Share

Kabanata 211

Author: Chu
Duguan si Phineas dahil sa pagsipa sa kanya ni Frank, ngunit hindi pa rin siya tumigil.

“Katapusan mo na, bata,” ang sabi niya. “Nasa ilang daan ang bilang ng mga tauhan ko—hindi ka makakatakas kahit na patayin mo ako.”

Suminghal si Frank. “Hindi ko alam sa iba, pero siguradong dito ka na mamamatay.”

Hindi nagustuhan ni Phineas ang mayabang na reaksyon ni Frank. “P*ta! Sige lang! Binabalaan kita—suportado ako ng Skyblade Dojo. Narinig mo na ba ang tungkol sa kanila?!”

Sa huli, ang mga mobster ba gaya ni Phineas ay nagsisimula ng negosyo upang maging legal sila o kaya naman ay kumakampi sila sa mga maimpluwensyang pamilya o mga pangkat.

Ginawa ni Leo Grayson ang huli sa pamamagitan ng pagsumpa ng katapatan sa mga Chandler ng Middleton, at ganun din ang ginawa ni Phineas sa Skyblade Dojo ng Riverton.

At talagang ipinagyayabang niya ang tungkol dito!

"Ang Skyblade Dojo…?"

Parehong nagtaka si Gina at si Helen—karaniwan ay hindi sila nag-aabalang alamin ang tungkol sa mga makap
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 212

    Naniniwala si Phineas na sa oras na bitawan siya ni Frank, madaling maididispatya ng mga tauhan niya si Frank.Sa kabilang banda, nakahinga ng maluwag si Gina sa sinabi ni Phineas at sinabi niya kay Frank na, “Narinig mo ang sinabi niya?! Bitawan mo siya at baliin mo ang braso mo.”“Sino ka ba sa akala mo para sabihin mo sa’kin kung ano ang dapat kong gawin?” Tiningnan siya ng masama ni Frank.“Frank Lawrence!” Sumigaw si Gina noong sandaling iyon. “Tatlong taon kang naging palamunin sa pamamahay ko! May pagkakataon kang iligtas si Helen ngayon, pero ayaw mong gawin ‘yun?! Mas mahalaga ba ang braso mo kaysa sa buhay ni Helen?!”“Pwede kong sabihin sayo kung gaano ka katanga, pero hindi ka maniniwala sa’kin.” Suminghal ng malamig si Frank. “Mamamatay kayong lahat kapag binitawan ko siya.”Agad na sinabi ni Phineas, “Sinusumpa ko—baliin mo ang braso mo, at palalampasin ko ang lahat ng ito, at pwede na tayong magpatuloy sa mga kanya-kanya nating buhay.”Agad na sumigaw si Chris, “N

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 213

    Maging ang mga tauhan ni Phineas ay tumabi at nagbigay daan noong nakita nila si Rolf.Nagtataka namang tinitigan ni Gina at ng iba pa si Rolf—mula ba sa Skyblade Dojo ang lalaking ito?Sa kabilang banda, agad na napagtanto ni Rolf na hindi maganda ang sitwasyon noong nakita niya na pinaliligiran ng mga tauhan ni Phineas si Frank, at agad niyang tinanong si Phineas. “Anong nangyayari dito?”Agad na nagpaliwanag si Phineas, “Nanggugulo yung hangal na ‘yun. Maghintay ka lang sandali, Mr. Sparks. Ididispatya ko siya agad—Argh!”Hindi niya napansin na biglang sumimangot si Rolf. Pagkatapos ay sinampal siya ni Rolf sa mukha bago niya napagtanto kung ano ang nangyayari!Nang bumagsak si Phineas sa sahig, at napasigaw, napatingala siya kay Rolf sa gulat. “B-Bakit mo ako sinampal, Mr. Sparks?”“Tumahimik ka!” Nagalit si Rolf. “Sino ka sa akala mo para saktan mo si Mr. Lawrence?!”“Anong sinasabi mo, Mr. Sparks?”Kinabahan si Phineas nang mapagtanto niya na may mali sa nangyayari.Tina

