Share

Kabanata 224

Nilinaw ng mga salita ni Frank kay Kenny na katapusan na ni Rolf.

Humarap siya kay Rolf, at sinabi niya na, “Gawin mo na. Huwag mong hintayin na ako ang pumatay sayo.”

Napanganga si Rolf at nadurog ang kanyang puso—tuluyan na siyang sinukuan ni Kenny.

“Hindi…”

Nagsimula siyang humagulgol, kailanman ay hindi niya inakala na sa ganitong paraan siya mamamatay.

Napagtanto niya na hindi niya maiiwasan ang kamatayan dahil mali siya ng taong binangga, kahit na gaano pa kalakas ang mga kakampi niya!

At kapag hindi niya pinatay ang sarili niya, ang Skyblade Dojo ang mapaparusahan!

“Patawad,” ang sabi ni Rolf habang inihahanda niya ang kanyang sarili at ginamit niya ang maayos niyang braso upang saksakin ang kanyang sarili sa dibdib.

Umubo siya ng dugo at agad siyang namatay, nadurog ang kanyang puso.

Tahimik na umalis si Frank sa eskinita pagkatapos niyang masiguro na patay na si Rolf, habang bumuntong hininga naman si Kenny at tinawag niya ang mga tauhan niya upang bitbitin ang bangka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status