TAHIMIK ako habang nasa biyahe. Akala ko ay sa SUV kami sasakay at kasabay sa biyahe si Lyka pero ang nangyari ay sinakay niya ako sa sports car niya. Dalawa na naman kaming nasa sasakyan lang niya.I could feel his stares, but I pretended I was busy looking outside the window. Wala akong maapuhap na sasabihin. The awkwardness every time I see him is still there. Gusto ko na lang makarating na kami sa Manila para makaalis na ko.If I had known about this early, siguro hindi na talaga ako pumirma nang kontrata sa kanila. I don't want to associate myself to him. Tahimik na ang buhay ko."Do you want to eat?""Thank you pero hindi pa ako gutom," I answered and glanced at him.Nakita kong tumango ito. Hindi na rin naman nagsalita pagkatapos. Inantok ako sa kakanuod ng mga sasakyan at puno sa labas at hindi ko na namalayang nakatulog na ako.Nagising na lang ako na nasa expressway na kami. When he noticed that I woke up, magsasalita sana siya kaya lang ay ipinikit ko na ang mga mata.I don'
MAINGAY sa grupo namin dahilan kung bakit ang ibang nasa kabilang table ay napapatingin sa amin. I noticed him when he stood up, and he's ready to come to our group kaya lang naharang siya ng ibang kasama. Nilapitan din siya ng blonde girl at hinawakan sa braso. Nagpanggap akong hindi siya nakikita o hindi interesado. Mukhang kakausapin niya ako agad dahil nakita niya na ako. Hindi tulad nang nasa Pampanga kami na nagpanggap pa na hindi kami magkakilala noong una.This time it's different."Your turn!" sabi ni Linux at inabot sa akin ang shot glass."I won't drink too much because I don't have a driver with me!" sabi ko at ayoko na maulit iyong nangyari noon na sobrang wasted ako."We got your back! Ihahatid ka namin in full piece!" sabi ni Francine.Tinitigan ko ang inabot sa aking shot glass. For a moment, I am contemplating whether to drink this, or I will check if there's something suspicious."Oh, babe! Wala kaming nilagay! Promise! We want you to have fun! Hindi namin 'yon gagaw
SAGLIT akong natulala sa nilapag sa aking tub na may lamang pizza at lasagna."Pinahatid po ni Boss para sa inyo," sabi ng staff at nagmamadaling umalis sa dressing room.Napalingon ako sa hair stylist ko at nagkibit-balikat lang ito. Narinig ko na may pinadala siyang pagkain para sa mga staff pero hindi ko naman iniisip na padadalhan niya ako mismo sa dressing room ko.Isa pa, alam naman niyang hindi ako kumakain ng ganito. Hindi ko pinansin ang hinatid na pagkain para sa akin. Nanatili ako sa aking posisyon at ramdam ko iyong kuryosidad ng staff sa akin lalo na ang hair stylist na may gusto yatang sabihin pero pinili na lang manahimik.Ipinikit ko ang mga mata habang nilalagyan na ako ng make-up. Pagkatapos nitong interview ay may photoshoot pa ko para sa i-pi-feature na magazine.Pagpasok ko pa lang sa studio ay nakita ko na siya.Manunuod siya?Oo. Nakaupo na siya sa harap. Sinalubong ako ng host pagkatapos na tawagin ang pangalan ko."Hi! Welcome to Entertainment Scoop!" bati sa
HE occupied my thoughts every nights because of the multiple encounters we had.Sabi ko ay hindi ko iisipin ito ng mabuti o ayoko nang pag-aksayahan ng panahon. Umuwi ako para sa trabaho at aalis din ako. Sa Paris na ang buhay ko. Doon ko na nakikita ang sarili ko na tatanda kasama ang anak ko.My friends still don’t know who is my boss. I feel like I don’t want to put much effort to talk about him. Kaya para di pag-usapan, hindi ko na lang sasabihin.Ayoko rin kasing magulo ang utak ko lalo na they will give insights about it.Dustin: I heard that you’ll have a meeting with the executives in Shangri-La. There is a restaurant that I really like their homemade pita. I want Classic Tzatziki for my lunch.Nanliit ang mga mata ko sa text nito. Inuutusan ba ako nito bumili ng lunch niya?“This way, Miss.”Natigil ako sa pagbabasa ng text niya dahil iginaya ako ng staff sa executive room. Nakasunod sa akin si Lyka na kagagaling lang mula sa sakit. Biglang nilagnat at inubo noong nakaraang a
