Sinabi ni Frank, "Ah, libre naman ako."Ngumiti si Kenny. "Sa ganun, gusto mo bang bisitahin ang aking dojo? Gusto ko talagang ipa-check ang kondisyon ng aking ama…"Naalala ni Frank na pangako niyang gawin iyon, at hindi siya ang tipo ng tao na magbabale-wala sa pangako. "Oo naman! Iniisip ko rin ang pagbisita sa kanya."-Matapos bumili ng kailangan, dinala ni Kenny si Frank sa kanyang dojo sa pamamagitan ng kotse patungo sa silanganing gilid ng lungsod.Ang dojo ay may sukat na katumbas ng apat na soccer field at may maraming mga estudyanteng nag-aaral ng blade techniques, kaya isa sila sa apat na pinakamalalaking dojo sa Riverton.Pagdating nila, inihatid sila ni Kenny, dumaan sa lugar ng pagsasanay kung saan maraming mga estudyante ang nag-prapractice ng kanilang mga teknik sa blade at papasok sa inner hall.Nakarating sila sa kwarto ni Jenson Sparks, at nakita ni Frank ang lalaki na nakahiga sa kama pagpasok pa lamang niya.Mukhang masigla pa rin ang lalaki, ngunit parang
”Hindi mo kailangang gawin ‘yun,” ang mabagal na sinabi ni Frank. “Titingnan ko muna ang pulso ng tatay mo.”“Sige…” Ang sagot ni Kenny, at lumapit si Frank kay Jenson, inilagay niya ang kanyang mga daliri sa pulso ng matanda at pinakiramdaman niya ito.Di nagtagal, nagsalubong ang kanyang mga kilay, ngunit agad din siyang huminahon bago muling nagsalubong ang kanyang mga kilay.Matagal na nagpaulit-ulit ang prosesong ito, hanggang sa hindi na nakatiis si Rolf. “Talaga bang tinitingnan mo ang pulso ni Tito Jenson?!”Pagkatapos ay siniguro sa kanya ni Jenson na, “Wala kang dapat ipag-alala, Mr. Lawrence. Malaya kang magsalita.”Dahan-dahang minulat ni Frank ang kanyang mga mata noong sandaling iyon, at agad niyang tinanong si Kenny, “Kamusta ang tatay ko, Mr. Lawrence?”“Malubha ang kondisyon,” sagot ni Frank. “Nagtamo siya ng mga internal injury mula noong kabataan niya, at lulong siya sa mga bisyo gaya ng pag-inom ng alak at paninigarilyo sa halip na alagaan niya ang kanyang kal
Kung saan-saan bumaling ang mga mata ni Frank. Talagang napakaraming kayamanan ang naipon ng Sparks family, mula sa mga antigong sandata at mga esoteric text hanggang sa walang katapusang mga sangkap sa medisina. Gayunpaman, karamihan sa mga ito ay walang gaanong silbi para kay Frank, at di kalaunan ay nagtanong siya, “Mayroon ba kayong 100-year-old na panacea polypore?”“Isang panacea polypore?” Napaisip si Kenny. “Pwede na ba ang nasa 30-year-old?”“Hindi, dapat nasa isang daang taon ang tanda nito.” Umiling si Frank—ang panacea polypore ay isa sa pangunahing sangkap para sa Rejuvenation Pill, ngunit sapat ba ang 600 grams upang makagawa ng isang daang pill. Kaya naman, kahit ang isang maliit na panacea polypore ay sapat na. Agad na sinabi ni Kenny, “Huwag kang mag-alala, Mr. Lawrence. Nagkalat sa lahat ng dako ang mga apprentice ng dojo namin—magsabi ka lang kung talagang kailangan mo ito, at siguradong hahanapin nila ito para sayo.”Tumango si Frank. “Kung ganun, umaasa
