Habang sumama ang ere ng hapunan, magsisimula na sanang sumigaw si Mark nang tumayo si Helen. Hawak ang baso ng wine niya sa pagitan ng mga daliri niya, matatag at determinado ang mga mata niya nang nagsalita siya, “Mga mahal kong tito—naiintindihan ko kung bakit niyo kayang pagdudahan ang tagumpay ng iba. Lalo na't pareho kayong walang kwenta at kumbinsido kayong ganun rin ang iba. Hindi ako natatakot na amining utang ko ang tagumpay ko sa asawa kong si Frank Lawrence, pero kahit na ganun, hindi ako susuko hindi kagaya niyong dalawa.”Parehong sumimangot sina Clark at Gable habang nagpatuloy si Helen na matahin sila. “Ibig kong sabihin, naubos niyo ang lahat ng pera ni granduncle, pagkatapos uuwi kayo nang parang kayo pa rin ang may-ari ng bahay na'to? Babae ako, pero kahit papaano ay alam kong mahiya at aminin ang sarili kong pagkukulang sa halip na gumamit ng mahihinang pang-iinsulto o personal na atake.”Pagkatapos, lumingon siya kay Luna at bahagyang ngumiti. “Ikaw naman, dapa
Hindi iniwasan ni Clark o ni Gable si Luna nang nakita nila siya. Sa katotohanan, nilapitan pa siya ni Gable at nagtanong, “Ayaw ko rin kay Helen, tama?”Nabigla sandali si Luna, ngunit hindi nagtagal ay sumama ang mukha niya. “Oo.”Palagi niyang itinuturing na mas mababa sa kanya si Helen, at ubos na ubos na ang pasensya niya nang naalala niya kung gaano kayabang si Helen kanina. Ang gusto niya lang ay isang oportunidad para maipahayag ito!Nagkatinginan naman sina Clark at Gable at nakita nila ang tuwa sa mga mata ng isa't-isa. Hindi mo palaging makukuha ang gusto mo, pero kapag sinubukan mo, minsan makukuha mo ang kailangan mo!Pinag-uusapan pa lang nila kung anong gagawin nila kay Helen, pero kulang sila ng susing parte—isang bagay o tao para mabigla si Helen. Basta’t ‘maglaho’ si Helen, mauuwi rin sa magkapatid ang farm. Matagal na nila itong gustong makuha, at kinaayawan nila ang tatay nila sa pagdadamot nito sa kanila. Kung binigay lang ng gurang na iyon ang lupa
Nagpatuloy sa pagiging sulsol si Gable. “Makinig ka, Luna. Kahit na hindi kami maging head ng pamilya ng Tito Clark mo, mas magandang ikaw ang mamuno kaysa hayaan natin si Helen!”“Tama! Meron ka ring kandidasiya bilang susunod na head ng Lane Family, at sinusuportahan ka ni Madam Lang. Tiyak na lamang ka kaysa kay Helen, at kapag naglaho siya kasabay nun…” hinto ni Clark habang babungkit ang mga mata niya sa isang tusong ngisi. “Ako ang magiging head ng pamilya…” bulong ni Luna sa sarili niya, kumislap ang mga mata niya sa sabik habang nagmamalaki siyang ngumiti. “Tama!” Tumango si Gable habang sinasang-ayunan ang ambisyon niya. “Susuportahan ka namin ng Tito Clark mo!”“Tama,” patuloy ring binobola ni Clark si Luna. “Kapag nabura na natin si Helen, babawiin natin ang kontrol sa pamilya natin!”Ang totoo, hindi talaga kailangang mag-alala nina Clark at Gable—matagal nang kinakaayawan ni Luna si Helen, pero kinimkim niya lang ito dahil wala siyang pagkakataon. Ngayong binigyan
