“Hindi… Hindi!!!”Habang nagsimulang sumakay si Gable sa kotse niya, inisip niyang makakatakas siya, ngunit hinila siya ni Frank pabalik. Nagwala siya kahit na naglaho ang pag-asa niyang nakatakas, pero natural na wala itong nagawa. Binali pa ni Frank ang isa sa mga braso niya—kagaya ng ginawa niya kay Clark, para hindi siya makakilos. “Ngayon, pag-iisipan ko… anong dapat kong gawin sa inyong dalawa?”Hinimas ni Frank ang baba niya. Nanood siya habang nakahandusay sina Gable at Clark sa lapag bago lumingon kay Helen sa loob ng kotse. Natural na iniisip niya siya dahil kung siya lang, hindi niya hahayaang mabuhay ang dalawang hayop na ito. Gayunpaman, mga tito sila ni Helen at mga anak ni Mark—sobra na kung papatayin niya silang dalawa. “Pakiusap, Mr. Lawrence! Pakawalan mo na lang kami… Ideya tong lahat ni Gable!” Sigaw ni Clark habang lumuluha at nanginginig. Kinalimutan niya ang pagiging magkapatid nila nang binenta niya ang kapatid niya sa sandaling iyon. “Binalak niya
“Sige. Kung ganun…”Lumingon si Frank kay Helen habang plinano nila kung paano dadalhin sina Clark at Gable pabalik sa Laneville. Doon biglang tumili si Luna, “Mamatay ka na!!!”"Gurk—!"Lumingon si Frank at napanganga sa gulat. Dinampot ni Luna ang isang machete mula sa kung saan at hiniwa ang leeg ni Clark habang nakatalikod si Frank. Maging si Clark ay hindi kaagad nakakibo. Bumaha ang dugo sa bibig niya habang hindi siya makapaniwalang tumitig sa hinihingal na si Luna, na hiniwa ang tatlong-kapat ng leeg niya. Nanlaki ang mga mata niya at nanginig siya, pero malinaw na mamamatay na siya. “Anong ginagawa mo?!” Sigaw ni Frank—nagpasya pa lang siyang dalhin ang magkapatid pabalik sa Laneville, pero pinatay ni Luna si Clark!Hinihingal pa rin si Luna, ngunit di nagtagal ay napaupo siya habang nahihibang na tumawa. “Hahaha! Yan ang nararapat sa'yo! Nararapat sa'yo yan sa pagsisinungaling mo sa'kin!” Patuloy na minura ni Luna si Clark habang nakahandusay siya sa lapag n
Nagbuhos ng oras at pagsisikap si Trevor sa pagtatayo ng farm resort at malaki ang naiambag niya sa pagbubukas nito. Nagbuhos pa siya ng resources mula sa kumpanya niyang Trevor International, na nagdala ng higit isang dosenang subcontractor teams para magtrabaho nang sabay-sabay. Mabuti na lang at hindi nagawang sunugin nina Clark at Gable ang mga villa na tinayo nila, kundi si Trevor mismo ang susugod sa kanila. Kahit na ganun, nakahinga siya nang maluwag nang sinabi ni Frank na tinapos na niya ang mga responsable sa insidenteng ito. -Walang sinabi si Frank pagkatapos ibaba ang tawag at nagpatuloy na magmaneho papunta sa Laneville. Sa sandaling nakarating sila, nakita nila sina Mark, Gavin, at iba pang susing miyembro ng Lane family na naghihintay sa gate. Maging ang mga anak ni Gavin na sina Jon at Roth ay naroon kasama nina Fleur at Jade Zahn. Naintindihan ni Frank kung bakit sila nandito—tinawagan sila ni Helen bago sila dumating. Sa kanilang lahat, hindi mapakal
