Share

Chapter 6

Author: Rixxxy
last update Huling Na-update: 2023-11-15 20:17:01

MARIING binasa ni Herbert ang pirma ni Eleanor sa kanilang divorced paper. Hindi niya alam kung bakit imbes na masiyahan ay tila may pait siyang nararamdaman dahil doon. 

Matapos ang nangyaring pagdating ni Noah Madrigal ay hindi niya na nahabol pa ito at ang asawa niya. Pinigilan din siya ng kaniyang ina at ni Clarisse para gawin iyon. 

Hindi niya maintindihan kung anong koneksyon ng dalawa. Wala siyang maalalang magkakilala ang dalawa kaya nagtataka siya kung paano at bakit kinuha ng lalaki ang asawa niya. Palaisipan sa kaniya ang nangyaring iyon.

Wala namang telepono si Eleanor para sana matawagan niya kaya naman naisipan niyang puntahan na lang ito sa mansion ng mga Madrigal. Asawa pa rin niya ito at nag aalala siya kahit papano dahil nakita niya kung paano ito nawalan ng malay habang dumudugo ang ulo. Gusto niyang malaman kung ano na ang kalagayan nito. Pero ang higit ay kailangan niyang malaman kung bakit dinala ito ng kaniyang katunggali noon pa man na si Noah Madrigal.

Ngunit nang dumating siya sa mansion ng mga ito ay pinaalis lamang siya ng mga gwardiya doon na tila asong tinaboy. Kaya naman nang bumalik siya sa mansion ay nanggagalaiti siya. 

Matagal nang may alitan ang pamilya nila at ng mga Madrigal ngunit hindi niya akalaing ipagdadamot ng mga ito na makita niya ang kaniyang sariling asawa.

“Sinabi ko naman kasi sayong hayaan mo na ang babaeng iyon, Herbert. Hayaan mo na siya doon sa Madrigal na iyon. Hindi mo ba napansin? Mukhang may relasyon ang dalawang iyon--” Ani ng kaniyang ina, na siyang nagpakita ng divorced paper sa kaniya.

Inis siyang bumaling dito at hindi ito pinatapos sa pagsasalita. “Tumahimik ka nga ma! Hindi ganun si Eleanor. At hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niyo sa kaniya!”

Umirap ito sa kaniya. 

Hindi naman lingid sa kaniya na hindi magkasundo ang kaniyang pamilya at si Eleanor, lalo na ang ina niya. Ngunit hindi niya naman akalaing pisikal na sinasaktan pala ng mga ito si Eleanor. At dahil nga sa kaniyang pagiging walang alam ay pinaniwalaan niya ang mga ito na wala silang ginawa kay Eleanor. Ngunit nang panoorin niya ang cctv ay nakita niya ang katotohanan mula doon. Nakita niya ang ginawang pagtulak at pagsabunot ng kaniyang ina kay Eleanor. Maging ang pagtapon nito at ng kaniyang dalawang kapatid sa mga gamit ni Eleanor bago pa man ang pagdating niya at ni Noah Madrigal.

Ngayon ay naiintindihan niya na kung bakit malimit niyang makitang may pasa ang babae noon. Buong akala niya kasi ay lampa lamang talaga ito. Bigla na naman siyang nakaramdam ng konsensiya.

“Huwag mong sabihing mahal mo parin ang babaeng iyon kuya Herbert?” tanong ni Shiela.

Natigilan si Herbert at napamaang sa tanong ng kapatid. 

“Of course not, Shiela. Hindi na mahal ni Herbert ang babaeng iyon. Right, Herbert?” malambing na tanong ni Clarisse na tumayo at lumapit sa kaniya.

Matamis siyang nginitian nito bago hinaplos ang mukha niya hanggang sa iangkla na ang mga braso sa kaniyang balikat.

Napalunok si Herbert bago mabagal na tinanguan ito, nahihipnotismo sa mukha ng babae.

Maganda si Clarisse. Sobrang ganda. Mayroon itong singkiting mga mata, matangos na ilong at mapulang- mapulang labi. Sa madaling salita ay tila isang koreana kahit na purong pilipino. At higit pa ngang lumalitaw ang ganda nito kapag may kolorete ang mukha. Ngunit bukod sa maganda nitong mukha ay mayroon din itong kaakit akit na katawan. Maganda ang kurba niyon at may malulusog na dibdib at likuran.