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 214

    Pinagtagpi-tagpi ni Phineas ang lahat habang pinakikinggan niya si Gina at ang iba pa na iniinsulto si Frank. Pagkatapos ng lahat ng iyon, lumalabas na gigolo lang pala ni Vicky si Frank! P*ta! Hindi niya inakala na tatapaktapakan lang siya ng isang gigolo… Nakakagalit!Subalit, sa kabila ng sama ng loob niya, alam niya na wala siyang magagawa sa kanila dahil si Rolf mismo ang personal na nagsalita para kay Frank. “Hindi pa ba kayo aalis? O kailangan ko pa kayong samahan palabas?” Nagalit siya kay Gina at sa iba pa. Agad na paulit-ulit na tumango si Gina. “Oo, oo, aalis na kami ngayon…”Nang umalis sila sa Delightpub, dumating naman sila Rolf at Frank sa isang private room sa ikalawang palapag.“Pwede ko bang makita ang Myriad Hued Snow Lotus?” Ang agad na sinabi ni Frank. “Oo naman.” Masayang tumawa si Rolf, inilapag niya sa mesa ang dala niyang kahon na gawa sa kahoy at dahan-dahan niya itong binuksan. Isang kulay puting snow lotus ang nakalagay sa loob ng kahon, tuwid

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 215

    Sumimangot si Rolf dahil malinaw na tinatanggihan ni Frank ang alok niya. “Hindi ka pwedeng pumalakpak gamit lang ng isang kamay. Walang sinuman ang kayang lumaban sa isang buong sect kahit na gaano pa sila kalakas.”“Hahaha!!!” Lalong lumakas ang paghalakhak ni Frank. “Ipinapakita lang nito kung gaano ka kaignorante.”Noon, mag-isa niyang nilabanan ang Eight Sects ng North Sea, at nakatayo pa rin siya hanggang ngayon. Ang mga sabwatan, mga sect, at iba pang mga makapangyarihang grupo ay walang kwenta, basta't sapat ang lakas ng isang tao! Naglaho ang ngiti sa mukha ni Rolf, at inilabas niya ang isang bote, inilapag niya ito sa mesa at nagsalita siya, “Lagyan mo ng dugo mo ang bote na ‘to, Mr. Lawrence. Hindi lang tayo mananatiling magkaibigan, ipinapangako ko rin na walang ibang maaaring magpasunod sayo sa Riverton maliban sa’kin.”Naging interesado si Frank. “Paano kung tumanggi ako?”“Kung ganun pipilitin kitang sumunod sa’kin.”Biglang tumahimik ang buong private room, big

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 216

    Agad na nagmakaawa si Rolf, “P-Pakiusap, Mr. Lawrence. Isa lang ‘tong hindi pagkakaunawaan. Kalimutan mo na lang ang lahat ng sinabi ko…”Nanatiling walang reaksyon si Frank kahit na nakatayo na siya sa harap ni Rolf. “Hindi pagkakaunawaan? Hinihingi mo ang dugo ko kani-kanina lang.”Agad na kinaway ni Rolf ang kanyang mga kamay. “Hindi, hindi ko na ito kailangan. Kalimutan na lang natin ang lahat ng ito.”Tumawa ng malamig si Frank. “Madaling sabihin ‘yan para sayo.”Nataranta si Rolf nang makita niya ang galit sa mga mata ni Frank. “A-Anong gagawin mo? Pinsan man ako ni Kenny Sparks, pero parang kapatid ko na siya… Hindi mo ako pwedeng patayin. Binigyan ka din niya ng isang Myriad Hued Snow Lotus. Hindi pa ba sapat ‘yun bilang kapalit ng buhay ko?”Suminghal si Frank. “Patay ka na sana kung hindi dahil kay Kenny.”At pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon, hinawakan niya ang braso ni Rolf.“Anong ginagawa mo?!” Sigaw ni Rolf.“Babaliin ko ang braso mo,” ang sabi ni F

