Nilinaw ng mga salita ni Frank kay Kenny na katapusan na ni Rolf.Humarap siya kay Rolf, at sinabi niya na, “Gawin mo na. Huwag mong hintayin na ako ang pumatay sayo.”Napanganga si Rolf at nadurog ang kanyang puso—tuluyan na siyang sinukuan ni Kenny.“Hindi…”Nagsimula siyang humagulgol, kailanman ay hindi niya inakala na sa ganitong paraan siya mamamatay.Napagtanto niya na hindi niya maiiwasan ang kamatayan dahil mali siya ng taong binangga, kahit na gaano pa kalakas ang mga kakampi niya!At kapag hindi niya pinatay ang sarili niya, ang Skyblade Dojo ang mapaparusahan!“Patawad,” ang sabi ni Rolf habang inihahanda niya ang kanyang sarili at ginamit niya ang maayos niyang braso upang saksakin ang kanyang sarili sa dibdib.Umubo siya ng dugo at agad siyang namatay, nadurog ang kanyang puso.Tahimik na umalis si Frank sa eskinita pagkatapos niyang masiguro na patay na si Rolf, habang bumuntong hininga naman si Kenny at tinawag niya ang mga tauhan niya upang bitbitin ang bangka
Nagtatakang nagtanong si Helen, “Mr. Zimmer, kilala mo si Frank?”Oo naman.” Ngumiti si Dan. “Sa sobrang lalim ng kaalaman ni Mr. Lawrence sa medisina ay hindi ko alam kung paano ko ilalarawan ang paghanga ko sa kanya.”Nagulat si Helen sa kanyang nalaman at tumingin siya kay Frank ng may pagtataka.Ang kaalaman niya sa medisina ay… malalim, at maging si Dan mismo ay hanga sa kanya?!Paanong hindi niya nalaman ang tungkol dun sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama?“Nagbibiro ka ba, Mr. Zimmer?” Nahihiya siyang nagtanong.“Haha! Wala akong dahilan para magbiro.” Ngumisi si Dan habang hinahaplos niya ang kanyang balbas. “Naaalala mo si Lyndon McCoy? Si Mr. Lawrence mismo ang nagpagaling sa kanya noong nagkaroon siya ng mga komplikasyon.”“Ano?!” Nagulat si Helen, bagaman bigla niyang naalala ang pekeng Ichor Pill na ibinigay niya bilang regalo kay Lyndon.Muntik na nitong mapatay si Lyndon, at ipinahuli ni Rocco si Helen… bagaman pinakawalan din niya siya agad.Kung ganun si
Nagulat si Frank. “Hindi ka ba muna magpapahinga?”“Hindi na, hindi naman ako nasaktan.” Umiling si Helen at nagsimulaa siyang maglakad papunta sa pinto.Tiningnan siya ng masama ni Vicky at sinabing, “Sasamahan na kita.”Biglang hinawakan ni Frank ang kamay ni Vicky noong sandaling iyon—maaaring may masamang mangyari kapag naiwang magkasama ang dalawang ‘yun!Gayunpaman, nginitian ni Vicky ng mahinahon si Frank. “Huwag kang mag-alala. Sasamahan ko lang talaga siya.”Pagkatapos nun, naglakad siya kasama si Helen sa may pasilyo ng Flora Hall.Si Vicky ang naunang nagsalita. “Kung ganun, Ms. Lane… Ang dinig ko naipit sa malaking gulo na ‘yun si Frank para iligtas ka.”Tumango si Helen ng diretso. “Oo. Ganun ang nangyari.”“At dahil matatanda na tayo, gusto kong tandaan mo kung ano ang ibig sabihin ng pananagutan para sa sarili mo sa halip na humingi ka ng tulong sa iba para patuloy na linisin ang mga kalat mo,” ang sabi ni Vicky.Kumunot ang noo ni Helen—yung totoo, siya ang bik
