“Ano bang gusto niyo?!” sigaw ni Helen habang humakbang siya paatras, sumandal sa kotse niya habang nagdududang nakatingin sa mga sanggano sa paligid niya, at pati kina Clark at Gable. “Anong gusto ba namin ang tanong mo?”Umiling si Clark habang naglakad papalapit, hawak ang bakal na pamalo niya malapit sa mukha ni Helen. “Ang ganda mo pala talaga sa malapitan. Sayang naman kung papatayin kita kaagad… bakit di natin hayaang magsaya ang mga bata natin, Gable?”Habang tumawa ang mga sanggano na sa paligid nila, malagim na ngumisi si Clark. “Naalala ko ang lahat ng sinabi mo kanina sa hapunan! Hindi ba dapat humihingi ka na ng tawad ngayon, ha?!”Gabing-gabi na at nasa gitna sila ng kawalan—ito ang perpektong pagkakataon para pumatay. Kahit na ganun, hindi man lang natakot si Helen na sumigaw pa nga, “Humingi ng tawad? Talaga? Mas lalo niyo lang pinatunayang mga walanghiya kayo.”Napahinto si Clark sa matibay na reaksyon ni Helen. Lumingon siya sa kotse ni Helen at nakahinga nang
Habang pinalibutan nina Clark, Gable, at ng mga tao nila sina Luna at Helen, nautal si Luna, “Tito Clark? Tito Gable? Anong…?”Nang marinig ang usapan ng mga babae, pinalakpakan ni Gable si Helen nang nakangiti. “Magaling! Nagulat akong nakikita mo yan… Siguro nga may dahilan si Gavin sa paghanga niya sa'yo. Baka nga maging tanyag ka pa kapag hinayaan kang lumaki…”“Tito Gable…?” Bulong ni Luna habang napagtanto na niya ang lahat. Pagdududa man lang ito kanina, pero maging si Gable ay inamin ring ginamit lang nila siya. At ngayong nagawa na niya ang pinapagawa sa kanya, patatahimikin na silang dalawa ni Helen. Kahit nang tinitigan niya sina Clark at Gable nang di makapaniwala, sumigaw siya, “Bakit?! Bakit niyo ginagawa to?! D-Di ba magkakasama tayo?! Paano niyo nagawang—”“Magkakasama tayo? Sinong may sabi?”Tinitigan siya ni Clark nang may pandidiri habang tumatawa. “Mabibisto kami kapag hinayaan talaga naming mabuhay ang isang tangang kagaya mo. At saka, umaasa ka ba talaga
Natural na ang inaantok na lalaking bumaba mula sa kotse ay walang iba kundi si Frank mismo. Hindi tanga si Helen—kaduda-duda ang lahat ng ito, hindi lang siya tinawag ni Luna sa gitna ng gabi, sinabihan pa nga niya si Helen na magmadaling bumalik sa Laneville. Kung talagang hinahanap siya ni Mark, si Gavin ang sasabihan niya para tumawag. Habang takot magtanong si Helen, pinag-isipan niya ito at nagpasyang isama si Frank. Nagkataon lang na inaantok siya at nakahiga para umidlip sa likuran, kung kaya't hindi siya nakita. Gayunpaman, habang nabigla sina Clark, Gable, at ang mga tao nila nang bumaba si Frank, kumalma kaagad si Clark. Habang masayang nakangisi kay Frank, tumawa siya, “Oh, Helen… Yan pala ang walang kwentang dati mong asawa, ha?”“Mga taong… nakaharang sa daan?”Nagising si Frank sa pangungutya ni Clark at tinuro niya ang sarili niya. “Walang kwentang dating asawa? Ako ba ang tinutukoy niyo?”“Hahaha… Tumingin ka sa paligid mo. May iba pa ba rito?”Tumawa s
