Chapter 5
“AKO ang nagdala sayo rito.” wala mang ekspresyon ang mukha ngunit mahihimigan naman ang yabang sa boses ng lalaki.
Muli silang nagkatinginan.
Hindi niya alam kung bakit simula palang ay tila may tinatago na agad na galit sa kaniya ang lalaki kahit dalawang beses pa lamang silang nagkikita. Hindi niya maintindihan ang ugali nito at wala rin naman siyang balak intindihin pa.
Tuloy ay unti unti niya nang naiisip na masasama lahat ng lalaki dahil lahat na lamang ng mga nakikilala niya ay ganoon ang trato sa kaniya.
“Op! Tama na iyan! Hindi kayo dapat mag away.” Singit ng matanda. Tumingin ito sa lalaki sa paraang may nagbabantang tingin. Bahagyang napanguso ang lalaki bago nag iwas ng tingin. Inilipat naman ng matanda ang tingin kay Eleanor.
“Pasensiya kana hija dito sa apo ko. Wala pa kasi itong nagiging matinong girlfriend kaya ganito ang ugali.”
“Grandma?!” iritadong sabi ng lalaki ngunit tinalikuran laman siya ng matanda bago iginayang muli si Eleanor papunta naman sa dining hall.
“Mabuti pa sa hapag na natin ipagpatuloy ang pag uusap na ito dahil sigurado akong gutom kana.”
Isang sulyap pa muna ang ginawa ni Eleanor sa lalaki, na matalim naman siyang tinignan. Iniiwas niya na lang ang tingin at tumango sa matanda bago sumunod dito.Nakaramdam nga ng pagkagutom si Eleanor nang makakita ng mga pagkain. Iba't ibang putahe ang nandoon bago ang ilang mga tipikal na pagkain tuwing almusal. Nagtagal ang tingin niya sa mga iyon nang maalala ang ginagawang pangbabastos ng kaniyang mga biyenan at mga anak nito sa pagkaing hinahain niya.
Naibaba niya ang kubyertos na hawak at tuluyang nawalan ng ganang kumain.
“Wala kabang nagugustuhan hija? May gusto kabang ipagrequest?” Tanong ng matanda para bumalik siya sa kaniyang wisyo. Ngumiti muli ito sa kaniya at iyon na naman ang tila haplos sa dibdib niya na naramdaman niya tuwing nginingitian siya nito. Umiling siya, medyo nakaramdam ng hiya dahil sa inasal.
“Okay lang po. Hindi pa naman po ako gutom.” Pagsisinungaling niya at pinisil ang mga daliri. Malungkot na ngumiti sa kaniya ang isa. Napatungo siya.“Ang gusto ko lang po sanang malaman ay kung bakit pinaimbestigahan niyo ako at bakit nandito ako ngayon. Bakit po ako dinala dito ng apo niyo dito? At kailan niya po ako dinala dito?”
Sopistikadang sumimsim ang matanda sa tasa na sinalinan ng tsaa ng serbidora. Nagpasalamat ang matanda doon bago bumaling muli sa kaniya. “Alam kong mali ang ginawa ko sa pag iimbestiga kaya pagpasensiyahan mo sana ako hija. Nag aalala lang talaga ako sayo. Nang nakita ka namin sa unang beses ay tila wala ka sa sarili kaya naman upang masigurong makakauwi ka nang ligtas ay pinasundan kita sa apo ko. At…hindi ko namang akalaing ganoon na pala kabigat ang dinadanas mo sa pamilyang iyon nang dalhin ka dito ni Noah na dumudugo ang ulo at walang malay.”Napatitig si Eleanor sa matanda, gulat sa narinig. Hindi siya makapaniwalang dumating ang apo nito sa mga oras na iyon. Bahagya siyang nakaramdam ng guilt dahil sa paraan ng pakikitungo niya kanina sa lalaki.
Inabot ng matanda ang kamay niya at mahigpit na hinawakan iyon. Gumapang ang mata ni Eleanor doon.
“Una palang ay alam kong… nasa mahirap kang sitwasyon at nakikita ko sayo ang kalagayan ko noon, hija. Gaya mo ay muntikan na din akong magpakamatay dahil sa sakit. Magkaiba man tayo ng pinagdaan ngunit gaya mo ay nasaktan din ako nang sobra sobra.” Pumarte ang labi ni Eleanor sa narinig.“Namatay ang asawa at anak ko sa ilang araw lang ang pagitan at hindi ko kinaya iyon. Kaya naman…makailang beses akong sumubok na tapusin ang buhay kong ito at sumunod sa kanila.”