”Mr. Sparks!” Sumigaw si Rolf, halos tumalon palabas ng lalamunan niya ang puso niya.Namutla din sa takot ang kanyang mga tagapagsilbi, habang nanatili namang kalmado si Frank.Biglang bumaling ang atensyon ni Rolf kay Frank noong sandaling iyon, puno ng galit ang kanyang ekspresyon habang nagtatanong siya, “Ikaw! Anong pinainom mo sa tito ko?! Bakit bigla siyang sumuka ng dugo?!”“Normal lang ‘yun.” kalmadong sumagot si Frank. “Matanda na si Mr. Jenson, at gagamutin siya ng Ichor Pill sa pamamagitan ng pagsira sa kanyang cultivation at muling pagbuo dito. Magiging maayos din ang kondisyon niya maya-maya lang.”Pagkatapos nun, nagsimula siyang maglakad papunta sa pinto. “Aalis na ako kung wala na kayong kailangan.”“Sinusubukan mo bang tumakas?! Pigilan niyo siya!” Sumigaw si Rolf, hindi niya pinaniwalaan si Frank.Agad na sumunod sa utos niya ang marami sa mga apprentice ng dojo, hinarangan nila ang daanan ni Frank.Kumunot ang noo ni Frank habang mabagal siyang humarap kay Ro
”Hindi lang ako basta gumaling. Napalakas din ng pakiramdam ko!” Sumigaw si Jenson, nag-flex siya ng kanyang mga braso habang tumatango siya. “Talagang kamangha-mangha ang Ichor Pill ni Mr. Lawrence.”“Haha! Gaya ng sinabi ko, si Mr. Lawrence ang pinakamahusay na miracle worker ng Riverton.” Tumawa si Kenny at humarap siya kay Rolf. “At talagang inutusan mo ang mga apprentice natin para saktan siya. Isa kang hangal.”“Ano?!” Sinigawan ni Jenson si Rolf noong sandaling iyon. “Inatake mo si Mr. Lawrence?!”“Hindi, ang ibig kong sabihin…” Bumulong si Rolf, napakamot siya ng kanyang ulo sa hiya. “Sumuka ka ng dugo pagkatapos mong inumin yung gamot, at akala ko nalason ka…”“Kalokohan!” Sumigaw si Jenson at nagmadaling lumabas.Buti na lang, hindi pa nakakaalis si Frank, at agad siyang tinawag ni Jenson. “Pasensya na talaga sa ginawa ni Rolf, Mr. Lawrence. Pakiusap huwag mo itong personalin…”Kahit na hindi nila magawang kaibiganin si Frank, hindi nila siya dapat maging kaaway.Hindi
Ang isang gamot na kasing husay ng Ichor Pill ay siguradong sisikat ng husto sa oras na lumabas ito sa merkado, at nakahanda ang pamilya ni Kenny na mag-invest dito.Kahit na sampung porsyento lang ng shares ay sapat na!“Kung ganun, ‘yun pala ang dahilan kung bakit ka nandito.” Ngumiti si Frank. “Kung ganun, tatapatin kita—imposibleng makagawa ng Ichor Pill ng maramihan, dahil ang bawat kaldero ng mga pill ay nangangailangan ng isang patak ng essence ng isang martial elite.”“Talaga?!” Ang sabi ni Kenny, at may napagtanto siya. “Oh, ‘yun pala ang dahilan kung bakit hindi mo ito ipinagbibili para sa pera… Hindi ko alam na ganun pala kalaki ang kapalit ng paggawa ng isang pill.”Yung totoo, hindi ganun kahalaga ang tingin ni Frank sa kanyang essence.Subalit, para sa mga martial artist na hindi pa naperpekto ang kanilang vigor, ito ay isang kayamanan—at saan naman sila kukuha ng essence ng mga martial elite kahit na nasa kanila ang recipe?Pagkatapos nilang mag-usap tungkol sa mar
Ilang sandali ang lumipas bago nagising ang diwa ni Helen. “Cindy? Kailan ka bumalik sa bansa?”Dapat ay nag-aaral sa ibang bansa si Cindy at sa susunod na taon pa dapat ang balik niya.Gayunpaman, ngumiti ng matamis si Cindy noong sandaling iyon, “Yung totoo, nagsimula ako ng isang kumpanya kasama ang isang partner, at balak naming pasukin ang Riverton market. Kailangan mo akong tulungan, Helen—maganda ang takbo ng Lane Holdings, kaya hindi mo kami pwedeng kalimutan.”“Oh, anong sinasabi mo?” Ang sabi ni Gina. “Kung gusto mong magsimula ng business, pwedeng ibigay sayo ni Helen ang isa sa mga subsidiary namin. Bakit ka pa makikipag-partner sa iba?”“Mom.” Agad siyang pinatahimik ni Helen. “Malamang may sariling mga plano si Cindy kaya nakipag-partner siya sa mga kaibigan niya.”Maging ang Lane Holdings ay nangangailangan ng pera ngayon, at ang ipamigay ang isa sa kanilang mga subsidiary ngayon ay walang pinagkaiba sa pagputol ng isang piraso ng katawan nila. Higit pa rito, alam n