Pinag-isipan ni Vicky ang tungkol dito. “Natural, maghihintay tayo at gagawin natin ‘yun kapag nagsimula na ang mga Salazar na ibenta ang Beauty Pill.”“Teka, seryoso ka ba?” Nabigla si Frank.“Oo. Gusto ko silang ilampaso sa sahig,” ang kampanteng sinabi ni Vicky.Sa katunayan, napakalakas ng loob niya pagdating sa Rejuvenation Pill.Gayunpaman, nag-isip siya sandali at sinabing, “Pero, may mga preparasyon pa tayong kailangang gawin.”“Mga preparasyon?” Ang nagtatakang tanong ni Frank.“Ang tungkol sa magiging endorser natin.”“Sino ba ang nasa isip mo?”Ngumisi si Vicky habang nakaupo siya sa tabi ni Frank. “Iniligtas mo ang isang sikat na artista na nagngangalang Noel York nitong nakaraan, hindi ba? Balak kong hingin ang tulong niya, dahil sikat na sikat siya sa ngayon.”Tumango si Frank at sumang-ayon—ang kumuha ng isang star celebrity upang i-promote ang produkto nila ay talagang epektibo. “Kung ganun, bakit hindi mo siya kausapin?”“Balak ko na ikaw ang kumausap sa kany
Yumuko ang salesperson sa harap nila Frank at Janet bago siya nagtanong, “Sir, ma’am—ako si Lydia King, ang inyong lingkod. Pwede ko bang malaman kung anong mga model ang gusto niyong makita?”Isang buwan nang nagsimulang magtrabaho si Lydia ngunit hindi pa nakakagawa ng anumang benta—maaalis siya sa trabaho sa pagtatapos ng buwan kung magpapatuloy iyon.Kung mayroon man, nagulat siya na si Marian, na nanguna sa mga benta noong nakaraang buwan, ay ibibigay ang mga customer sa kanyang sarili.Maaaring mukhang bata pa sila, ngunit ito ay mas mahusay kaysa sa walang anumang mga customer.Sa sandaling iyon, bumukas ang mga pintuan sa harapan nang pumasok ang isang kalbong nasa katanghaliang-gulang na lalaki.Agad naman siyang nilapitan ni Marian, "Oh, Mr. Larkin! So? Naisip mo na ba yung mga model na pinakita ko sayo last time?Inakbayan ni Mr. Larkin ang kanyang pulso, pinalo pa nga ang kanyang puwitan habang tumatawa ito, "Oh, nandito ako para bumili ng tama! Kahit na kailangan mon
Pagkaraan ng ilang sandali, bumalik si Lydia dala ang dalawang kontrata.Mabilis itong pinirmahan ni Frank at pina-swipe ang kanyang card para sa pagbabayad.Nang matapos ang mga papeles, inabot ni Lydia sa kanila ang susi ng kotse habang nagtatanong, "Ikaw ba ang magda-drive ng kotse, o ihahatid natin sila sa iyong tirahan?""Ako na magda-drive.""Okay. Kukuha na ba tayo ng mga sasakyan, Mr. Lawrence?"Tumango si Frank at pinasama si Janet habang inihatid sila ni Lydia sa bodega.Pagdating nila, isang E-class na Mercedes ang huminto sa tabi nila, kasama sina Mr. Lambert at Marian na bumaba.Sinulyapan sila ni Frank, at nakitang magulo ang damit ni Marian kahit na nakapulupot ang mga kamay niya sa braso ni Mr. Lambert."Maganda naman diba?" siya purred. "Pirmahan ba natin agad ang sales contract?"Si Ginoong Lambert, gayunpaman, ay nanatiling nag-aalinlangan sa mahabang panahon. "Oo. Maganda ito, ngunit kulang lang ito sa inaasahan ko. Sa tingin ko, titingnan ko ang iba..."N
Sa kabilang dulo ng linya, tumango si Noel. “Ah, Mr. Lawrence… Bakit ko ako tinawagan? May maitutulong ba ako sayo?”"Actually, I'd like to ask you to endorse a pill," sabi ni Frank na napakamot sa ulo. "Makakapag-usapan ang bayad mo.""Isang tableta?" Doble take ang ginawa ni Noel.Sasagutin sana niya ng oo kung ito ay anumang iba pang item, ngunit ang mga tabletas ay talagang hindi dapat gamitin.Kung magkakaroon ng isyu, masisira rin ang kanyang reputasyon.Pagkatapos ng ilang pag-iisip, nagpasya siyang tingnan kung ano ang tungkol sa tableta ni Frank—kung ito ay mabuti, tiyak na mai-endorso niya ito. "Why don't you come to my concert tonight? We can discuss the matter afterward.""Sure," sagot ni Frank bago tinanong ang address at ibinaba ang tawag.Ang katotohanan na si Noel ay handa na makipagkita sa kanya ay sapat na, dahil ang halaga ng Rejuvenation Pill ay walang sinasabi.Puwede rin niyang tingnan ang concert habang nandoon siya. Kung tutuusin, wala naman siyang ibang