Kahit habang lumingon ang lahat kay Jade, nagpatuloy siyang dumada, “May pruweba ba si Helen na tinawagan siya ni Luna at dinala siya sa isang patibong?! Maniniwala na lang ba kayong lahat sa kanya dahil lang sinabi niya?! Ang alam nating lahat, kayang-kayang lumaban ni Frank Lawrence!”Ngunit habang dumadada siya, masama ang mukha ni Gable na nakaluhod. Wala siyang kaalam-alam—nang tinanong niya si Jade tungkol kay Frank, ang nasabi lang ni Jade tungkol sa kanya ay isa siyang ‘walang kwentang dating asawa’.Kung kaya't nang nakaharap na niya si Frank, trinato niyang parang walang kwenta si Frank. Ang hindi niya alam, ang ‘walang kwentang dating asawa’ ay opinyon lang ni Jade kay Frank, at hindi siya walang kwenta. Tumindi ang galit niya habang nagpatuloy na dumada si Jade na tumingin sa kanilang lahat. “Ano ba sina Frank at Helen para sa'tin?! Wala lang sila—yun lang sila! Kahit tanggapin pa natin si Helen pabalik sa pamilya natin, hindi talaga natin siya kapamilya, kaya gaano
“Ano?!”“H-Hindi yun ang sinabi ni Helen…”“Kung ganun, alin ang totoo?!”“Hindi ko alam na ganun pala kasakim si Helen…’Gayunpaman, hindi naapektuhan si Frank sa ingay ng mga Lane. Kalmado niyang tinitigan si Luna kahit habang napangiwi siya sa mga bisig ni Jade. “Ang pagkakaroon ng konsensya ay likas sa pagiging tao, Luna. Hindi ko alam kung naiintindihan mo ang sitwasyon, pero niligtas ko ang buhay mo ngayon… Wala nang susunod na pagkakataon dahil pinili mong bayaran ang utang na loob mo sa'kin nang may matinding pagkamuhi.”Hindi nagtangka si Luna na tumingin sa mga mata niya at binura ang lahat ng ginawa ni Frank sa alaala niya habang hinanda niya ang sarili niya at sumigaw, “Wag ka nang magsayang ng hininga! Hindi ko kailangan ang tulong mo!”Kasabay nito, tinuro ni Jade si Frank at sumigaw, “Kayong lahat, tignan niyong maigi! Ang kapal ng mukha ng hayop na'tong magpakita sa bahay natin at pagbantaan ang anak ko sa harapan ng lahat! Nasaan ang hustisya rito?!”Kaagad di
Pinanatiling buhay ni Mark ang farm na iyon halos buong buhay niya at napakalapit ng loob niya sa magandang tanawing ito. Kung hindi, gagamitin niya ang lupang iyon para magtayo ng mas kumikitang industrial zone. Dahil dito, nang makitang aminin ng sarili niyang anak na sinunog niya ang farm, napuno ng luha ang mga mata ni Mari. Pagkatapos makitang naging emosyonal ang matanda, handa nang ilayo ni Gavin ang phone, ngunit nagpumilit si Mark na panoorin ang buong video. Walang ibang nagawa ang lahat kundi nagpatuloy na manood kasama ni Mark. Kahit na ganun, nagkataong hindi nakatutok sa tamang direksyon ang dashcam nang pinatay ni Frank ang mga tao nina Clark at Gable. Gayunpaman, nahuli nito ang eksena kung saan pinagbantaang patayin ni Clark si Luna gamit ng patalim. “H-Huminto ka, kundi papatayin ko siya!” Kasing linaw ng araw ang mabangis na mga mata ni Clark sa video.Sobrang namutla si Luna habang hawak siya ni Clark at nagpatuloy na magmakaawa kay Frank, “P-Pakiusap…
“Nakikipagtalo ka pa?!”Tinitigan nang napakalamig ni Mark si Jade at seryosong nagsabi, “Ikaw din, kasama ka! Limampung latigo at isandaang sampal!”“Ano?!” Napaupo si Jade nang marinig ang walang-awang mga salita ni Mark habang naglaho ang lahat ng limang sa mata niya. Habang dinala ng mga bodyguard si Jade, sa wakas ay lumingon na si Mark kay Gable. Walang simpatya sa mga mata niya habang umiling siya at bumuntong-hininga. “Matagal na akong sinasabihan ng kapatid kong si Henry, na hindi ako dapat mag-asawa nang masyadong marami. Pero kumbinsido akong matitiyak ng pagkakaroon ng maraming tagapagmana ang ari-arian ng pamilya. Pero tignan niyo ako ngayon…”Pagkatapos suminghal sa pagkadismaya, lumingon siya kay Gavin. “Napakarami natin rito, pero si Gavin lang ang nakakakita ng lahat o nakakatukoy ng tama sa mali.” Pagkatapos, lumingon siya kay Helen nang nakahinga nang maluwag. “Sa umpisa, binigyan ko ng kandidasiya si Helen para maging susunod na head ng Lane family dahil gu