Kaya naman noong unang beses niya itong nakita ay nabihag na agad siya sa ganda nito. Pinilit niya  lamang ang sariling huwag itong lalong magustuhan dahil may asawa na siya. Kaya naman hindi niya halos mapaniwalaan nang magtapat ito sa kaniya. Dahil bukod nga sa full package na ang babae ay anak pa ito ng kanilang chairman sa kumpaniyang pinapasukan.

Kaya naman nang magtapat ito, hindi na rin siya nagpaligo ligoy pa. Ipinagtapat niya na rin ang totoo dito, na nagugustuhan niya na rin ito. Kahit pa na sa mata ng diyos at ng lahat ay kasalanan iyon.

Tago lang ang relasyon nila noong una, dahil na rin sa hiling niyang itago muna iyon. Ngunit kahit anong tago niya ay nalaman iyon ng kaniyang pamilya. Ngunit imbes na magalit ay natuwa pa ang mga ito para sa kanila, lalo na nang malamang nabuntis niya si Clarisse.

“O-Of course, hindi ko na mahal si Eleanor, Clarisse. Ikaw na ang mahal ko ngunit asawa ko parin siya at—”

Ngumiwi ito sa kaniya bago kinuha ang papel mula sa kamay niya at iniharap iyon sa mukha niya.

“Ano ba ang tawag dito, Herbert? Divorced paper, right? Hiwalay na kayo. Meaning hindi na kayo mag asawa.” Ani Clarisse sa iritadong boses.

“Tama si Clarisse, hijo. Paniguradong inakit din naman ng babeng iyon ang Madrigal na iyon kaya quits lang kayo." Dugtong ng kaniyang ina. Sasagot sana siya at papalabuanan muli iyon nang makita niya ang pagkunot pa lalo ng noo ni Clarisse matapos ang narinig. Nagtagal ang mata ni Herbert sa babae dahil sa nakitang reaksiyon nito. 

“Imbes na alalahanin mo pa ang babaeng iyon. We should celebrate! Malaya kana at bukod doon, magkakaapo na ako!” 

Sinegundahan naman ito ng kambal na tuwang tuwa din. Ang kaniyang ama naman ay umiinom lang ng wine sa sofa ngunit sigurado siyang natutuwa din ito dahil magkakaanak na siya, na matagal nang hinihiling sa kaniya ng kaniyang ama.

Dumapo ang mata ni Herbert sa tiyan ni Clarisse na hindi pa bumubukol. Unti unti siyang napangiti. Naisip niyang tama ang mga ito. Hindi niya na dapat pang iniisip si Eleanor. Hindi na sila mag asawa. Wala na siyang responsibilid sa babae. Ang makaramdam ng konsensiya ay hindi niya na rin dapat pang maramdaman dahil mukhang niloko din naman siya nito para kay Noah Madrigal.

Ang dapat niya na lang pagpokusan ay si Clarisse at ang magiging anak nila. 

Gumanti ng ngiti si Clarisse sa kaniya bago siya hinalikan sa labi. "You will be a father soon, Herbert.” She whispered on him like a cursed.

MABILIS na lumipas ang mga araw. Matapos lamang ang dalawang buwan ay nagpakasal ang dalawa sa simbahan. Ipinakasal na agad sila ng mahigpit na ama ni Clarisse dahil nalaman nitong nagdadalang tao ang babae. Pumabor naman iyon sa pamilya Jimenez dahil gusto rin nilang matakluban na ang isyung kumakalat tungkol sa panloloko at pambabae ni Herbert.

Nagpalakpakan ang lahat habang pinapanood ang paghahalikan ng dalawa sa harapan. Masaya ang lahat at walang naghahangad na tumutol. 

Ang mga bisita noon sa unang kasal ni Herbert ay mga nakangiti na ngayon, hindi tulad noon na may halong dismaya at pagkontra para kay Eleanor.

Ngayon ay tila nakalimutan na ng lahat ang unang asawa ni Herbert na si Eleanor. Tila bulang naglaho ang alaala nito sa lahat.

Ngunit hindi para kay Eleanor. Hindi siya makakalimot at hindi siya magpapatawad. 

Tila asido para sa kaniya ang natatanawan na tila gumuguhit din sa kaniyang lalamunan papunta sa kaniyang dibdib. Pinanood at pinakinggan niya mula sa likuran ang pagbitaw na naman ng pangako ng kaniyang dating asawa. Hindi rin siya kumurap nang halikan nito ang babae, gaya nang ginawa sa kaniya nito noon.