Mabigat ang dibdib na muli niyang inangat ang tingin sa matanda. Ngayon ay wala na siyang nararamdamang kung anumang paghihinala at hesitasyon dito. Tanging simpatya na lamang ang nararamdaman niya.“At natatakot akong gawin mo din iyon, hija. Hindi man tayo magkadugo ngunit ayokong pagsisihan mo ang bagay na iyon.”
“Hindi ang pagsuko ang sagot sa mga problema.” Lumandas ang luha mula sa mga mata niya matapos marinig iyon. Pinunasan niya agad iyon ngunit muli na namang may bumagsak. “P-Pasensiya na po…” Maliit na umangat ang labi ng matanda. Pinisil nito ang kamay niya at hinaplos iyon. Gaya ng yakap ng matanda kanina ay muli na naman siyang nakaramdam ng kaginhawaan at kakampi. “Hindi ko man alam ang buong istorya ngunit…huwag mo sanang sayangin ang buhay mo hija sa mga taong hindi karapat dapat.” Malabo man ang paningin ay nagtagal ang tingin niya dito. Simula pa noon ay walang taong sumuporta at dumamay kay Eleanor sa mga problema niya at hinanakit. Dahil simula pa naman noon ay wala din siyang naging kaibigan at tanging ang asawang si Herbert lamang ang taong naging malapit sa kaniya. Kaya naman ngayong mayroong taong sinsero at totoo siyang pinapayuhan at dinadamayan ay hindi niya maiwasang maging emosyonal.“Tutulungan kita hija na makabangong muli.” Nagpaulit ulit ang mga salitang iyon ng matanda sa tenga ni Eleanor.
Matapos ang breakfast kasama ang matanda ay nagpaalam na siya dito. Pinigilan man siya ng matanda ngunit ayaw niyang mang abala pa. Ipinangakuan niya naman itong pag iisipan niya ang payo nito bago niya nilisan ang mansion. Hindi niya na muna hinanap at kinausap ang apo nito, wala pa siyang lakas ng loob magpasalamat dito.
Tinignan ni Eleanor ang mga pasa sa braso niya at binti na hindi matakluban ng damit niya.
Isa lang ang nasa utak niya habang nasa byahe pabalik ng bahay ng mga Jimenez. Susubukan niya muli ang asawa niyang si Herbert. At kung ayaw na talaga nito ay aalis na siya. Masakit man para sa parte niyang magpaubaya ngunit kaniya na lamang iyong tatanggapin. Kahit na alam niyang mahihirapan siyang makabangon at makalimot.
Magdadasal na lamang siyang maghilom iyon at dumating ang araw na matuto siyang patawarin ang mga ito.
Iyon ang matigas na desisyon niya. Ngunit nang makita ang asawa niyang kahalikan ang kabit nito, bago pa man siya makatuloy ng bahay ay tila apoy na muling nagbaga at sumiklab ang panghihinayang at galit niya. Masayang masaya ang dalawa lalo na ang asawa niyang hinahaplos pa ang tiyan ng babae kahit wala pa namang bukol iyon.
Naalala niya bigla ang kanilang anak. Naghihinayang siya ngunit kapag naiisip niya ang mga sakit na naranasan niya, ang pag iyak mag isa, ang pagtitiis at ang pagmamakaawa, nawawala ang panghihinayang at napapalitan ng galit.
Napapikit siya nang mariin bago tinalikuran ang mga ito. Tumiim bagang siya habang lumuluha. Mabilis nga lamang siyang nagtago sa sasakyan na nakaparada sa gilid nang makita ang pagdating ng kaniyang mga biyenan at ang kambal nitong anak. Pinanood niya ang pagbati ng mga ito kay Herbert at kay Clarisse na tila ang mga ito ang tunay na mag asawa.
Bago pa siya makapag isip, dahil sa galit ay lumabas siya at sumugod sa mga ito. Napatingin ang mga ito sa kaniya na may gulat at putla ang mga mukha. Ngunit si Eleanor ay nakatutok lamang ang mata sa kabit ng asawa niya. Gigil na gigil siya at handang handa siyang manakit.Tinakbo niya ang distansiya. Sumigaw ang lahat, lalo na ang asawa niya matapos niyang walang pakundangang itulak si Clarisse na noo'y hindi naman nakakilos agad. Natumba ang babae sa sahig at sa isang kislap lang ay nakita ni Eleanor ang dugong lumandas papunta sa binti nito hanggang sa sahig.
