Share

Kabanata 3

Author: Hope
last update Last Updated: 2023-03-08 12:29:49

AMIRA

ISANG himala ngayong umaga na paggising ko ay hindi na muli akong binangungot na ikinatuwa ko naman dahil magaan ang araw at dibdib ko. Wala na akong masyado pang iisipi at iiyakan kada magigising ako na sana ay magtuloy-tuloy na. 

Nang makalabas ako sa kwarto ay siya namang paglabas ni Nanay na tila ay kagigising niya lang. Rest Day namin ngayong dalawa kaya napagdesisyunan namin na maglaba sa may ilog para hindi na rin kami mahirapan.

“Good morning, Nay.” Nakangiti kong salubong sa kaniya habang hinahanda ang agahan na tuyo at itlog na may kamatis. Nang madaanan ko siya ay nagtatakha niyang pinalibot ang mata niya sa buong katawan ko.

“Mukhang maganda yata ang gising mo. Dahil ba kay pogi kahapon,” pang-aasar na naman niyang muli kaya napapadyak ako at natawa na naman siya.

“Ayan ka na naman, Nay. Hindi naman siya yung dahilan eh. Masaya lang po ako kasi hindi na ako nanaginip ng masama kada gigising ako,” pagke-kwento ko na ikinatango naman niya. Kita ko rin ang pagbuntong hininga niya.

“Maganda naman at may improvement baka dahil nga kay pogi, ‘nak.” Pagpapatuloy niya pa kaya kunwari ko na lang siyang sinamaan ng tingin na ikinatawa naman niya. Pagkatapos kong mailuto ang agahan namin at isangag ang kanin ay nagsimula na kaming kumain.

“Nay, samahan na kita maglaba sa tabing ilog para hindi ka na rin mahirapan. Rest day ko naman ngayon,” saad ko habang kinakain ang tuyo na sinawsaw ko sa suka, napatingin naman siya sa akin ng marinig niya ‘yon. 

“Kahit sabihan na kita na kaya ko ay talagang matigas ang ulo mo. Hays, ikaw talaga Amira kailan ka ba makikinig sa akin.” 

Napangiwi na lang ako ng marinig ko ‘yon, sanay na ako dahil kada tutulungan ko siya sa mga bagay na dapat ay magaan lang ay palagi niya akong pinagsasabihan. Kesyo baka makasama daw sa akin at bigla na lang umatake ang suot ng ulo. 

“Wala Nay, matigas ulo ko eh,” nasabi ko na lang at nagpatuloy na sa pagkain. 

NAHULOG ang singsing na hawak-hawak ko ng matabig ko ito dahil inilapag ko ito sa maliit na lamesa na nasa kwarto ko para magpuyod ng buhok. Kaya dahan-dahan akong yumukod para hanapin ito kung saan ito nahulog. Nasa ilalim ng papag kaya sinuot ko ang ulo ko doon at wala ko naman kahirap-hirap na kinuha. 

Nang makuha ko na ito ay dumako naman ang paningin ko sa isang box na nakatago sa ilalim, matagal na itong nandito pero hanggang ngayon ay hindi ko pa nabubuksan. Sabi ni Nanay ay nakita niya ito sa harap ng pinto noong nahospital ako. Akmang kukuhanin ko na sana pero narinig ko ang pagtawag sa akin ni Nanay.

“Amira, halika na. Bago pa tayo abutan ng matinding init.” 

“Opo Nay, palabas na po.” Ganti ko at nagmamadaling isuot ang singsing na nahulog. Paglabas ko ay nakahanda na ang isang basket na lalabhan namin kaya mabilis ko itong binuhat at lumabas na. Hinayaan ko na lang na si Nanay na ang mag-lock ng pinto.

Ng ayos na ay nagsimula na kaming maglakad, mabuti na lamang ay malapit lang ang ilog dito at hindi na rin  mahihirapan si Nanay sa paglalaba. Habang binabagtas namin ang daan papunta doon ay nakasalubong pa namin ang iba naming kakilala at kapitbahay na papunta rin doon. 