Nahihiyang ngumiti si Winter. “Parang ganun…”Wala siyang ideya kung ano ang partikular na trabaho ni Frank, ngunit sigurado siya na ito ay isang taong napakahalaga.Iyon ay kapag ang batang babae na nakaupo sa tabi ni Jean ay suminghot sa pang-aalipusta, at napansin ni Frank na ang kanyang buhok ay lubusang kulot."What's so impressive about owning a company? Zeb's family owns one two," sabi ni Aria, bago bumaling sa batang kasama nila. "Ganun ba, Zeb?"“Naku, accomplishment na ng mga magulang ko,” mapagpakumbabang sabi ni Zeb Larkin. "Hindi ko makuha ang kredito para dito."Aria was fawning all over him nonetheless. "Ikaw ay nag-iisang anak—malamang sa iyo ang mga magulang mo."Ngumiti si Zeb bago niyakap ulit si Frank. "Tara. Magpalit tayo ng upuan."Talagang nakalimutan ni Frank ang tungkol doon sa isang sandali.Maayos naman siyang nakaupo kahit saan dahil magkaklase ang mga bata.Ngunit muli, hinawakan ni Winter ang kanyang pulso bago pa siya makatayo."Frank, you can s
Splat!Muli, hindi ginamit ni Frank ang pure vigor niya. Sumipa lang siya, na humiwa sa katawan ni Vin sa dalawa. Namutla sina Larry, Peter, at iba pa nang tinitigan nila ang mga piraso ng laman at dugong nagkalat sa paligid. “Tao… ba siya?!” Bulong ni Larry, bago siya lumingon para titigan nang masama si Peter. Masasampal niya nang dalawang beses si Peter—anong kampon ng kamatayan ang dinala ni Peter sa pintuan niya?Hindi… Sinadya bang dalhin ni Peter si Frank para patayin siya?!“Ako… Imposible yan…” Halos maiyak si Peter at bumagsak siya sa lapag. Nanginig siya na para bang may humigop sa lahat ng lakas niya. Kapag hinabol siya ni Frank, tiyak na mapapatay siya!Lalo na sa ginawa niya at sa lahat ng insultong binato niya kay Frank, parang gusto niyang sampalin ang sarili niya roon. “A-Anong dapat kong gawin?” bulong niya, sabay desperadong naghanap ng ideya para makaligtas sa kabila ng gulat niya. Doon niya nakitang nakatitig sa kanya nang galit na galit si Larry.
Sa sandaling iyon mismo, nakumbinsi ang lahat na natalo si Frank at dumudugo nang parang baboy, hanggang sa isang mahinang ubo ang narinig sa gitna ng humuhupang usok. “Guh… Takbo, Vin…”“Ano?!” Nanlaki ang mga mata ni Vin habang nakaluhod siya sa isang tuhod, hawak ang sugat niya kung nasaan ang kamay niya noon. Narinig niya bang sabihan siya ng kapatid niyang tumakbo?Anong nangyayari rito?!Sa loob lang ng ilang segundo, tuluyang humupa ang usok at sa wakas ay nakita ni Vin kung anong nangyari: tahimik pa ring nakaunat ang braso ni Frank, na ginamit niya para suntukin si Mos tagos sa dibdib niya!Ang totoo, nakabitin lang ang bangkay ni Mos sa braso ni Frank. Walang kabuhay-buhay ang mga braso at ulo niya habang nalagutan siya ng hininga. “Ano?!” Namutla si Vin—napatay ang kapatid niya sa isang simpleng suntok?!“Huh?!” Nabigla rin si Peter. Alam niyang martial artist si Frank, at sinabihan siya ng iba na malakas siya kahit na matagal siyang nawala sa Riverton. Kung kay