“What are you doing, Eleanor?!” tinulak siya ng asawa niya. Ngunit mabilis siyang nakabangon at matigas na tumayo sa harapan nito bago malakas na sinampal ito sa mukha.
“Hindi kayo nararapat magka anak!” sigaw niya. Ngumisi siya bago binalingan ang nanlalamig at putlang mukha naman ng kaniyang biyenan. “Hindi ba ganiyan din ang ginawa mo noong nagbubuntis ako?! Bakit hindi ka humalakhak ngayon at magdiwang muli?” sigaw niya naman dito sa malakas at dumadagundong na galit.Parang bulang nawala ang mga iyon nang makarinig siya ng boses mula sa likuran niya.
“Are you intend to just cry like a child? At panoorin lang sila?”
Bumalik si Eleanor sa reyalidad at natapos ang madilim niyang imahinasyon. Walang emosyon niyang pinunasan ang pisnge habang natatanawan parin ang masayang pamilya na kailanman ay hindi siya tinanggap at pinahalagahan, di gaya ng sa kaniya, na buong pusong minahal ang mga ito hanggang sa maubos na lamang siya.
“Bakit mo ko sinundan?” tanong niya bago nilingon si Noah na nakasandal sa gray na kotse habang magkakrus ang mga braso.
Pormal at nakakaintimidate ang lalaki sa suot nitong itim na tailored suit. “Hindi mo na ako kailangang sundan pa dito. Hindi na mauulit ang nangyari noong nakaraan.” Dagdag niya. Tumuwid ng tayo ang lalaki bago lumapit sa kaniya. Tila nang iinsulto siya nitong tinignan mula sa maliit na distansiya. Sa taas nito ay napatingala si Eleanor at ginantihan ang madilim nitong tingin sa kaniyang wala namang emosyong mga mata. Dahan dahang kumurba ang gilid ng labi ni Noah na bahagyang ikinagulat niya. Hindi agad siya nakabawi lalo na nang tumungo ito at inilapit ang mukha sa kaniya. Tinitigan siya nito bago sinulyapan ang nasa di kaluyuan mula sa gilid niya. “What a nice view. Asawa mong estupido at ang kabit nitong manloloko. Great combination.” Anito bago binalikan siya nang tingin gamit ang mga mata nitong tila dagat ang kulay. Saglit na kumunot ang noo ni Eleanor sa narinig. “While the legal wife is here, peeking and crying pitifully.” Sa inis ni Eleanor ay tinulak niya ito. Tamad namang umatras si Noah bago siya pinagtaasan ng kilay nito. “Ano bang kailangan mo?” inis na untag ni Eleanor. “Kung mangiinsulto ka lamang din ay umalis kana. Wala akong ganang makinig pa sayo.” Mangiyak ngiyak niyang sabi bago inalis ang mga mata dito. Aalis na lang sana siya, nang higitin siya nito pabalik. Parang isang spring siyang napabalik sa kinatatayuan. Napasubsob siya sa katawan ni Noah. Agad siyang inatake ng amoy nito. Pilit man niyang balewalain ngunit mahirap iyon sa ganoong kalapit nilang distansiya. Sa ikalawang beses ay muli niyang itinulak ito. “Ano bang problema mo?” Umismid si Noah. “Ano? Hahayaan mo na lamang silang maging masaya? Habang ikaw umiiyak na lang? Kung ganon nga ay hindi na ako nagtataka kung bakit pinagpalit ka ng asawa mo—” Lumagapak ang kamay niya sa mukha nito bago pa ito makatapos sa sasabihin. Nag iinit na naman ang sulok ng mga mata ni Eleanor. “Wala kang karapatang sabihin sakin iyan dahil hindi mo alam ang nararamdaman ko! Hindi ikaw ang niloko! Wala ka sa sitwasyon ko ngayon!” Mabilis niyang pinasadahan ng kamay ang mata para pahiran iyon. “Wala kang alam kung gaano ako nasasaktan ngayon! Hindi mo alam kung gaano ako nagtiis! Wala kang alam sa kung…” pinukpok niya ang dibdib habang nananatili ang mata sa lalaki na nakatitig lang sa kaniya.“…kung gaano kasakit makitang may iba ng mahal ang asawa mo at may anak pa! Wala kang alam sa lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon!”