HUMALUKIPKIP ako nang makita siya na nakahilig sa SUV nito. Alam ko na agad na sa kanya ako sasakay."Where are you going?" tanong ko sa kay Lyka dahil humiwalay na sa akin."She'll join the executives on the other car. Let's go."Napabaling ako kay Dustin na hindi ko namalayang nakalapit na pala sa akin.Dumapados ang palad niya sa aking likod para igaya ako sa sasakyan. Napilitan akong sumunod sa kanya.I was busy putting on my seatbelt when he talked.“You are VVIP, so expect that you have a different treatment with them.”Ngumuso ako habang umaayos ng upo. Lilingon sana ako sa kanya kaso napausog ako sa upuan dahil sobrang lapit ng mukha niya sa akin.Halos maduling ako sa pagtingin sa mga mata niya. I could even smell his mint breath. My heart is pounding. Halos hindi ako makahinga at tila ba muli kong nararamdaman iyon hinahalukay ang tiyan ko sa kaba.“That means only VVIP can ride in my car.”I heard a clicking sound.Umawang ang labi ko sa sinabi niya. Nahuli ko pa ang pagb
I found myself entering his living area. Wala ito sa plano ko pero nandito ako ngayon.“Feel at home. I’ll prepare food for us. You can roam around or join me in the kitchen,” he said while folding his long sleeves up to his elbow.Nagtagal ang mga mata ko sa palapulsuhan nito at sa kamao. It didn’t change. For me, he is still manly enough to make me feel attracted.I can’t deny it. I looked away. Gusto kong kagalitan ang sarili. Hindi naman ako nandito para sa ibang bagay. Isa pa, nasa tamang daan na ako o tamang landas. Hindi na para gawing kumplikado ang lahat.“I’ll stay here,” maos kong sabi at nilapag ang bag sa sofa nito.He already has a furniture. Kaunti nga lang. Isa pa, may ibang gamit man siya pero bumili pa siya ulit tulad nitong sofa.It suits well naman for me at ang color ng penthouse niya is black and white with gray accent.Iyong sofa is black naman and the design is okay for me. Para siyang nagsasayang ng pera.Well… anyway, it’s not mg problem. Pera niya ‘yon.Humil
HINDI ako pinatulog ng mga pangyayari kanina. For me, it was overwhelming.Nalulunod ang puso ko at naguguluhan. I don’t want to dwell on that thought that much pero hindi ko mapigilan.I am in doubt about his motives. I am in doubt about what he said and his feelings. If I will think this deeply, there’s a sign already. I just chose to ignore it because I thought that was right.Huminga ako ng malalim at tumagilid. Alas dose na pero hindi pa rin ako makatulog sa kakaisip.I have work tomorrow, and by this time dapat tulog na ako. Kinakabahan ako na baka bukas ay makita ko siya ulit. Hindi ko alam kung paano pa ako kikilos lalo pag nariyan siya lalo na sa mga narinig ko.I want to believe that he’s confused. Nahihirapan akong maniwala na mahal niya ako habang sila ng kapatid ko. But then, I remembered the pictures he showed me before. Ako lahat ‘yon.Sa buong pagsasama nila ng kapatid ko, minahal niya ba talaga ito? Siguro oo, natutunan niya. Pero tulad ng sinabi niya kanina. Hindi s
DUSTIN was wearing a black suit, and he looked dashingly handsome. Ang linis at ang bango niya tignan. I looked away when he towered to me. I could smell the perfume he used before. Paborito kong pabango niya iyon. I swallowed hard. Isa-isa nang nagpasukan sa memories ko ang mga nangayari noon. "It's you again..." I whispered. Of course, I would see him in social gatherings like these. Kilala siya ng lahat. We got a lot of common friends. "Yeah. Francine's dad is my friend. No date?" Tumaas ang kilay ko at saglit lang siyang sinulyapan. Mas lalong tumitibay ang hinala nila kay Dustin. Should I be frank at him? Ayoko talaga na ma-link sa kanya. "I have. Nasa loob na," I lied. Hindi ko siya matignan sa mga mata. "Sino?" I cleared my throat. Napa-isip pa ako kung sino 'yong ka-date ko kaso wala akong maisip. Hindi naman si Linux kasi iniwan nga ako. "Cassiedy Blaire." Napatingin ako sa likuran ni Dustin. Namilog ang mga mata ko nang makita iyong co-model ko noon na si Gerico.
