AMIRA
“Tumakbo ka na, Amira. Save yourself, wife!”
Sigaw niya pero ang mukha niya ay malabo pero ang boses niya ay ganun pa rin, katulad ng mga napapanaginipan ko. Kitang-kita ko ang sarili ko na nababalot na rin ng dugo katulad ng lalaking pinapaalis ako. Nakita ko ang pag-iling ko at pilit hinahaltak palapit sa akin ang lalaking ito.
“Ayoko, ayoko. Hindi kita iiwan dito,” ramdam ko ang sakit, takot at lungkot sa boses ko. Alam kong lumuluha na ako sa mga oras. Masyadong mabigat na naman sa puso ko ang nakikita ko ngayon. Ano ang ibig sabihin nito? Pakiramdam ko ay hindi na ito panaginip, memorya ko ba ‘to na nakalimutan ko?
Kitang-kita ko ang dalawang tao na magkahawak kamay na tumatakbo sa loob ng kagubatan na para bang may tinatakasan sila. Nakatakip na lang ako sa tainga ko ng makarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril at tumatama ito sa direksyon nila.
Napasigaw na lang ako sa takot ng tamaan silang dalawa, kitang-kita ko kung paano bumagsak ang lalaki habang ako ang sarili ko naman ay pilit siyang inaalalayan. Halos malamig ang buong katawan ko ng makita ko kung ano ang nasa likuran namin. Bangin na ito at isang pagkakamaling apak ay mahuhulog kaming dalawa.
Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at tinakbo ang distansiya namin pero napasigaw na lang ako ng makita ko ang sarili ko na nabaril at sabay kaming nahulog mula sa bangin. Kitang-kita ko kung paano ako yakapin ng lalaking kasama ko bago ako tuluyan lamunin ng kadiliman.
“Amira!”
Napabalikwas ako ng bangon ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko, sa pag-aakala kong si Nanay Lourdes ay mabilis kong pinalibot ang braso ko sa katawan niya at nanginginig na umiyak sa dibdib niya. Naramdaman ko naman na niyakap niya ako pabalik dahilan para ang nanginginig kong sistema ay unti-unting kumalma.
“Nanay, kasama ko na siya panaginip. Yung lalaki pero hindi ko makita ang mukha niya. Malabo, boses lang ang natandaan ko.” Pagke-kwento ko pero nakayakap lang siya sa akin habang ako ay nakahilig lang sa dibdib niya at ngayon ko lang napansin na hindi pambabae ang suot niya.
Ngayon ko lang napansin na naka-navy blue siyang t-shirt at panlalaki ang amoy niya. Nang iangat ko ang mukha ko ay tumambad sa akin ang isang guwapong lalaki. Siya ang customer namin kanina at ngayon ko lang napagmasdan ang mukha niya ng malapitan.
Itim na itim ang kaniyang mga mata, ang ilong naman niya ay matangos. Kita ko man ang ibang pekas niya sa mukha na parang sugat ay hindi ‘yon nababawasan ang kaguwapuhan ng lalaking yakap-yakap ko ngayon. Saglit akong napatigil sa mapula niyang labi, nang mapagtanto ko kung ano ang ginagawa ko ay saka lamang ako bumalik sa huwisyo.
“Nananaginip ka na naman ba, Amira?”
Mabilis kong naitulak ang lalaking kayakap ko kaya nakita kong nabigla siya dahil muntikan pa siyang mahulog sa kinauupuan niya pero kalaunan ay umawang ang gilid ng labi niya dahil sa taranta na nararamdaman ko sa oras na ‘to.
Nakakahiya kung nakita ako ni Nanay na kayakap ang estranghero na ito. Baka isipin niya na tsansing pa ako.
“Ikaw pala, Nay. Oo nga po pala… sino ang lalaking ‘to?” Pagtatanong ko at saglit na sinulyap ang pwesto ng lalaking yakap-yakap ko kanina. Pakiramdam ko ay namumula na ang pisngi ko dahil kita ko sa gilid ng mata ko na nakatitig lang siya sa akin.
“Ah ayan si Pogi, siya ang tumulong sa’yo ng mahimatay ka kanina. Sumakit na naman ba ang ulo mo? Bukod sa lagi kang nananaginip na puro dugo may iba pa ba?” Sunod-sunod na tanong ni Nanay kaya nakita kong naging seryoso at malamig ang reaksyon ng kasama namin.
“W-wala na po, Nay.” Sagot ko na lamang kaya tiningnan niya ako ng matagal bago siya tumango. Pagkatapos ay tiningnan niya ang lalaking katabi ko na pala ngayon.