Nakita ko ang pagkaway sa akin ni Shaniah kaya nginitian ko na lang siya bilang ganti dahil may bitbit nga akong basket. Mukhang siya lang ang maglalaba ngayon dahil patungo siya sa direksyon namin.

“Magandang umaga po, Nay.” Bati niya kaya napatingin dito si Nanay at nginitian.

“Magandang umaga din, Niah. Ikaw lang ang mag-isa?”

“Opo, nay. May inaasikaso lang po si Mama sa syudad kaya ako ang nakatoka sa paglalaba.” Pinakinggan ko na lang ang pag-uusap ng dalawa habang ako ay nakadako lang ang paningin sa daan. 

“Oo nga pala, Amira. Ayos ka na ba? Sorry kung hindi na kita napuntahan kahapon.” Sa kanya naman bumaling ang atensyon ko ng sabihin niya ‘yon kaya pabiro kong binangga ang balikat niya at natawa naman siya. 

“Wala ‘yon at saka ayos na ako. Medyo hindi na ako nananaginip ng masama ngayon. Sana ay magtuloy-tuloy na.” Nasabi ko na lang na ikinatango niya. Nang mapansin namin na malapit na kami ay inalalayan ko na si Nanay dahil malubak.

Habang ginagawa ko ‘yon ay nabigla na lang ako ng may humawak din kay Nanay sa kabila at pagtingin ko kung sino iyon ay si Ronald pala na ngayon ay may bitbit rin na isang basket. Nang mapansin na nakatingin ako sa kanya ay nginitian niya ako.

Aaminin ko ay gwapo naman si Ronald, matikas ang pangangatawan dahil batak ito sa iba’t-ibang trabaho. Moreno at tama lang ang tangkad niya kaya siguro ay maraming mga babae ang nahuhumaling dito lalo na itong katabi ko na kinukurot na ako sa braso dahil kasabay namin ang lalaking gusto niya.

“Isa pang kurot mo sa akin, itutulak kita.” Pagbabanta ko kay Shaniah na ngayon ay mabilis na tumigil at napanguso. 

“Ito naman, kinikilig lang yung tao. Grabe ang pagka-bitter.” Aniya kaya umiling na lang ako at inilapag na ang basket na dala namin habang si Nanay naman ay inilapag ang batsa sa lupa para makapagsimula na rin kami.

“Salamat Ronald,” paghingi ko ng pagpapasalamat kaya tinanguan at nginitian niya lang ako at nagmamadaling nilapitan ang Ina niya na tinawag siya para tulungan ito sa pagsalok ng tubig sa ilog. 

Nang makita kong nilalagyan na ni Nanay ng sabon ang batya ay kinuha ko ang timba at sumalok na rin ng tubig sa ilog para ilagay. Nang akmang bubuhatin ko na ay may isang kamay ang pumigil sa akin at siya mismo ang nagbuhat. Pagtingin ko kung sino ito ay nagsimula na naman bumilis ang tibok ng puso ko.

“Ako na, Levi. Nakakahiya kung ikaw pa ang magbitbit niyan. Hindi naman mabigat ‘yan,” paghabol ko sa kanya pero mukhang wala siya narinig dahil dire-diresto lang siya kay Nanay na ngayon ay gulat din ng makita kung sino ang kasama ko.

Miski ang mga kasabayan namin ay nakatitig lang sa lalaking ito. Paano ba naman kasi, sa gwapo nito pagbubuhatin ko lang ng isang timba ng tubig. Kaya napakamot ako sa ulo ko dahil sa nangyayari ngayon. Nahihiya na rin ako.

“Good morning, Nay Lourdes.” Pagbati ni Levi kay Nanay at muling umalis sa harap namin para magsalok ng tubig. Akmang susundan ko na sana ulit siya pero pinigilan ako ni Nanay Lourdes at pinaupo na sa tabi niya.

“Hayaan mo na siya, ‘nak. Nagkusang-loob na si Pogi.” Saad ni Nanay at wala na akong nagawa ng magsimula na siyang kusutin ang ibang damit habang ako ay pinagmamasdan lang si Levi na papunta ulit sa direksyon namin.