I saw her first when she walked in the pedestrian lane while I was waiting for the red signal to turn green. She's wearing her school uniform—hugging her two books while wearing an earphone.She caught my attention, and I don't know why I was stunned when it's obvious that she was way younger than me. Hindi ko na namalayang nag-go signal na at kung hindi pa nagbusina ang sasakyang nasa likuran ko ay mapapako na talaga ang mga mata ko sa kanya.That was the first, and she did not get out of my mind easily. Tatlong araw ko siyang naiisip at pinipigilan ko lang 'yong sarili ko na ipahanap siya.But fate seem like playing with me when I saw her in a bookstore. Sinamahan ko 'yong kaibigan ko sa mall kahit na hindi ko hilig na pumunta rito. Kung hindi lang ako natalo sa car racing namin edi hindi na sana ako parang alila niya."Bro, bantayan mo muna. Kailangan ko ng canvas—"I groaned and cut him off."Fuck! Bilisan mo!" I said annoyingly.Sinipa ko pa ng bahagya iyong cart sa inis. Tatawa-
HE slowly lifted me from the bathtub. Umagos ang tubig mula sa aking dibdib pababa sa aking katawan. Dustin groaned when his tongue entered to explore my mouth. Napatingala ako at mas lalong napakapit sa kanya. Masyadong madulas ang aking katawan dahil sa nilagay ko sa tubig kaya maingat niya akong binaba sa sahig habang hindi pinuputol ang mainit at malalim na halik. Halos mamula ang labi ko sa tindi ng paraan ng paghalik niya sa akin. Para bang ayaw na iyong pakawalan. Dahan-dahan niyang hiniwalay ang labi sa akin pero panaka-naka akong pinapatakan ng halik. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at ipinagdikit ang ilong naming dalawa habang namumungay na tinitignan ang aking labi. He licked his lips. Basa na ang suot nitong pants dahil sa akin. I could also feel his thick member poking my stomach. "I love you..." ulit nito at ramdam ko ang init ng hininga niya sa ilong ko. I swallowed hard. "I... love you too," maos kong sabi. Naghurumentado ang puso ko at mas namula ang pi
NANATILI ang mga mata ko sa labas ng bintana ng sasakyan habang yakap si Pia sa aking dibdib. She was peacefully sleeping. Walang nagsasalita ni isa sa amin ni Dustin sa sasakyan. Dustin is beside me—his eyes closed, but his forehead creased. He is into deep thinking. I bit my lower lip. Sumandal ako sa upuan. Hindi naging maganda ang pagtatapos ng dinner namin kanina. "I didn't do anything. Bakit hindi siya ang tanungin mo? May ginawa ba ako sa 'yo, hija?" tanong ni Tito Joaquin sa akin. "Wala naman, anak. Emosyonal lang itong si Cassy," segunda naman ni Tita Tamara. Umiling ako kay Dustin para ipaalam na wala talaga. He looked at me intently. He sighed and looked at his parents again. "Dad, mom... I knew that there was something while I was away. Saglit lang akong nawala pero umiyak siya? Anong nakakaiyak sa pinag-usapan niyo?" Tito Joaquin smirked and shook his head while leaning on his chair—looking at us as if we were nothing. "I can't believe you're being rude to your pa
MY hands were trembling, and I was sweating bullets as we walked inside the restaurant. Sa five star hotel sa Taguig kami mag-di-dinner at tatlo lang kami ngayon na kikitain ang mommy niya. Iniwan ko na si Ate Rhea muna sa hotel."Your hand is cold," puna ni Dustin nang hawakan niya ang kamay ko.I pouted. Tiningala ko si Cassiopeia na hawak-hawak niya. Iyong security guard niya ang nagtulak ng stroller ni Pia. Ayaw na kasi nitong manatili doon at gustong magpakarga. I am just thankful na hindi siya umiiyak kay Dustin. Mahihirapan din kasi ako gawa ng suot ko ay rose gold spaghetti strap na below the knee ang tabas.Nakapusod ang buhok ko at light make-up lang ako ngayon."Si Mommy lang 'yon. Relax..." He whispered.Sinalubong agad kami ng manager."Good evening, Mr. Roberts and Ms. Blaire. Your parents are already in the VIP room."I smiled and greeted the male manager. Hindi sumagot si Dustin sa kanya dahil napatingin sa anak nitong biglang humagikgik dahil maraming nakikita na bag