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 217

    Agad na nagtanong si Kenny, “Sino ang may gawa nito sayo?”“Sino pa ba?” Naluluhang nagsalita si Rolf. “Si Frank Lawrence! Ibinigay ko lang sa kanya ang Myriad Hued Snow Lotus, pero ininsulto niya ang pamilya natin at sinabi niya na hanapin natin ang iba pang Elemental Wonders para sa kanya. Nakipagtalo ako sa kanya, at binali niya ang braso ko!”Sa tabi nila, nakinig lamang si Phineas habang nagsisinungaling si Rolf, hindi siya nangahas na magsalita.Sa kabilang banda, nagulat si Kenny at nagduda.Kahit na mahirap kausap si Frank, base sa pagkakakilala niya sa kanya, hindi siya yung tipo ng tao na basta na lang mang-iinsulto ng ibang tao.“Imposible, hindi ganun klaseng tao si Mr. Lawrence…”“Hindi mo siya totoong kilala, Kenny!” Sumigaw si Rolf, at hinawakan niya ang braso ni Kenny. “Tulungan mo ako! Ikaw lang ang tanging pag-asa ko!”Habang nagulat din si Dan na si Frank ang bumali sa braso ni Rolf, humakbang siya paharap at sinabing, “Mr. Sparks, naniniwala ako na kailangan

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 218

    ”Kapag dinukot natin si Helen at ginamit natin siya laban kay Frank, siguradong makukuha natin ang Ichor Pill,” ang sabi ni Phineas.Tumalim ang mga mata ni Rolf—posibleng gumana ang ideya ni Phineas!Gayunpaman, nagtanong siya, “Bakit sigurado ka na ililigtas siya ni Frank?”Agad na sinabi ni Phineas kay Rolf ang lahat ng nangyari bago siya dumating sa Delightpub at nagkaroon siya ng konklusyon, “Tawagan natin si Helen at lokohin natin siya. Kapag dumating siya, patunay ito na may nararamdaman pa sila para sa isa’t isa. Siguradong pupunta si Frank.”Tumango si Rolf at sumang-ayon. “May punto ka. Gawin mo ‘yun—kapag nagtagumpay tayo, babayaran kita ng isang daang milyon.”Tuwang-tuwa si Phineas. “Siguradong magtatagumpay ako, Mr. Sparks. Wala kang dapat ipag-alala.”-Samantala, hinabol ni Dan Zimmer si Kenny Sparks. “Kailan ka makikipagkita kay Frank, Mr. Sparks?”Pinag-isipan ni Kenny ang tungkol dito at sinabing, “Bukas ng umaga.”“Gusto mo bang samahan kita?” Ang sabi ni D

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 219

    Hindi nagdalawang-isip si Helen na pumunta sa Delightpub, kung saan agad siyang hinawakan ng dalawang bouncer.Nagpumiglas si Helen habang sumisigaw siya, “Anong ginagawa niyo?! Bitawan niyo ako!”Biglang sumulpot si Phineas noong sandaling iyon, at nagtanong si Helen, “Nasaan si Frank?! Gusto ko siyang makita!”Nagkibit-balikat si Phineas at tumawa. “Maghintay ka lang, Ms. Lane. Makikita mo rin siya maya-maya.”“Anong ibig mong sabihin?”“Kayong mga lovebirds…” Ngumisi si Phineas. “Sigurado na susugod dito si Frank para iligtas ka sa oras na malaman niya na hawak ka namin.”“Ano…?” Nagulat si Helen, at nadurog ang puso niya nang mapagtanto niya na naloko siya.Pinapunta nila siya dito para mapapunta din nila dito si Frank!“Pakawalan niyo ako!” Sumigaw siya at nagpumiglas, ngunit hindi siya binitawan ng dalawang bouncer.Inunat ni Phineas ang kanyang mga braso habang tumatawa siya. “Dalhin niyo siya sa taas.”Pagkatapos nito, kinaladkad ng dalawang bodyguard si Helen paakyat