MATAPOS maanlawan at malabhan lahat ng damit ay talagang nanatili pa rin si Levi hanggang sa matapos kami ni Nanay sa paglalaba. Siya na mismo ang nagbitbit ng basket na dala namin kanina pauwi.

Kaya ngayon ay hinahanda ko na ang mga hanger na kailangan gamitin sa pagsampay. Nang ayos at nailabas ko na ay nakita ko ang dalawa na nagpapahinga at nagke-kwentuhan na hinayaan ko na lang. Nagsimula na rin ako sa pagsasampay ng mga damit.

Habang may kaniya-kaniya kaming ginagawa ay siya naman naramdaman ko ang presensya ni Levi sa likod na hindi ko na nilingon pero halos mabitawan ko ang damit na hawak ko ng lumapit siya sa pwesto ko at kumuha na rin ng isang damit para magsampay. 

“Wala ka bang magawa sa bahay mo at dito ka naman nagpunta?” Hindi ko na mapigilang tanong kaya ng maisampay niya na ang damit ay saka lang siya tumingin sa akin at natawa. Halos matulala ako pero pinigilan ko ang sarili ko. 

“Oo, ang boring kasi doon. Wala akong makausap.” Matapos niyang sabihin ‘yon ay nakita kong pinagmasdan niya ang mukha ko at dumako naman ang paningin niya sa kamay ko kung saan nakasuot ang singsing na hindi ko tinatanggal. Nakita ko ang pagliit ng mata niya at ang pagngisi bago tumingin sa akin.

“Amira, may asawa ka na?” 

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ybone Ruado
next pleaseeeeeeeeeee more thankyou
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Forgotten Wife   Description

    Main character: Adrian Lev Suarez & Amira Lorraine Santiago.Simula ng magising si Amira sa isang pamilyar na lugar ay saka niya lang naramdaman ang kaginhawaan sa kanyang buhay bukod doon ay wala siyang maalala sa kanyang sarili simula ng magising siya sa lugar na hindi niya kailanman napuntahan.Kahit nakaramdam siya ng kaginhawaan ay minsan iniisip niya kung sino ba talaga siya? Pakiramdam niya ay may kulang ang kanyang pagkatao. Tahimik na ang buhay niya sa bagong bayan na kinabibilangan niya pero muli na naman itong nagulo at ang mga ala-alang kanyang nalimutan ay unti-unti siyang binabalikan. Nagsimula lahat ng ito ng makilala niya si Adrian Lev Suarez, ang lalaking nakalimutan niya sa nakaraan.

    Last Updated : 2023-03-07
  • The Forgotten Wife   Simula

    HABANG hinahalingkwat ko ang mga dati kong gamit sa kwarto ay napatigil ako sa isang box na nasa ilalim ng kama. Ang sabi ni Nanay ay may nagpadala na lang daw nito sa hospital kung saan ako dinala dati. Kaya kinuha ko ito at pinagpagan dahil sa alikabok. Nang pagmasdan ko ito ay pakiramdam ko ay kapag binuksan ko ito ay malalaman ko kung sino ba talaga ako. Malamig man ang simoy ng hangin ay pinagpapawisan ako dahil sa kaba na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Kaya huminga muna ako ng malalim at dahan-dahan itong binuksan at doon ay bumungad sa akin ang ilang litrato na para bang ilang taon lang ang lumipas ng kuhanan ito. Hindi ko maproseso ang mga nakikita ko ngayon.Sa unang litrato ay nakasuot ako ng pangkasal kung saan ay may lalaki akong kasama at ang lalaking ito ay pamilyar na pamilyar sa akin. Halata sa mukha namin na para bang napilitan lang kami kaya hindi ko maiwasang matawa pero namumuo na ang luha sa mga mata ko.Sa pangalawang litrato na nakuha ko ay parang sa isan

