred hanggang sa ibinaba niya ang tawag, at nakahinga siya ng maluwag.Gayunpaman, hindi nagtagal ay napalitan ng hiy
Nanliit ang mga mata ng lalaki, nagulat siya na madaling sumuko si Fred.Nanliit ang mga mata niya, at sumigaw siya, "Sa tingin mo ba sapat na ang paghingi mo ng tawad?"Nagtaka si Fred. "Kung ganun, ano bang gusto mo?""Limang daang dolyar. Kailangan ko itong ipaayos," suminghal ang lalaki."Ano?" Napanganga si Fred.Ang lalaking ito ang bumangga sa kanyang moped, tapos siya ang sinisingil niya ngayon?Anong klaseng kalokohan ‘to?"Anong ibig mong sabihing, 'ano'?" Agad na hinawakan ng lalaki si Fred sa kwelyo. "Magbayad ka na!""Hindi pwede, boss." Sinubukang mangatuwiran ni Fred. "Humingi na ako ng tawad—bakit sinisingil mo pa ako?"Mas mababa pa dun ang kinikita niya sa loob ng isang araw, at talagang ayaw niyang magbayad!"Eh paano naman yung gasgas sa kotse ko?!" Galit na galit na tumitig ang lalaki sa kanya. "Huwag mo na ‘tong patagalin at magbayad ka na!"Muli niyang itinaas ang kanyang kamay, handa siyang sampalin ulit si Fred nang biglang lumapit si Frank, at hinaw
Subalit, hindi naging mabuti ang buhay para kay Fred.Wala siyang kakampi kahit na ipaglaban niya ang kanyang sarili, at ang mayroon lamang siya ay isang matandang ina at isang kapatid na babae na nag-aaral pa rin sa unibersidad.Masisira ang pamilya niya kapag may nangyaring masama sa kanya!Pinagmamasdan ni Frank si Fred na lumayo at bumuntong-hininga siya sa inis.-Maliwanag at nakakasilaw ang mga ilaw ng Salazar Villa sa Riverton, dahil birthday party iyon ni Viola.Ang mga anak ng bawat mahalagang tao sa Riverton ay inanyayahan, at maging ang Lane Holdings ay nasa listahan.Gayunpaman, si Helen ay masyadong abala upang dumalo sa party ni Viola at ipinadala niya si Cindy bilang kapalit niya.Siyempre, wala nang mahihingi pa si Cindy para sa naturang social event."Woah..." Agad na lumibot ang mga mata niya kung saan-saan pagkatapos niyang makapasok sa Salazar Villa.Maaaring isa lang itong villa, ngunit ang mga furnishing at renovation nito ay isang bilyong beses na mas
Namutla ang mukha ni Cindy at nahirapan siyang huminga. “Ang pinsan ko… ang CEO ng Lane Holdings!”Dahil doon, sinipa ni Viola si Cindy sa bituka gamit ang kanyang stiletto heel, dahilan para matumba si Cindy sa sahig na may naririnig na katok.Naiwan siya sa paghihirap habang nakaramdam siya ng matinding sakit sa kanyang tiyan, habang naguguluhan pa rin kung ano ang ikinagalit ni Viola."Stello! Tera!" Biglang tumawag si Viola, at ang dalawang bodyguard na nakatayo sa tabi ng pinto ay nagmamadaling pumunta sa tabi niya."Yes, Ms. Salazar?""Bring me Lane Holdings' CEO," sigaw ni Viola na manically. "Ngayon. Agad-agad!!!"Nagpalitan ng tingin ang dalawa.Wala silang ideya kung ano ang maaaring magtulak kay Viola sa ganoong galit, ngunit mayroon silang mga utos at kailangan lang nilang tuparin ito."Yes, Ms. Salazar," sagot ng dalawang lalaki, at umalis.Lumapit ang ilan sa mga nakamasid kay Viola, na nag-aalalang nagtanong, "Anong nangyari, Ms. Salazar? Bakit bigla kang nagali
