Share

Kabanata 245

Agad na niyakap ni Viola si Chris. “Anong sinasabi mo? Ayaw kong umalis ka. Tsaka, sasakyan ko lang ang mga kaganapan sa party na ‘yun. Walang magagawa ang dad ko kung hindi ako interesado sa kahit sino sa mga lalaki sa Riverton.”

Inangat ni Chris ang baba ni Viola. “Sabi ko na nga ba the best ka talaga.”

Binilog niya ang ulo ni Viola gamit ang lahat ng mga pick up lines niya sa nakalipas na mga taon, dahilan upang mahumaling nang husto sa kanya si Viola.

“Oo nga pala, kamusta ang kumpanya mo?” Biglang nagtanong si Viola.

“Yung totoo, hindi ganun kaganda,” ang sabi ni Chris ng may nahihiyang ekspresyon. “Hindi naging maganda ang takbo ng market nitong mga nakaraan… Oo nga pala, may pera ka ba ngayon? Balak ko sanang mag-import ng ilang equipment at i-upscale na din ang kumpanya, o hindi kami makakasabay sa kompetisyon!”

Mukhang namroblema si Viola dahil doon. “Wala akong gaanong pera ngayon…”

“Ah… Mukhang wala na akong magagawa.” Malungkot na bumuntong hininga si Chris.

“Huwag m
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status