    Last Updated : 2023-03-07
  • The Forgotten Wife   Kabanata 1

    AMIRA“Mi Amor, please come back to me. I miss you, wife. Please be with me again… bumalik ka na sa akin. Pakiusap, Amira.” “I’ll be good now, papayagan na kita sa mga bagay na gusto mo. Hindi na kita pipilitin pa. Magbabago ako, pangako. Bumalik ka lang.”Napaubo na lamang ako ng muli ko na naman mapanaginipan ang boses na iyon. Alam kong lalaki ito dahil sa lalim at laki ng boses nito pero sa kabila niyon ay ramdam ko ang pangungulila at pagmamakaawa sa boses niya na bumalik ako. “Umiiyak ka na naman, Amira?” Mabilis kong pinahid ang luha ko ng marinig ko ang boses ni Nanay Lourdes, anim na buwan na ang nakalipas. Ang naalala kong kwento nila ay nakita na lang daw nila ako malapit sa bangin dito malapit sa lugar nila. Duguan at wala na raw akong malay ng mga oras na ‘yon. Naalala ko pa noong magising ako, wala akong maalala kundi ang pangalan ko lamang at no’ng mga oras na ‘yon ay nabalot na ng lungkot at pangungulila ang pagkatao ko. Para bang lagi itong may hinahanap, palaging

    Last Updated : 2023-03-07
  • The Forgotten Wife   Kabanata 2

    AMIRA“Tumakbo ka na, Amira. Save yourself, wife!” Sigaw niya pero ang mukha niya ay malabo pero ang boses niya ay ganun pa rin, katulad ng mga napapanaginipan ko. Kitang-kita ko ang sarili ko na nababalot na rin ng dugo katulad ng lalaking pinapaalis ako. Nakita ko ang pag-iling ko at pilit hinahaltak palapit sa akin ang lalaking ito.“Ayoko, ayoko. Hindi kita iiwan dito,” ramdam ko ang sakit, takot at lungkot sa boses ko. Alam kong lumuluha na ako sa mga oras. Masyadong mabigat na naman sa puso ko ang nakikita ko ngayon. Ano ang ibig sabihin nito? Pakiramdam ko ay hindi na ito panaginip, memorya ko ba ‘to na nakalimutan ko?Kitang-kita ko ang dalawang tao na magkahawak kamay na tumatakbo sa loob ng kagubatan na para bang may tinatakasan sila. Nakatakip na lang ako sa tainga ko ng makarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril at tumatama ito sa direksyon nila. Napasigaw na lang ako sa takot ng tamaan silang dalawa, kitang-kita ko kung paano bumagsak ang lalaki habang ako ang saril

    Last Updated : 2023-03-07

Latest chapter

  • The Forgotten Wife   Kabanata 3

    AMIRAISANG himala ngayong umaga na paggising ko ay hindi na muli akong binangungot na ikinatuwa ko naman dahil magaan ang araw at dibdib ko. Wala na akong masyado pang iisipi at iiyakan kada magigising ako na sana ay magtuloy-tuloy na. Nang makalabas ako sa kwarto ay siya namang paglabas ni Nanay na tila ay kagigising niya lang. Rest Day namin ngayong dalawa kaya napagdesisyunan namin na maglaba sa may ilog para hindi na rin kami mahirapan.“Good morning, Nay.” Nakangiti kong salubong sa kaniya habang hinahanda ang agahan na tuyo at itlog na may kamatis. Nang madaanan ko siya ay nagtatakha niyang pinalibot ang mata niya sa buong katawan ko.“Mukhang maganda yata ang gising mo. Dahil ba kay pogi kahapon,” pang-aasar na naman niyang muli kaya napapadyak ako at natawa na naman siya.“Ayan ka na naman, Nay. Hindi naman siya yung dahilan eh. Masaya lang po ako kasi hindi na ako nanaginip ng masama kada gigising ako,” pagke-kwento ko na ikinatango naman niya. Kita ko rin ang pagbuntong hi

