Share

Ika-limampu't dalawang kabanata

Sobrang labo at gulo ng lahat. Ang plano kong pagbabalik sa aming mundo ay naudlot dahil ayaw magbukas ng lagusan para sa akin kahit na anong subok ko. Ilang oras akong nandito sa kakahuyan at sa itaas mismo ng puno kung nasaan ang lagusan ngunit kahit gamit ang kapangyarihan ko ay walang nangyayari.

Kanina’y hindi ko pinaniniwalaan at sineseryoso ang sinabi sa akin ng bampirang palaging nagbibigay ng persimmon sa akin dahil hindi ko lubos maisip na paano ako magkakaroon ng misyon sa isang mortal gayong isa akong bampira, at isa pang reyna na ang tungkulin ay pangalagaan at protektahan ang aming mundo, ngunit habang naglalakad ako ngayon dito sa loob ng kakahuyan ay napagtanto kong hindi siya nagbibiro at ang kanyang sinabi ay kailangan kong sundin.

Ang kanyang pagkakakilanlan ay isa pa ring misteryo dahil bukod sa kaalaman na siya ang nagligtas sa akin ay wala na akong ibang alam. Hindi ko alam kung paano niya iyon nagawa, kung may katulong ba siya sa pagpaplano

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status