Napayuko nang tahimik si Fleur sa banta ni Mark. Gayunpaman, nakikita rin ni Frank na mukhang hindi kuntento and iba pang mga miyembro ng Lane family. Natural lang na hindi sila matuwa kapag naitalaga si Helen bilang head ng Lane family nang ganito mabilis—ang totoo, binanggit mismo ni Fleur ang mismong nasa isip ng lahat. Kahit na hindi sila lantarang magpoprotesta bilang respeto para kay Mark, susubukan nilang isabotahe si Helen nang palihim para maging mahirap ang lahat para sa kanya. Sina Frank at Helen na ang bahalang magpakita ng kung anong meron sila. Sa kaisipang iyon, magalang na tumango si Frank kay Mark. “Mr. Lane,” sabi niya. “Naniniwala akong dapat nating ipagpatuloy ang pustahan nating tatlo ni Helen. Kikita kami ng isang bilyon sa loob ng dalawang buwan para magiging head ng Lane family si Helen nang walang nagdududa sa kakayahan niya.”“Ano?” Nabigla si Mark sa suhestiyon ni Frank—inanunsyo na niyang si Helen ang magiging susunod na head ng Lane family, per
Sa mga utos ni Terry ‘Ted’ Cotton, susugod ang mga siga kay Frank at pagpipira-pirasuhin siya!Kahit na ganun, naningkit ang mata ni Ted sa napakaaroganteng lalaki at nakaramdam ng kaunting pag-iingat. Hindi kaya isa siyang miyembro ng mahalagang pamilya o apprentice ng isa sa South Sea Sects?“Matapang ka, bata,” sabi niya. “Saan ka nagmula?”“Wala. Ako lang si Frank Lawrence, ang head ng health and security department ng Lanecorp,” kampanteng sagot ni Frank. Nasamid si Ted. Lanecorp? Yung kumpanya?At ang head ng health and security department ng Lanecorp… Natagalan si Ted bago ito mapagtanto, ngunit napahiya siya nang naintindihan niya kung anong sinasabi ni Frank. Head ng health and security department ng Lanecorp?! Ibig sabihin lang nito ay isa siyang pinagandang security guard! At may lakas ng loob ang isang security guard na pagbantaan siya?!Sa galit, sumigaw si Ted habang tinuro niya si Frank sa sandaling iyon, “Sugod! Baliin niyo ang bawat isang buto sa kataw
Malinaw na armado ang lahat ng mga siga dala ang mga baseball bat at machete nila at hinarangan ang daan paalis ni Helen. Sa isang iglap, biglang sumigla ang tahimik na sira-sirang gusali. Vroom!Umingay ang mga makina ng motor at sumunod ang mga sipol habang humarurot ang isang dosenang mga sangganong nakamotor. Kumaskas ang mga huling nila habang huminto sila sa tabi nina Frank at Helen. Ngayon, talagang napalibutan na sila. “Huli na para umalis pa kayo!” Pagmamayabang ni Terry at tumawa nang malakas. Nagsimula ring tumawa ang iba pang mga siga—dahil sabay-sabay na tumawa ang higit isang daan sa kanila, halos maramdamang yumanig ang gusali. “Ano bang gusto niyo?!” Sigaw ni Helen, habang dismayado niyang napagtantong nakapasok sila sa literal na lungga ng mga lobo. Kahit na kampante siya sa kakayahan ni Frank, nag-aalala pa rin siya dahil napakarami nila sa Blood Wolves. “Ano bang gusto ko?!”Biglang dumura si Ted sa lapag at tinitigan nang mapangbanta si Frank haban