NAUMID ang aking dila sa narinig. I remained stoic. Ayoko na makita niyang apektado ako sa mga sinabi niya."Look at me... please." He whispered.I got a goosebump because of his hoarse voice. I find it attractive. Mariin kong kinagat ang ibabang-labi. Hindi ko siya sinunod pero naramdaman ko iyong paglapat ng palad niya sa braso ko.Ipinikit ko agad ang mga mata kaya lang nahuli niya ako."Baby, huling-huli ka na..." maos niyang sabi.Marahan akong dumilat pero hindi ko pa rin siya nilingon. Ang palad niya ay nasa braso ko pa rin."Bakit ba? I'm going to sleep now. Nasagot ko naman 'yong tanong mo kanina," mahina kong sambit."I'm not done. Marami pa kong gustong pag-usapan natin."Doon ko na siya nilingon at naabutan ko iyong kaseryosohan sa mga mata niya. Lumayo siya ng kaunti sa akin at sumandal sa headboard ng kama. He was wearing a sando and a boxer shorts.Anong gusto niyang mangyari? Magkukwentuhan kami?"I easily get jealous. I am clingy and sometimes possessive."Napakurap-k
TAHIMIK ako nang bumalik kami sa loob. Binati ko si Tita Wendy kanina at hindi ko naman naramdaman na sobrang tagal naming hindi nagkita dahil very welcoming ang aura pa rin niya. I felt guilty kasi hindi ako um-attend last time noong birthday niya kahit na nasa Cavite na ako noon. "You should go now. Akala ko may gagawin ka pa after this? Ako na muna ang bahala sa mag-ina mo," sabi ni Tita Wendy habang nilalaro si Pia na nakaupo sa kandungan na ni Ate Rhea. Nakaupo lang din ako at pinapanuod sila. "I'll stay here. Nasabi ko na sa secretary ko ang gagawin. I thought you're going to Makati Med?" Napabaling ako kay Tita Wendy. "What happened, Tita? Are you okay?" Ngumiti siya sa akin. She still look the same. Hindi naman kasi ganoon katagal 'yong huli kaming magkita. "I visited a friend of mine. Naka-confined sa Makati Med. Sabi ko dadaan na muna ako rito kasi malapit lang. Tapos... andito pala ang baby mo. She's adorable! Nangigigil ako, hija. Gusto kong iuwi." Humalakhak si Tit
HE was wearing a business suit. Maaga siyang nagising para mag-ready na pumasok sa office. Wala si Ate Rhea at sila lang dalawa ang nasa kwarto. Niingon niya ako habang buhat si Pia. "You're awake..." he said. He looked at me then with a smile. Dustin lifts his daughter to put her in the crib. "There you go!" He laughed. Natawa pa si Pia noong una dahil umangat siya sa ere lalo na matangkad ang tatay niya. But when she's inside the crib, umiyak na siya at tinataas ang kamay para magpakarga sa ama. Ngumuso ako habang pinapanuod ang dalawa. I walked towards them. "Ayaw niya ng magpababa," I whispered. Dustin grinned and carried his daughter. "That's more I like it. She will always look for me," he said proudly. The side of my lips lifted. Natahimik si Pia dahil nasa bisig na siya ulit ni Dustin. "Because you play with her. Ganyan ang gusto niya, eh. Where's Ate Rhea?" I asked. Nagtitili at humahagikgik si Pia dahil inangat pa siya lalo ni Dustin. "She's making breakfast," sago
MASYADO akong conscious sa galaw ko dahil sa kanya. Imbes na dapat ay normal ang kilos ko naging pino lalo.I remember my old self. Ganito kasi ako noon sa kanya hanggang sa nagi ng kumportable ako sa presensya niya lalo na sa iisang bahay lang kami noon nakatira.Para akong bumalik sa dati. Nagtagal ako sa banyo para maligo. Matagal naman ako talaga pero hindi ito ang normal ko na inabot ng isang oras. I want to make sure na super malinis ako at mabango.Bakit? Aamuyin ka ba niya?Napapikit ako ng mariin. At the back of my mind, I think that he might hug me or something. Iniisip ko tuloy na ako na lang kaya lumipat sa sofa. Nakaka-tense siya katabi sa kama.I was wearing my nightgown when I saw him in front of his laptop while talking to someone on the phone.I frowned.Mas lalong lumalim ang gitla ng noo ko dahil may dalawang maleta na ang nasa loob ng kwarto ko. He can’t see my reaction dahil nakatalikod ako.“I want it done as soon as possible and deliver it here.”Tumaas ang kil
NGUMUSO ako sa sinabi niya. I don't know how to feel that he's jealous of Blake. A part of me is overwhelmed and worried that he might see Blake as a competitor. “Don’t tell me you allow to call him as dad?” malamig na sabi nito. Hindi mapagkakaila na naiinis talaga siya kay Blake. Umiling ako. “Ninong siya ni Cassiopeia.” Ngumuso si Dustin pero halata pa rin ang iritasyon sa mukha. Bumaba ang tingin ko sa kamay kong hawak-hawak niya. I don’t know what we're doing. Kung ano bang tawag nito. Hindi naman ito normal na komprontasyon o ano. I let him do everything he wants with him. Hinayaan ko nga na hawakan ang kamay ko. Hinayaan ko siya sa mga sweet gestures niya. I don’t know where to start to say that I love him. Gusto ko muna i-enjoy rin ang feeling na nililigawan niya ako kahit na… Parang hindi naman yata ligaw na ito dahil may privilege siya na gawin ‘yong gusto niya tulad ng pagyakap sa akin. I want to experience how to be courted by him. Titignan ko kung gaano ba siya ka