Pinakabagong kabanata

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1173

    Splat!Muli, hindi ginamit ni Frank ang pure vigor niya. Sumipa lang siya, na humiwa sa katawan ni Vin sa dalawa. Namutla sina Larry, Peter, at iba pa nang tinitigan nila ang mga piraso ng laman at dugong nagkalat sa paligid. “Tao… ba siya?!” Bulong ni Larry, bago siya lumingon para titigan nang masama si Peter. Masasampal niya nang dalawang beses si Peter—anong kampon ng kamatayan ang dinala ni Peter sa pintuan niya?Hindi… Sinadya bang dalhin ni Peter si Frank para patayin siya?!“Ako… Imposible yan…” Halos maiyak si Peter at bumagsak siya sa lapag. Nanginig siya na para bang may humigop sa lahat ng lakas niya. Kapag hinabol siya ni Frank, tiyak na mapapatay siya!Lalo na sa ginawa niya at sa lahat ng insultong binato niya kay Frank, parang gusto niyang sampalin ang sarili niya roon. “A-Anong dapat kong gawin?” bulong niya, sabay desperadong naghanap ng ideya para makaligtas sa kabila ng gulat niya. Doon niya nakitang nakatitig sa kanya nang galit na galit si Larry.

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1172

    Sa sandaling iyon mismo, nakumbinsi ang lahat na natalo si Frank at dumudugo nang parang baboy, hanggang sa isang mahinang ubo ang narinig sa gitna ng humuhupang usok. “Guh… Takbo, Vin…”“Ano?!” Nanlaki ang mga mata ni Vin habang nakaluhod siya sa isang tuhod, hawak ang sugat niya kung nasaan ang kamay niya noon. Narinig niya bang sabihan siya ng kapatid niyang tumakbo?Anong nangyayari rito?!Sa loob lang ng ilang segundo, tuluyang humupa ang usok at sa wakas ay nakita ni Vin kung anong nangyari: tahimik pa ring nakaunat ang braso ni Frank, na ginamit niya para suntukin si Mos tagos sa dibdib niya!Ang totoo, nakabitin lang ang bangkay ni Mos sa braso ni Frank. Walang kabuhay-buhay ang mga braso at ulo niya habang nalagutan siya ng hininga. “Ano?!” Namutla si Vin—napatay ang kapatid niya sa isang simpleng suntok?!“Huh?!” Nabigla rin si Peter. Alam niyang martial artist si Frank, at sinabihan siya ng iba na malakas siya kahit na matagal siyang nawala sa Riverton. Kung kay

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1171

    “Kung ganun, kayo ang may gusto nito!”Kuminang nang malamig ang mga mata ni Frank habang umatake rin siya gamit ng nakaunat na palad niya, at nadurog kaagad ang kamao ni Vin. "Huh?!"Malinaw na naramdaman ni Frank na nabasag ang mga buto niya at nakatulala siyang tumitig sa palad niya habang sumigaw si Vin. Hindi naman siya masyadong gumamit ng lakas, di ba?Binalak niyang gamitin ang palad niya para salagin ang paparating na suntok ni Vin, bago niya suntukin at during ang ulo ni Vin sa isang suntok para mapatay siya. Natural na hindi niya inasahang madudurog ng palad niya ang kamao ni Vin, nang parang giniling!Ang totoo, sa sobrang gulat niya ay natulala siya sa kinatatayuan niya, nakalimutan niyang ipagpatuloy ang atake niya at hindi siya nahimasmasan. “Pareho lang ang pure vigor ko, kaya ang lakas lang ng katawan ko ang nagbago. Anong nangyayari rito?!”Doon sumigaw si Mos, “Anong ginawa mo?!”Bumagsak ang ekspresyon niya nang nakita niyang nadurog ni Frank ang kamao n