"Hahaha…"Biglang tumawa nang malakas si Frank pagkatapos tumingin sa paligid, na nagpatulala sa mga papalapit na mga siga. “Anong problema?” Nag-aalalang lumingon si Helen kay Frank—nabaliw ba siya dahil gumastos siya ng limandaang milyon sa isang walang kwentang lote ng lupa?Habang lumitaw ang iba't-ibang posibilidad sa isipan niya, nakatitig na lang si Helen kay Frank habang ngumiti siya sa kanya at kindat. “Kung tama ang kutob ko, mukhang sinayang to ng nanay mo.”“Ano?”Nanlaki ang mga mata ni Helen sa pagtataka, at lalo siyang nag-alala na baka talagang nabaliw na si Frank. Gayunpaman, tumingin si Frank sa paligid niya sa loob ng lote. “Gigibain ang lahat ng nakatayo sa lupa na'to sa susunod na dalawang linggo. Handa ang Zamri City Hall na magtayo ng highway sa lupang to.”“Alam mo ba kung anong ibig sabihin nun?” Ngumisi siya kay Helen, at tinapos ang sasabihin niya bago siya nakasagot. “Tataas ng sampung beses ang halaga ng loteng to! Hahaha… Talagang swinerte tayo, H
Napuno ng malamig na dismaya ang puso ni Helen nang tumayo siya sa dulo ng lote at inobserbahan ito. Hindi lang mga opisina—maging mga pabrika ay hindi praktikal na itayo rito sa layo ng lote mula sa main road!Kahit na may mga proyekto sa loob ng lugar, nagsimula nang tumabingi ang bawat isang block nito. May mga kamay din sa pader—malinaw na senyales ito ng pagguho “Frank… Limandaang milyon… Para sa lupang to! Talagang nalugi tayo rito.” Malungkot na bumuntong-hininga si Helen—sa pananaw niya, walang kwenta ang lupang ito!Wala ring laman ang mga proyekto, at karamihan ng mga unit ay bakante. “Pero malay mo lang.” Ngumiti si Frank at nagpunta sa mga proyekto bago nakakilos si Helen. Hindi sila masyadong nakalayo nang nakita nila ang isang grupo ng mga sigang nagtitipon nang sama-sama habang naglalaro ng poker sa sira-sirang lobby. Mukhang mga bata pa sila ngunit kakaiba ang pananamit nila. Ang isa sa kanila, na nakaharap sa pintuan, ay nakita sina Helen at Frank na puma
Nag-aalala talaga si Gina na baka magbago ang isip ni Frank at mauwi sa wala ang pambobola niya sa nagdaang kalahating oras. Gayunpaman, halatang wala siyang dapat ipag-alala dahil wala talagang anjalam si Frank sa limandaang milyon. Ang totoo, tinawagan niya kaagad si Trevor Zurich para sabihan siyang ipadala ang pera sa account ni Gina at pirmahan ang pangalan niya sa kasunduan. Nakasimangot si Helen nang natapos siya habang nakangiti naman si Gina. “Oh, Frank,” sabi niya. “Bakit di ka manatili rito ngayong gabi? Ililibre ko kayo ni Helen ng hapunan.”“Di na kailangan,” mahinang sagot ni Frank habang umiiling. “Bibisitahin ko ang lupa at titignan ko kung meron akong mapaggagamitan rito, para hindi ako mawalan masyado ng pera.”Sinsero ang sagot ni Frank, kasabay ng pagdating ng notification kay Gina mula sa bangko. Nakahinga nang maluwag si Gina nang makita iyon at kaagad na nabawasan ang sigla niya. As ng totoo, nakahiga na siya sa kama at pumikit. “Sige, hindi na kita
“Hindi interesado si Frank.”Tumayo kaagad si Helen sa pagitan nila Gina at Frank habang nakatitig nang maigi sa nanay niya nang sumigaw siya, “Alam ko kung anong binabalak mo g gawin, pero ikaw ang nagdala sa sarili mo sa sitwasyong ito, kaya akuin mo yan. Wag mong isiping idamay si Frank sa problema mo!”“Bakit ba palagi kang kumakampi sa iba?!” Sigaw ni Gina sa kanya sa inis. “Mamamatay ako kung hindi ko maibebenta ang lupang iyon! Hindi ba dapat may gagawin si Frank kung gusto niyang pakasalan ang anak ko?!”“Binigyan ka ni Frank ng ruby, pero nawala mo yun!” Sagot ni Helen na nagbanggit ng dating hinanakit dahil ayaw niyang guluhin ng pamilya niya si Frank. “Yun… Iba yun!” Sagot ni Gina, na halatang walang kumpyansa, ngumiti di nagtagal ay nagmatigas at sumigaw, “Nawala namin ang ruby, pero nakaraan na yun! Anak kita, at iba na ang posisyon mo ngayong kontrolado mo na ang Lane Holdings at ang Lanecorp. Hindi lang yun, meron ka lang magarang farm resort na kumikita ng milyones