Dahan dahang napaupo siya. She covered her face with her palms bago humahagulgol na nagsalitang muli. “Gusto ko na lamang maglaho para mawala na rin itong nararamdaman ko at upang makasama ko na ang anak ko!” Umiyak siya nang umiyak. Wala na siyang pakealam kung anong itsura niya at kung kaawa awa man siya sa mata ni Noah. Gusto niya na lamang ibuhos lahat ng sakit na nararamdaman niya sa pag iyak hanggang sa maging manhid ang pakiramdam niya.Pinanood ni Noah ang pag iyak ni Eleanor. Nakaramdam na naman siya ng awa para dito at galit para sa asawa nito at sa pamilya nito. Napabuntong hininga siya bago bumaba at lumebel kay Eleanor.
“Kung ganoon wag mong hayaang manatili kang ganiyan. Huwag mong ipakitang talunan ka. Huwag mong hayaang maging masaya sila at ikaw ay hindi. Gantihan mo sila, Eleanor.” Nagmulat si Eleanor bago inalis ang mga kamay sa mukha. Malabo ang mga mata niya ngunit unti unti iyong luminaw nang ipaglandas ng lalaki ang daliri nito sa gilid ng mga mata niya upang punasan iyon. “I will help you, Eleanor.” Hindi agad rumehistro ang mga sinasabi nito kay Eleanor. Tinitigan niya ang lalaki at ganun din naman ang isa sa kaniya. Matigas man ang anyo ng lalaki pero sa kauna unahang beses ay nakakita siya ng lambot sa mga mata nito at hindi niya mapaniwalaan iyon. Tila ibang lalaki na ang kaharap niya. “Bakit…” buka niya sa bibig sa mahinang boses. “Bakit gusto mo akong tulungan? Bakit ginagawa mo ito?” Isang beses pang pinadaan ng lalaki ang daliri sa basang pisnge ni Eleanor bago sinagot ang tanong nito. “Dahil may dahilan din ako para paghigantihan ang pamilyang iyan, Eleanor. Kaya magtulungan tayong dalawa.” Pinisil ni Eleanor ang daliri. Binalikan niya ng tingin ang kaninang pinapanood. Ilang segundong nanatili ang paningin niya sa mga ito bago binalingang muli si Noah. Tumango siya ng isang beses. “Anong plano mo?” Kumibot ang labi ng lalaki bago unti unting ngumisi. Tumayo ito at naglahad ng kamay sa kaniya. “Come with me.” Sagot ni Noah sa matigas na accent. Suminghot si Eleanor at tinignan ang kamay nito bago ang mukha nito. Hindi niya alam kung bakit tila nag iba ito ng ugali ngunit hindi na iyon mahalaga. Inilagay niya ang kamay sa lalaki. Lumawak ang ngisi nito bago siya tinulungang makatayo.Hindi siya sigurado sa gagawin niya at sa kakalabasan ngunit determinado na siyang maghiganti. Tama ang lalaki at ang lola nito. Hindi dapat siya manatiling mahina at iyakin. Kailangan niyang gumawa ng paraan para bumangon, para sa sarili niya.
“This will be fun.” Ani ni Noah sa kaniya.
MARIING binasa ni Herbert ang pirma ni Eleanor sa kanilang divorced paper. Hindi niya alam kung bakit imbes na masiyahan ay tila may pait siyang nararamdaman dahil doon. Matapos ang nangyaring pagdating ni Noah Madrigal ay hindi niya na nahabol pa ito at ang asawa niya. Pinigilan din siya ng kaniyang ina at ni Clarisse para gawin iyon. Hindi niya maintindihan kung anong koneksyon ng dalawa. Wala siyang maalalang magkakilala ang dalawa kaya nagtataka siya kung paano at bakit kinuha ng lalaki ang asawa niya. Palaisipan sa kaniya ang nangyaring iyon.Wala namang telepono si Eleanor para sana matawagan niya kaya naman naisipan niyang puntahan na lang ito sa mansion ng mga Madrigal. Asawa pa rin niya ito at nag aalala siya kahit papano dahil nakita niya kung paano ito nawalan ng malay habang dumudugo ang ulo. Gusto niyang malaman kung ano na ang kalagayan nito. Pero ang higit ay kailangan niyang malaman kung bakit dinala ito ng kaniyang katunggali noon pa man na si Noah Madrigal.Ngunit n