Kumunot ang noo ni Helen at bumuntong-hininga. “Kung ganun… sumusuko na ba tayo?”Sa totoo lang, ayaw niyang manalo si Kallum, pero isa itong imposibleng layunin at hindi niya dapat ipilit ang sarili niya. “Syempre hindi tayo susuko.” Ngumiti si Frank at tumango kay Helen. “May naisip akong ideya. Bumalik ka na lang muna sa Lanecorp at maghintay.”“Talaga?” Nagduda si Helen, pero dahil ito ang sabi ni Frank, tumango na lang siya at sinabihan si Frank na huwag masyadong magpadalos-dalos. Pagkatapos niyang umalis, nag-inat ng likod si Frank. “Sige, puntahan natin ngayon ang pinakamayamang lalaki ng East Coast.”Umalis siya ng mansyon at sumakay ng taksi sa main street at sinabihan ang tsuper, “Sa Grand Coast Hotel.”Ito rin ang hotel na tinutuluyan nila ni Helen.-"Hello?" Sinagot ng nakakalbong si Gene Pearce ang telepono sa sala. Nakasuot siya ng bathrobe, at sa kabila ng pagiging pinakamayamang lalaki sa East Coast, halatang masama ang kalusugan niya mula sa nangingitim n
Mabilis na sabi ni Will, “Kumalma lang kayong lahat. Ang mga nasa taas ang nagdesisyon nito. Head lang ako ng department at hindi ako pwedeng gumawa ng desisyon rito—sa kasamaang palad, walang mangyayari kung sa'kin kayo magrereklamo.”Doon lumingon si Will kay Frank, at naintindihan ito kaagad ni Frank. Gusto silang tulungan ni Will, pero may nakatataas na mangialam. “Drenam Limited? Narinig mo na ba sila noon?” Tanong ni Frank kay Helen habang tumingin sa nasa apatnapung taong gulang na si Mr. Woss na hindi mukhang may-ari ng isang negosyo. “Hindi. Baka hindi pa nga sila totoo… Kahit na totoo sila, imposibleng maging napakalaking kumpanya nila,” kampanteng sabi ni Helen. Lalo na't nagsaliksik na siya—kaya niyang ilista ang bawat isang kumpanya sa Zamri na may impluwensiya, at hindi pa niya talaga naririnig ang Drenam Limited.At ngayong gumagana pa rin ang kasunduan nina Helen at Kallum, hindi nila hahayaang mapunta sa kamay ng iba ang mga lote. Kinuha ni Frank ang phone
Nahuli ni Helen si Frank at nagseselos na nagtanong, “Anong sinasabi mo sa babaeng yun?”“Ano?” Nabigla si Frank—ganito ba talaga siya kaselosa noon?Kahit na ganun, tumawa siya pagkatapos mag-isip. “Inimbitahan niya ako sa isang masquerade ball.”“Isang masquerade ball?!” Sumama ang mukha ni Helen, halatang alam na alam niya ang ibig sabihin nito. “Ano? Pumayag ka ba?”“Bakit di ka manghula?” Tumawa si Frank at mabilis na tumakbo papasok ng manor. “Hoy!” Sigaw ni Helen sa inis. Kahit na ganun, kumalma siya kaagad—kilala niya si Frank, at hindi siya mangangahas na pumunta sa ganung klaseng lugar. Lalo na't hindi niya siya pinagsamantalahan kahit noong…Namula si Helen at uminit ang pisngi niya nang naalala niya ang gabing iyon. “Hmph!” Suminghal siya bago nagmadali ring pumasok sa manor. Puno ng tao ang manor, at lahat ng tao roon ay nakatitig nang maigisa iisang tao.Natural na ito ay wala nang iba kundi si Will Zeller.Nakatayo siya sa hagdan suot ng itim na suit niy
Si Frank ang nagmamaneho, at nang dumating sila ni Helen, nakita nilang isa pala itong pribadong hardin. Pinalamutian ang lugar na para bang para ito sa isang social ball, kasama ang buffet, wine, at classical music. Naglabas-masok ang mga waiter sa gitna ng mga tao at nagsilbi para sa mga bisita. Natural na ang lahat ng naroon ay mga representante ng malalaking negosyo sa Zamri—kahit na hindi mahina ang Lanecorp kumpara sa kanila, wala rin silang maipagmamayabang. Ang bawat isang bisita ay may tag na nagpapakita ng grupong kinakatawan nila, at napansin pa nga ni Frank si Victor Sorano mula sa malayo. “Hmm…? Hindi na si Kallum ang kumakatawan sa Lanecorp ngayon?” tanong ng isang matandang lalaking may hawak na red wine habang nilapitan niya si Helen kasama ng isang babaeng nasa dalawampung taong gulang na nakakapit sa braso niya. Isa itong malinaw na kaso ng pagiging sugar daddy—nasa animnapung taong gulang na ang lalaki. Magalang naman siyang binati ni Helen. “Ikaw si Mr.
