Walang magawa si Helen, ngunit hinihila ni Peter ang kanyang braso, paulit-ulit na umiiyak, "Halika, Helen! Gumawa ka!"Maaaring mamatay si Helen sa stroke noon—nandito kaya sila sa simula kung hindi dahil sa kanya?!"Hah! Phineas Tomkins? So ano?" may biglang nagsabi.Ang lahat ay natigilan-sino kaya ang matapang, minamaliit mismo ni Phineas Tomkins?!Ito ay walang iba kundi si Chris.Habang humahakbang siya para tumayo sa harap ni Helen, nagliwanag ang mga mata ni Gina—naligtas sila!Pinag-aralan ni Scarlet si Chris at ang kanyang suit bago nagtanong sa curiosity, "Sino ka?"Nakikita niya na siya ay may strut at may kumpiyansa na paraan ng pagsasalita—posible ba talaga na siya ang kapareha ni Phineas?"Ako si Chris Steiner mula sa Omens Industries."Chris... Steiner?Si Scarlet ay talagang hindi pamilyar sa pangalang iyon, ngunit narinig niya ang tungkol sa Omens Industries.Pagkatapos ng lahat, ang kumpanya ay nagtatag ng isang foothold sa Riverton sa isang maikling panah
Mabilis na pumunta si Scarlet sa gilid ni Phineas, at pinulupot nito ang isang braso sa kanyang balingkinitang baywang.Si Gina, nang makitang maraming lalaki ang dinala ni Phineas, ay agad na tumahimik.Sinilip niya si Chris, iniisip kung mareresolba niya ang isyu para sa kanila..."Sino ang humingi ng tawad sa aking babae?" Biglang tumahol si Phineas."I did," sagot ni Chris, walang takot na hinihimas ang dibdib.Habang humahakbang si Phineas sa kanya noon, bumulong si Scarlet sa kanya sa ilalim ng kanyang hininga, "Chris Steiner. Owner of Omens Industries."Pinikit ni Phineas ang kanyang mga mata. "So ikaw si Chris Steiner?"Ang kanyang matalim na titig ay nagpatalsik sa puso ni Chris, at nagsimula siyang pagpawisan sa kanyang likod sa pangamba.Still, he braced himself and strode forward, forced a smile as he said, "Mr. Tomkins, I presume? Wala akong ibang hinihiling kundi ang girlfriend mo ay humingi ng tawad kay Peter dito. After that, we can let bygones be bygones."Sma
Agad namang utos ni Phineas, "Baliin mo ang braso ng bastard na yan!"Kinagat ni Helen ang kanyang mga ngipin noon at tumakbo para pumagitna sa kanila ni Peter. "Please, Mr. Tomkins. Magbabayad kami, okay?"Ang pangangatuwiran ay hindi na isang opsyon—kailangan niyang magbayad sa pamamagitan ng ilong upang maiwasan ang sakuna na ito.Gayunpaman, ngumuso si Scarlet. "Yan ang tinatanong natin kanina, pero tumanggi ka. Natatakot ka ba ngayon? Dapat alam mo na talaga kung kailan titigil."Hinanda ni Helen ang sarili habang sinabing, "Ang problema ay wala akong ganoong kalaking pera. Puwede ba akong magbayad nang installment?"Namuhunan na siya ng lahat ng kanyang pondo sa proyekto ng West City at wala nang matitira sa ngayon."Ibig mong sabihin hindi ka magbabayad?" Tanong ni Phineas, lumingon sa kanya noon."Magbabayad ako, pero installment," mabilis na sabi ni Helen. "I'm not trying to run, and I'll have my brother apologize too. Let's just put this behind us, okay?""Ilagay mo i