Gusto niyang tawanan iyon. Ngunit mas higit niyang gustong magwala. Gusto niyang ipagsigawan sa lahat ang lahat ng galit niya ngunit kailangan niyang sundin ang paalala sa kaniya ni Noah, na huwag manggulo sa kasal. Pinagbigyan siya nitong pumunta doon sa pangakong wala siyang gagawin kung hindi ang manood lang. 

Malalim siyang bumuntong hininga at lumabas na bago pa man lumabas ang bagong kasal. Nabunggo nga lamang siya ng kaniyang dating biyenan. Muntikan nnag mahulog ang shades niyang suot kung hindi niya agad nasalo iyon. Nanginig ang mga kamay niya nang makita sa malapitan ang biyenang mayroong makapal na make-up ang mukha upang magmukhang bata.

Pailalim siyang nitong tinignan, mula ulo hanggang paa. 

“Sino ka? Hindi yata kita kilala?"

Isang talbog ang narinig niya sa dibdib. Napahinga lamang siya nang tawagin ito ng kaniyang mga malditang anak para magpa picture. Bago pa man ito muling humarap sa kaniya ay mabilis na siyang umalis doon. Sumakay agad siya sa naghihintay na sasakyan sa kaniya.

Kabado siya ngunit mas lamang parin ang panginginig sa galit. Gusto niyang magpakilala sa biyenan kanina at sumbatan ito ngunit pinigilan niya lamang ang sarili. Kailangang maglaho siya sa isip ng mga ito hanggang sa pagbabalik niya.

“Ma'am si sir Noah po.” Ani ng driver pagkapasok niya. Inabot nito sa kaniya ang cellphone nito. Ilang beses pa muna siyang huminga at nagpakalma ng sarili bago tinanggal ang suot na shades at face mask. Kinuha niya ang cellphone at sinagot.

“Your flight is on twenty minutes! Nasaan kana ba? Huwag mong sabihing nagbago na ang isip mo?!” mahihimigan ang pagkainis sa boses ni Noah.

“Pasensiya na…uh, papunta na ako.” Maliit na boses na sagot naman ni Eleanor at bahagyang inilayo ang cellphone sa tainga niya dahil sa lakas ng boses ng lalaki.

Tumahimik ang kabilang linya, kasunod nang pag andar nang sasakyan. Akala niya ay pinatayan na siya ng cellphone ni Noah ngunit bigla itong muling magsalita.

“Four years kang mags-stay at mag aaral sa US. Kung ayaw mo ay sabihin mo na agad. Ayokong magsayang ng oras sayo.” Hamon ni Noah sa kaniya.

Napapikit si Eleanor. Nakailang beses na siya nitong tinanong niyon at naiirita na siya. 

Hindi parin sila magkasundo ni Noah. Akala niya mangyayari iyon simula noong tanggapin niya ang plano nitong paghihiganti sa mga Jimenez. Ngunit sa dalawang buwan na pagtira niya sa mansion ay pinapahirapan siya nito. Bukod doon, lalo pa yatang uminit ang ulo nito sa kaniya. Kung hindi nga lang sa bait ng lola nito ay baka nilayasan niya na lang ito.

“Baka ikaw ang gustong sumuko sakin?” sarkastikong sagot pabalik ni Eleanor. For the first time ay nasagot niya ito ng pabalang dahil sa nadaragdagang pagkairita mula dito at sa kaniyang asawa. Natuptop niya ang bibig pagkatapos. Akala niya magagalit ang isa ngunit tumawa ito na siya namang bahagya niyang ikinagulat.

She gritted her teeth nang mapansing mukhang natutuwa lamang ang lalaki sa kaniya kapag nagagalit siya.

“Fine, get yourself here in ten minutes. Malayo pa ang magiging byahe natin.” Makahulugang sabi ni Noah.

Tumingin si Eleanor sa labas ng bintana. Papalayo na siya sa simbahan at kitang kita niya ang pagbubukas ng mga payong ng mga nandoon. Kanina pang madilim ang langit at sa isang kurap, kasabay nang paglabas ng ikinasal, ay bumuhos ang ulan.

Natawa siya dahil tila ayaw ng panahon sa dalawa. Nawala lang ang kurba ng labi niya nang mawala na ang mga iyon sa paningin niya. Nagtagal na lamang ang mga mata niya sa malakas na ulan, na tila pinapakita ang masidhi niyang galit at puot na nararamdaman.