Pagkatapos ng sandaling pag-aalinlangan, tinawagan ni Luna ang mga tito niya. “Natawagan ko na si Helen. Kailangan niyo lang kayang hintayin sa daan.”“Hindi, hindi pwede yan.” Tumawa si Gable sa kabilang linya. “Tiyak naman hindi mo iiwan sa'min ang maduming trabaho habang wala kang gagawin?”Kumunot ang noo ni Luna. “Anong ibig sabihin niyan?”“Wala naman.” Tumatawa pa rin si Gable. “Basta, wag kang mag-alala—kailangan mo lang kaming samahan, at wala kang kailangang gawin. Ayaw lang naming talikuran mo kami at magsabi ka kay Lolo mo, di ba?”Huminto si Luna, pero di nagtagal ay napagtanto niyang ang ibig sabihin lang ni Gable ay kailangang naroon siya. Ibig sabihin nito ay magkakasama sila, at ayaw lang ng mga tito niya na traudurin niya sila. Ang totoo, nakahinga siya nang maluwag dahil inisip niyang gusto ni Gable na siya mismo ang pumatay kay Helen. Mas maganda pa nga kung makikita niyang mamatay si Helen… o magmakaawa sa kanya. Dahil dito, pumayag siya sa hiling ng tito
“Ano bang gusto niyo?!” sigaw ni Helen habang humakbang siya paatras, sumandal sa kotse niya habang nagdududang nakatingin sa mga sanggano sa paligid niya, at pati kina Clark at Gable. “Anong gusto ba namin ang tanong mo?”Umiling si Clark habang naglakad papalapit, hawak ang bakal na pamalo niya malapit sa mukha ni Helen. “Ang ganda mo pala talaga sa malapitan. Sayang naman kung papatayin kita kaagad… bakit di natin hayaang magsaya ang mga bata natin, Gable?”Habang tumawa ang mga sanggano na sa paligid nila, malagim na ngumisi si Clark. “Naalala ko ang lahat ng sinabi mo kanina sa hapunan! Hindi ba dapat humihingi ka na ng tawad ngayon, ha?!”Gabing-gabi na at nasa gitna sila ng kawalan—ito ang perpektong pagkakataon para pumatay. Kahit na ganun, hindi man lang natakot si Helen na sumigaw pa nga, “Humingi ng tawad? Talaga? Mas lalo niyo lang pinatunayang mga walanghiya kayo.”Napahinto si Clark sa matibay na reaksyon ni Helen. Lumingon siya sa kotse ni Helen at nakahinga nang
Habang pinalibutan nina Clark, Gable, at ng mga tao nila sina Luna at Helen, nautal si Luna, “Tito Clark? Tito Gable? Anong…?”Nang marinig ang usapan ng mga babae, pinalakpakan ni Gable si Helen nang nakangiti. “Magaling! Nagulat akong nakikita mo yan… Siguro nga may dahilan si Gavin sa paghanga niya sa'yo. Baka nga maging tanyag ka pa kapag hinayaan kang lumaki…”“Tito Gable…?” Bulong ni Luna habang napagtanto na niya ang lahat. Pagdududa man lang ito kanina, pero maging si Gable ay inamin ring ginamit lang nila siya. At ngayong nagawa na niya ang pinapagawa sa kanya, patatahimikin na silang dalawa ni Helen. Kahit nang tinitigan niya sina Clark at Gable nang di makapaniwala, sumigaw siya, “Bakit?! Bakit niyo ginagawa to?! D-Di ba magkakasama tayo?! Paano niyo nagawang—”“Magkakasama tayo? Sinong may sabi?”Tinitigan siya ni Clark nang may pandidiri habang tumatawa. “Mabibisto kami kapag hinayaan talaga naming mabuhay ang isang tangang kagaya mo. At saka, umaasa ka ba talaga
Natural na ang inaantok na lalaking bumaba mula sa kotse ay walang iba kundi si Frank mismo. Hindi tanga si Helen—kaduda-duda ang lahat ng ito, hindi lang siya tinawag ni Luna sa gitna ng gabi, sinabihan pa nga niya si Helen na magmadaling bumalik sa Laneville. Kung talagang hinahanap siya ni Mark, si Gavin ang sasabihan niya para tumawag. Habang takot magtanong si Helen, pinag-isipan niya ito at nagpasyang isama si Frank. Nagkataon lang na inaantok siya at nakahiga para umidlip sa likuran, kung kaya't hindi siya nakita. Gayunpaman, habang nabigla sina Clark, Gable, at ang mga tao nila nang bumaba si Frank, kumalma kaagad si Clark. Habang masayang nakangisi kay Frank, tumawa siya, “Oh, Helen… Yan pala ang walang kwentang dati mong asawa, ha?”“Mga taong… nakaharang sa daan?”Nagising si Frank sa pangungutya ni Clark at tinuro niya ang sarili niya. “Walang kwentang dating asawa? Ako ba ang tinutukoy niyo?”“Hahaha… Tumingin ka sa paligid mo. May iba pa ba rito?”Tumawa s