Duguan si Phineas dahil sa pagsipa sa kanya ni Frank, ngunit hindi pa rin siya tumigil. “Katapusan mo na, bata,” ang sabi niya. “Nasa ilang daan ang bilang ng mga tauhan ko—hindi ka makakatakas kahit na patayin mo ako.”Suminghal si Frank. “Hindi ko alam sa iba, pero siguradong dito ka na mamamatay.”Hindi nagustuhan ni Phineas ang mayabang na reaksyon ni Frank. “P*ta! Sige lang! Binabalaan kita—suportado ako ng Skyblade Dojo. Narinig mo na ba ang tungkol sa kanila?!” Sa huli, ang mga mobster ba gaya ni Phineas ay nagsisimula ng negosyo upang maging legal sila o kaya naman ay kumakampi sila sa mga maimpluwensyang pamilya o mga pangkat. Ginawa ni Leo Grayson ang huli sa pamamagitan ng pagsumpa ng katapatan sa mga Chandler ng Middleton, at ganun din ang ginawa ni Phineas sa Skyblade Dojo ng Riverton. At talagang ipinagyayabang niya ang tungkol dito! "Ang Skyblade Dojo…?"Parehong nagtaka si Gina at si Helen—karaniwan ay hindi sila nag-aabalang alamin ang tungkol sa mga makap
Naniniwala si Phineas na sa oras na bitawan siya ni Frank, madaling maididispatya ng mga tauhan niya si Frank.Sa kabilang banda, nakahinga ng maluwag si Gina sa sinabi ni Phineas at sinabi niya kay Frank na, “Narinig mo ang sinabi niya?! Bitawan mo siya at baliin mo ang braso mo.”“Sino ka ba sa akala mo para sabihin mo sa’kin kung ano ang dapat kong gawin?” Tiningnan siya ng masama ni Frank.“Frank Lawrence!” Sumigaw si Gina noong sandaling iyon. “Tatlong taon kang naging palamunin sa pamamahay ko! May pagkakataon kang iligtas si Helen ngayon, pero ayaw mong gawin ‘yun?! Mas mahalaga ba ang braso mo kaysa sa buhay ni Helen?!”“Pwede kong sabihin sayo kung gaano ka katanga, pero hindi ka maniniwala sa’kin.” Suminghal ng malamig si Frank. “Mamamatay kayong lahat kapag binitawan ko siya.”Agad na sinabi ni Phineas, “Sinusumpa ko—baliin mo ang braso mo, at palalampasin ko ang lahat ng ito, at pwede na tayong magpatuloy sa mga kanya-kanya nating buhay.”Agad na sumigaw si Chris, “N
Maging ang mga tauhan ni Phineas ay tumabi at nagbigay daan noong nakita nila si Rolf.Nagtataka namang tinitigan ni Gina at ng iba pa si Rolf—mula ba sa Skyblade Dojo ang lalaking ito?Sa kabilang banda, agad na napagtanto ni Rolf na hindi maganda ang sitwasyon noong nakita niya na pinaliligiran ng mga tauhan ni Phineas si Frank, at agad niyang tinanong si Phineas. “Anong nangyayari dito?”Agad na nagpaliwanag si Phineas, “Nanggugulo yung hangal na ‘yun. Maghintay ka lang sandali, Mr. Sparks. Ididispatya ko siya agad—Argh!”Hindi niya napansin na biglang sumimangot si Rolf. Pagkatapos ay sinampal siya ni Rolf sa mukha bago niya napagtanto kung ano ang nangyayari!Nang bumagsak si Phineas sa sahig, at napasigaw, napatingala siya kay Rolf sa gulat. “B-Bakit mo ako sinampal, Mr. Sparks?”“Tumahimik ka!” Nagalit si Rolf. “Sino ka sa akala mo para saktan mo si Mr. Lawrence?!”“Anong sinasabi mo, Mr. Sparks?”Kinabahan si Phineas nang mapagtanto niya na may mali sa nangyayari.Tina
Pinagtagpi-tagpi ni Phineas ang lahat habang pinakikinggan niya si Gina at ang iba pa na iniinsulto si Frank. Pagkatapos ng lahat ng iyon, lumalabas na gigolo lang pala ni Vicky si Frank! P*ta! Hindi niya inakala na tatapaktapakan lang siya ng isang gigolo… Nakakagalit!Subalit, sa kabila ng sama ng loob niya, alam niya na wala siyang magagawa sa kanila dahil si Rolf mismo ang personal na nagsalita para kay Frank. “Hindi pa ba kayo aalis? O kailangan ko pa kayong samahan palabas?” Nagalit siya kay Gina at sa iba pa. Agad na paulit-ulit na tumango si Gina. “Oo, oo, aalis na kami ngayon…”Nang umalis sila sa Delightpub, dumating naman sila Rolf at Frank sa isang private room sa ikalawang palapag.“Pwede ko bang makita ang Myriad Hued Snow Lotus?” Ang agad na sinabi ni Frank. “Oo naman.” Masayang tumawa si Rolf, inilapag niya sa mesa ang dala niyang kahon na gawa sa kahoy at dahan-dahan niya itong binuksan. Isang kulay puting snow lotus ang nakalagay sa loob ng kahon, tuwid