"Eleanor!" iritadong tawag sa kaniya ni Noah.

Napakagat siya sa labi bago inalis ang tingin sa labas at dumiretso ng tingin sa harapan. Para sa kaniya, gaya ng ulan ay sisiguraduhin niyang parang bagyo din niyang ibubuhos ang lahat nang inipong galit sa dibdib sa kaniyang pagbabalik.

“Sige.” maikling tugon niya.

Kaugnay na kabanata

  • The Fierce Comeback of the Ex-Wife   Chapter 7

    “MOST of our clients these days are more prefer the Madrigal company." Malamig na boses ng chairman na siyang tanging maririnig sa apat na sulok ng kwarto."What are you all doing? Natutulog ba kayong lahat?!" Biglaang bayolenteng sigaw naman na dagdag nito.Inihagis ng chairman ng Pascua Enterprises Holdings Inc. ang folder na binigay sa kaniya ng sekretarya bilang monthly and weekly report. Wala siyang nagugustuhan sa mga iyon. Napapikit ang mga nasa loob ng meeting room. Isa na doon si Herbert. Na nasa may dulo nakaupo, katabi ng mga kasamahan niyang engineer din.Apat na taon na siyang head engineer ng kumpanya ng kaniyang asawang si Clarisse ngunit hanggang ngayon ay ang ama pa rin nito ang namamahala niyon. Hindi parin pinapasa kay Clarisse at mukhang wala paring balak ipagkatiwala dito kahit na may edad na ito at kahit na wala din namang ibang pamamanahan, kung hindi ang nag iisa lamang na anak.Tinignan ni Herbert ang istrikto at malupit na matanda. Halos tumalon ang puso niya

    Huling Na-update : 2023-11-16
  • The Fierce Comeback of the Ex-Wife   Chapter 8

    SA ISANG five star hotel gaganapin ang most anticipating event. Lahat ng prominenteng tao at mga negosyante sa bansa ay nandoon at imbitado. Lahat ay kuryoso sa ipapakilalang fiance ng magaling at matalinong apo ng mga Madrigal.Parang isang engrandeng ball ang event dahil sa mga nagsososyalan at naggagandahang mga gowns and luxury items na suot ng mga bisita. Well, they just aren't there to know about the mystery woman of Noah Madrigal. Most of the guests are there to make a good impression, to show off and to build a network. Ang mga Madrigal ay kilala sa larangan ng negosyo at engineer. From then on, they are known for building and controlling of multi millionaire and billionare empires. Kung kaya naman, hindi na nakakagulat na sila'y hinahangaan ng mga small and big time business men. Everyone wants to become one of their circle.Ngunit, hindi lahat…Naunang bumaba sa itim na sedan si Herbert Jimenez, na nakasuot ng isang itim na formal tailored suit. Kasunod ay inalalayan nito an

    Huling Na-update : 2023-11-19
  • The Fierce Comeback of the Ex-Wife   Chapter 9

    “PLEASE meet Caroline Dizon, my future wife.” Pakilala ni Noah sa lahat. Nagpalakpakan at nagsitayuan ang mga bisita. Halong kuryoso at pagkamangha ang nasa mata ng mga ito habang pinapanood si Eleanor o Caroline na ngayon.She accepted the hand of Noah and stretch her lips for a friendly smile sa mga matang nakatingin. Nawala nga lamang iyon nang madapuan ang table nina Herbert at Clarisse.The two seems shock. Nagulat sila sa narinig na pangalan. They are expecting na siya parin ang dating Eleanor ngunit malaki na ang pinagbago niya at isa na nga doon ang pagpapalit niya ng pangalan. Sinunod niya ang payo ni Noah at ng lola nito na magbago ng pangalan. Upang maging tanda ng kaniyang pagbabagong buhay. Nilapitan siya at pinuri ng mga bisita. That event was just supposed for a welcome party para kay Noah dahil sinamahan siya nitong mamalagi ng ilang taon sa ibang bansa ngunit ikinagulat niya na lamang nang sabihan siya ni Noah bago ang araw na iyon nang, “Ipapakilala kitang fiance ko

    Huling Na-update : 2023-11-27
  • The Fierce Comeback of the Ex-Wife   Chapter 10