Hindi kailangan ng paglilihim sa puntong ito, at tumawa pa nga si Gable. “Oo, sinunog namin ang walang kwentang farm resort niyo. Ayos lang sa'king sabihin ito sa inyo dahil mamamatay naman na kayong dalawa rito!”“Ganun pala.” Lumingon si Frank sa kotse ni Helen bago ngumiti sa kanya. “Nakaon ang camcorder, tama? Naka-record ba ang sinabi nila?”“Oo.” Tumango si Helen na nagtago ng ngiti sa likod ng palad niya. Nagulat siyang napakatuso pala ni Frank para maisip iyon. Higit pa roon, hindi naman siya natakot—kung hindi man lang siya kayang hawakan ng mga sanggano at siga sa Morhen, tiyak na hindi rin iyon magagawa ng mga kaibigan nina Clark at Gable. Sa kabilang banda, nabigla si Gable pagkatapos marinig na naka-record ang mga sinabi niya. Gayunpaman, bumalik ang kumpyansa niya sa sarili niya at malamig na sumagot, “Ano naman kung ni-record mo kami? Papatayin ka na lang namin at susunugin ang kotse mo. Hindi kami mag-iiwan ng kahit anong ebidensya, kaya walang kahit na sinong
Ang mga babae ay nakaramdam ng paghamak kay Winter habang hindi nila alam kung saan sila dapat mag-intern.Nang marinig ni Frank ang kanilang pag-uusap, nakita siya ni Jessica at nag-double take. "Hey, hindi ba't kapatid ni Winter 'yan?"Gayunpaman, hindi nagtagal ay siya'y nagbiro. "Talagang ginawa mo ang lahat para lang makakuha ng trabaho ang kapatid mo!""Oo nga, ipinadala mo siya na parang regalo sa kama ng isang matandang lalaki… Wala nang hihigit pa sa iyong tiyaga."Ang pang-aasar ay nag-iwan kay Frank na nalilito, bagaman agad niyang napagtanto na nagkamali sila ng pagkakaintindi habang patuloy silang nagkukwentuhan.Si Winter ay talagang may kakayahang maging pinuno ng Zamri Hospital—sa katunayan, sapat na sapat ang kanyang kasanayan sa medisina, at hindi niya kailangang gumamit ng anumang hindi kanais-nais na paraan.Habang nanatiling nagdududa ang mga babae sa kabila ng mga sinabi ni Frank, hinila lang sila ni Frank para makita si Winter upang siya na mismo ang magsab
May isa lamang porsyentong tsansa si Gus na mabuhay, pero may isang bagong graduate na inakalang kasintahan ni Gene na nagtagumpay sa tsansang iyon?!Grabe, kaya na ngang makipag-usap ng lalaki ngayon!Pakiramdam ni Paco na parang gumuho ang kanyang mundo, na parang ang mga dekadang kaalaman niya sa medisina ay walang halaga sa ilang mga bata.Sa paligid niya, ang kanyang mga katulong ay nakatitig sa gulat.Hindi nagawa ni Paco! Ano ang nagbigay sa kanilang dalawa ng karapatan na magtagumpay?Posible bang mas magaling pa ang kanilang mga kasanayan sa medisina kaysa kay Paco kahit na mas kulang sila sa karanasan?"Alam mo ba ang pangalan na Frank Lawrence?"Si Gus ay sumagot kay Winter at Jean Zims, kahit na nakapikit pa rin ang kanyang mga mata."Frank Lawrence?"Nagpalitan ng tingin sina Winter at Jean."Siya ang kapatid ko," sagot ni Winter."Siya ang aking mentor," sabay na sinabi ni Jean.Tumango si Gus at huminga ng malalim. "Kung ganun siya nga talaga ‘yun… Muli niya
