Pagtapik sa aking balikat. Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako pero kanina ko pa nararamdaman ito kasabay ng mahinang pagtawag sa pangalan ko. May iba pa itong sinasabi ngunit hindi ko iyon maintindihan dahil ang diwa ko’y nasa pagtulog pa.
Wala akong kasama sa aking tinutuluyan kung kaya’t paanong nangyaring may tumatapik— agad akong napamulat at napabangon ngunit pagdaing lamang at pagsapo sa nasaktan kong noo ang nangyari. Tumama ako sa isang bagay—o mas mabuting sabihin na tumama ang noo ko sa mukha ng isang nilalang na nakakasigurado akong siya ang nambubulabog sa aking pagtulog.
Nawala sa aking isipan na kahapon ay biglang bumagsak ang malakas na ulan at wala akong nagawa kung hindi ang patuluyin si Cyrus dito sa tinutuluyan ko. Hindi ko siya maaaring hayaang umuwi dahil masyadong delikado at panibagong dagdag konsensya na naman kung may mangyaring masama sa kanya. Hindi tumila ang ulan kung kaya’t dito siya tumuloy at natulog. Sinabihan ko siya kagabi n
Portas inmortales aperite et intret sectator vester -open the gates of the immortals and your follower may enter
Sobrang labo at gulo ng lahat. Ang plano kong pagbabalik sa aming mundo ay naudlot dahil ayaw magbukas ng lagusan para sa akin kahit na anong subok ko. Ilang oras akong nandito sa kakahuyan at sa itaas mismo ng puno kung nasaan ang lagusan ngunit kahit gamit ang kapangyarihan ko ay walang nangyayari.Kanina’y hindi ko pinaniniwalaan at sineseryoso ang sinabi sa akin ng bampirang palaging nagbibigay ng persimmon sa akin dahil hindi ko lubos maisip na paano ako magkakaroon ng misyon sa isang mortal gayong isa akong bampira, at isa pang reyna na ang tungkulin ay pangalagaan at protektahan ang aming mundo, ngunit habang naglalakad ako ngayon dito sa loob ng kakahuyan ay napagtanto kong hindi siya nagbibiro at ang kanyang sinabi ay kailangan kong sundin.Ang kanyang pagkakakilanlan ay isa pa ring misteryo dahil bukod sa kaalaman na siya ang nagligtas sa akin ay wala na akong ibang alam. Hindi ko alam kung paano niya iyon nagawa, kung may katulong ba siya sa pagpaplano
Tahimik kong inilalagay sa kahon ang mga damit ko at ang ibang mga gamit na kasya roon. Pang-apat na araw ko pa lang rito sa tinutuluyan ko ngunit nag-aayos na kaagad ako ng gamit dahil aalis na ako at uuwi na sa bahay ni Cyrus.Gusto kong matawa sa sarili ko dahil ang lahat ng sinabi ko noong nakaraan ay kinain ko lang. Dahil sa walang linaw na misyong ibinigay sa akin ay kailan kong manatili malapit kay Cyrus upang madiskubre kung ano ang kailangan kong gawin upang kaagad na matapos iyon at makabalik sa aming mundo. Hindi ko alam kung gaano katagal at kailan ko magagawa, ngunit kailangan kong matapos iyon sa lalong madaling panahon.“Tapos ka na riyan?” Napalingon ako kay Cyrus na kakatapos lang iayos ang mga gamit sa kusina at buhat na ang kahon no’n. Tumango ako sa kanya at isinara ang kahon ng mga gamit ko bago isinukbit sa katawan ko ang aking bag at binuhat ang kahon.“Ito na ba ang lahat ng mga gamit mo?” tanong niya sa nati
“Fajra, nakahanda ka na?” napalingon ako kay Cyrus na kasalukuyang nag-aayos ng gamit niya habang ako ay narito sa kusina at naghahanda ng pagkaing mababaon namin. Alasdos na ng umaga at ito ang takdang oras ng pag-alis namin. Pupunta pa kasi kami sa bayan at sa bahay ng Gobernador dahil dadaanan ang iba naming kasama upang sabay-sabay na makaalis.Tumango ako sa kanya at ipinasok ang malaking lagayan ng niluto kong pasta sa paperbag at kinuha iyon bago lumapit sa kanya. Isinukbit naman niya ang kanyang bag sa kanyang likod habang binitbit naman ang bag na pinaglalagyan ng mga gamit ko.“Tara na,” aya niya sa akin. Tumango ako sa kanya at isinukbit sa katawan ko ang maliit kong bag na pinaglalagyan ng mga personal na gamit bago sumunod sa kanya. Ako na ang nag-alis ng mga saksak ng mga kagamit at siniguradong maayos na nakakandado ang pinto.Lumapit ako sa kanya na naghihintay na sa may kotse at pinagbuksan niya ako ng pinto. Ibinaba ko n
