"Dave, i think it's time for us to...""It's time for us to break-up!" Malinaw ang sinabing iyon ni Irish.Nanlaki ang mga mata ni Dave.Ngunit hindi na narinig ni Daniel pa iyon, hinila niya kasi agad si Daniel mula sa pagkakaupo nito kaya nagulat din si Irish sa mabilis na ginawang iyon ni Daniel. Iniharang ni Daniel ang katawan niya kay Irish."Anong ginagawa mo!" bulong ni Irish."May nakita akong pulang laser na tumama sa mismong dibdib mo. Kailangan na nating umalis dahil baka may nagtatangka sa buhay mo dito Ma’am!" tuloy ang pagdadrama niya. Ang mahalaga noon ay hindi matuloy si Irish sa pagproprose kay Dave."Laser? Nasaan?" Hindi magawang matakot ni Irish sa sinabing iyon ni Daniel. Halata kasi talaga sa mukha nito ang pagsisinungaling.Napakamot si Daniel."Basta. Nakita ko kanina!"Tumayo si Dave na namumula ang mukha sa galit. Hinawakan nito ang basong may lamang juice. Tumitig siya sa noon nakatayong si Irish sa likod ni Daniel. Walang balak si Daniel na iharap pa si Iri
"Tama, oh ano ngayon? Gusto mong solohin siya? Baka mas bagay sa'yong maging single. Konting-konti na lang di ko na natitiis pa ang lahat ng ito!""Ibig sabihin nakabuntot ang mga 'yan kahit saan tayo pupunta."Kaya nga bodyguard e! Tanga!""May problema ba sa kanila. Puwede ko naman silang palayuin sila sa atin kung naiilang ka.""Then, please! Utang na loob. Parang lahat ng sinasabi ko may nakikinig lalo na 'yang isang 'yan oh! Ang sama ng tingin eh!.""Huwag kang pumayag, Irish! Huwag mo akong paalisin dito! Bakit ba pinag-iinitan ako ng espasol na 'to e, nanahimik na nga kaming nakatayo.""Daniel, Christian, pwede bang lumayo muna kayo? Okey na kami dito." nakangiting pakiusap ni Irish sa kanila."Sigurado ka, Ma’am?" nagdadalawang isip na tanong ni Daniel."Oo, naman. Sigurado ako."Mabigat man sa loob ni Daniel ay lumayo sila ni Christian. Mula sa di kalayuan, kahit di na niya naririnig ang usapan ng dalawa ay parang may kung anong kurot sa dibdib niya na makitang masaya na sa i
"See, wala ka na naman sa sarili mo. Irish, anong nangyayari? Just please be honest, do you still love me?"Mabilis siyang tumango. "Yes! I still do, Bob.""Show it! Kasi hindi ko na maramdaman yun sa'yo ngayon.""Well, let me prove it to you. Bukas, out of town tayo. Let's go to the beach in Batangas?""I like that, but wait, don't tell me na kasama pa rin sila?" inginuso niya sina Christian at Daniel."Oo naman.""Damn it!" Huminga nang malalim si Kurt. Uminom ng tubig."Sa beach lang naman, we still have our privacy in our hotel room.""Hindi ba talaga puwedeng tayo lang?""Di ako papayagan ni Daddy na umalis na wala ang mga 'yan.""Talaga? Bakit noon pwede naman ah. Nakakatakas ka pa nga. Pero ngayon, napakarami nang arte. I don't intend to be inquisitive. Perhaps, more on curiosity, kailangan ba talaga dalawang guwapo ang bodyguard mo? Hindi ka ba nagkagusto man lang sa dalawang 'yan?""Come on Bob! Don't be ridiculous!" palusot niya dahil sa totoo lang kinabahan siya sa tanong n
Ano kayang naging buhay niya kung wala si Janna na siyang palaging nandiyan para sa kaniya? Masipag at mabait na babae, siya ang gumagawa sa lahat. Kaya nga kahit lumipat siya ng bahay, parang di pa rin niya naranasan yung hirap ng mabuhay mag-isa kasi si Janna ang nagluluto, naglilinis ng bahay o kaya naglalaba sa mga damit niya sa tuwing wala itong pasok o kahit anong oras na naiisipan nitong puntahan siya dahil may sarili naman din itong susi. Madalas nga kapag umuuwi siya galing sa trabaho ay naabutan na niya si Janna na nagluluto o kaya paggising niya ng umaga ay nakahanda na ang almusal niya. Ganoon siya kasuwerte dahil bukod sa maganda, mabait ay sobrang responsable pang babae. Hindi mahirap mahalin ang kagaya ni Janna kaya nga hindi niya iyon kayang iwan ng gano'n na lang. Hindi madali ang hinihingi sa kaniya ni Irish.Nagpadala siya ng good night text kay Irish kanina pero hindi man lang ito nagreply. Gusto niyang i-text siyang muli ngunit ayaw niyang magmukhang desperado. An