Nagulat si Kenny na ganun kasikat ang panacea polypore. At dahil nangako siya kay Frank na kukunin niya ito para sa kanya, nakakahiya kapag may ibang taong nakabili nito. Gayunpaman, lumapit si Frank sa empleyado at sinabing, “Pwede ba naming makita ang may-ari ng store? Nakahanda akong bilhin ito sa mataas na halaga.”“Oo… Oo!” Tumango si Kenny bilang tugon, naglabas siya ng tumpok ng pera at iniabot niya ito sa empleyado. “Sayo na ‘to—dalhin mo kami sa may-ari ng store ngayon din.”Tinitigan ng empleyado ang tumpok ng pera sa harap niya, agad na napalitan ng ngiti ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha. “Sumunod kayo sa'kin, mga ginoo.”-Sa likod ng Vintagers, nagsalita si Cindy ng may pananabik, “Mr. Wicker, ipakita mo sa'min ang panacea polypore!”Si Johnny Wicker, ang medyo may kaliitang may-ari ng Vintagers, ay nakangiti habang kinukuha niya ang isang kahon na gawa sa kahoy. “Huminahon ka, miss—ito na ‘yun, ang panacea polypore. Limang milyong dolyar, wala nang tawad.”A
Kapag naulit ito, baka talagang hindi makapagpigil si Frank—matinding hamon ito para sa kanya!Nagising din nang maaga si Helen at naglakad papunta sa bintana. Iniunat niya ang buhok niya habang pinanood niyang tumakbo si Frank sa baba. Kaagad na naging malambing, natatawa, at dismayado ang titig niya. -Sa sumunod na linggo, nanatili si Frank sa tabi ni Helen sa lahat ng oras, handa siyang harapin ang kahit na anong posibleng pag-atake sa kanya. Kahit na ganun, mas madaling hawakan ang Lanecorp kumpara sa inaasahan niya—para bang nalinis ang kurapsyong nagkalat sa kumpanya sa loob ng isang linggo, at sari-saring operasyon ang nagaganap at tumatakbo. Bilang pinuno, natural na nakakuha si Helen ng paghanga mula sa lahat ng board members at shareholders. Natural na pasalamat din ito sa makapangyarihang sumusuporta sa kanya—paano pa nila siya malalabanan ngayong kaya niyang maningil ng utang mula sa Victorget?Samantala, nakakulong pa rin si Kallum sa sarili niyang opisina n
Malokong ngumiti si Frank. “Magsimula tayo sa ‘Oh, darling, takot ako sa dilim… pwedeng wag kang umalis?’” Bumuka ang labinni Helen at sinubukang ipaliwanag ang sarili niya sa pagkataranta. “Hindi, naisip ko lang na di tayo dapat mag-book ng magkahiwalay na kwarto. Mahal ito at maraming posibleng mangyari…”“Hahaha…” Tumawa nang malakas si Frank nang makita ang nahihiya at mala-dalagang reaksyon niya. At nang makitang tinatawanan niya siya, ayaw nang ipaliwanag ni Helen ang sarili niya at sumimangot habang tumalikod siya.”“Sige, hindi na kita aasarin.” Umupo si Frank sa tabi niya at hinila siya sa mga bisig niya nang nakangiti. “Pwede tayong matulog sa isang kwarto, pero isa akong lalaking may integridad—papakasalan kita nang maayos kapag talagang maayos na ako. Hindi natin kailangang magmadali, di ba?”Naantig ang damdamin ni Helen sa katapatan sa mga mata niya habang nakasimangot siya nang parang isang inosenteng dalaga. “At kailan naman yun?”“Kailan nga ba…”Habang yakap