Hindi kailangan ng paglilihim sa puntong ito, at tumawa pa nga si Gable. “Oo, sinunog namin ang walang kwentang farm resort niyo. Ayos lang sa'king sabihin ito sa inyo dahil mamamatay naman na kayong dalawa rito!”“Ganun pala.” Lumingon si Frank sa kotse ni Helen bago ngumiti sa kanya. “Nakaon ang camcorder, tama? Naka-record ba ang sinabi nila?”“Oo.” Tumango si Helen na nagtago ng ngiti sa likod ng palad niya. Nagulat siyang napakatuso pala ni Frank para maisip iyon. Higit pa roon, hindi naman siya natakot—kung hindi man lang siya kayang hawakan ng mga sanggano at siga sa Morhen, tiyak na hindi rin iyon magagawa ng mga kaibigan nina Clark at Gable. Sa kabilang banda, nabigla si Gable pagkatapos marinig na naka-record ang mga sinabi niya. Gayunpaman, bumalik ang kumpyansa niya sa sarili niya at malamig na sumagot, “Ano naman kung ni-record mo kami? Papatayin ka na lang namin at susunugin ang kotse mo. Hindi kami mag-iiwan ng kahit anong ebidensya, kaya walang kahit na sinong
Nanatiling nakatayo si Frank at naghintay. Habang papalapit na ang machete ng unang sanggano, bigla siyang kumilos nang kasing bilis ng kidlat nang ilang pulgada na lang ang layo ng tungki ng talim mula sa ilong niya. Hindi nakita ni Helen kung anong ginawa niya, ngunit biglang nagsisigaw ang sanggano at napaluhod. Hawakan na ni Frank ang machete niya. Bago pa nakahinga nang maayos ang sanggano, sumigaw siya habang pinanood si Frank na itaas ang isang paa niya. “W-Wag!!!”Kahit na ganun, pinalipad siya ni Frank sa isang sipa. Bumaon ang dibdib niya at hindi na niya kayang sumigaw. Malinaw na patay na siya!Klang!Kasabay nito, tinaas ni Frank ang machete sa likuran niya para salagin ang machete ng isa pang sanggano na sinubukan siyang atakihin habang di siya nakatingin. Umikot siya at sinuntok ang sanggano sa ulo nang sa sobrang lakas ay nayupi ito. Habang ginawa niya ito, hindi niya nakalimutang sipain ang isa pang sanggano sa binti para baliin ang binti nito!Crack!
Nanginig sa takot si Clark habang tumingin siya sa ngiti ni Frank. Kayang pumatay ng lalaking ito nang hindi humihinto, at hindi siya naiiba sa kamatayan. Habang si Clark mismo ay nasangkot na sa pagpatay at iba pang krimen, hindi ito kagaya ng kay Frank. Talagang natakot siya… “H-Huminto ka!” sigaw niya, sabay bumunot ng patalim mula sa kung saan habang hinablot niya si Luna at diniin ang kutsilyo sa leeg niya. “Kundi papatayin ko siya!”Kahit na humiwa sa balat ang patalim ni Clark at tumulo ang dugo, umiling si Frank sa banta niya. “Sa tingin mo ba talaga may pakialam ako kung mabuhay siya o hindi?”Namutla si Luna habang nanginig siya nang walang katapusan. Hindi maintindihan ang pananalita niya habang nagmakaawa siya kay Frank. “P-Pakiusap… Iligtas mo ko…”“Ikaw naman.” Suminghal si Frank, sabay umiling at nagpatuloy papunta kay Clark. “Hindi mo talaga ako dapat pakiusapan ng kahit na ano, Luna—mas alam mo higit sa kahit kanino kung anong ginawa mo sa'min ni Helen. At sak
“Hindi… Hindi!!!”Habang nagsimulang sumakay si Gable sa kotse niya, inisip niyang makakatakas siya, ngunit hinila siya ni Frank pabalik. Nagwala siya kahit na naglaho ang pag-asa niyang nakatakas, pero natural na wala itong nagawa. Binali pa ni Frank ang isa sa mga braso niya—kagaya ng ginawa niya kay Clark, para hindi siya makakilos. “Ngayon, pag-iisipan ko… anong dapat kong gawin sa inyong dalawa?”Hinimas ni Frank ang baba niya. Nanood siya habang nakahandusay sina Gable at Clark sa lapag bago lumingon kay Helen sa loob ng kotse. Natural na iniisip niya siya dahil kung siya lang, hindi niya hahayaang mabuhay ang dalawang hayop na ito. Gayunpaman, mga tito sila ni Helen at mga anak ni Mark—sobra na kung papatayin niya silang dalawa. “Pakiusap, Mr. Lawrence! Pakawalan mo na lang kami… Ideya tong lahat ni Gable!” Sigaw ni Clark habang lumuluha at nanginginig. Kinalimutan niya ang pagiging magkapatid nila nang binenta niya ang kapatid niya sa sandaling iyon. “Binalak niya