    DIRE diretsong pumasok si Clarisse sa kanilang bahay pagkababang pagkababa ng sasakyan. Nagpupuyos siya sa galit dahil sa nangyari at namamanaag iyon sa kaniyang mukha at mga nanginginig na mga kamay.Napahiya siya at dahil iyon kay Eleanor. Gustong gusto niyang pisikal na saktan ito kanina upang gantihan dahil sa mga sinabi nito sa kaniya. Ngunit dahil naroon ang mga paparazzi at ang mga socialite na mga bisita, hindi niya nagawa.Hindi niya matandaan kung kailan siya nasagot ng ganoon ni Eleanor. Ang tanging alaala niya sa babae ay ang mga pag iyak nito at ang pagiging tanga nito para sa dating asawa. Kaya naman kahit ayaw mang aminin ni Clarisse, totoong nagulat siya sa naging pagbabago ng babae lalo na sa paraan nito nang pagsasalita. Tumigil siya sa may salas at muling humarap sa asawa na papalapit naman habang nag aalis ng suot na neck tie. Gaya niya ay halatang nawala na rin sa mood si Herbert. Nasira na rin ang gabi nito. Ngunit walang pakealam si Clarisse dito at sa kung anum

    Huling Na-update : 2023-11-28
  • The Fierce Comeback of the Ex-Wife   Chapter 11

    “I'LL JUST go to the toilet room.” Bulong na paalam ni Caroline kay Noah na abala parin sa pakikipag usap sa mga guest. Bumaling ang ulo nito sa kaniya habang ang kamay ay nakalapat sa bewang niya. Kanina pa siya hinahaplos ni Noah doon at ramdam na ramdam niya ang balat nito sa kaniya dahil backless ang dress niyang suot.“Do you want me to come with you?” alok ni Noah. Gusto ni Caroline na ngumiwi sa sinabi nito ngunit dahil may tao silang mga kaharap, maliit niya na lamang niyang nginitian si Noah.“It's okay. I can manage.” Aniya. Saglit pa silang nagtitigan bago tumango si Noah sa kaniya. “Okay…”Ngumiti na muna at tumango si Caroline sa mga nakikinig, ngunit nagsiiwas lamang ang mga ito ng tingin. Nagbago ang tungo ng mga ito sa kaniya matapos ang nangyaring pagtatalo nila ni Clarisse. Ini-expect niya na naman iyon. Wala din naman siyang balak itago iyon at lalo nang wala siyang pakealam sa kung anumang isipin ng mga ito sa kaniya.Naglakad na lamang siya papalayo at papalabas n

    Huling Na-update : 2023-12-02
  • The Fierce Comeback of the Ex-Wife   Chapter 12

    “WHY DID you kissed me like that?” tanong ni Caroline kay Noah. Lumabas siya ng sasakyan at agad namang sumunod si Noah sa kaniya.“What's wrong with that? You even let me kissed you kanina sa harapan ng press. But now after I kissed you in front of your ex-husband, naiinis ka? Don't tell me may feelings ka parin sa kaniya?”Tumigil siya sa mabilis na paglalakad para iritadong harapin si Noah.“Of course not!”“Then why?” mariing tanong ni Noah. Humakbang pa ito sa kaniya ng isang beses. Napansin ni Caroline ang gwardiya sa gilid na agad lumayo at umalis na tila takot na madamay. Napabuntong hininga siya.“Because I just don't like it, okay? I just intended to give you a smack pero…”pinamulahan siya nang maalala ang ginawa nitong paghalik sa kaniya. Iniilag niya ang kaniyang mga mata mula dito. Hindi naman nagbago dilim at inis sa mukha ng isa.Wala naman talaga dapat siyang ikagalit. Lalo na at siya naman ang nag insist sa halik na iyon. Sadyang nahihiya lang talaga siya. Lalo na kap

    Huling Na-update : 2023-12-03
  • The Fierce Comeback of the Ex-Wife   Chapter 13

    SINUSUNDAN ng tingin si Caroline habang naglalakad siya papasok ng Madrigal's company na ngayon ay pinamamahalaan na ni Noah.Unang araw niya iyon sa pagtratrabaho sa kumpanya ngunit nagmamadali siya dahil medyo huli na siya sa tamang oras. Sinubukan naman niyang maagang magising ngunit dahil late na rin sila nakauwi kagabi ni Noah mula sa event ay napahimbing ang tulog niya. Nagising na lamang siya ilang minuto na lang bago ang tinakdang oras na sinabi sa kaniya ni Noah.She will join the meeting sa conference room upang mapakilala na rin siya ni Noah bilang bagong engineer. Ngunit dahil late na nga siya ay baka maabutan niya na lamang ang pagtatapos ng pagpupulong na iyon.Hindi niya pa gamay ang building dahil first time niyang pumunta doon kaya naman medyo nalito pa siya. Ang natatandaan niya lang sa paalala ni Noah ay ang floor na kailangan niyang puntahan at sa 12th iyon. At mukhang lalo pa siyang matatagalan dahil crowded ang elevator. Nagulat na nga lamang siya nang lumabas ang