“Pasensya na sa nangyari kay Amira, Adrian. Nagka-amnesia kasi ‘yan kaya laging nananaginip ng masama at madalas sumasakit ang ulo. Pero salamat at maingat mo siyang inuwi dito.” Rinig kong pasasalamat ni Nanay kaya saglit akong natulala sa lalaking ito ng marinig ko ang pangalan niya. Pakiramdam ko ay pamilyar sa akin ‘yon ngunit hindi ko naman matandaan kung narinig ko na ba talaga.
“A-adrian ang pangalan mo?” Utal kong pagtatanong kaya sa akin naman bumaling ang paningin niya at tumango. Kita ko sa mata niya ang saya at pangungulila ng banggitin ko ang pangalan niya. Pakiramdam ko ay may tumusok sa puso ko dahil sa naging reaksyon niya.
“Adrian Levi Suarez,” sambit niya sa buong pangalan niya at inilahad niya ang kamay sa akin na tinitigan ko dahil pakiramdam ko ay kilala ko talaga siya o baka naman ay narinig ko na pero nakalimutan ko lang.
Tinanggap ko muna ang kamay niya at doon ay nakaramdam na ako ng kakaiba. May ilang alaala ang sumulpot pero lahat ng ‘yon ay malabo kaya napahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya dahilan para mag tanong siya.
“Are you okay, Amira?”
“Nagkita na ba tayo? Bakit parang pamilyar ka sa akin?” Hindi ko na mapigilang tanong kaya kita kong natigilan siya sa paglapit sa akin. Nanginginig kong binitawan ang kamay niya pero siya naman ay parang ayaw pakawalan ang kamay ko.
“Hindi pa. Ngayon lang tayo nagkita, Amira.” Sagot niya kaya ng marinig ko ‘yon ay pakiramdam ko ay may mabigat na bagay na ang dumagan sa dibdib ko. Kaya pilit akong ngumit at palihim na nagpasalamat ng bitawan niya ang kamay ko.
“Kumain ka na ba?” Hindi ko na mapigilang tanong ng makalabas kami sa kwarto. Medyo naiilang pa ako dahil nakatitig lang siya sa akin kaya napakamot ako sa kamay ko at muli siyang tinanong dahil baka hindi niya narinig.
“Levi, kumain ka na ba?” Muli kong pagtatanong at sa mga oras na ‘yon ay binangnggit ko na ang pangalan niya. Nakita ko ang pagtigil niya kaya napakagat naman ako sa labi dahil baka hindi niya nagustuhan ang pagtawag ko sa pangalan niya.
“Sorry kung sa second name kita natawa, nakatulala ka lang kasi kaya tinawag ulit kita. Gusto mo bang Adrian na lang ang itawag ko sa’yo?” Hindi ko na mapigilang bulalas kaya mahina naman siyang natawa at lumapit sa akin na hindi ko napaghandaan.
“No, it’s okay if you called me by my second name Amira. And it is better than my first name,” sagot naman niya kaya ngiti na lang ang sinagot ko sa kaniya at dumiretso sa lamesa kung saan naghahanda na si Nanay kaya mabilis akong lumapit at tinulungan siya.
“Ako na, Nay.”
“Huwag na, Amira. Paupuin mo na si Adrian para makapagsimula na tayong tatlo sa pagkain.” Utos ni Nanay kaya tumango na lang ako at binaling kay Levi ang paningin ko kung saan pinapanood niya lang kaming dalawa ni Nanay na mag-usap.
“Upo ka na. Pasensya na kung ito muna ang kaya naming ibigay kapalit ng pagtulong mo sa akin,” paghingi ko ng paumanhin kaya umiling naman siya at mabilis akong sinagot.
“Okay lang, wala naman problema sa akin itong ginagawa. Mas naappreciate ko pa ang ganito.” Nakangiting anas niya kaya naramdaman kong para namula ako dahil mas lalong lumabas ang kagwapuhan niya sa ginawa niyang pag-ngiti.
“Are you okay, Amira? Natulala ka, may masakit ba sa’yo” Nag-aalala niyang pagtatanong ng mapansin niya siguro ang nangyari sa akin kaya mabilis akong umiling at nahihiyang inabot sa kaniya ang kanin.
Kung pwede lang magpalamon sa lupa ay gagawin ko na. Nakakahiya, nahuli niyang nakatitig lang ako sa kaniya.