Pagkatapos pinadaan ni Frank ang room card at binuksan ang pinto, natulala siya nang makitang isa itong kwartong may deluxe bed. Naiilang siyang lumingon kay Helen, na umiling habang pumasok siya. “May nag-book ng presidential suite, kaya kailangan kong magtiyaga sa deluxe twin. Wag kang mag-alala, ang kondisyon ng hotel ay…”Natulala rin siya nang nakita niyang isang kama lang ang nasa loob ng malaking kwarto. “Heh. Kung ganun…” Kinamot ni Frank ang ulo niya at naiilang na tumawa. May nakita si Helen sa ngiti niya na nagpamula sa kanya at nagreklamo siya. “Hindi maaari to… Naalala kong sinabi ko kay Cindy na kukuha ng twin bed room…”Lumabas siya at nagtanong sa isa sa mga attendant sa labas, na humingi naman ng tawad. “Pasensya na, Ms. Lane, pero wala kaming oras para ipaalam ito sa'yo kanina. Dati kang nilagay sa Room 506, isang deluxe twin room. Gayunpaman, biglang nagkaroon ng biglaan government inspection, at kinailangan ka naming ilipat. Pumayag dito ang sekretarya mo ka
Nang bumalik sila sa mga mesa nila, gumawa ng palusot si Will na natumba siya at tumaga ang kamay niya sa tinidor na nasa lapag, na nagsanhi ng kahulugan kanina. Hindi nakayanan ni Cindy na manood na lang at maupo, at sinimulan niya siyang hilahin. “Halika na. Dadalhin kita sa doktor para linisin yan.”“Ayos lang,” naiilang na sabi ni Will habang sumilip kay Frank at umubo. “Tinulungan na ako ni Mr. Lawrence at hindi na'to masakit kaya…”Natural na hindi nagtiwala sa kanya si Cindy at suminghal sa ideyang kayang tumulong ni Frank. “Imposible! Sanggano lang siya—sinong mas papaniwalaan mo, siya o ang doktor?! Tara na, kundi baka maimpeksyon ka dahil sa kanya. Masama ito kapag nag-iwan yan ng peklat.”Sa huli, walang nagawa si Will kundi umalis dahil hinila siya ni Cindy paalis. Nang naiinis, tumango siya kay Frank bago umalis, ngunit umiinom si Frank ng kape at parang hindi siya sumagot. Nanood si Helen habang umalis sina Will at Cindy, pagkatapos ay kinakabahan siyang lumingon
“Ano?!” Nabigla si Frank. Nagpasya ang mga Lionheart na makipaggiyera laban sa mga Turnbull?!Pero sabi ni Glen Turnbull, ang plano laban sa mga Turnbull ay plinano at sinagawa ni Titus Lionheart nang mag-isa. Kung nasa paligid ang head ng mga Lionheart, hindi sila susugal nang ganito ka-delikado. Ngunit sa kung anong dahilan, nagbago ang isip ng mga Lionheart pagkatapos ng isang buwan at handa na silang umatake?!Metikuloso pa nga sila at binalak nilang sirain ang Lane family… Mukhang habol din siya ng mga Lionheart!“Ganun pala… Iyon pala ang nangyayari…” Tumawa nang malamig si Frank pagkatapos isipin ang mga pagpipilian niya at kumuha ng isang mabahong itim na pill at sinaksak ito sa bibig ni Will. “Dahil kilala ako ako, alam mo dapat kung gaano ako kagaling sa medisina. Ang pill na pinainom ko sa'yo ngayon ay tinatawag na Veinbreaker, at kailangan mo ng antidote bawat linggo, kundi ay mamamatay ka nang nagdurusa habang pumuputok ang bawat isang ugat na mayroon ka.”Habang
“Sir, anong—”“Tabi.” Tinulak ni Frank ang mga attendant na nakaharang sa daan niya at naglakad papunta kay Will. Hinablot niya ang lalaki sa kwelyo, pagkatapos ay tinulak ito sa men's room at sinara nang malakas ang pinto para i-lock ito. “Ano bang gusto mo?!” Sumigaw si Will habang nagngitngit ang ngipin. Nagsimulang mag-apoy ang mga mata niya sa galit kay Frank habang pinanood niyang dumugo nang matindi ang palad niya. “Anong gusto ko? Ikaw ang dapat kong tanungin niyan.”Tinulak ni Frank si Will sa lapag nang nakangisi habang inapakan niya ang butas na kamay ni Will. Napasigaw siya ulit. Habang malamig na naningkit ang mga mata, sumigaw si Frank, “Unang-una, magsimula tayo sa kung sino ka ba talaga… Lumapit ka sa Lanecorp mula kay Cindy, para saan? Para may manatiling aligaga?! Sino yun?! Magsalita ka!”“A-Anong sinasabi mo?! Wala akong alam!”Nataranta si Will sa mga tanong ni Frank. Hindi niya alam kung paano ito nalaman ni Frank. “Hindi ka magsasalita, ha? Kung gan