“Tama!”Hinampas ni Gina ang noo niya pagkatapos marinig ang suhestyon ni Cindy at napasigaw sa realisasyon, “Bakit di ko naisip yan? Ang talino mo talaga, Cindy!”“Sigurado yan, pero…”Suminghal si Candy, sabay sandaling lumingon kay Helen habang nakasimangot. “May hindi nakakakita roon.”Alam ni Helen na siya ang ibig sabihin ni Cindy pero hindi siya bumaba sa lebel nila, at seryosong nagsabi, “Hindi gagana yan. Magiging matalino ang kahit na sinong may ganito kalaking halaga ng pera—hindi magiging kaakit-akit ang lupang iyon kahit bilang pain.”Malamig na tumawa si Cindy, hindi siya nabahala na gumagawa siya ng gulo. “Oh, sinasabi mo bang hindi matalino si Tita Gina? Palihim ang pang-iinsulto mo!”Sumama ang mukha ni Gina—kahit na nagkamali siyang paniwalaan si Peter, nainis pa rin siya na iinsultuhin siya ng anak niya nang ganito. “Hindi iyon ng ibig kong sabihin, Ma…”Bumuntong-hininga si Helen at umiling dahil wala na siyang lakas para ipaliwanag pa ang sarili niya. “Bah
Walang naisagot si Gina sa sagot ni Helen at bumangon mula sa kama para tumakbo papunta sa pader at iuntog ang ulo niya rito habang sumisigaw. “Oh, Helen! Pasensya na talaga… Wala akong ibang pagpipilian… Magpapakamatay na lang ako para makabawi sa'yo—”Sa ilang untog lang, tumulo na ang dugo mula sa benda niya. Gayunpaman, nahawakan siya ni Helen at sumigaw, “Tigil! Hindi ako makakapagbayad kapag namatay ka rito! Mag-isip ka ng paraan para mabawi ang pera! Tawagan mo si Peter at sabihan mo siyang pumunta rito ngayon din!”“S-Sige…” Dinampot ni Gina ang phone niya at mabilis na tinawagan ang numero ni Peter, ngunit binaba ito ni Peter pagkatapos itong tumunog nang kaunti. “Ano? Anong nangyayari?” Gulat na sabi ni Gina. Kasabay nito, lumingon si Helen kay Frank—hindi kaya nakuha na ni Kit Jameson si Peter?“Tatawagan ko siya.” Lumapit si Frank kay Gina, kinuha ang numero ni Peter mula sa kanya, at tumawag. Sumagot si Peter pagkatapos ng dalawang ring nang may kalmadong tono.
Pagkatapos murahin sandali ng lahat si Peter, binalik ni Helen ang usapan. “Ma, paano ka nasaktan?”Umiling si Cindy at mahinang nagsabi, “Hindi mahanap ni Tita Gina si Peter o si Larry, kaya nagpunta siya sa Zomber Group para bawiin ang pera niya. Tumanggi sila dahil pumirma siya sa kasunduan, kaya nakipagtalo siya. Pagkatapos, medyo nagkapisikalan sila at nauntog siya sa pader.”“Ma… Talagang ang laki ng pagkakamali mo ngayon!” Bumuntong-hininga si Helen dahil alam niyang hindi lang si Gina ang may kasalanan dito. Masyado lang talagang masama ang anak niyang lalaki, na niloko pa ang sarili niyang nanay at pagkatapos ay ginawa rin iyon sa ate niya. Binenta pa nga niya ang sarili niyang ate para sa pera. Masasabi ngang hindi lang siya walanghiya, napakasama pa niya. Kumunot ang noo ni Helen. “Kalma ka lang, Ma. Sabihin mo lang sa'kin—magkano ang nawala sa'yo? Titignan ko kung kaya kitang matulungang bayaran ito.”Binuksan ni Gina ang bibig niya, ngunit lumingon siya kay Cindy