“Iho, ikaw lang ba ay bago dito sa lugar namin? Ngayon lang naman kasi nakita.” Si Nanay na ang bumasag ng katahimikan kaya uminom muna siya ng tubig bago kami sagutin. Bakit miski sa pag-inom ay napakagwapo nito?
Jusko, Amira! Tigilan mo ‘yan, baka mamaya ay may asawa na pala ang lalaking ito. Maninira pa ako ng relasyon ng iba.
“Opo Nay, bago lang po ako dito sa baryo natin. Nakatira lang po ako dyan sa may tabi ng resort. Inuupahan ko po,” pagsagot niya at nakahinga na lang ako ng maluwag ng marinig ko ang sinabi niya.
Baka kainin talaga ako ng hiya kapag nalaman kong siya mismo ang may-ari ng resort na nakatayo sa bayan namin. Pero nang marinig ko ‘yon ay pakiramdam ko ay nag-iingat siya sa mga salitang binabanggit niya.
Pakiramdam ko ay may tinatago pa siya.
“Ah ganoon ba, akala ko ay ikaw na ang may-ari ng resort na iyon. Mas lalong nakakahiya kapag ito lang ang inihanda namin sa iyo,” natatawang saad ni Nanay kaya mahina naman natawa itong katabi ko habang ako ay hindi ko magawa.
Nagdududa lang ako sa mga sinabi niya.
“MARAMING salamat talaga, Adrian sa ginawa mo sa Apo ko. Ako ay minsan ay nag-aalala kay Amira dahil bigla na lang itong nahihimatay sa sakit ng ulo niya. Mabuti na lang at nandoon kayo.” Muli na namang sambit ni Nanay kaya napailing na lang ako at napakamot sa ulo dahil baka naririndi na si Levi kakapasalamat ni Nanay.
“ Wala pong anuman, Nay. Salamat din po pala sa masarap na hapunan. Busog na busog po ako.”
“Ikaw bata ka, baka ako ay binobola mo lamang.”
“Naku, hindi po. Totoo po ‘yon,” nakangiting pagbibiro nito kay Nanay kaya nakangiti ko naman silang pinagmasdan na dalawa. Mukhang nagkapalagayan na sila ng loob, mabuti naman iyon.
“Sige po, Nay. Uuwi na rin po ako, salamat po.”
“Ganoon ba, sige Iho. Ikaw ay mag-iingat. Pasensya na kung hindi na kita maihahatid ni Amira baka kasi mamaya ay sumpungin siya ng sakit ng ulo sa daan. Mahirap na.” Paalam ni Nanay kaya napatango naman si Levi. Akala ko ay aalis na siya pero hindi pa dahil muli itong tumingin sa akin.
“Ahm… ingat. Salamat ng marami.” Tipid kong pamamaalam at ng sabihin ko ‘yon ay kita ko ang kislap sa mga mata niya at mas lalo pang lumawak ang pagkakangiti.
“Take care of yourself, Amira. See you.” Nakangiting pamamaalam niya at tuluyan niya na kaming tinalikuran ni Nanay. Habang pinapanood ko ang papalayong bulto ni Levi ay siya namang mahinang pagkurot sakin ni Nanay sa tagiliran.
“Nay naman…” Pagkukunwari kong naiinis pero pinandilatan niya lang ako ng mata at inasar na ako.
“Mukhang tipo ka ng bago dito sa baryo natin, Amira.”
AMIRAISANG himala ngayong umaga na paggising ko ay hindi na muli akong binangungot na ikinatuwa ko naman dahil magaan ang araw at dibdib ko. Wala na akong masyado pang iisipi at iiyakan kada magigising ako na sana ay magtuloy-tuloy na. Nang makalabas ako sa kwarto ay siya namang paglabas ni Nanay na tila ay kagigising niya lang. Rest Day namin ngayong dalawa kaya napagdesisyunan namin na maglaba sa may ilog para hindi na rin kami mahirapan.“Good morning, Nay.” Nakangiti kong salubong sa kaniya habang hinahanda ang agahan na tuyo at itlog na may kamatis. Nang madaanan ko siya ay nagtatakha niyang pinalibot ang mata niya sa buong katawan ko.“Mukhang maganda yata ang gising mo. Dahil ba kay pogi kahapon,” pang-aasar na naman niyang muli kaya napapadyak ako at natawa na naman siya.“Ayan ka na naman, Nay. Hindi naman siya yung dahilan eh. Masaya lang po ako kasi hindi na ako nanaginip ng masama kada gigising ako,” pagke-kwento ko na ikinatango naman niya. Kita ko rin ang pagbuntong hi
Main character: Adrian Lev Suarez & Amira Lorraine Santiago.Simula ng magising si Amira sa isang pamilyar na lugar ay saka niya lang naramdaman ang kaginhawaan sa kanyang buhay bukod doon ay wala siyang maalala sa kanyang sarili simula ng magising siya sa lugar na hindi niya kailanman napuntahan.Kahit nakaramdam siya ng kaginhawaan ay minsan iniisip niya kung sino ba talaga siya? Pakiramdam niya ay may kulang ang kanyang pagkatao. Tahimik na ang buhay niya sa bagong bayan na kinabibilangan niya pero muli na naman itong nagulo at ang mga ala-alang kanyang nalimutan ay unti-unti siyang binabalikan. Nagsimula lahat ng ito ng makilala niya si Adrian Lev Suarez, ang lalaking nakalimutan niya sa nakaraan.