“MOST of our clients these days are more prefer the Madrigal company." Malamig na boses ng chairman na siyang tanging maririnig sa apat na sulok ng kwarto."What are you all doing? Natutulog ba kayong lahat?!" Biglaang bayolenteng sigaw naman na dagdag nito.Inihagis ng chairman ng Pascua Enterprises Holdings Inc. ang folder na binigay sa kaniya ng sekretarya bilang monthly and weekly report. Wala siyang nagugustuhan sa mga iyon. Napapikit ang mga nasa loob ng meeting room. Isa na doon si Herbert. Na nasa may dulo nakaupo, katabi ng mga kasamahan niyang engineer din.Apat na taon na siyang head engineer ng kumpanya ng kaniyang asawang si Clarisse ngunit hanggang ngayon ay ang ama pa rin nito ang namamahala niyon. Hindi parin pinapasa kay Clarisse at mukhang wala paring balak ipagkatiwala dito kahit na may edad na ito at kahit na wala din namang ibang pamamanahan, kung hindi ang nag iisa lamang na anak.Tinignan ni Herbert ang istrikto at malupit na matanda. Halos tumalon ang puso niya
SA ISANG five star hotel gaganapin ang most anticipating event. Lahat ng prominenteng tao at mga negosyante sa bansa ay nandoon at imbitado. Lahat ay kuryoso sa ipapakilalang fiance ng magaling at matalinong apo ng mga Madrigal.Parang isang engrandeng ball ang event dahil sa mga nagsososyalan at naggagandahang mga gowns and luxury items na suot ng mga bisita. Well, they just aren't there to know about the mystery woman of Noah Madrigal. Most of the guests are there to make a good impression, to show off and to build a network. Ang mga Madrigal ay kilala sa larangan ng negosyo at engineer. From then on, they are known for building and controlling of multi millionaire and billionare empires. Kung kaya naman, hindi na nakakagulat na sila'y hinahangaan ng mga small and big time business men. Everyone wants to become one of their circle.Ngunit, hindi lahat…Naunang bumaba sa itim na sedan si Herbert Jimenez, na nakasuot ng isang itim na formal tailored suit. Kasunod ay inalalayan nito an
“PLEASE meet Caroline Dizon, my future wife.” Pakilala ni Noah sa lahat. Nagpalakpakan at nagsitayuan ang mga bisita. Halong kuryoso at pagkamangha ang nasa mata ng mga ito habang pinapanood si Eleanor o Caroline na ngayon.She accepted the hand of Noah and stretch her lips for a friendly smile sa mga matang nakatingin. Nawala nga lamang iyon nang madapuan ang table nina Herbert at Clarisse.The two seems shock. Nagulat sila sa narinig na pangalan. They are expecting na siya parin ang dating Eleanor ngunit malaki na ang pinagbago niya at isa na nga doon ang pagpapalit niya ng pangalan. Sinunod niya ang payo ni Noah at ng lola nito na magbago ng pangalan. Upang maging tanda ng kaniyang pagbabagong buhay. Nilapitan siya at pinuri ng mga bisita. That event was just supposed for a welcome party para kay Noah dahil sinamahan siya nitong mamalagi ng ilang taon sa ibang bansa ngunit ikinagulat niya na lamang nang sabihan siya ni Noah bago ang araw na iyon nang, “Ipapakilala kitang fiance ko
DIRE diretsong pumasok si Clarisse sa kanilang bahay pagkababang pagkababa ng sasakyan. Nagpupuyos siya sa galit dahil sa nangyari at namamanaag iyon sa kaniyang mukha at mga nanginginig na mga kamay.Napahiya siya at dahil iyon kay Eleanor. Gustong gusto niyang pisikal na saktan ito kanina upang gantihan dahil sa mga sinabi nito sa kaniya. Ngunit dahil naroon ang mga paparazzi at ang mga socialite na mga bisita, hindi niya nagawa.Hindi niya matandaan kung kailan siya nasagot ng ganoon ni Eleanor. Ang tanging alaala niya sa babae ay ang mga pag iyak nito at ang pagiging tanga nito para sa dating asawa. Kaya naman kahit ayaw mang aminin ni Clarisse, totoong nagulat siya sa naging pagbabago ng babae lalo na sa paraan nito nang pagsasalita. Tumigil siya sa may salas at muling humarap sa asawa na papalapit naman habang nag aalis ng suot na neck tie. Gaya niya ay halatang nawala na rin sa mood si Herbert. Nasira na rin ang gabi nito. Ngunit walang pakealam si Clarisse dito at sa kung anum