“Kung ganun, kayo ang may gusto nito!”Kuminang nang malamig ang mga mata ni Frank habang umatake rin siya gamit ng nakaunat na palad niya, at nadurog kaagad ang kamao ni Vin. "Huh?!"Malinaw na naramdaman ni Frank na nabasag ang mga buto niya at nakatulala siyang tumitig sa palad niya habang sumigaw si Vin. Hindi naman siya masyadong gumamit ng lakas, di ba?Binalak niyang gamitin ang palad niya para salagin ang paparating na suntok ni Vin, bago niya suntukin at during ang ulo ni Vin sa isang suntok para mapatay siya. Natural na hindi niya inasahang madudurog ng palad niya ang kamao ni Vin, nang parang giniling!Ang totoo, sa sobrang gulat niya ay natulala siya sa kinatatayuan niya, nakalimutan niyang ipagpatuloy ang atake niya at hindi siya nahimasmasan. “Pareho lang ang pure vigor ko, kaya ang lakas lang ng katawan ko ang nagbago. Anong nangyayari rito?!”Doon sumigaw si Mos, “Anong ginawa mo?!”Bumagsak ang ekspresyon niya nang nakita niyang nadurog ni Frank ang kamao n
Napakunot din ang noo ni Larry sa tanong ng Hansen brothers, at lumingon siya kay Peter. “Sigurado ka bang siya si Frank Lawrence, ang asawa ni Helen Lane?”“Oo!”Nakatitig ang mga mata ni Peter kay Frank habang ngumisi siya. “Wag kang mag-alala, Mr. Jameson. Makikilala ko siya kahit saan.”“Siguraduhin mo lang, kundi ay malalaman mo kung anong mangyayari.” Malamig na tumawa si Larry. Napangiwi si Peter sa sandaling iyon ngunit mabilis siyang ngumiti nang nambobola. “Anong sinasabi mo, Mr. Jameson? Bakit ako magsisinungaling sa'yo? Ibig kong sabihin, may utang pa akong ninety million dollars sa'yo! Hindi ako magsisinungaling sa'yo kahit na ibig sabihin nito ay isusuko ko ang Lanecorp bilang collateral, di ba?”Narinig nila si Frank kahit na napalibutan siya—mukhang trinaydor ni Peter sila ni Helen dahil sa utang niya kay Larry. Basura…” Sumama ang ekspresyon niya. Para bang mas mababa pa sa tao ang pamilya ni Helen, at balak nilang ubusin ang pera niya. “Nasaan si Helen?” T
Tumalon si Peter palabas ng kotse sa sandaling iyon nang sumisigaw habang tumakbo siya papunta sa isang abandonadong pabrika. “Mr. Jameson! Mr. Jameson! Nadala ko na si Frank Lawrence—sabihan mo ang mga tao mong patayin siya!”"Hehe…"Isang lalaking nasa animnapung taong gulang ang lumabas mula sa pabrika kagat ang isang tabako sa bibig niya at nakasuot ng isang pinstripe suit. Kaagad siyang nakilala ni Frank—si Larry Jameson ito. Kausap niya si Helen noon sa Zamri lease bid, at kasama niya si Juno noon. Naalala rin ni Frank na sinabi ni Helen na isa siya sa Three Bears ng Zamri. At ngayon, bumuga ng usok si Larry habang pinanood niyang bumaba si Frank, nang tumatawa. “Ikaw alam si Frank Lawrence, ang asawa ni Helen Lane?”“Tama ka.” Naglakad si Frank at tumayo sa harap ni Larry habang umiiling kay Peter na mabilis na nagtago sa likod ni Larry. “Akala ko inayos mo na ang sarili mo pagkatapos mong umalis sa Riverton, pero lumalabas na nakakadiri ka pa rin pala.”“Nakakadiri? D
Sumigaw si Frank, “Nasaan ang kapatid mo, Peter Lane?!”Nang napatalon at muntik mabitawan ang phone niya, sumama ang ekspresyon ni Peter nang nakita niyang si Frank iyon. “Malay ko! Wag mo kong tanungin!” Naiinis na sigaw ni Peter at bumalik siya sa laro niya. Nainis si Frank habang nanood siya, lalo na't dahil nakapatong ang paa niya sa mesa ni Helen. Nag-iwan ng marka ang mga sapatos niya sa dokumento sa ibaba nito. "Mr. Lawrence?" Pumasok si Lily sa sandaling iyon at napansin niya si Frank. Siya ang sekretarya ni Helen na lumipat mula sa Lane Holdings ng Riverton, at hinila niya si Frank sa tabi habang bumulong siya, “Nawala ang phone ni Ms. Lane kagabi, at hindi namin ito mahanap magdamag. Kakaalis niya lang papunta sa ospital para bisitahin ang nanay niya, at sinabihan niya akong ipaalam ito sa'yo pag bumalik ka nang wala siya.”Nakinig si Frank, ngunit napansin niyang nakasilip si Peter sa kanya. Nang lumingon siya kay Peter, bumalik si Peter sa phone niya at dumal
