Share

Kabanata 1

Author: Hope
last update Last Updated: 2023-03-07 20:48:41

AMIRA

“Mi Amor, please come back to me. I miss you, wife. Please be with me again… bumalik ka na sa akin. Pakiusap, Amira.” 

“I’ll be good now, papayagan na kita sa mga bagay na gusto mo. Hindi na kita pipilitin pa. Magbabago ako, pangako. Bumalik ka lang.”

Napaubo na lamang ako ng muli ko na naman mapanaginipan ang boses na iyon. Alam kong lalaki ito dahil sa lalim at laki ng boses nito pero sa kabila niyon ay ramdam ko ang pangungulila at pagmamakaawa sa boses niya na bumalik ako. 

“Umiiyak ka na naman, Amira?” 

Mabilis kong pinahid ang luha ko ng marinig ko ang boses ni Nanay Lourdes, anim na buwan na ang nakalipas. Ang naalala kong kwento nila ay nakita na lang daw nila ako malapit sa bangin dito malapit sa lugar nila. Duguan at wala na raw akong malay ng mga oras na ‘yon. 

Naalala ko pa noong magising ako, wala akong maalala kundi ang pangalan ko lamang at no’ng mga oras na ‘yon ay nabalot na ng lungkot at pangungulila ang pagkatao ko. Para bang lagi itong may hinahanap, palaging may kulang.

“Ang lalaki ba na naman ang laman ng panaginip mo, ‘nak?” Ulit niya kaya pinahid ko muna ang luhang tumulo sa mga mata ko bago siya tingnan at sagutin. Napabuntong hininga naman ito.

“Hindi ko pa man po kita ang mukha niya ay pakiramdam ko ay kilalang-kilala ko ang boses niya.” Sagot ko kay Nanay kaya napatango naman siya at tinulungan ako sa pag-aayos ng higaan ko.

“Pasensya na ‘nak kung hindi kita matulungan sa paghahanap kung sino ka ba talaga. Masyadong tago ang lugar na ito at minsan lang talaga puntahan ng mga turista,” aniya kaya napakagat labi na lamang ako marinig ko na naman ang lungkot sa boses niya.

Kaya hinawakan ko siya sa kamay bago nagsalita, “ayos lang po, Nay. Ang swerte ko nga po dahil kayo ang nakakita sa akin habang nag-aagaw buhay. Kung wala kayo ay hindi na siguro ako nandito ngayon.” Pagpapagaan ko ng loob niya kaya napangiti naman siya.

“Agang-aga ay ganito na naman tayo. Tama na muna at tayo ay mag-agahan na, paniguradong papasok ka na naman sa trabaho mo dito sa maliit na bayan natin.” Pagyaya niya kaya natawa ko naman sinukbit ang braso ko at nagpatianod na lang sa kaniya.

Simula ng gumaling ako anim na buwan na ang nakakalipas ay sinikap nila Nanay na hanapin kung sino ako pero lagi silang bigo dahil malayo nga pala ang bayan na ito sa siyudad at minsan na lang puntahan kaya nahirapan din kami.

Miski ako noong una ay grabe rin ang paghihirap ko, palagi akong nananaginip ng masama. Puro dugo ang lagi kong nakikita sa aking panaginip at kada gigising ako ay lagi akong lumuluha dahil sa boses na lagi kong naaalala sa panaginip ko.

Sa bawat oras, araw, at buwan na dumadaan ay gusto ko man hanapin kung sino ba ako at ano ang koneksyon ko sa lalaking lagi kong napapanaginipan ay bigo ako dahil hindi ko alam kung paano magsisimula at wala akong pera para hanapin siya.

“Magandang araw, Amira. Mas maganda talaga ang umaga kapag ikaw ay aking laging nakikita.” 

Natawa na lang ako ng batiin ako ni Ronald habang nagwawalis ng tapat niya kaya sinaway naman siya ni Gina na ngayon ay nagsasampay naman at nakapamewang na. 