“Sige. Kung ganun…”Lumingon si Frank kay Helen habang plinano nila kung paano dadalhin sina Clark at Gable pabalik sa Laneville. Doon biglang tumili si Luna, “Mamatay ka na!!!”"Gurk—!"Lumingon si Frank at napanganga sa gulat. Dinampot ni Luna ang isang machete mula sa kung saan at hiniwa ang leeg ni Clark habang nakatalikod si Frank. Maging si Clark ay hindi kaagad nakakibo. Bumaha ang dugo sa bibig niya habang hindi siya makapaniwalang tumitig sa hinihingal na si Luna, na hiniwa ang tatlong-kapat ng leeg niya. Nanlaki ang mga mata niya at nanginig siya, pero malinaw na mamamatay na siya. “Anong ginagawa mo?!” Sigaw ni Frank—nagpasya pa lang siyang dalhin ang magkapatid pabalik sa Laneville, pero pinatay ni Luna si Clark!Hinihingal pa rin si Luna, ngunit di nagtagal ay napaupo siya habang nahihibang na tumawa. “Hahaha! Yan ang nararapat sa'yo! Nararapat sa'yo yan sa pagsisinungaling mo sa'kin!” Patuloy na minura ni Luna si Clark habang nakahandusay siya sa lapag n
“Ano?!” Nabigla si Frank. Nagpasya ang mga Lionheart na makipaggiyera laban sa mga Turnbull?!Pero sabi ni Glen Turnbull, ang plano laban sa mga Turnbull ay plinano at sinagawa ni Titus Lionheart nang mag-isa. Kung nasa paligid ang head ng mga Lionheart, hindi sila susugal nang ganito ka-delikado. Ngunit sa kung anong dahilan, nagbago ang isip ng mga Lionheart pagkatapos ng isang buwan at handa na silang umatake?!Metikuloso pa nga sila at binalak nilang sirain ang Lane family… Mukhang habol din siya ng mga Lionheart!“Ganun pala… Iyon pala ang nangyayari…” Tumawa nang malamig si Frank pagkatapos isipin ang mga pagpipilian niya at kumuha ng isang mabahong itim na pill at sinaksak ito sa bibig ni Will. “Dahil kilala ako ako, alam mo dapat kung gaano ako kagaling sa medisina. Ang pill na pinainom ko sa'yo ngayon ay tinatawag na Veinbreaker, at kailangan mo ng antidote bawat linggo, kundi ay mamamatay ka nang nagdurusa habang pumuputok ang bawat isang ugat na mayroon ka.”Habang
“Sir, anong—”“Tabi.” Tinulak ni Frank ang mga attendant na nakaharang sa daan niya at naglakad papunta kay Will. Hinablot niya ang lalaki sa kwelyo, pagkatapos ay tinulak ito sa men's room at sinara nang malakas ang pinto para i-lock ito. “Ano bang gusto mo?!” Sumigaw si Will habang nagngitngit ang ngipin. Nagsimulang mag-apoy ang mga mata niya sa galit kay Frank habang pinanood niyang dumugo nang matindi ang palad niya. “Anong gusto ko? Ikaw ang dapat kong tanungin niyan.”Tinulak ni Frank si Will sa lapag nang nakangisi habang inapakan niya ang butas na kamay ni Will. Napasigaw siya ulit. Habang malamig na naningkit ang mga mata, sumigaw si Frank, “Unang-una, magsimula tayo sa kung sino ka ba talaga… Lumapit ka sa Lanecorp mula kay Cindy, para saan? Para may manatiling aligaga?! Sino yun?! Magsalita ka!”“A-Anong sinasabi mo?! Wala akong alam!”Nataranta si Will sa mga tanong ni Frank. Hindi niya alam kung paano ito nalaman ni Frank. “Hindi ka magsasalita, ha? Kung gan