    Huling Na-update : 2023-12-07
  • The Fierce Comeback of the Ex-Wife   Chapter 14

    “NOAH, you didn't inform me about this.” Madiing bulong ni Caroline habang papaalis na ang mga nasa loob ng kwarto. Sasagot na sana si Noah nang kapwa silang mapatingin sa papalapit na mga Pascua.Tumikhim si Caroline sa gilid ni Noah. Saglit siyang tinignan ni Noah bago inilipat ang tingin sa mga papalapit.“I didn't really expect that you will accept this project with us. I hope this will end the conflict in between of our family too?” Ani ng matanda na maliit lamang ngumiti at pinatili ang seryosong mukha. Naglahad ito ng kamay kay Noah na sabay naman nila ni Caroline tinignan.Matunog na ngumisi si Noah bago tinanggap iyon. “I'm not a type of person that letting my work and personal matter combined, Mr. Pascua. But let's see…” makahulugang sagot ni Noah sa matanda bago bastos na tinalikuran ito para kay Caroline. Nakangisi ito sa kaniya.“Let's go? You want to talk to me, right?”Sinulyapan ni Caroline ang matabang na mukha ng matanda. Naglapat ang mga mata nila at doon lamang baha

    Huling Na-update : 2023-12-08

Pinakabagong kabanata

  • The Fierce Comeback of the Ex-Wife   Chapter 33

    “THANK YOU.” Ani Caroline kay Herbert nang ihatid siya nito pabalik sa kumpaniya. Ngumiti lamang ang isa sa kaniya bago siya muling pinagbuksan ng pintuan. “Wala kana bang gagawin dito?” dagdag niyang tanong sa lalaki na bahagyang natigilan pa bago umiling. Ngiting-ngiti ito sa kaniya na kanina niya pa kinaiiritahan.“Iyong meeting lang talaga ang dahilan kung bakit ako pumunta dito. Uh…tomorrow! Sa site na ang diretso ko.” He said while sounded like he was expecting something on her reaction. As if he was expecting her to come too. Ngumiti si Caroline bago tumango. “I'll probably too. Let's just see there then?”Hindi na magkamayaw ang ngiti ni Herbert. Tumango ito sa kaniya. She nodded once for finality before she started walking towards the building. Ang labi niyang may pilit na ngiti ay unti unting bumaba at naging flat line. Hindi na siya lumingon pa sa lalaki dahil masama na ang timpla ng mukha niya at hindi niya na din kaya pang umarte sa harapan nito. Masyadong naubos ang pa

  • The Fierce Comeback of the Ex-Wife   Chapter 32

    MULING sinulyapan ni Caroline si Noah habang naroon sila sa meeting room. Kasalukuyang mayroong dicussion sa ilan pang detalye para sa collaboration project with Pascua.Mula pa kanina ay hindi niya pa nakitang muling tumingin sa kaniya si Noah. Ni umimik sa kaniya ay hindi na rin nito ginawa. She tried to strike a conversation with him ngunit sa huli ay hindi niya rin magawa dahil halatang focus ang lalaki sa trabaho.At kung hindi siya tinatapunan ng tingin ni Noah, si Herbert naman na nasa harapan niya, ay walang tigil ang paninitig sa kaniya. Mukhang malakas ang loob nitong tignan siya ng ganoon dahil wala ang asawa nito. She was playing her pen on her finger habang nakatitig sa harapan. Ngunit kahit nakapokus doon ang mga mata niya ay naroon naman ang atensiyon niya sa lalaking nasa harapan na hindi parin siya tinitigilan sa mga tingin nito.What's wrong with him? Sa isip niya. Natigil ang paglalaro niya sa pen nang maalala ang ginawa niya sa lalaki sa loob ng elevator. Bahagya