“Hoy Ronald, tigilan mo na nga ‘yang si Amira. May asawa na ‘yan, hindi mo ba nakikita ang singsing na suot niyan?” Ramdam ko ang pagtataray sa boses niya kaya sa kanya naman bumaling ang tingin ni Ronald at sinagot ito na okay ikinailing ko na lamang.

“Pake ko,” aniya at hinayaan na lang ang dalawa na magbangayan. Kada dadaan kasi ako dito ay ako lagi ang napagdidiskitahan ng lalaking ‘yon. 

Habang binabaybay ko ang daan papunta sa trabaho ko sa isang maliit na grocery dito sa lugar namin ay muli na naman akong napatingin sa singsing na suot ko. Simula ng magising ako ay hindi ko na tinanggal ‘to at wala na akong balak tanggalin pa.

Pinagmasdan ko maigi ito, halata mong mamahalin dahil may nakapalibot na maliliit na batong kumikinang dito. Kahit gusto kong paniwalaan na may asawa na ako ay hindi ko minsan magawa dahil kung meron man ay sana hinanap niya na ako. 

Sa tagal kong nandito sa tagong lugar sa Laguna miski na isang tao ay walang naghanap sa akin, masakit dahil sa bawat araw na dumadaan ay umaasa ako na may sumulpot na lang sa harapan ko para ibalik ako kung nasaan ba talaga ako. 

Simula ng napadpad ako dito sa isang baryo dito sa Laguna ay masasabi kong maayos at tahimik lamang ang pamumuhay dito kahit kaunti lamang ang access pero kumpleto naman ito sa mga bagay na talagang mapapakinabangan katulad nga ng maliit na grocery na ito tatlong buwan na ang nakalipas ng ipatayo ito.

Tuwang-tuwa ang mga tao dito sa baryo na ito dahil sa wakas ay may isang tao na ang gumawa ng proyekto na ito na matagal na nilang hinihiling sa gobyerno pero palaging walang tugon dahil sa kakulangan at layo ng lugar na ikinalungkot ko naman. 

Kahit ganoon ay dapat tinutugon pa rin nila ang hinaing ng nasasakupan nila, alam kong mahirap pero kung pangangailangan na ng isang mamamayan ang hinihiling nila dapat ay gumawa tayo ng paraan para matugunan ito. Dahil isa ‘yon sa pwede pang maging dahilan para pagkatiwalaan ka ng nasasakupan mo.

Masarap sa pakiramdam na tahimik at maayos ang lugar na napuntahan ko pero sa kabila niyon ay nandito pa rin ang kakulangan at lungkot na nararamdaman ko dahil alam kong may kulang lagi sa akin. Gusto ko man hanapin pero hindi ko alam kung paano, ang hirap pala kapag alaala na ang nawala sa’yo. Hindi mo alam kung sino at saan ka ba nagmula. 

"Magandang araw, Amira!" Masiglang bati sa akin ni Shaniah ng makapasok na ako sa loob kaya magaan ko naman siyang nginitian na ikinatili naman niya ng mahina.

"Ang ganda-ganda mo talaga! Lalo na kapag ngumingiti," puri niya na ikinakamot ko na lang sa ulo dahil nahiya ako. 

"Tumigil ka nga dyan, Sha." Nasabi ko na lamang pero inismiran niya lamang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa niya. Habang inaayos at chinecheck ko naman ang mga item dito ay saka naman nagsalita si Sha na may binibilang. 

“Alam mo na ba yung kumakalat na balita dito sa baryo natin?” Pagtatanong niya kaya saglit akong napatigil sa ginagawa ko at nilingon ang pwesto niya. Pinaglalaruan niya na ang ballpen na hawak niya.

“Ano na naman ang nasagap mo?” Usisa ko pero ang totoo niyan ay gusto ko rin malaman ang nalaman niya. Siguro sa sobrang busy ko ay hindi ko na alam kung ano ang pinag-uusapan nila.