Nakatitig lamang ako sa aking repleksyon sa salamin dito sa loob ng banyo. Tapos na akong maligo at mag-ayos, ngunit nandito pa rin ako at nakatayo, iniisip ang nangyari kanina. Ilang oras na rin ang lumipas nang maligo kami sa dagat ngunit ang memorya ng biglang paghalik sa akin ni Cyrus doon ay hindi mawaglit sa aking isipan. Napahawak ako sa aking labi at kasabay no’n ang pamumula ng aking pisngi. Agad naman akong napahilamos muli ng mukha. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ni Cyrus at ginawa iyon, pero hindi ko rin alam kung ano ang sumapi sa akin dahil nang ginawa niya iyon ay imbes na itinulak siya palayo ay kumapit pa ako sa kanyang batok at sinagot ang bawat halik niya. Hindi ko alam kung bakit parang may humila sa akin na gawin iyon. Natauhan lamang kami nang tumama sa amin ang malakas na alon. Matapos naman mangyari no’n ay parang wala lang kay Cyrus ang nangyari dahil palangiti pa rin siya at paladikit sa akin. Ako lang ang paminsan-minsang lumala
“Fajra, gising na.” Nangunot ang aking noo nang maramdaman ang pagyugyog sa akin ni Cyrus. Malinaw ang pagtawag niya sa akin at hindi niya tinitigilan na ugain ang balikat ko.Inangat ko ang aking kamay at inalis ang kamay niya sa balikat ko bago unti-unting minulat ang mata at tumingin sa kanya. Nakatayo na siya sa may gilid at mukhang maganda ang pagkakagising. Nakaayos din siya na hindi ko alam kung bakit.Lumingon ako sa may bintana at napakunot ang noo nang makitang hindi pa sobrang liwanag sa labas at mukhang papasikat pa lang ang araw. Magpapalit na ang araw nang pumasok kami kagabi kung kaya’t hindi ko alam kung bakit ganito niya ako kaaga ginising. Wala akong matandaan na may napag-usapang susunod na aktibidad na gagawin ng ganito kaaga.“Pinapatawag na ba tayo?” tanong ko sa kanya at bumangon mula sa pagkakahiga. Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang kanyang daliri bago umiling sa akin at ngumiti.“Wala, pero
Hindi ko na alam kung ano ang totoo sa nararamdaman ko. Tinitimbang ko kung may mararamdaman ba akong pagsisi sa aking naging desisyon na bigyan ng pagkakataon si Cyrus na iparamdam ang pagmamahal niya sa akin, ngunit wala akong makapa ni isa na pagsisisi o kung ano pa man doon. Pakiramdam ko ay tama lang ang ginawa ko dahil karapat-dapat siyang bigyan ng tyansa at alam kong totoo siya sa kanyang nararamdaman sa akin. Maaari rin na ang pagbibigay ko ng tyansa na iyon sa kanya ay ang magbigay linaw sa aking totoong nararamdaman at baka dalhin pa ako nito sa kalinawan ng misyon ko sa kanya… pero kapag sumasagi sa aking isipan na sa ginawa kong ito ay sinira ko ang paniniwala ko tungkol sa koneksyon ko sa aking nakatakdang kabiyak; na sa ginawa kong ito ay masisira ang koneksyon na mayroon kami ni Heinrich ay nababagabag ako at nakakaramdam ng lungkot. Naguguluhan na ako. Nagtatalo ang aking paniniwala, kagustuhan na matapos ang misyon, at ang damdamin. Alam ko
Ang oras ay mabilis na lumipas. Ang bakasyon namin ay agad ring natapos nang sumapit ang linggo dahil pagdating ng hapon ay umuuwi na kami. Noong umaga ng araw na iyon ay bumisita kami sa iba pang magagandang puntahan sa lugar na iyon tulad ng taniman ng ubas, ibang mga lugar kung saan magandang kumuha ng litrato, at sa mga pamilihan kung saan makakabili ka ng mga gamit at pagkain na sa bayan lang na iyon matatagpuan. Mabuti na lamang at matipid kaming pareho ni Cyrus noong mga nakaraan kaya may pera pa kaming naitabi noon at nagamit namin kahapon.Ibinili ko sila Aling Mirna ng mga prutas na mula roon at iba pang pagkain, habang si Mira naman ay binilan ko ng hinabing bag na mula sa bayan na iyon. Ilang pangdekorasyon sa bahay ni Cyrus at ilang kagamitan naman ang binili ko para sa amin. Dinamihan ko na ring bili ng ubas upang maibenta naming dito dahil mura iyon sa bayan na iyon. Hindi ko naman nilakihan ang patong ng presyo kung kaya’t mabilis ding naubos iyon. Sa ga
“So, ano na? Kayo na? Sinagot mo na siya?” nasasabik na tanong sa akin ni Mira habang nagsasandok siya ng niluto kong pasta sa kanyang plato. Lunes ngayong araw at naisipan kong magluto ng pasta dahil ginamit ko ang natirang ham mula sa inulam namin kaninang almusal ni Cyrus. Eksakto rin naman na wala palang pasok si Mira kaya inanyayahan ko siya ngayon para makapagmiryenda.Ibinaba ko sa mesa ang ginawa kong garlic bread bago nagsandok ng aking pagkain at umiling ako sa kanya bilang sagot sa kanyang tanong. Agad namang napakunot ang kanyang noo at napatigil sa pagsubo ng pagkain.“Hindi? Bakit? Ayaw mo ba kay Cyrus? Hindi ba siya consistent? Ilang linggo na ba siyang nanliligaw?” sunod-sunod na tanong niya sa akin. Napasandal naman ako sa aking kinauupuan bago inabot ang tinidor at napabuntong hininga.“Araw-araw ipinaparamdam sa akin ni Cyrus na mahal niya ako at wala naman akong mahihiling pa mula sa kanya dahil bukod sa likas si