Share

Kabanata 215

Sumimangot si Rolf dahil malinaw na tinatanggihan ni Frank ang alok niya. “Hindi ka pwedeng pumalakpak gamit lang ng isang kamay. Walang sinuman ang kayang lumaban sa isang buong sect kahit na gaano pa sila kalakas.”

“Hahaha!!!” Lalong lumakas ang paghalakhak ni Frank. “Ipinapakita lang nito kung gaano ka kaignorante.”

Noon, mag-isa niyang nilabanan ang Eight Sects ng North Sea, at nakatayo pa rin siya hanggang ngayon.

Ang mga sabwatan, mga sect, at iba pang mga makapangyarihang grupo ay walang kwenta, basta't sapat ang lakas ng isang tao!

Naglaho ang ngiti sa mukha ni Rolf, at inilabas niya ang isang bote, inilapag niya ito sa mesa at nagsalita siya, “Lagyan mo ng dugo mo ang bote na ‘to, Mr. Lawrence. Hindi lang tayo mananatiling magkaibigan, ipinapangako ko rin na walang ibang maaaring magpasunod sayo sa Riverton maliban sa’kin.”

Naging interesado si Frank. “Paano kung tumanggi ako?”

“Kung ganun pipilitin kitang sumunod sa’kin.”

Biglang tumahimik ang buong private room, big
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status