  • The Forgotten Wife   Kabanata 2

    AMIRA“Tumakbo ka na, Amira. Save yourself, wife!” Sigaw niya pero ang mukha niya ay malabo pero ang boses niya ay ganun pa rin, katulad ng mga napapanaginipan ko. Kitang-kita ko ang sarili ko na nababalot na rin ng dugo katulad ng lalaking pinapaalis ako. Nakita ko ang pag-iling ko at pilit hinahaltak palapit sa akin ang lalaking ito.“Ayoko, ayoko. Hindi kita iiwan dito,” ramdam ko ang sakit, takot at lungkot sa boses ko. Alam kong lumuluha na ako sa mga oras. Masyadong mabigat na naman sa puso ko ang nakikita ko ngayon. Ano ang ibig sabihin nito? Pakiramdam ko ay hindi na ito panaginip, memorya ko ba ‘to na nakalimutan ko?Kitang-kita ko ang dalawang tao na magkahawak kamay na tumatakbo sa loob ng kagubatan na para bang may tinatakasan sila. Nakatakip na lang ako sa tainga ko ng makarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril at tumatama ito sa direksyon nila. Napasigaw na lang ako sa takot ng tamaan silang dalawa, kitang-kita ko kung paano bumagsak ang lalaki habang ako ang saril

  • The Forgotten Wife   Kabanata 1

    AMIRA“Mi Amor, please come back to me. I miss you, wife. Please be with me again… bumalik ka na sa akin. Pakiusap, Amira.” “I’ll be good now, papayagan na kita sa mga bagay na gusto mo. Hindi na kita pipilitin pa. Magbabago ako, pangako. Bumalik ka lang.”Napaubo na lamang ako ng muli ko na naman mapanaginipan ang boses na iyon. Alam kong lalaki ito dahil sa lalim at laki ng boses nito pero sa kabila niyon ay ramdam ko ang pangungulila at pagmamakaawa sa boses niya na bumalik ako. “Umiiyak ka na naman, Amira?” Mabilis kong pinahid ang luha ko ng marinig ko ang boses ni Nanay Lourdes, anim na buwan na ang nakalipas. Ang naalala kong kwento nila ay nakita na lang daw nila ako malapit sa bangin dito malapit sa lugar nila. Duguan at wala na raw akong malay ng mga oras na ‘yon. Naalala ko pa noong magising ako, wala akong maalala kundi ang pangalan ko lamang at no’ng mga oras na ‘yon ay nabalot na ng lungkot at pangungulila ang pagkatao ko. Para bang lagi itong may hinahanap, palaging

  • The Forgotten Wife   Simula

    HABANG hinahalingkwat ko ang mga dati kong gamit sa kwarto ay napatigil ako sa isang box na nasa ilalim ng kama. Ang sabi ni Nanay ay may nagpadala na lang daw nito sa hospital kung saan ako dinala dati. Kaya kinuha ko ito at pinagpagan dahil sa alikabok. Nang pagmasdan ko ito ay pakiramdam ko ay kapag binuksan ko ito ay malalaman ko kung sino ba talaga ako. Malamig man ang simoy ng hangin ay pinagpapawisan ako dahil sa kaba na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Kaya huminga muna ako ng malalim at dahan-dahan itong binuksan at doon ay bumungad sa akin ang ilang litrato na para bang ilang taon lang ang lumipas ng kuhanan ito. Hindi ko maproseso ang mga nakikita ko ngayon.Sa unang litrato ay nakasuot ako ng pangkasal kung saan ay may lalaki akong kasama at ang lalaking ito ay pamilyar na pamilyar sa akin. Halata sa mukha namin na para bang napilitan lang kami kaya hindi ko maiwasang matawa pero namumuo na ang luha sa mga mata ko.Sa pangalawang litrato na nakuha ko ay parang sa isan

  • The Forgotten Wife   Description

    Main character: Adrian Lev Suarez & Amira Lorraine Santiago.Simula ng magising si Amira sa isang pamilyar na lugar ay saka niya lang naramdaman ang kaginhawaan sa kanyang buhay bukod doon ay wala siyang maalala sa kanyang sarili simula ng magising siya sa lugar na hindi niya kailanman napuntahan.Kahit nakaramdam siya ng kaginhawaan ay minsan iniisip niya kung sino ba talaga siya? Pakiramdam niya ay may kulang ang kanyang pagkatao. Tahimik na ang buhay niya sa bagong bayan na kinabibilangan niya pero muli na naman itong nagulo at ang mga ala-alang kanyang nalimutan ay unti-unti siyang binabalikan. Nagsimula lahat ng ito ng makilala niya si Adrian Lev Suarez, ang lalaking nakalimutan niya sa nakaraan.

DMCA.com Protection Status