  • The Fierce Comeback of the Ex-Wife   Chapter 31

    DALAWANG araw ang nakalipas matapos ang huling pamamaalam kay Lola Lucy ay naging tahimik ang pamamahay sa pagkawala nito. Ramdam ni Caroline ang kakulangan sa paligid. Lola Lucy brought a huge emptiness to everyone. Lahat ng mga kaibigan at kakilala ay halatang nabigla at nalungkot sa pagkawala nito. Maging ang mga kasambahay ay ramdam niya ang paghihinagpis.Mabuting tao ang matanda kaya hindi na nagtaka pa si Caroline sa iniwan nitong kalungkutan sa puso ng mga kakilala, lalo na sa mga kamag anak at kadugo nito. Dumating pa nga galing ibang bansa ang mga kamag anak nito. Nakakalungkot nga lamang na ang magiging dahilan ng pagdating ng mga ito at pagsasama sama ay ang pagkawala ng matanda. Maging ang mga taong tinulungan ng matanda ay labis ang pinakitang hinagpis nang nakiramay sa burol at libing nito. Noon lamang nalaman ni Caroline na marami itong mga tinulungang makapagtapos sa pag aaral, mga taong may labis na kapansanan at sakit na walang perang pangpagamot ngunit dahil sa tu

  • The Fierce Comeback of the Ex-Wife   Chapter 30

    TILA kay bilis ng pangyayari. Nakita na lamang ni Caroline ang sarili na nasa harapan ng kabaong ni Lola Lucy na pinaglalamayan ng mga mahal nito sa buhay. She still couldn't comprehend the fact that the old lady is already dead. Tila naririnig niya parin ang mga salita nito noong huli nilang pag uusap. At nakikita niya parin ang mga ngiti nito. Heart attack ang ikinamatay ni Lola Lucy at namayapa ito habang mahimbing na natutulog. Wala itong iniindang sakit noon kaya naman nagulat talaga sila sa biglaang pagpanaw nito. Tuloy ay hindi ni Caroline mapigilang makaramdam ng pagsisisi dahil hindi niya sinulit ang huling sandaling nakasama niya at nakausap ang matanda. Kung alam niya lang ay mas hinabaan niya pa sana ang pakikipag usap sa matanda. Kung alam niya lamang na iyon na ang huli ay pasasalamatan niya ito ng paulit ulit sa lahat ng mga bagay na naitulong nito sa kaniya. Pinunasan niya ang pisnge nang may butil na luha na naman ang tumulo mula sa mga mata niya. Nasasaktan si

  • The Fierce Comeback of the Ex-Wife   Chapter 29

    PINAGLALARUAN ni Caroline ang alak sa basong hawak habang nakatingin sa mga bituin sa maaliwalas na kalangitan. Hindi siya makatulog sa gabing iyon dahil sa mga nangyari sa pageant. Lumilipad nag isipan niya sa mga nasaksihan kasabay nang pagsasayaw ng mahaba niyang buhok dahil sa malamig na hangin ng gabi. Isinaayos niya ang roba niyang suot sa ibabaw ng kaniyang night dress bago idinampi ang labi sa baso ng alak na iniinom.Alam niya sa sarili niyang hindi siya nakokonsensiya ngunit hindi niya naman maikakailang nakakaramdam siya ng konting awa kay Trina lalo pa at nalaman niyang pinalayas na ito sa kanilang mansion ng sarili ding ina. Hindi niya mapigilang ikumpara ang sarili sa nangyari kay Trina, sa gabing kung kailan siya wala ring pakundangang itinaboy ng dati niyang biyenan na tila asong kalye lamang. Ngunit sa huli ay nakikita niya rin ang pinagkaiba nilang dalawa ni Trina. Mas matindi pa ang nangyari sa kaniya kaysa sa sinapit ng babae kahit na wala siyang ginawa sa pamilya

  • The Fierce Comeback of the Ex-Wife   Chapter 28

    NaATANGGAL na ang video sa internet ngunit masyado na iyong kumalat para mabura pa ang lahat. Sira na ang imahe ni Trina sa publiko at natanggal na rin siya ng tuluyan sa pageant. Ngunit hindi lamang siya ang nakakatikim ng negative comments, dahil maging ang ina niyang si Suzanna ay bina-bash na rin dahil sa nalamang nagbabayad ito upang mapanalo lang ang anak sa pageant. Naungkat pa ang noong mga issue din patungkol parin kay Suzanna at sa mga pandarayang ginawa nito upang manalo sa mga pageant na sinalihan. Nagbigay pa ng mga kumento ang mga dati nitong nakalaban kaya lalo siyang nadiin.“I can't believe this!” sigaw ni Suzzana sa gigil matapos sampalin si Trina. Pagkauwing pagkauwi nila ni Herbert ay kasunod na dumating ang ina niya at kapatid. Pagkakita pa lamang ni Suzanna kay Trina ay nanggigigil siya nitong hinablot at pinagsasampal. Natigil nga lamang nang pumagitna na si Herbert. Sa gilid naman ay naroon lamang si Shiela na hindi malamang kung anong gagawin sa sitwasyon. Na