Sumimangot si Rolf dahil malinaw na tinatanggihan ni Frank ang alok niya. “Hindi ka pwedeng pumalakpak gamit lang ng isang kamay. Walang sinuman ang kayang lumaban sa isang buong sect kahit na gaano pa sila kalakas.”“Hahaha!!!” Lalong lumakas ang paghalakhak ni Frank. “Ipinapakita lang nito kung gaano ka kaignorante.”Noon, mag-isa niyang nilabanan ang Eight Sects ng North Sea, at nakatayo pa rin siya hanggang ngayon. Ang mga sabwatan, mga sect, at iba pang mga makapangyarihang grupo ay walang kwenta, basta't sapat ang lakas ng isang tao! Naglaho ang ngiti sa mukha ni Rolf, at inilabas niya ang isang bote, inilapag niya ito sa mesa at nagsalita siya, “Lagyan mo ng dugo mo ang bote na ‘to, Mr. Lawrence. Hindi lang tayo mananatiling magkaibigan, ipinapangako ko rin na walang ibang maaaring magpasunod sayo sa Riverton maliban sa’kin.”Naging interesado si Frank. “Paano kung tumanggi ako?”“Kung ganun pipilitin kitang sumunod sa’kin.”Biglang tumahimik ang buong private room, big
Splat!Muli, hindi ginamit ni Frank ang pure vigor niya. Sumipa lang siya, na humiwa sa katawan ni Vin sa dalawa. Namutla sina Larry, Peter, at iba pa nang tinitigan nila ang mga piraso ng laman at dugong nagkalat sa paligid. “Tao… ba siya?!” Bulong ni Larry, bago siya lumingon para titigan nang masama si Peter. Masasampal niya nang dalawang beses si Peter—anong kampon ng kamatayan ang dinala ni Peter sa pintuan niya?Hindi… Sinadya bang dalhin ni Peter si Frank para patayin siya?!“Ako… Imposible yan…” Halos maiyak si Peter at bumagsak siya sa lapag. Nanginig siya na para bang may humigop sa lahat ng lakas niya. Kapag hinabol siya ni Frank, tiyak na mapapatay siya!Lalo na sa ginawa niya at sa lahat ng insultong binato niya kay Frank, parang gusto niyang sampalin ang sarili niya roon. “A-Anong dapat kong gawin?” bulong niya, sabay desperadong naghanap ng ideya para makaligtas sa kabila ng gulat niya. Doon niya nakitang nakatitig sa kanya nang galit na galit si Larry.
Sa sandaling iyon mismo, nakumbinsi ang lahat na natalo si Frank at dumudugo nang parang baboy, hanggang sa isang mahinang ubo ang narinig sa gitna ng humuhupang usok. “Guh… Takbo, Vin…”“Ano?!” Nanlaki ang mga mata ni Vin habang nakaluhod siya sa isang tuhod, hawak ang sugat niya kung nasaan ang kamay niya noon. Narinig niya bang sabihan siya ng kapatid niyang tumakbo?Anong nangyayari rito?!Sa loob lang ng ilang segundo, tuluyang humupa ang usok at sa wakas ay nakita ni Vin kung anong nangyari: tahimik pa ring nakaunat ang braso ni Frank, na ginamit niya para suntukin si Mos tagos sa dibdib niya!Ang totoo, nakabitin lang ang bangkay ni Mos sa braso ni Frank. Walang kabuhay-buhay ang mga braso at ulo niya habang nalagutan siya ng hininga. “Ano?!” Namutla si Vin—napatay ang kapatid niya sa isang simpleng suntok?!“Huh?!” Nabigla rin si Peter. Alam niyang martial artist si Frank, at sinabihan siya ng iba na malakas siya kahit na matagal siyang nawala sa Riverton. Kung kay