“May isang entrepreneur raw na dito na titira, ewan ko lang kung lalaki o babae. Sa pagkakaalam ko rin siya rin ang nagpatayo nitong grocery kaya grabe ang paghahanda at pasasalamat ng kapitan natin dahil siya ang sasalubong,” paliwanag niya dahilan para kumabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o pagkasabik na malaman kung sino ang taong ito. 

“Kailan mo nalaman ‘yan?” 

“Nitong nakaraang araw lang, alam ko ay nandito na siya pero hindi pa naman raw nalabas sa bahay. Sabi ito rin daw ang bumili ng resort diyan at doon nakatigil. Mukhang mayaman nga, be.” Ramdam ko ang tuwa sa boses niya na ikinailing ko na lamang.

“Ah, ibig sabihin makikita natin siya dito.” Nasabi ko na lamang at hindi ko na muling narinig pa ang sagot ni Sha dahil bumukas ang pinto ng grocery store namin dahil tumunog ang chime nito. 

Hindi ko na lang pinansin dahil alam kong aasikasuhin naman siya ni Sha pero iyong kasama ko yata ay natanggalan na ng dila dahil hindi ito nasagot sa tanong ng bumibili.

Kaya humarap na ako at nakita kong nakatulala lang ito sa lalaking nakatalikod sa akin. Likod pa lamang ay masasabi kong matikas ang pangangatawan niya dahilan para sumakit ang ulo ko pero ininda ko ito at dahan-dahan lumapit sa kanila. 

Habang tinatahak ko ang distansiya naming tatlo ay siya namang bumibilis ang tibok ng puso ko, ramdam ko na ang panlalamig ng kamay ko, ang pawis ko sa noo ay unti-unti ng namumuo habang ang mga tuhod ko naman ay nanghina. 

“Sha, may tinatanong ang customer natin,” saad ko ng makaharap na ang dalawa. Naka-side view lang itong lalaki kaya hindi ko masyadong makita ang buo ng mukha niya pero ang kaninang simpleng sakit ng ulo ko ay bigla na lamang tumindi kaya napakagat labi ako para hindi nila mapansin ang nangyayari sa akin.

“It’s okay, hindi naman ako nagmamadali,” sagot niya sa akin at halos matulos ako sa kinatatayuan ko ng humarap sa akin ang lalaking ito at mahina akong napadaing ng tumindi pa lalo ang sakit ng ulo ko dahilan para mabilis na kumilos ang dalawa na ngayon ay tila natataranta na.

At halos gumuho ang sistema ko ng hawakan ako ng lalaking ‘to sa braso kaya may mga imahe na sumulpot ng pumikit ako. Halo-halo ito na malabo, sobrang gulo dahilan para nabuwal ako sa pagkakatayo na mabilis naman niyang sinalo. Naramdaman kong pumalibot ang braso niya sa bewang ko habang si Sha naman ay pilit akong ginigising. 

“Amira, anong nangyayari sa’yo?” 

Pilit kong binabalik ang huwisyo ko pero nagsimula ng gumulo at maghalo-halo sa akin ang lahat dahil sa lalaking may hawak sa akin ngayon. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya habang tinatapik niya ang pisngi ko. 

“S-sino ka?”