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1170

    Napakunot din ang noo ni Larry sa tanong ng Hansen brothers, at lumingon siya kay Peter. “Sigurado ka bang siya si Frank Lawrence, ang asawa ni Helen Lane?”“Oo!”Nakatitig ang mga mata ni Peter kay Frank habang ngumisi siya. “Wag kang mag-alala, Mr. Jameson. Makikilala ko siya kahit saan.”“Siguraduhin mo lang, kundi ay malalaman mo kung anong mangyayari.” Malamig na tumawa si Larry. Napangiwi si Peter sa sandaling iyon ngunit mabilis siyang ngumiti nang nambobola. “Anong sinasabi mo, Mr. Jameson? Bakit ako magsisinungaling sa'yo? Ibig kong sabihin, may utang pa akong ninety million dollars sa'yo! Hindi ako magsisinungaling sa'yo kahit na ibig sabihin nito ay isusuko ko ang Lanecorp bilang collateral, di ba?”Narinig nila si Frank kahit na napalibutan siya—mukhang trinaydor ni Peter sila ni Helen dahil sa utang niya kay Larry. Basura…” Sumama ang ekspresyon niya. Para bang mas mababa pa sa tao ang pamilya ni Helen, at balak nilang ubusin ang pera niya. “Nasaan si Helen?” T

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1169

    Tumalon si Peter palabas ng kotse sa sandaling iyon nang sumisigaw habang tumakbo siya papunta sa isang abandonadong pabrika. “Mr. Jameson! Mr. Jameson! Nadala ko na si Frank Lawrence—sabihan mo ang mga tao mong patayin siya!”"Hehe…"Isang lalaking nasa animnapung taong gulang ang lumabas mula sa pabrika kagat ang isang tabako sa bibig niya at nakasuot ng isang pinstripe suit. Kaagad siyang nakilala ni Frank—si Larry Jameson ito. Kausap niya si Helen noon sa Zamri lease bid, at kasama niya si Juno noon. Naalala rin ni Frank na sinabi ni Helen na isa siya sa Three Bears ng Zamri. At ngayon, bumuga ng usok si Larry habang pinanood niyang bumaba si Frank, nang tumatawa. “Ikaw alam si Frank Lawrence, ang asawa ni Helen Lane?”“Tama ka.” Naglakad si Frank at tumayo sa harap ni Larry habang umiiling kay Peter na mabilis na nagtago sa likod ni Larry. “Akala ko inayos mo na ang sarili mo pagkatapos mong umalis sa Riverton, pero lumalabas na nakakadiri ka pa rin pala.”“Nakakadiri? D

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1168

    Sumigaw si Frank, “Nasaan ang kapatid mo, Peter Lane?!”Nang napatalon at muntik mabitawan ang phone niya, sumama ang ekspresyon ni Peter nang nakita niyang si Frank iyon. “Malay ko! Wag mo kong tanungin!” Naiinis na sigaw ni Peter at bumalik siya sa laro niya. Nainis si Frank habang nanood siya, lalo na't dahil nakapatong ang paa niya sa mesa ni Helen. Nag-iwan ng marka ang mga sapatos niya sa dokumento sa ibaba nito. "Mr. Lawrence?" Pumasok si Lily sa sandaling iyon at napansin niya si Frank. Siya ang sekretarya ni Helen na lumipat mula sa Lane Holdings ng Riverton, at hinila niya si Frank sa tabi habang bumulong siya, “Nawala ang phone ni Ms. Lane kagabi, at hindi namin ito mahanap magdamag. Kakaalis niya lang papunta sa ospital para bisitahin ang nanay niya, at sinabihan niya akong ipaalam ito sa'yo pag bumalik ka nang wala siya.”Nakinig si Frank, ngunit napansin niyang nakasilip si Peter sa kanya. Nang lumingon siya kay Peter, bumalik si Peter sa phone niya at dumal