"I don't know!"Muling hinawakan ni Kurt ang kanyang malulusog at malalambot na dibdib.Hindi na lang sana nila papansinin ang nagba-buzzer ngunit sunud-sunod pa rin ang pagtunog nito."Fuck! Nabibitin ako ne'to!" singhal ni Kurt. Tumayo siya mula sa pagkakaluhod at naglakad papunta sa kama. Ibinagsak niya ang hubad na katawan.Nagdamit si Irish at sumilip siya sa pintuan. Nakita niyang si Daniel ang nandoon."Anong kailangan mo?" mabilis niyang tanong pagkabukas niya ng pintuan."I need to check your room, Ma’am. Gusto ko lang makasigurong ligtas kayo sa loob. No hidden cameras at walang bomba." Nilakasan niya iyon para marinig din ni Kurt."Are you crazy?" Naguguluhang tanong ni Irish. Hindi na niya naiitindihan si Daniel."Oo, kagabi pa ako nababaliw sa di ko maintindihang ginawa mo sa akin! Akala mo ba hahayaan kong may mangyari sa inyo ni Espasol?" iyon ang nasa isip ni Daniel ngunit hindi niya masabi."Ma’am, protocol ho iyan. Kung di ginagawa 'yan ng mga PSG mo dati, ibahin mo
"Lintik na! Nauubusan na ako ng pakulo para di sila matuloy! Letcheng buhay 'to! Di ba niya nararamdamang gumagawa talaga ako ng paraan para harangan sila? Napaka-insentive mo Irish!" isinuntok ni Daniel ang kamao niya sa nakabuka niyang palad.Dahan-dahan siyang naupo sa tapat ng nakasarang pintuan nina Irish. Nag-iisip kung anong palusot ang gagawin niya para di tuluyang mangyari ang iniisip niyang gagawin ng dalawa sa loob ng kuwarto. Kung nakikita lang siguro ni Christian ang pagkabalisa niya ngayon, paniguradong pagtatawanan siya no'n. Mabuti at pinauna niyang matulog at sa madaling araw ay si Christian naman ang magbabantay at siya naman ang matutulog.Ilang sandali pa ay kinukutuban na siyang may nangyayari na sa loob."Tang-ina! Ano ba itong naiisip kong panibagong palusot. Ambabaw lang! Saka yung idea na magsisinungaling ako at gagamitin ko pa ang pangalan ng Presidente! Bahala na!"Pipindutin pa lang sana niya ang buzzer ngunit natigilan muli siya. Masyadong mababaw ang dahi
Tumigil sandali si Kurt ngunit pinauuna na siya ni Daniel at sinabi nitong siya na ang bahala sa boss niya kaya mabilis na tinungo ni Kurt ang elevator."Ano pang ginagawa mo? Tara na!" hinawakan ni Daniel ang braso ni Irish.Pagkakuha niya sa cellphone at wallet niya ay sabay na ang dalawang tumakbo. Sa Elevator sana sasakay si Irish ngunit pinigilan siya ni Daniel."Kapag may sunog, hindi dapat ginagamit ang elevator. Dito tayo sa hagdanan dadaan."Bubuksan palang sana ni Daniel ang pintuan papunta sa hagdanan ngunit mas mabilis iyong ginawa ni Christian."Kuya, false alarm lang 'yun. Maniwala ka sa akin." binulong iyon ni Christian habang mabilis silang bumababa sa hagdanan."Pa'nong naging false alarm at bakit sila mag-fa-fire alarm sa ganitong oras?""Basta." nagkamot. Hindi makatingin ng diretso."May kinalaman ka ba dito Bok?""Sorry. Sinubukan ko lang kasing magyosi ta's nang makita ko yung smoke detector, sinubukan ko kung gumagana. Gumagana pala. Kaya hayun, naglikha ng inga
Huminga ng malalim si Irish. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya."Bakit hindi di ka makasagot? May relasyon ba kayo?""Di ako makasagot dahil nalilito ako sa isasagot ko sa tanong mo.""Anong nakakalito sa pagsagot lang ng meron o wala?""Kung relasyon ang tinatanong mo, wala kaming relasyon ni Daniel, Bob. Walang kami ngunit inaamin kong may mga nangyari sa amin noong nasa probinsiya ako. Iyon lang 'yun.""Then, that's it. Kahit pa sabihing di nagiging kayo pero may mga nangyari sa inyo." Sandaling tumigil si Kurt. Pilit niyang inunawa ang sitwasyon. "Ayaw kong magmalinis, ayaw ko ring isiping niloloko mo ako at pinaglalaruan dahil noong nangyari ang lahat sa inyo ay wala pang masasabing tayo. Pero Irish, what about now? Now that we formally have this commitment. Tayo na and yet sasama ka sa kaniya para makipag-usap na parang wala kang masasaktan?""I'm sorry Bob. Tama ka, and I am so stupid na ginagawa ko ito." Tumingin siya kay Daniel. Tinanggal niya kamay niya na hawak pa