Late update. Sorry, nakatulog ng maaga kaya ito nakapag-update ng umaga
Matapos ang simpleng agahan sa ospital, si Kevin na mismo ang nagmaneho upang ihatid sina Evan at Ashton sa kindergarten, dahil wala ang kanilang driver. Nang makarating naman sila sa paaralan ay bahagya silang pinagkaguluhan. Bukod sa atensiyong dala-dala ng pangalan ng pamilya niya, sa sobrang ka-cute-an at magandang asal ni Ashton, sikat siya sa kanilang paaralan, kaya labis ang atensyong natatanggap niya mula sa nakakakilala. Pagdating nila, agad napansin si Ashton ng mga bata. May ilang batang lalaki na may kaunting galos sa mukha ang lumapit sa mayabang na ayos sa kanila. Tumingin sila sa kotse na alam nilang lulan si Ashton at nagsimulang mang-asar. “Ashton, Ashton, Ashton, sa wakas dadalo na rin ang tatay mo sa parent-teacher meeting! Tama nga ako, wala ka ng mommy, di ba? Nahihiya ka siguro kasi wala ka na naman kasamang mommy kaya ayaw mo agad lumabas diyan. Get out of the car!” “Oo nga! Ikaw ang batang iniwan ng mommy niya, ‘di ba? Hurt us again, and I assure you t
Pag-tap ni Evan sa screen ng cellphone, agad na lumabas ang isang balita sa trending news mula sa local na pahayagan."Isang babaeng turista sa Mt. Batulao ang biglang nawalan ng malay, at muntik nang magdulot ng trahedya ang kanyang asawa habang dinadala siya sa ospital. Mag-ingat po tayo at huwag kalimutang isipin ang kaligtasan," nakasaad sa malalaking itim na letra.Sa ilalim ng news title na iyon ay makikita ang silhouette ni Kenneth, hawak siya nito ng may pagmamadali sa kilos. Kahit pa hindi expert ang mga turista sa pagkuha ng litrato nila, malinaw pa rin na makikita ang maninipis na butil ng pawis sa noo ng lalaki habang hawak siya at kung titingnang mabuti ay hindi maitatago sa mga mata nito ang kaba at tensyon na nararamdaman.Simula nang makilala ni Evan si Kenneth, ni minsan ay hindi niya ito nakita sa ganitong estado dahil siya ang involve. Huling beses niya kasing nakita ang emosyong iyon sa lalaki ay noong limang taon na ang nakalilipas, noong nalagay sa alanganin ang
Napilitang itigil ni Kenneth ang kanyang pagpapanggap. Kitang-kita sa mukha niya ang magkahalong emosyon bago dahan-dahang umupo mula sa matagal na pagkakahiga. Tumingin siya sa kanyang tiyuhin, na bihirang magpakita ng kahit anong emosyon. "Uncle, you're so cunning. How did you know?"Matagal na siyang hindi nakakapagsalita kaya't paos at tuyo ang kanyang boses, akala mo talaga ay nagpapagaling pa mula sa matinding karamdaman.Hindi sinagot ni Kevin ang tanong niya. Sa halip, tumitig ito sa kanya nang may matigas na ekspresyon. "What bad things did Evan do to you to inconvenience her like this? Why does it seem like you're punishing her in so many ways?”"Hindi ko siya pinaparusahan," mahinang sagot ni Kenneth. "Ayoko lang talaga siyang mawala sa akin, Uncle. Kung hindi nangyari ang aksidenteng ito sa'kin, baka tuluyan ng masira ang relasyon namin.""Ang pagpapanggap na comatose ka ang paraan mo para makuha siya muli?" Napakunot ang noo ni Kevin, halatang mas lalong naiirita sa
"Hindi naman po sa hindi ako kumakain, wala lang akong ganang kumain."Habang nakaupo sa passenger seat, may bigat sa puso si Evan. Nangingilid ang kaniyang luha sa gilid ng mga mata kaya’t kumikinang ang kanyang mahahabang pilikmata, ito ay dahil sa guilt na nararamdaman sa sinapit ni Kenneth."At saka, mukhang payat lang po ako, pero healthy naman ako ayon sa nga lab tests ko nitong nakaraan. Huwag na po kayong mag-alala, Uncle."Pagkatapos niyang sabihin ito, napagtanto ni Evan na ito na pala ang pinakakaraniwang linya na ginagamit niya sa pag-iwas sa pag-aalala ng matandang babae nitong mga nakaraang araw.Ngunit hindi ito angkop na gamitin kay Kevin, at hindi pa siya sigurado kung nag-aalala nga ito para sa kanya. Para sa kanya, tila isang paraan na lang ito ng pagpapaliwanag sa sarili kaya’t nasanay siyang sabihin ito. Bigla siyang nahiya dahil baka nag-aassume lang pala siya.May bahagyang pagka-awkward sa kanyang mukha kaya nagmamadali siyang ipaliwanag ang nasabi."Uh, hindi