  • The Fierce Comeback of the Ex-Wife   Chapter 27

    PINANOOD ni Caroline ang paghagulgol ni Trina sa balikat ni Herbert na tanging umakyat sa stage para harangan ang kapatid mula sa mga matang mapanghusga. Ngunit bago iyon ay nakita ni Caroline ang pag alis ni Suzanna para iwanan ang anak at isalba ang sarili sa mga aakusasyon. Hindi siya makapaniwalang madali lamang ni Suzanna na tinalikuran ang anak. Bukod dito, maging si Shiela na kakambal pa ni Trina ay iniwan ang kakambal na tila hindi nito kilala ang binabato ng masasakit na salita. Sumunod ito sa kaniyang ina sa pag alis na parang walang nangyari.Gustong matawa ni Caroline. Ngunit hindi dahil natatawa siya sa nangyayari ngunit dahil naiinis siya. Hindi siya makapaniwalang ganoon kawalang puso si Suzanna at si Shiela.Nag e-expect siya na kahit papano ay ipagtatanggol ng mga ito si Trina. Ngunit walang ganoong nangyari.Huminga siya nang malalim bago naglakad para sundan na lamang si Herbert at si Trina. Sinundan din ang magkapatid ng mga reporter na nandoon sa event. Of course

  • The Fierce Comeback of the Ex-Wife   Chapter 26

    PINILIT ni Caroline na hindi ipakitang nasasaktan na siya sa pagkakahawak ni Herbert lalo pa sa narinig na pag-aakusa nito. Gusto niyang sampalin ito at itulak ngunit matinding pagpipigil ang ginawa niya. She need to calm down. Hindi niya hahayaang ang galit ang sumira ng mga plano niya.“Ganiyan ba kasama ang tingin mo sa akin, ha? Herbert?”Nakita niya ang unti unting pagbabago sa reaksiyon ng lalaki. Maliit siyang ngumiti, pinapakita ang pekeng kalungkutan. Although, deep inside she really felt a bit hurt. Dahil sa kabila ng mga naging paghihirap niya at mga naging sakripisyo at kabutihang pinakita noon sa lalaki at sa pamilya nito, tila hindi parin nito nakita ang mga bagay na iyon. Tama nga ang desisyon kong saktan ka rin, Herbert. Dahil tila wala kapa ring pagbabago. Kaya naman sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang lahat. Luluhod ka sa harapan ko kasama ang pamilya mo. Sa isipan ni Caroline.“Kung may higit mang taong mas nakakakilala sakin, ikaw iyon hindi ba? You know that I

  • The Fierce Comeback of the Ex-Wife   Chapter 25

    “WHAT is that stupid girl doing? Bakit hindi niya sinasagot ang tawag ko?” Napatingin si Herbert sa gilid kung nasaan ang kaniyang ina. She's repeatedly trying to connect to her daughter, Trina. Sa tabi nito ay nakaupo naman ang kakambal ni Trina na si Shiela na halatang bagot na bagot at gustong umuwi na. Nandoon sila para suportahan si Trina sa kumpetisyon o mas mabuting sabihin na ipakita sa publiko na sinusuportahan nila ito kahit na ang totoo ay wala naman sa kanila ang may interes na pumunta doon maliban na lamang sa ina nila, na gustong maiuwi ang korona at maipagyabang sa mga kakilala at kaibigan nito iyon. Herbert knows how obsessed her mother to win the trophy. Hindi ito nakoronahan noon sa isang sinalihang malaking kumpetisyon. At dahil hindi parin iyon matanggap, ginagawa nito ang lahat ngayon na manalo sa pamamagitan ng anak. “I will kill her.” Rinig niyang nanggigigil na sabi nito. Napabuntong hininga na lamang si Herbert. Wala naman talaga sanang balak na sumama si

DMCA.com Protection Status