“I'LL JUST go to the toilet room.” Bulong na paalam ni Caroline kay Noah na abala parin sa pakikipag usap sa mga guest. Bumaling ang ulo nito sa kaniya habang ang kamay ay nakalapat sa bewang niya. Kanina pa siya hinahaplos ni Noah doon at ramdam na ramdam niya ang balat nito sa kaniya dahil backless ang dress niyang suot.“Do you want me to come with you?” alok ni Noah. Gusto ni Caroline na ngumiwi sa sinabi nito ngunit dahil may tao silang mga kaharap, maliit niya na lamang niyang nginitian si Noah.“It's okay. I can manage.” Aniya. Saglit pa silang nagtitigan bago tumango si Noah sa kaniya. “Okay…”Ngumiti na muna at tumango si Caroline sa mga nakikinig, ngunit nagsiiwas lamang ang mga ito ng tingin. Nagbago ang tungo ng mga ito sa kaniya matapos ang nangyaring pagtatalo nila ni Clarisse. Ini-expect niya na naman iyon. Wala din naman siyang balak itago iyon at lalo nang wala siyang pakealam sa kung anumang isipin ng mga ito sa kaniya.Naglakad na lamang siya papalayo at papalabas n
“WHY DID you kissed me like that?” tanong ni Caroline kay Noah. Lumabas siya ng sasakyan at agad namang sumunod si Noah sa kaniya.“What's wrong with that? You even let me kissed you kanina sa harapan ng press. But now after I kissed you in front of your ex-husband, naiinis ka? Don't tell me may feelings ka parin sa kaniya?”Tumigil siya sa mabilis na paglalakad para iritadong harapin si Noah.“Of course not!”“Then why?” mariing tanong ni Noah. Humakbang pa ito sa kaniya ng isang beses. Napansin ni Caroline ang gwardiya sa gilid na agad lumayo at umalis na tila takot na madamay. Napabuntong hininga siya.“Because I just don't like it, okay? I just intended to give you a smack pero…”pinamulahan siya nang maalala ang ginawa nitong paghalik sa kaniya. Iniilag niya ang kaniyang mga mata mula dito. Hindi naman nagbago dilim at inis sa mukha ng isa.Wala naman talaga dapat siyang ikagalit. Lalo na at siya naman ang nag insist sa halik na iyon. Sadyang nahihiya lang talaga siya. Lalo na kap
SINUSUNDAN ng tingin si Caroline habang naglalakad siya papasok ng Madrigal's company na ngayon ay pinamamahalaan na ni Noah.Unang araw niya iyon sa pagtratrabaho sa kumpanya ngunit nagmamadali siya dahil medyo huli na siya sa tamang oras. Sinubukan naman niyang maagang magising ngunit dahil late na rin sila nakauwi kagabi ni Noah mula sa event ay napahimbing ang tulog niya. Nagising na lamang siya ilang minuto na lang bago ang tinakdang oras na sinabi sa kaniya ni Noah.She will join the meeting sa conference room upang mapakilala na rin siya ni Noah bilang bagong engineer. Ngunit dahil late na nga siya ay baka maabutan niya na lamang ang pagtatapos ng pagpupulong na iyon.Hindi niya pa gamay ang building dahil first time niyang pumunta doon kaya naman medyo nalito pa siya. Ang natatandaan niya lang sa paalala ni Noah ay ang floor na kailangan niyang puntahan at sa 12th iyon. At mukhang lalo pa siyang matatagalan dahil crowded ang elevator. Nagulat na nga lamang siya nang lumabas ang
“THANK YOU.” Ani Caroline kay Herbert nang ihatid siya nito pabalik sa kumpaniya. Ngumiti lamang ang isa sa kaniya bago siya muling pinagbuksan ng pintuan. “Wala kana bang gagawin dito?” dagdag niyang tanong sa lalaki na bahagyang natigilan pa bago umiling. Ngiting-ngiti ito sa kaniya na kanina niya pa kinaiiritahan.“Iyong meeting lang talaga ang dahilan kung bakit ako pumunta dito. Uh…tomorrow! Sa site na ang diretso ko.” He said while sounded like he was expecting something on her reaction. As if he was expecting her to come too. Ngumiti si Caroline bago tumango. “I'll probably too. Let's just see there then?”Hindi na magkamayaw ang ngiti ni Herbert. Tumango ito sa kaniya. She nodded once for finality before she started walking towards the building. Ang labi niyang may pilit na ngiti ay unti unting bumaba at naging flat line. Hindi na siya lumingon pa sa lalaki dahil masama na ang timpla ng mukha niya at hindi niya na din kaya pang umarte sa harapan nito. Masyadong naubos ang pa