Mapagbantang sumagot si Helen, “Wag mo kong hawakan, Mr. Zeller, kundi ay baka hindi mo malaman ang mangyayari sa'yo.”“Talaga? Kilala mo ba kung sino ang mga kaibigan ko? Hehe… Aatakihin ka sa puso kapag sinabi ko sa'yo, pero iibahin ko ang usapan.”Madilim na ngumiti si Will, dinilaan niya ang mga labi niya habang hinarangan niya si Helen. “Samahan mo ko ngayong gabi, Ms. Lane, at nangangako ako sa karangalan ko na makukuha mo ang larawan at lahat ng files na kinopya ko… Kundi baka bukas, lumitaw sa mesa ng CEO ng karibal mong kumpanya ang lahat ng nasa larawan. Kaya ano ang pipiliin mo?”Pumikit si Helen sa kabila ng banta niya, at nanahimik sandali bago nagsabing, “Kung ganun, pwede ko bang isiping pinagbabantaan mo ko?”“Tama.” Nanatiling nakangiti si Will, na tuwang-tuwa dahil kumbinsido siyang sa kanya na si Helen. Nagsimula pa nga siyang magpantasya kung anong kayamanan ang nasa ilalim ng suit niya at tumindi ang init sa pagitan ng binti niya. Walang makakapigil dito, a
“Sige.” Tumango si Cindy at mabilis na bumalik sa mga dessert na nasa mesa. Sa kabilang banda, pinagpatong ni Frank ang mga braso niya sa dibdib niya habang pinanood niya si Will na pumunta sa banyo. Dumilim ang titig niya. “Hoy, anong tinitingin-tingin mo? Naiinggit ka lang, ano?”Nagmayabang si Cindy nang makitang nakatitig si Frank kay Will. “Iba ang boyfriend ko sa'yo—isa siyang tunay na department head na nagrereview ng bawat isang tender ng korporasyon. Alam mo ba kung gaano karaming tao sa Zamri ang kailangang sumunod sa kanya? Ang alam mo lang gawin ay masali sa away at kumapit kay Helen, para magmakaawang bigyan ka ng trabaho.”Hinampas niya nang paulit-ulit ang mesa habang tinawanan niya si Frank. “Walanghiya ka talaga—wala kang alam sa pagkakaroon ng trabaho, ano? At tinakda ka ni Helen bilang head ng health and safety department… Di ba ibig sabihin nun ay security guard ka lang? Oh, pinapatay mo ko sa kakatawa! Umaabot ba sa sampung libo ang buwanang sahod mo?!” Tum
Malamig na tumingala si Frank sa kanya. “Ano? Di ba ako pwedeng umupo rito?”Kaagad na nagalit si Will—matapang siya para sa isang hamak na bodyguard!“Hinanda kong maupo rito si Ms. Lane, dahil mayroon kaming malaking business deal na pag-uusapan.” Malamig na sabi ni Will. “Kaya bang akuin ng isang pinabangong security guard na kagaya mo ang mangyayari kapag sinira mo to para sa kanya?!”“Syempre naman.” Tinaas ni Frank ang mukha niya nang mukhang sinasadyang nagtataka. “Ano…” Nanggalaiti si Will. “Tama na yan.” Tinaas ni Helen ang isang kamay niya at pinigilan ang dalawang lalaki habang umupo siya sa tabi ni Frank. Habang nakatingin nang seryoso kay Will, sabi niya, “Kinuha ng pinsan kong si Cindy ang laptop ko. Pakibalik ito sa'kin kung nasa’yo pa rin ito.”Ito ang prayoridad niya dahil maraming sensitibong dokumento at papeles ng Lanecorp na naka-save sa laptop na iyon. Hindi ito dapat makita ng iba at masasaktan ang kumpanya kapag nalaman ito ni Will at ibenta niya ang
Namutla si Kallum habang nilamon siya ng kawalan ng pag-asa. Dumulas ang phone niya sa mga daliri niya at bumagsak ang malakas sa lapag. Talagang nakakatakot ang pagkamatay ni Cid, kagaya kung paanong hindi inasahan ni Kallum na aatakihin ni Victor ang anak niya nang hindi man lang siya binigyan ng tyansang manlaban.“Frank Lawrence… ang bodyguard ni Helen Lane? Ang head ng health and safety department?! S-Sino ba siya?!”Nakatulala niyang bulong bago nanahimik. -Samantala, nagmadaling bumalik sina Helen at Frank sa Lanecorp. Mananatili sila dapat sa labas, ngunit nakatanggap ng tawag si Helen mula kay Cindy, sinabi niyang dumating na ang bagong nobyo niya kasama ng laptop ni Helen. Gayunpaman, sa sandaling nakabalik sina Helen at Frank, lumapit sa kanila ang kalilipat lang na sekretaryang naghihintay sa pintuan at naiilang na nagsabi, “Ms. Lane, umalis ang pinsan mo kalahating oras ang nakaraan. Nag-iwan sila ng address at pinapapunta kayo sa kanila.”Kinuha ni Helen ang