Kapag naulit ito, baka talagang hindi makapagpigil si Frank—matinding hamon ito para sa kanya!Nagising din nang maaga si Helen at naglakad papunta sa bintana. Iniunat niya ang buhok niya habang pinanood niyang tumakbo si Frank sa baba. Kaagad na naging malambing, natatawa, at dismayado ang titig niya. -Sa sumunod na linggo, nanatili si Frank sa tabi ni Helen sa lahat ng oras, handa siyang harapin ang kahit na anong posibleng pag-atake sa kanya. Kahit na ganun, mas madaling hawakan ang Lanecorp kumpara sa inaasahan niya—para bang nalinis ang kurapsyong nagkalat sa kumpanya sa loob ng isang linggo, at sari-saring operasyon ang nagaganap at tumatakbo. Bilang pinuno, natural na nakakuha si Helen ng paghanga mula sa lahat ng board members at shareholders. Natural na pasalamat din ito sa makapangyarihang sumusuporta sa kanya—paano pa nila siya malalabanan ngayong kaya niyang maningil ng utang mula sa Victorget?Samantala, nakakulong pa rin si Kallum sa sarili niyang opisina n
Malokong ngumiti si Frank. “Magsimula tayo sa ‘Oh, darling, takot ako sa dilim… pwedeng wag kang umalis?’” Bumuka ang labinni Helen at sinubukang ipaliwanag ang sarili niya sa pagkataranta. “Hindi, naisip ko lang na di tayo dapat mag-book ng magkahiwalay na kwarto. Mahal ito at maraming posibleng mangyari…”“Hahaha…” Tumawa nang malakas si Frank nang makita ang nahihiya at mala-dalagang reaksyon niya. At nang makitang tinatawanan niya siya, ayaw nang ipaliwanag ni Helen ang sarili niya at sumimangot habang tumalikod siya.”“Sige, hindi na kita aasarin.” Umupo si Frank sa tabi niya at hinila siya sa mga bisig niya nang nakangiti. “Pwede tayong matulog sa isang kwarto, pero isa akong lalaking may integridad—papakasalan kita nang maayos kapag talagang maayos na ako. Hindi natin kailangang magmadali, di ba?”Naantig ang damdamin ni Helen sa katapatan sa mga mata niya habang nakasimangot siya nang parang isang inosenteng dalaga. “At kailan naman yun?”“Kailan nga ba…”Habang yakap
Pagkatapos pinadaan ni Frank ang room card at binuksan ang pinto, natulala siya nang makitang isa itong kwartong may deluxe bed. Naiilang siyang lumingon kay Helen, na umiling habang pumasok siya. “May nag-book ng presidential suite, kaya kailangan kong magtiyaga sa deluxe twin. Wag kang mag-alala, ang kondisyon ng hotel ay…”Natulala rin siya nang nakita niyang isang kama lang ang nasa loob ng malaking kwarto. “Heh. Kung ganun…” Kinamot ni Frank ang ulo niya at naiilang na tumawa. May nakita si Helen sa ngiti niya na nagpamula sa kanya at nagreklamo siya. “Hindi maaari to… Naalala kong sinabi ko kay Cindy na kukuha ng twin bed room…”Lumabas siya at nagtanong sa isa sa mga attendant sa labas, na humingi naman ng tawad. “Pasensya na, Ms. Lane, pero wala kaming oras para ipaalam ito sa'yo kanina. Dati kang nilagay sa Room 506, isang deluxe twin room. Gayunpaman, biglang nagkaroon ng biglaan government inspection, at kinailangan ka naming ilipat. Pumayag dito ang sekretarya mo ka
Nang bumalik sila sa mga mesa nila, gumawa ng palusot si Will na natumba siya at tumaga ang kamay niya sa tinidor na nasa lapag, na nagsanhi ng kahulugan kanina. Hindi nakayanan ni Cindy na manood na lang at maupo, at sinimulan niya siyang hilahin. “Halika na. Dadalhin kita sa doktor para linisin yan.”“Ayos lang,” naiilang na sabi ni Will habang sumilip kay Frank at umubo. “Tinulungan na ako ni Mr. Lawrence at hindi na'to masakit kaya…”Natural na hindi nagtiwala sa kanya si Cindy at suminghal sa ideyang kayang tumulong ni Frank. “Imposible! Sanggano lang siya—sinong mas papaniwalaan mo, siya o ang doktor?! Tara na, kundi baka maimpeksyon ka dahil sa kanya. Masama ito kapag nag-iwan yan ng peklat.”Sa huli, walang nagawa si Will kundi umalis dahil hinila siya ni Cindy paalis. Nang naiinis, tumango siya kay Frank bago umalis, ngunit umiinom si Frank ng kape at parang hindi siya sumagot. Nanood si Helen habang umalis sina Will at Cindy, pagkatapos ay kinakabahan siyang lumingon
“Ano?!” Nabigla si Frank. Nagpasya ang mga Lionheart na makipaggiyera laban sa mga Turnbull?!Pero sabi ni Glen Turnbull, ang plano laban sa mga Turnbull ay plinano at sinagawa ni Titus Lionheart nang mag-isa. Kung nasa paligid ang head ng mga Lionheart, hindi sila susugal nang ganito ka-delikado. Ngunit sa kung anong dahilan, nagbago ang isip ng mga Lionheart pagkatapos ng isang buwan at handa na silang umatake?!Metikuloso pa nga sila at binalak nilang sirain ang Lane family… Mukhang habol din siya ng mga Lionheart!“Ganun pala… Iyon pala ang nangyayari…” Tumawa nang malamig si Frank pagkatapos isipin ang mga pagpipilian niya at kumuha ng isang mabahong itim na pill at sinaksak ito sa bibig ni Will. “Dahil kilala ako ako, alam mo dapat kung gaano ako kagaling sa medisina. Ang pill na pinainom ko sa'yo ngayon ay tinatawag na Veinbreaker, at kailangan mo ng antidote bawat linggo, kundi ay mamamatay ka nang nagdurusa habang pumuputok ang bawat isang ugat na mayroon ka.”Habang