“Kung ganun, kayo ang may gusto nito!”Kuminang nang malamig ang mga mata ni Frank habang umatake rin siya gamit ng nakaunat na palad niya, at nadurog kaagad ang kamao ni Vin. "Huh?!"Malinaw na naramdaman ni Frank na nabasag ang mga buto niya at nakatulala siyang tumitig sa palad niya habang sumigaw si Vin. Hindi naman siya masyadong gumamit ng lakas, di ba?Binalak niyang gamitin ang palad niya para salagin ang paparating na suntok ni Vin, bago niya suntukin at during ang ulo ni Vin sa isang suntok para mapatay siya. Natural na hindi niya inasahang madudurog ng palad niya ang kamao ni Vin, nang parang giniling!Ang totoo, sa sobrang gulat niya ay natulala siya sa kinatatayuan niya, nakalimutan niyang ipagpatuloy ang atake niya at hindi siya nahimasmasan. “Pareho lang ang pure vigor ko, kaya ang lakas lang ng katawan ko ang nagbago. Anong nangyayari rito?!”Doon sumigaw si Mos, “Anong ginawa mo?!”Bumagsak ang ekspresyon niya nang nakita niyang nadurog ni Frank ang kamao n
Napakunot din ang noo ni Larry sa tanong ng Hansen brothers, at lumingon siya kay Peter. “Sigurado ka bang siya si Frank Lawrence, ang asawa ni Helen Lane?”“Oo!”Nakatitig ang mga mata ni Peter kay Frank habang ngumisi siya. “Wag kang mag-alala, Mr. Jameson. Makikilala ko siya kahit saan.”“Siguraduhin mo lang, kundi ay malalaman mo kung anong mangyayari.” Malamig na tumawa si Larry. Napangiwi si Peter sa sandaling iyon ngunit mabilis siyang ngumiti nang nambobola. “Anong sinasabi mo, Mr. Jameson? Bakit ako magsisinungaling sa'yo? Ibig kong sabihin, may utang pa akong ninety million dollars sa'yo! Hindi ako magsisinungaling sa'yo kahit na ibig sabihin nito ay isusuko ko ang Lanecorp bilang collateral, di ba?”Narinig nila si Frank kahit na napalibutan siya—mukhang trinaydor ni Peter sila ni Helen dahil sa utang niya kay Larry. Basura…” Sumama ang ekspresyon niya. Para bang mas mababa pa sa tao ang pamilya ni Helen, at balak nilang ubusin ang pera niya. “Nasaan si Helen?” T
Tumalon si Peter palabas ng kotse sa sandaling iyon nang sumisigaw habang tumakbo siya papunta sa isang abandonadong pabrika. “Mr. Jameson! Mr. Jameson! Nadala ko na si Frank Lawrence—sabihan mo ang mga tao mong patayin siya!”"Hehe…"Isang lalaking nasa animnapung taong gulang ang lumabas mula sa pabrika kagat ang isang tabako sa bibig niya at nakasuot ng isang pinstripe suit. Kaagad siyang nakilala ni Frank—si Larry Jameson ito. Kausap niya si Helen noon sa Zamri lease bid, at kasama niya si Juno noon. Naalala rin ni Frank na sinabi ni Helen na isa siya sa Three Bears ng Zamri. At ngayon, bumuga ng usok si Larry habang pinanood niyang bumaba si Frank, nang tumatawa. “Ikaw alam si Frank Lawrence, ang asawa ni Helen Lane?”“Tama ka.” Naglakad si Frank at tumayo sa harap ni Larry habang umiiling kay Peter na mabilis na nagtago sa likod ni Larry. “Akala ko inayos mo na ang sarili mo pagkatapos mong umalis sa Riverton, pero lumalabas na nakakadiri ka pa rin pala.”“Nakakadiri? D
Sumigaw si Frank, “Nasaan ang kapatid mo, Peter Lane?!”Nang napatalon at muntik mabitawan ang phone niya, sumama ang ekspresyon ni Peter nang nakita niyang si Frank iyon. “Malay ko! Wag mo kong tanungin!” Naiinis na sigaw ni Peter at bumalik siya sa laro niya. Nainis si Frank habang nanood siya, lalo na't dahil nakapatong ang paa niya sa mesa ni Helen. Nag-iwan ng marka ang mga sapatos niya sa dokumento sa ibaba nito. "Mr. Lawrence?" Pumasok si Lily sa sandaling iyon at napansin niya si Frank. Siya ang sekretarya ni Helen na lumipat mula sa Lane Holdings ng Riverton, at hinila niya si Frank sa tabi habang bumulong siya, “Nawala ang phone ni Ms. Lane kagabi, at hindi namin ito mahanap magdamag. Kakaalis niya lang papunta sa ospital para bisitahin ang nanay niya, at sinabihan niya akong ipaalam ito sa'yo pag bumalik ka nang wala siya.”Nakinig si Frank, ngunit napansin niyang nakasilip si Peter sa kanya. Nang lumingon siya kay Peter, bumalik si Peter sa phone niya at dumal