Related chapters

  • The Forgotten Wife   Kabanata 2

    AMIRA“Tumakbo ka na, Amira. Save yourself, wife!” Sigaw niya pero ang mukha niya ay malabo pero ang boses niya ay ganun pa rin, katulad ng mga napapanaginipan ko. Kitang-kita ko ang sarili ko na nababalot na rin ng dugo katulad ng lalaking pinapaalis ako. Nakita ko ang pag-iling ko at pilit hinahaltak palapit sa akin ang lalaking ito.“Ayoko, ayoko. Hindi kita iiwan dito,” ramdam ko ang sakit, takot at lungkot sa boses ko. Alam kong lumuluha na ako sa mga oras. Masyadong mabigat na naman sa puso ko ang nakikita ko ngayon. Ano ang ibig sabihin nito? Pakiramdam ko ay hindi na ito panaginip, memorya ko ba ‘to na nakalimutan ko?Kitang-kita ko ang dalawang tao na magkahawak kamay na tumatakbo sa loob ng kagubatan na para bang may tinatakasan sila. Nakatakip na lang ako sa tainga ko ng makarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril at tumatama ito sa direksyon nila. Napasigaw na lang ako sa takot ng tamaan silang dalawa, kitang-kita ko kung paano bumagsak ang lalaki habang ako ang saril

    Last Updated : 2023-03-07
  • The Forgotten Wife   Kabanata 3

    AMIRAISANG himala ngayong umaga na paggising ko ay hindi na muli akong binangungot na ikinatuwa ko naman dahil magaan ang araw at dibdib ko. Wala na akong masyado pang iisipi at iiyakan kada magigising ako na sana ay magtuloy-tuloy na. Nang makalabas ako sa kwarto ay siya namang paglabas ni Nanay na tila ay kagigising niya lang. Rest Day namin ngayong dalawa kaya napagdesisyunan namin na maglaba sa may ilog para hindi na rin kami mahirapan.“Good morning, Nay.” Nakangiti kong salubong sa kaniya habang hinahanda ang agahan na tuyo at itlog na may kamatis. Nang madaanan ko siya ay nagtatakha niyang pinalibot ang mata niya sa buong katawan ko.“Mukhang maganda yata ang gising mo. Dahil ba kay pogi kahapon,” pang-aasar na naman niyang muli kaya napapadyak ako at natawa na naman siya.“Ayan ka na naman, Nay. Hindi naman siya yung dahilan eh. Masaya lang po ako kasi hindi na ako nanaginip ng masama kada gigising ako,” pagke-kwento ko na ikinatango naman niya. Kita ko rin ang pagbuntong hi

    Last Updated : 2023-03-08
  • The Forgotten Wife   Description

    Main character: Adrian Lev Suarez & Amira Lorraine Santiago.Simula ng magising si Amira sa isang pamilyar na lugar ay saka niya lang naramdaman ang kaginhawaan sa kanyang buhay bukod doon ay wala siyang maalala sa kanyang sarili simula ng magising siya sa lugar na hindi niya kailanman napuntahan.Kahit nakaramdam siya ng kaginhawaan ay minsan iniisip niya kung sino ba talaga siya? Pakiramdam niya ay may kulang ang kanyang pagkatao. Tahimik na ang buhay niya sa bagong bayan na kinabibilangan niya pero muli na naman itong nagulo at ang mga ala-alang kanyang nalimutan ay unti-unti siyang binabalikan. Nagsimula lahat ng ito ng makilala niya si Adrian Lev Suarez, ang lalaking nakalimutan niya sa nakaraan.

    Last Updated : 2023-03-07
  • The Forgotten Wife   Simula

    HABANG hinahalingkwat ko ang mga dati kong gamit sa kwarto ay napatigil ako sa isang box na nasa ilalim ng kama. Ang sabi ni Nanay ay may nagpadala na lang daw nito sa hospital kung saan ako dinala dati. Kaya kinuha ko ito at pinagpagan dahil sa alikabok. Nang pagmasdan ko ito ay pakiramdam ko ay kapag binuksan ko ito ay malalaman ko kung sino ba talaga ako. Malamig man ang simoy ng hangin ay pinagpapawisan ako dahil sa kaba na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Kaya huminga muna ako ng malalim at dahan-dahan itong binuksan at doon ay bumungad sa akin ang ilang litrato na para bang ilang taon lang ang lumipas ng kuhanan ito. Hindi ko maproseso ang mga nakikita ko ngayon.Sa unang litrato ay nakasuot ako ng pangkasal kung saan ay may lalaki akong kasama at ang lalaking ito ay pamilyar na pamilyar sa akin. Halata sa mukha namin na para bang napilitan lang kami kaya hindi ko maiwasang matawa pero namumuo na ang luha sa mga mata ko.Sa pangalawang litrato na nakuha ko ay parang sa isan