HABANG hinahalingkwat ko ang mga dati kong gamit sa kwarto ay napatigil ako sa isang box na nasa ilalim ng kama. Ang sabi ni Nanay ay may nagpadala na lang daw nito sa hospital kung saan ako dinala dati. Kaya kinuha ko ito at pinagpagan dahil sa alikabok. Nang pagmasdan ko ito ay pakiramdam ko ay kapag binuksan ko ito ay malalaman ko kung sino ba talaga ako. Malamig man ang simoy ng hangin ay pinagpapawisan ako dahil sa kaba na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Kaya huminga muna ako ng malalim at dahan-dahan itong binuksan at doon ay bumungad sa akin ang ilang litrato na para bang ilang taon lang ang lumipas ng kuhanan ito. Hindi ko maproseso ang mga nakikita ko ngayon.Sa unang litrato ay nakasuot ako ng pangkasal kung saan ay may lalaki akong kasama at ang lalaking ito ay pamilyar na pamilyar sa akin. Halata sa mukha namin na para bang napilitan lang kami kaya hindi ko maiwasang matawa pero namumuo na ang luha sa mga mata ko.Sa pangalawang litrato na nakuha ko ay parang sa isan
AMIRA“Mi Amor, please come back to me. I miss you, wife. Please be with me again… bumalik ka na sa akin. Pakiusap, Amira.” “I’ll be good now, papayagan na kita sa mga bagay na gusto mo. Hindi na kita pipilitin pa. Magbabago ako, pangako. Bumalik ka lang.”Napaubo na lamang ako ng muli ko na naman mapanaginipan ang boses na iyon. Alam kong lalaki ito dahil sa lalim at laki ng boses nito pero sa kabila niyon ay ramdam ko ang pangungulila at pagmamakaawa sa boses niya na bumalik ako. “Umiiyak ka na naman, Amira?” Mabilis kong pinahid ang luha ko ng marinig ko ang boses ni Nanay Lourdes, anim na buwan na ang nakalipas. Ang naalala kong kwento nila ay nakita na lang daw nila ako malapit sa bangin dito malapit sa lugar nila. Duguan at wala na raw akong malay ng mga oras na ‘yon. Naalala ko pa noong magising ako, wala akong maalala kundi ang pangalan ko lamang at no’ng mga oras na ‘yon ay nabalot na ng lungkot at pangungulila ang pagkatao ko. Para bang lagi itong may hinahanap, palaging

AMIRA“Tumakbo ka na, Amira. Save yourself, wife!” Sigaw niya pero ang mukha niya ay malabo pero ang boses niya ay ganun pa rin, katulad ng mga napapanaginipan ko. Kitang-kita ko ang sarili ko na nababalot na rin ng dugo katulad ng lalaking pinapaalis ako. Nakita ko ang pag-iling ko at pilit hinahaltak palapit sa akin ang lalaking ito.“Ayoko, ayoko. Hindi kita iiwan dito,” ramdam ko ang sakit, takot at lungkot sa boses ko. Alam kong lumuluha na ako sa mga oras. Masyadong mabigat na naman sa puso ko ang nakikita ko ngayon. Ano ang ibig sabihin nito? Pakiramdam ko ay hindi na ito panaginip, memorya ko ba ‘to na nakalimutan ko?Kitang-kita ko ang dalawang tao na magkahawak kamay na tumatakbo sa loob ng kagubatan na para bang may tinatakasan sila. Nakatakip na lang ako sa tainga ko ng makarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril at tumatama ito sa direksyon nila. Napasigaw na lang ako sa takot ng tamaan silang dalawa, kitang-kita ko kung paano bumagsak ang lalaki habang ako ang saril