Mapagbantang sumagot si Helen, “Wag mo kong hawakan, Mr. Zeller, kundi ay baka hindi mo malaman ang mangyayari sa'yo.”“Talaga? Kilala mo ba kung sino ang mga kaibigan ko? Hehe… Aatakihin ka sa puso kapag sinabi ko sa'yo, pero iibahin ko ang usapan.”Madilim na ngumiti si Will, dinilaan niya ang mga labi niya habang hinarangan niya si Helen. “Samahan mo ko ngayong gabi, Ms. Lane, at nangangako ako sa karangalan ko na makukuha mo ang larawan at lahat ng files na kinopya ko… Kundi baka bukas, lumitaw sa mesa ng CEO ng karibal mong kumpanya ang lahat ng nasa larawan. Kaya ano ang pipiliin mo?”Pumikit si Helen sa kabila ng banta niya, at nanahimik sandali bago nagsabing, “Kung ganun, pwede ko bang isiping pinagbabantaan mo ko?”“Tama.” Nanatiling nakangiti si Will, na tuwang-tuwa dahil kumbinsido siyang sa kanya na si Helen. Nagsimula pa nga siyang magpantasya kung anong kayamanan ang nasa ilalim ng suit niya at tumindi ang init sa pagitan ng binti niya. Walang makakapigil dito, a
“Sige.” Tumango si Cindy at mabilis na bumalik sa mga dessert na nasa mesa. Sa kabilang banda, pinagpatong ni Frank ang mga braso niya sa dibdib niya habang pinanood niya si Will na pumunta sa banyo. Dumilim ang titig niya. “Hoy, anong tinitingin-tingin mo? Naiinggit ka lang, ano?”Nagmayabang si Cindy nang makitang nakatitig si Frank kay Will. “Iba ang boyfriend ko sa'yo—isa siyang tunay na department head na nagrereview ng bawat isang tender ng korporasyon. Alam mo ba kung gaano karaming tao sa Zamri ang kailangang sumunod sa kanya? Ang alam mo lang gawin ay masali sa away at kumapit kay Helen, para magmakaawang bigyan ka ng trabaho.”Hinampas niya nang paulit-ulit ang mesa habang tinawanan niya si Frank. “Walanghiya ka talaga—wala kang alam sa pagkakaroon ng trabaho, ano? At tinakda ka ni Helen bilang head ng health and safety department… Di ba ibig sabihin nun ay security guard ka lang? Oh, pinapatay mo ko sa kakatawa! Umaabot ba sa sampung libo ang buwanang sahod mo?!” Tum
Malamig na tumingala si Frank sa kanya. “Ano? Di ba ako pwedeng umupo rito?”Kaagad na nagalit si Will—matapang siya para sa isang hamak na bodyguard!“Hinanda kong maupo rito si Ms. Lane, dahil mayroon kaming malaking business deal na pag-uusapan.” Malamig na sabi ni Will. “Kaya bang akuin ng isang pinabangong security guard na kagaya mo ang mangyayari kapag sinira mo to para sa kanya?!”“Syempre naman.” Tinaas ni Frank ang mukha niya nang mukhang sinasadyang nagtataka. “Ano…” Nanggalaiti si Will. “Tama na yan.” Tinaas ni Helen ang isang kamay niya at pinigilan ang dalawang lalaki habang umupo siya sa tabi ni Frank. Habang nakatingin nang seryoso kay Will, sabi niya, “Kinuha ng pinsan kong si Cindy ang laptop ko. Pakibalik ito sa'kin kung nasa’yo pa rin ito.”Ito ang prayoridad niya dahil maraming sensitibong dokumento at papeles ng Lanecorp na naka-save sa laptop na iyon. Hindi ito dapat makita ng iba at masasaktan ang kumpanya kapag nalaman ito ni Will at ibenta niya ang