"Hehe…"Nakangiti si Victor habang nilapitan niya si Frank, inabutan siya ng tasa ng tsaa, at nagtanong, “Mr. Lawrence, nakausap ko mismo si Tito Emilio at pinapasabi niya ang pagbati niya.”“Ganun ba.”Tumango si Frank—hindi talaga siya takot kay Victor, ininom pa niya kaagad ang tsaa at tumango. “Masarap ang tsaang to.”“Hehe… Kung gusto mo, pwede ko tong ipadala sa'yo, Mr. Lawrence.”“Hindi kailangan yan.” Tumanggi si Frank, iniunat ang likod niya, at lumingon kay Helen. “Pag-usapan natin ang utang mo sa Lanecorp. Kung tama ang pagkakaalala ko, 200 milyong investment funds ito, at tungkol naman sa interes…”“Oh, wag mong alalahanin yun.” Ngumiti si Victor at pinigilan si Frank sa pagbibilang—matalino siya para maintindihan ito. “Kumuha na lang kayo ng 300 milyon mula sa'kin, nang may interes na 100 milyon. Isipin niyo na lang itong regalo para sa Lanecorp. Pwede na ba yun?”“Oo.” Tumango si Frank. Gayunpaman, kumunot ang noo ni Helen. “Hindi tama yun. Tumagal na ang utang,
Sumugod sa Sorano Estate at pinilit silang humingi ng tawad? Kahit mga bata ay di maniniwala sa ganitong pantasya!“Titignan natin!” Madilim na ngumiti si Cid kay Frank. Suminghal naman si Frank—hindi niya pipigilan si Cid kung talagang gusto niyang mamatay, at hindi rin naman siya obligadong pigilan siya. Hindi nagtagal, bumalik si Victor nang may dalang isang tray ng tsaa at magalang itong nilapag sa mesa niya. Gayunpaman, bago niya ito maisalin, tumakbo si Cid papunta sa kanya at tinuro si Frank. “V-Victor, ininsulto ng batang yan ang pamilya mo! Kailangan mo siyang turuan ng leksiyon!”“Talaga?”Tumingala si Victor at mahinang nagtanong, “At ano namang sinabi niya?”“Sabi niya…”Mukhang tuwang-tuwa si Cid habang lumunok siya. “Sabi niya nakaaway niya ang mga Sorano, pagkatapos, sumugod siya sa Sorano Estate sa Morhen, sinaktan si Willy Sorano, at pinilit ang main family na humingi ng tawad.”"Hah!" Dumura si Cid nang may huwad na galit. “Hindi man lang niya tinignan a
Habang aligaga si Victor na kumpirmahin ang pagkatao ni Frank sa labas ng pinto, nakangiwi si Cid sa isang sulok sa loob ng opisina ni Victor. Nakatitig pa rin siya kay Helen sa gulat. “M-Magkasabwat kayo ni Victor, ano?”“Ni Victor?” Nagtaka si Helen—ito ang unang beses niyang makita ang may-ari ng Victorget, kaya paano siya makikipagsabwatan sa kanya?Lumingon siya kay Frank na natatawang nakangiti kay Cid. “Kung talaga isang siyang Sorano, malamang ay narinig na niya ako… At kung talagang totoo iyon, katapusan mo na.”“Ano?! Imposible!” Sigaw ni Cid nang nakaturo kay Helen habang nagreklamo siya, “Head ka lang ng Lane family, isang pamilyang may katamtamang kayamanan mula sa Southstream!”Pagkatapos, tinuro niya si Frank. “At isa ka lang pinabangong security guard! Paano ka nagkaroon ng koneksyon sa mga Sorano ng Morhen?!”Nagtataka ring lumingon si Helen kay Frank at bumuntong-hininga siya habang nagpaliwanag siya, “Nakaaway ko ang mga Sorano. Nang pinadala ni Nash Yego ang