Share

Kabanata 213

Maging ang mga tauhan ni Phineas ay tumabi at nagbigay daan noong nakita nila si Rolf.

Nagtataka namang tinitigan ni Gina at ng iba pa si Rolf—mula ba sa Skyblade Dojo ang lalaking ito?

Sa kabilang banda, agad na napagtanto ni Rolf na hindi maganda ang sitwasyon noong nakita niya na pinaliligiran ng mga tauhan ni Phineas si Frank, at agad niyang tinanong si Phineas. “Anong nangyayari dito?”

Agad na nagpaliwanag si Phineas, “Nanggugulo yung hangal na ‘yun. Maghintay ka lang sandali, Mr. Sparks. Ididispatya ko siya agad—Argh!”

Hindi niya napansin na biglang sumimangot si Rolf. Pagkatapos ay sinampal siya ni Rolf sa mukha bago niya napagtanto kung ano ang nangyayari!

Nang bumagsak si Phineas sa sahig, at napasigaw, napatingala siya kay Rolf sa gulat. “B-Bakit mo ako sinampal, Mr. Sparks?”

“Tumahimik ka!” Nagalit si Rolf. “Sino ka sa akala mo para saktan mo si Mr. Lawrence?!”

“Anong sinasabi mo, Mr. Sparks?”

Kinabahan si Phineas nang mapagtanto niya na may mali sa nangyayari.

Tina
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status