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1167

    Pagod si Frank nang umalis siya sa cafe at nagpasyang tatanggihan na niya si Helen kapag may iba pa siyang ganitong pakiusap sa hinaharap. Kahit na ganun, tinitigan niya ang itim na Maserati convertible na nakaparada sa labas habang umalingawngaw ang mga salita ni Juno sa isipan niya: “Walang maitutulong sa'yo kung magiging kalaban mo ako. Tanggapin mo ko nang parang isang mabuting bata, at ibibigay ko sa'yo ang impormasyon sa Draconia na gusto mo. Tanggapin mo ang impormasyong ito bilang pagpapakita ng sinseridad ko—mayroong hindi tapos na construction project na nasa labasan ng Zamri. Gayunpaman, pwede mong sabihin si Ms. Lane na kunin ito, dahil babawiin ito ng gobyerno para gibain sa susunod na ilang araw. Sa mga panahong iyon, lalaki nang sampung beses ang halaga nito!”Saan mo nakuha ang impormasyong iyan?” Tanong ni Frank. Misteryosong ngumiti si Juno sa kanya. “Sikreto yan, maliban na lang kung umoo ka…”Dahil dito, pagkaalis niya sa cafe kinuha ni Frank ang phone niya

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1166

    Sinara niya ang laptop at tinitigan nang masama ni Frank si Clarity. “Ano ba talagang gusto mo?!”“Wala. Gusto kita, yun lang!” Ngumiti si Clarity at mas lalong nainis si Frank. "Hmph." Hindi siya pinansin ni Frank at tumalikod para umalis. “Hoy, teka!”Hinablot ni Clarity ang braso niya at mapagpaumanhing ngumiti. “Kalma ka lang. Hindi mo ba gustong malaman kung sino ako, Donn Lawrence?”“Ano?!” Lumingon si Frank. “Alam mo ang pangalan ko?! Magsalita ka! Sino ka?!”“Ano…”Misteryosong umiling si Clarity. “Isa akong palaboy kagaya mo.”Pinagana ni Frank ang Five-Peat Archaeus niya sa sandaling iyon at handang umatake—dahil tumanggi siyang magtino nang nagpakabait siya, kailangan niya lang magpakatatag!Pero kahit na umatras si Clarity, makarisma siyang nakangiti. “Oh, kalma ka lang! Gaano ba kaiksi ang pasensya mo? Pwes, dahil gusto mo talagang malaman, siguro pwede kong sabihin sa'yo… Marami akong pangalan, kaya alin ang dapat kong sabihin sa'yo? Oh, tama.”Bigla na lang

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1165

    Gayunpaman, narinig ni Helen ang malanding boses ni Clarity sa kabilang linya at sumigaw siya, “Ano?! Anong ginagawa mo diyan, Frank?”“Sandali, ikaw yun?!”Napangiwi si Frank nang naalala niya—kaya pala pamilyar si Clarity sa kanya. Siya ang kasama ng isa sa mga importanteng taong dumalo sa bid event sa Zamri!Inimbitahan niya siya sa masquerade ball, pero hindi niya ito inisip dahil hindi siya interesado. At ngayon, nagpakita talaga siya rito sa Morhen…“Ano bang gusto mo?” sigaw niya nang nakatitig nang masama kay Clarity habang nasalo niya ang paa niya. Napabulalas si Clarity. “Oh, nasasaktan ako… Hindi naman sa ayaw ko, pero talaga bang gagawin natin to sa harapan ng napakaraming tao?”Habang tumuro siya, lumingon si Frank para makita ang ibang panauhing dumating sa cafe at nakatitig sa kanila. Mukha talagang naglalandian sila habang hawak ni Frank ang binti niya. “Tsk, tsk… Mga baboy talaga ang mga lalaki ngayon…”“Hala, sa pampublikong lugar pa talaga? Napakabastos

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status