"Oh! Dumating sila para kay Winter." Ngumiti ang katulong."Siguro balak nilang hingin sa kanya ang internship, dahil bagong talagang siyang pinuno ng ospital natin at lahat."Pumihit si Paco kay Winter noon din, ang kanyang titig malamig habang malamig na sumagot, "Ano bang akala mo sa ospital namin?! Hindi ito lugar para sa mga batang nagmamadaling umakyat sa ranggo. Lumayas ka dito!""Ano? Humihingi ba kami ng pahintulot na manatili?" Tina ay nagmaktol sa paghamak at lumingon muli upang umalis matapos magbigay ng malamig na titig kay Winter."Sandali…"Sinubukan ni Winter na magsalita, pero sobrang pagod niya mula sa operasyon na halos hindi siya makapagbigkas ng isang pantig.Patuloy na nagalit si Paco sa kanya noon, "Sabi ko, chief, sapat na ang binigay mong gulo sa akin para sa isang araw, kaya ipaalam mo sa utak mo—ospital ito, hindi lugar para kay Gene Pearce na magtago ng mga kalaguyo!"Pagkatapos, itinuturo si Gus Zeller sa trolley bed, sumigaw si Paco, "Tingnan mo ang
"Phew…"Matapos ang mahigit apat na oras na operasyon, bumagsak si Winter sa isang upuan, ang kanyang mga kamay ay puno ng dugo."Okay ka lang ba, Winter?" tanong ni Jean habang pinupunasan ang pawis sa noo ni Winter.Umiling si Winter. "Ang laki ng pagkadismaya ko…""Oo nga…" buntong-hininga ni Jean, nilingon ang lalaki sa surgical table na kakatatapos lang operahan, habang nilingon siya at si Winter. "Okay lang—ginawa mo ang lahat ng makakaya mo.""Alam ko." Nagsalita si Winter nang may lungkot.Di nagtagal, si Gus Zeller ay inilipat sa isang wheel bed at itinulak palabas ng silid ng operasyon."Hahaha! Ang sakit na nito… Tingnan mo lang ang mukha niya, parang nabigo siya.""Hehe. Mga batang mayabang, sabi ko sa'yo. Ayos lang, isang tagapaglingkod ng Soranos ang namatay sa kanilang surgical table… talagang magagalit ang mga Sorano.""Eh, hindi naman kasalanan natin 'yan. Abangan na lang natin kung paano ito magiging."Nagkunot-noo si Winter nang marinig niya ang mga tao, pe
At kapag nalaman ng mga Sorano na babae ni Gene Pearce ang nag-opera sa kanilang retainer, mas mabilis na babagsak si Winter.Ito ang patibong na inihanda ni Paco para kay Winter—katapusan na niya, gawin man niya ito o hindi.Ngumisi siya, dahil naniniwala siya na imposible para kay Winter na mailigtas ang buhay ni Gus Zeller.Bago dumating si Winter, sinuri na niya si Gus—bali-bali ang mga buto sa buong katawan niya at naputol ang isang braso niya, habang dumudugo naman ang mga organs niya.Maging ang pagtibok ng puso niya ay lubhang napakahina.Para kay Paco, kahit na marami na siyang karanasan, dinaig pa ni Gus yung nasagasaan ng tren.Isa siyang patay na naglalakad, at hindi magiging maganda ang mga bagay para sa sinumang tatanggap sa kaso niya.At nagkataon namang magagamit ito ni Paco laban sa bago niyang chief, na kasisimula pa lang ng kanyang unang araw sa trabaho.“Gaano man kakakaiba ang sitwasyon, ang pagliligtas sa buhay ng pasyente ang prayoridad natin,” sabi ni Wi
Bagaman nangangahulugan iyon na hindi kayang hawakan ni Winter ang mga komplikadong kaso at hindi niya kayang linangin ang mga pill, ang kanyang kaalaman sa mga acupoint, masahe, at kasanayan sa acupuncture ay kayang hawakan ang karamihan sa lahat, kahit na hindi ito kasing epektibo ng kay Frank.Pagkatapos ng lahat, ang mga tao tulad ni Frank na nagmaster sa parehong martial arts at medisina ay isang pambihira.Sa kabilang banda, nagulat si Paco na kinuha ni Winter ang scalpel nang walang kaalam-alam, ngunit hindi nagtagal ay tumatawa na siya kasama ang kanyang mga katulong.Ang surgical wing ay isang lugar ng kaseryosohan, at sinisira nila ito."Sandali, chief." Ngumisi si Paco habang lumalapit kay Winter."Hindi ko naman sinasadyang maliitin ka, pero kakagraduate mo lang sa unibersidad at hindi ka pa nakapag-internship. Ito ang unang beses mong humawak ng scalpel, tama ba?"Tumango si Winter nang mahinahon at hindi nagalit."Pfft…"Pinigilan ni Paco ang pagtawa, habang ang kany
