Share

Chapter 31

DALAWANG araw ang nakalipas matapos ang huling pamamaalam kay Lola Lucy ay naging tahimik ang pamamahay sa pagkawala nito. Ramdam ni Caroline ang kakulangan sa paligid. Lola Lucy brought a huge emptiness to everyone. Lahat ng mga kaibigan at kakilala ay halatang nabigla at nalungkot sa pagkawala nito. Maging ang mga kasambahay ay ramdam niya ang paghihinagpis.

Mabuting tao ang matanda kaya hindi na nagtaka pa si Caroline sa iniwan nitong kalungkutan sa puso ng mga kakilala, lalo na sa mga kamag anak at kadugo nito. Dumating pa nga galing ibang bansa ang mga kamag anak nito. Nakakalungkot nga lamang na ang magiging dahilan ng pagdating ng mga ito at pagsasama sama ay ang pagkawala ng matanda.

Maging ang mga taong tinulungan ng matanda ay labis ang pinakitang hinagpis nang nakiramay sa burol at libing nito. Noon lamang nalaman ni Caroline na marami itong mga tinulungang makapagtapos sa pag aaral, mga taong may labis na kapansanan at sakit na walang perang pangpagamot ngunit dahil sa tu
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status