Pagod si Frank nang umalis siya sa cafe at nagpasyang tatanggihan na niya si Helen kapag may iba pa siyang ganitong pakiusap sa hinaharap. Kahit na ganun, tinitigan niya ang itim na Maserati convertible na nakaparada sa labas habang umalingawngaw ang mga salita ni Juno sa isipan niya: “Walang maitutulong sa'yo kung magiging kalaban mo ako. Tanggapin mo ko nang parang isang mabuting bata, at ibibigay ko sa'yo ang impormasyon sa Draconia na gusto mo. Tanggapin mo ang impormasyong ito bilang pagpapakita ng sinseridad ko—mayroong hindi tapos na construction project na nasa labasan ng Zamri. Gayunpaman, pwede mong sabihin si Ms. Lane na kunin ito, dahil babawiin ito ng gobyerno para gibain sa susunod na ilang araw. Sa mga panahong iyon, lalaki nang sampung beses ang halaga nito!”Saan mo nakuha ang impormasyong iyan?” Tanong ni Frank. Misteryosong ngumiti si Juno sa kanya. “Sikreto yan, maliban na lang kung umoo ka…”Dahil dito, pagkaalis niya sa cafe kinuha ni Frank ang phone niya
Sinara niya ang laptop at tinitigan nang masama ni Frank si Clarity. “Ano ba talagang gusto mo?!”“Wala. Gusto kita, yun lang!” Ngumiti si Clarity at mas lalong nainis si Frank. "Hmph." Hindi siya pinansin ni Frank at tumalikod para umalis. “Hoy, teka!”Hinablot ni Clarity ang braso niya at mapagpaumanhing ngumiti. “Kalma ka lang. Hindi mo ba gustong malaman kung sino ako, Donn Lawrence?”“Ano?!” Lumingon si Frank. “Alam mo ang pangalan ko?! Magsalita ka! Sino ka?!”“Ano…”Misteryosong umiling si Clarity. “Isa akong palaboy kagaya mo.”Pinagana ni Frank ang Five-Peat Archaeus niya sa sandaling iyon at handang umatake—dahil tumanggi siyang magtino nang nagpakabait siya, kailangan niya lang magpakatatag!Pero kahit na umatras si Clarity, makarisma siyang nakangiti. “Oh, kalma ka lang! Gaano ba kaiksi ang pasensya mo? Pwes, dahil gusto mo talagang malaman, siguro pwede kong sabihin sa'yo… Marami akong pangalan, kaya alin ang dapat kong sabihin sa'yo? Oh, tama.”Bigla na lang
Gayunpaman, narinig ni Helen ang malanding boses ni Clarity sa kabilang linya at sumigaw siya, “Ano?! Anong ginagawa mo diyan, Frank?”“Sandali, ikaw yun?!”Napangiwi si Frank nang naalala niya—kaya pala pamilyar si Clarity sa kanya. Siya ang kasama ng isa sa mga importanteng taong dumalo sa bid event sa Zamri!Inimbitahan niya siya sa masquerade ball, pero hindi niya ito inisip dahil hindi siya interesado. At ngayon, nagpakita talaga siya rito sa Morhen…“Ano bang gusto mo?” sigaw niya nang nakatitig nang masama kay Clarity habang nasalo niya ang paa niya. Napabulalas si Clarity. “Oh, nasasaktan ako… Hindi naman sa ayaw ko, pero talaga bang gagawin natin to sa harapan ng napakaraming tao?”Habang tumuro siya, lumingon si Frank para makita ang ibang panauhing dumating sa cafe at nakatitig sa kanila. Mukha talagang naglalandian sila habang hawak ni Frank ang binti niya. “Tsk, tsk… Mga baboy talaga ang mga lalaki ngayon…”“Hala, sa pampublikong lugar pa talaga? Napakabastos