MULING sinulyapan ni Caroline si Noah habang naroon sila sa meeting room. Kasalukuyang mayroong dicussion sa ilan pang detalye para sa collaboration project with Pascua.Mula pa kanina ay hindi niya pa nakitang muling tumingin sa kaniya si Noah. Ni umimik sa kaniya ay hindi na rin nito ginawa. She tried to strike a conversation with him ngunit sa huli ay hindi niya rin magawa dahil halatang focus ang lalaki sa trabaho.At kung hindi siya tinatapunan ng tingin ni Noah, si Herbert naman na nasa harapan niya, ay walang tigil ang paninitig sa kaniya. Mukhang malakas ang loob nitong tignan siya ng ganoon dahil wala ang asawa nito. She was playing her pen on her finger habang nakatitig sa harapan. Ngunit kahit nakapokus doon ang mga mata niya ay naroon naman ang atensiyon niya sa lalaking nasa harapan na hindi parin siya tinitigilan sa mga tingin nito.What's wrong with him? Sa isip niya. Natigil ang paglalaro niya sa pen nang maalala ang ginawa niya sa lalaki sa loob ng elevator. Bahagya
DALAWANG araw ang nakalipas matapos ang huling pamamaalam kay Lola Lucy ay naging tahimik ang pamamahay sa pagkawala nito. Ramdam ni Caroline ang kakulangan sa paligid. Lola Lucy brought a huge emptiness to everyone. Lahat ng mga kaibigan at kakilala ay halatang nabigla at nalungkot sa pagkawala nito. Maging ang mga kasambahay ay ramdam niya ang paghihinagpis.Mabuting tao ang matanda kaya hindi na nagtaka pa si Caroline sa iniwan nitong kalungkutan sa puso ng mga kakilala, lalo na sa mga kamag anak at kadugo nito. Dumating pa nga galing ibang bansa ang mga kamag anak nito. Nakakalungkot nga lamang na ang magiging dahilan ng pagdating ng mga ito at pagsasama sama ay ang pagkawala ng matanda. Maging ang mga taong tinulungan ng matanda ay labis ang pinakitang hinagpis nang nakiramay sa burol at libing nito. Noon lamang nalaman ni Caroline na marami itong mga tinulungang makapagtapos sa pag aaral, mga taong may labis na kapansanan at sakit na walang perang pangpagamot ngunit dahil sa tu
TILA kay bilis ng pangyayari. Nakita na lamang ni Caroline ang sarili na nasa harapan ng kabaong ni Lola Lucy na pinaglalamayan ng mga mahal nito sa buhay. She still couldn't comprehend the fact that the old lady is already dead. Tila naririnig niya parin ang mga salita nito noong huli nilang pag uusap. At nakikita niya parin ang mga ngiti nito. Heart attack ang ikinamatay ni Lola Lucy at namayapa ito habang mahimbing na natutulog. Wala itong iniindang sakit noon kaya naman nagulat talaga sila sa biglaang pagpanaw nito. Tuloy ay hindi ni Caroline mapigilang makaramdam ng pagsisisi dahil hindi niya sinulit ang huling sandaling nakasama niya at nakausap ang matanda. Kung alam niya lang ay mas hinabaan niya pa sana ang pakikipag usap sa matanda. Kung alam niya lamang na iyon na ang huli ay pasasalamatan niya ito ng paulit ulit sa lahat ng mga bagay na naitulong nito sa kaniya. Pinunasan niya ang pisnge nang may butil na luha na naman ang tumulo mula sa mga mata niya. Nasasaktan si
PINAGLALARUAN ni Caroline ang alak sa basong hawak habang nakatingin sa mga bituin sa maaliwalas na kalangitan. Hindi siya makatulog sa gabing iyon dahil sa mga nangyari sa pageant. Lumilipad nag isipan niya sa mga nasaksihan kasabay nang pagsasayaw ng mahaba niyang buhok dahil sa malamig na hangin ng gabi. Isinaayos niya ang roba niyang suot sa ibabaw ng kaniyang night dress bago idinampi ang labi sa baso ng alak na iniinom.Alam niya sa sarili niyang hindi siya nakokonsensiya ngunit hindi niya naman maikakailang nakakaramdam siya ng konting awa kay Trina lalo pa at nalaman niyang pinalayas na ito sa kanilang mansion ng sarili ding ina. Hindi niya mapigilang ikumpara ang sarili sa nangyari kay Trina, sa gabing kung kailan siya wala ring pakundangang itinaboy ng dati niyang biyenan na tila asong kalye lamang. Ngunit sa huli ay nakikita niya rin ang pinagkaiba nilang dalawa ni Trina. Mas matindi pa ang nangyari sa kaniya kaysa sa sinapit ng babae kahit na wala siyang ginawa sa pamilya