Pagod si Frank nang umalis siya sa cafe at nagpasyang tatanggihan na niya si Helen kapag may iba pa siyang ganitong pakiusap sa hinaharap. Kahit na ganun, tinitigan niya ang itim na Maserati convertible na nakaparada sa labas habang umalingawngaw ang mga salita ni Juno sa isipan niya: “Walang maitutulong sa'yo kung magiging kalaban mo ako. Tanggapin mo ko nang parang isang mabuting bata, at ibibigay ko sa'yo ang impormasyon sa Draconia na gusto mo. Tanggapin mo ang impormasyong ito bilang pagpapakita ng sinseridad ko—mayroong hindi tapos na construction project na nasa labasan ng Zamri. Gayunpaman, pwede mong sabihin si Ms. Lane na kunin ito, dahil babawiin ito ng gobyerno para gibain sa susunod na ilang araw. Sa mga panahong iyon, lalaki nang sampung beses ang halaga nito!”Saan mo nakuha ang impormasyong iyan?” Tanong ni Frank. Misteryosong ngumiti si Juno sa kanya. “Sikreto yan, maliban na lang kung umoo ka…”Dahil dito, pagkaalis niya sa cafe kinuha ni Frank ang phone niya
Sinara niya ang laptop at tinitigan nang masama ni Frank si Clarity. “Ano ba talagang gusto mo?!”“Wala. Gusto kita, yun lang!” Ngumiti si Clarity at mas lalong nainis si Frank. "Hmph." Hindi siya pinansin ni Frank at tumalikod para umalis. “Hoy, teka!”Hinablot ni Clarity ang braso niya at mapagpaumanhing ngumiti. “Kalma ka lang. Hindi mo ba gustong malaman kung sino ako, Donn Lawrence?”“Ano?!” Lumingon si Frank. “Alam mo ang pangalan ko?! Magsalita ka! Sino ka?!”“Ano…”Misteryosong umiling si Clarity. “Isa akong palaboy kagaya mo.”Pinagana ni Frank ang Five-Peat Archaeus niya sa sandaling iyon at handang umatake—dahil tumanggi siyang magtino nang nagpakabait siya, kailangan niya lang magpakatatag!Pero kahit na umatras si Clarity, makarisma siyang nakangiti. “Oh, kalma ka lang! Gaano ba kaiksi ang pasensya mo? Pwes, dahil gusto mo talagang malaman, siguro pwede kong sabihin sa'yo… Marami akong pangalan, kaya alin ang dapat kong sabihin sa'yo? Oh, tama.”Bigla na lang
Gayunpaman, narinig ni Helen ang malanding boses ni Clarity sa kabilang linya at sumigaw siya, “Ano?! Anong ginagawa mo diyan, Frank?”“Sandali, ikaw yun?!”Napangiwi si Frank nang naalala niya—kaya pala pamilyar si Clarity sa kanya. Siya ang kasama ng isa sa mga importanteng taong dumalo sa bid event sa Zamri!Inimbitahan niya siya sa masquerade ball, pero hindi niya ito inisip dahil hindi siya interesado. At ngayon, nagpakita talaga siya rito sa Morhen…“Ano bang gusto mo?” sigaw niya nang nakatitig nang masama kay Clarity habang nasalo niya ang paa niya. Napabulalas si Clarity. “Oh, nasasaktan ako… Hindi naman sa ayaw ko, pero talaga bang gagawin natin to sa harapan ng napakaraming tao?”Habang tumuro siya, lumingon si Frank para makita ang ibang panauhing dumating sa cafe at nakatitig sa kanila. Mukha talagang naglalandian sila habang hawak ni Frank ang binti niya. “Tsk, tsk… Mga baboy talaga ang mga lalaki ngayon…”“Hala, sa pampublikong lugar pa talaga? Napakabastos