Pareho nang higit-kumulang na napagtanto nina Vicky at Helen na ang pagpapanatili ng spiritron vein ay hindi naman talaga mabuti para sa kanila, lalo na't nagdudulot ito ng walang katapusang mga problema.Ang pagkaligaw sa oras ay, mula sa isang pananaw, ang matalinong hakbang.Naiintindihan ni Frank kung ano ang iniisip ni Silverbell.Tanging isang malaking organisasyon tulad ng Martial Alliance at ang kanilang mga tagasuporta ang may lakas na mapanatili ito—ang pagbibigay kay Frank sa kanyang kasalukuyang estado ay makakasama sa kanya sa halip."Ano ang gagawin natin ngayon, Frank?" tanong ni Vicky nang may pag-aalala."Umupo at huwag gumawa ng kahit ano," sabi ni Frank matapos mag-isip ng matagal tungkol dito, lumingon sa pagitan nina Vicky at Helen."Kung may makakahanap ng eksaktong lokasyon ng spiritron vein, problema na nila iyon at hindi natin. Ang lungsod ng Zamri ay gulo na dahil sa spiritron vein, kaya hindi pa panahon para tayo ang magpakita. Sa puntong ito, ang pinakama
Samantala, sa isang conference room sa tuktok ng Lanecorp Tower, nakasimangot sina Vicky at Helen.Pagkatapos ng lahat, pareho silang may mga espada na nakatutok sa kanilang mga makikinis na leeg."Ano'ng ginagawa mo, Silverbell?!" sigaw ni Helen."Heh. Nagulat ako... may isang malapit na tao na nakapagpalusot sa akin." Tumatawa si Vicky, pero ang kanyang mga mata ay kumikislap ng malamig."Pasensya na, ladies," si Silverbell ay nakadamit ng puti tulad ng dati, hawak ang kanyang espada sa isang kamay at isang nagniningning na alahas na kahawig ng isang anting-anting sa kanyang kabila.Iyon ang spiritron vein na binanggit ni Helen sa phone.Nang bumalik sila, Vicky, at Silverbell sa Lanecorp Tower, isang grupo ng mga lalaking nakasuot ng itim na nag-aabang ang sumugod sa kanila.At nang kinuha ng mga lalaking nakasuot ng itim ang spiritron vein at ibinigay ito kay Silverbell, napagtanto nina Vicky at Helen na sila ay niloko.Kahit na siya ang kaibigan ni Frank mula pagkabata at l
Sa isip na iyon, tumingin si Frank pataas at sumigaw, "Sir, wala sa akin ang spiritron vein, pero alam ko kung nasaan ito. Hinihiling ko ang iyong pag-unawa bilang aking senior na bigyan ako ng pabor na palayain ang aking pamilya, at dadalhin kita kung nasaan ito!"Tumahimik ang paligid ng sirang templo sa mga salita ni Frank, habang nag-iisip ang taong nagkukubli sa mga anino.Di nagtagal, muling nagsalita ang kanyang matandang boses."Sige. Dahil isa kang tao ng mga prinsipyo, may tiwala ako sa iyo."Lumabas siya mula sa mga anino, isang matandang lalaki na may kulay-abong buhok at may bakal na maskara na tumatakip sa kalahati ng kanyang mukha ang naglakad palabas.Ang kanyang ekspresyon ay malamig, at may dala siyang kwintas ng mga butil ng dasal sa isang kamay.Tumigil ang tibok ng puso ni Frank nang makita niya siya—ang nakakatakot na presyon na ipinapakita ng lalaking iyon ay malinaw na nagpapakita na siya ay Transcendentrank!Hindi niya maiwasang maalala ang sinabi sa kanya ni