NaATANGGAL na ang video sa internet ngunit masyado na iyong kumalat para mabura pa ang lahat. Sira na ang imahe ni Trina sa publiko at natanggal na rin siya ng tuluyan sa pageant. Ngunit hindi lamang siya ang nakakatikim ng negative comments, dahil maging ang ina niyang si Suzanna ay bina-bash na rin dahil sa nalamang nagbabayad ito upang mapanalo lang ang anak sa pageant. Naungkat pa ang noong mga issue din patungkol parin kay Suzanna at sa mga pandarayang ginawa nito upang manalo sa mga pageant na sinalihan. Nagbigay pa ng mga kumento ang mga dati nitong nakalaban kaya lalo siyang nadiin.“I can't believe this!” sigaw ni Suzzana sa gigil matapos sampalin si Trina. Pagkauwing pagkauwi nila ni Herbert ay kasunod na dumating ang ina niya at kapatid. Pagkakita pa lamang ni Suzanna kay Trina ay nanggigigil siya nitong hinablot at pinagsasampal. Natigil nga lamang nang pumagitna na si Herbert. Sa gilid naman ay naroon lamang si Shiela na hindi malamang kung anong gagawin sa sitwasyon. Na
PINANOOD ni Caroline ang paghagulgol ni Trina sa balikat ni Herbert na tanging umakyat sa stage para harangan ang kapatid mula sa mga matang mapanghusga. Ngunit bago iyon ay nakita ni Caroline ang pag alis ni Suzanna para iwanan ang anak at isalba ang sarili sa mga aakusasyon. Hindi siya makapaniwalang madali lamang ni Suzanna na tinalikuran ang anak. Bukod dito, maging si Shiela na kakambal pa ni Trina ay iniwan ang kakambal na tila hindi nito kilala ang binabato ng masasakit na salita. Sumunod ito sa kaniyang ina sa pag alis na parang walang nangyari.Gustong matawa ni Caroline. Ngunit hindi dahil natatawa siya sa nangyayari ngunit dahil naiinis siya. Hindi siya makapaniwalang ganoon kawalang puso si Suzanna at si Shiela.Nag e-expect siya na kahit papano ay ipagtatanggol ng mga ito si Trina. Ngunit walang ganoong nangyari.Huminga siya nang malalim bago naglakad para sundan na lamang si Herbert at si Trina. Sinundan din ang magkapatid ng mga reporter na nandoon sa event. Of course
PINILIT ni Caroline na hindi ipakitang nasasaktan na siya sa pagkakahawak ni Herbert lalo pa sa narinig na pag-aakusa nito. Gusto niyang sampalin ito at itulak ngunit matinding pagpipigil ang ginawa niya. She need to calm down. Hindi niya hahayaang ang galit ang sumira ng mga plano niya.“Ganiyan ba kasama ang tingin mo sa akin, ha? Herbert?”Nakita niya ang unti unting pagbabago sa reaksiyon ng lalaki. Maliit siyang ngumiti, pinapakita ang pekeng kalungkutan. Although, deep inside she really felt a bit hurt. Dahil sa kabila ng mga naging paghihirap niya at mga naging sakripisyo at kabutihang pinakita noon sa lalaki at sa pamilya nito, tila hindi parin nito nakita ang mga bagay na iyon. Tama nga ang desisyon kong saktan ka rin, Herbert. Dahil tila wala kapa ring pagbabago. Kaya naman sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang lahat. Luluhod ka sa harapan ko kasama ang pamilya mo. Sa isipan ni Caroline.“Kung may higit mang taong mas nakakakilala sakin, ikaw iyon hindi ba? You know that I
“WHAT is that stupid girl doing? Bakit hindi niya sinasagot ang tawag ko?” Napatingin si Herbert sa gilid kung nasaan ang kaniyang ina. She's repeatedly trying to connect to her daughter, Trina. Sa tabi nito ay nakaupo naman ang kakambal ni Trina na si Shiela na halatang bagot na bagot at gustong umuwi na. Nandoon sila para suportahan si Trina sa kumpetisyon o mas mabuting sabihin na ipakita sa publiko na sinusuportahan nila ito kahit na ang totoo ay wala naman sa kanila ang may interes na pumunta doon maliban na lamang sa ina nila, na gustong maiuwi ang korona at maipagyabang sa mga kakilala at kaibigan nito iyon. Herbert knows how obsessed her mother to win the trophy. Hindi ito nakoronahan noon sa isang sinalihang malaking kumpetisyon. At dahil hindi parin iyon matanggap, ginagawa nito ang lahat ngayon na manalo sa pamamagitan ng anak. “I will kill her.” Rinig niyang nanggigigil na sabi nito. Napabuntong hininga na lamang si Herbert. Wala naman talaga sanang balak na sumama si