    Last Updated : 2023-03-07

Latest chapter

  • The Forgotten Wife   Kabanata 1

    AMIRA“Mi Amor, please come back to me. I miss you, wife. Please be with me again… bumalik ka na sa akin. Pakiusap, Amira.” “I’ll be good now, papayagan na kita sa mga bagay na gusto mo. Hindi na kita pipilitin pa. Magbabago ako, pangako. Bumalik ka lang.”Napaubo na lamang ako ng muli ko na naman mapanaginipan ang boses na iyon. Alam kong lalaki ito dahil sa lalim at laki ng boses nito pero sa kabila niyon ay ramdam ko ang pangungulila at pagmamakaawa sa boses niya na bumalik ako. “Umiiyak ka na naman, Amira?” Mabilis kong pinahid ang luha ko ng marinig ko ang boses ni Nanay Lourdes, anim na buwan na ang nakalipas. Ang naalala kong kwento nila ay nakita na lang daw nila ako malapit sa bangin dito malapit sa lugar nila. Duguan at wala na raw akong malay ng mga oras na ‘yon. Naalala ko pa noong magising ako, wala akong maalala kundi ang pangalan ko lamang at no’ng mga oras na ‘yon ay nabalot na ng lungkot at pangungulila ang pagkatao ko. Para bang lagi itong may hinahanap, palaging

  • The Forgotten Wife   Simula

    HABANG hinahalingkwat ko ang mga dati kong gamit sa kwarto ay napatigil ako sa isang box na nasa ilalim ng kama. Ang sabi ni Nanay ay may nagpadala na lang daw nito sa hospital kung saan ako dinala dati. Kaya kinuha ko ito at pinagpagan dahil sa alikabok. Nang pagmasdan ko ito ay pakiramdam ko ay kapag binuksan ko ito ay malalaman ko kung sino ba talaga ako. Malamig man ang simoy ng hangin ay pinagpapawisan ako dahil sa kaba na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Kaya huminga muna ako ng malalim at dahan-dahan itong binuksan at doon ay bumungad sa akin ang ilang litrato na para bang ilang taon lang ang lumipas ng kuhanan ito. Hindi ko maproseso ang mga nakikita ko ngayon.Sa unang litrato ay nakasuot ako ng pangkasal kung saan ay may lalaki akong kasama at ang lalaking ito ay pamilyar na pamilyar sa akin. Halata sa mukha namin na para bang napilitan lang kami kaya hindi ko maiwasang matawa pero namumuo na ang luha sa mga mata ko.Sa pangalawang litrato na nakuha ko ay parang sa isan

  • The Forgotten Wife   Description

    Main character: Adrian Lev Suarez & Amira Lorraine Santiago.Simula ng magising si Amira sa isang pamilyar na lugar ay saka niya lang naramdaman ang kaginhawaan sa kanyang buhay bukod doon ay wala siyang maalala sa kanyang sarili simula ng magising siya sa lugar na hindi niya kailanman napuntahan.Kahit nakaramdam siya ng kaginhawaan ay minsan iniisip niya kung sino ba talaga siya? Pakiramdam niya ay may kulang ang kanyang pagkatao. Tahimik na ang buhay niya sa bagong bayan na kinabibilangan niya pero muli na naman itong nagulo at ang mga ala-alang kanyang nalimutan ay unti-unti siyang binabalikan. Nagsimula lahat ng ito ng makilala niya si Adrian Lev Suarez, ang lalaking nakalimutan niya sa nakaraan.

DMCA.com Protection Status