Pagkakita sa kanya ng waiter, agad itong lumapit para salubungin siya. "Miss Villaflor ako po ang sumalubong sa inyo ngayon dahil nagkaroon lang ng kaunting problema ang sasakyan ni Mr. Huete kaya kinakailangan niya itong puntahan upang personal na ma-inspect. Pakihintay na lang daw po siya sa harap ng runway 3.""Okay, naiintindihan ko. Thank you." Magalang din na tumango si Evan bago siya iwanan nito. Habang papalakad na siya palayo sa comfort room, hindi niya naiwasang luminga sa paligid dahil hanggang ngayon ay namamangha pa rin siya sa lugar na pinagdalhan sa kanya ni Kevin para mag-relax. Habang inililibot niya ang tingin, may nahagip ang kaniyang mga mata na isang pamilyar na pigura, pero bago pa niya matitigan ito ng mabuti para makilala, ang pigura ay mabilis na nawala sa kapal ng taong manonood.Sa harap ng runway 3, tahimik na nakaparada ang isang silver na Bugatti na halos kilala ng lahat ng naroroon kung sino ang may-ari. Para itong isang cheetah na handang umatake anum
Habang nakitang tila nasa malalim na pag-iisip si Evan, sinipat siya ni Greg mula ulo hanggang paa.Bigla niyang napansin na masyado nang pumayat si Evan mula noong huli silang nagkita ilang linggo na ang nakaraan. Naramdaman niya ang bahagyang awa para rito kaya’t napakunot ang noo niya. “Kayong mga babae, lagi niyo bang iniisip na gusto ng mga lalaki ang sobrang payat? Look at yourself, you are way thinner than the last time I met you. Nagda-diet ka siguro ano?” nang-uusig na tanong nito.“Hindi niyo ba alam na mas gusto namin ’yung may tamang hubog at laman? From what I'm seeing right now, parang mas masasaktan pa ang mga kamay ko kung susubukan kong yayakapin ka.”Napairap si Evan sa sinabi ni Greg, halatang naiinis siya sa mga sinasabi nito. “Hindi rin naman masasaktan ang mga kamay mo dahil hindi ko hahayaang mayakap mo? Aren't we fair?”Tumayo siya at tumalikod na dito dahil sa mga hindi nagustuhang pamumuna nito. “Aalis na ako.”“Sandali lang,” pigil ni Greg. “Nasaan ang m
“Wala na po bang ibang paraan? Kung nagawa niyo na lahat, bakit hindi pa rin siya nagigising? May magagawa po ba ako para magising na siya?” sunod-sunod na tanong ni Evan sa desperadong tono. Alam ni Evan na kung magpapatuoy pa itong walang malay ay maaaring maging delikado na ito para sa lalaki. “From our experience, on times like this, the patient’s family must show their eagerness to help the patient, such as talking to motivate them. Talk about your happiest and fondest memories of him. You can also try to say those words that the patient is dying to hear, it might provoke them to wake up. Pinaka-mabisa rin pong solusyon ay dasal dahil sa kalagayan po ng ating pasyente ngayon, milagro ang mas kailangan niya,” paliwanag ng doktor.Nanghihinang napatango na lang si Evan sa mga sinabi ng mga doktor ni Kenneth.Matapos lumabas ang mga doktor sa silid, naupo si Evan sa sofa. Yumuko siya at tinakpan ng mga palad ang kanyang mukha dahil sa panlulumong nararamdaman. Hanggang ngayon ay dal
Hindi nagpadala si Ella sa kung anumang nararamdaman niya, bagkus, hinubad na niya ang kanyang mataas na high heels at sumampa sa kama.Agad niyang isiniksik ang sarili sa bisig ng lalaki, parang isang kuting, at mahigpit siyang yumakap sa leeg nito.“Kenneth, sinabi sa akin ni Evan na baka hindi ka na magising. Sobrang natakot ako pero hindi ako naniniwala, buti na lang! Sobrang natutuwa rin ako ngayon dahil napatunayan kong ako pa rin pala ang mahal mo. Sa tagal mong na-comatose ang pagdating ko lang ang nagpagising sa’yo. Narinig mo lang ang boses mo, nagising ka na kaagad.” mahabang litanya ni Ella pero walang kibo lang si Kenneth sa kahit alinmang sinabi niya.“I’m so happy, Kenneth. I love you.”“Sandali lang.” Nang hindi na makayanan ni Kenneth, hinawakan na niya ang balikat ni Ella at itinulak ito palayo ng kaunti sa kaniya. Lalong naging malamig ang ekspresyon niya rito.“Ibig bang sabihin, alam ni Evan na narito ka?”“Oo naman,” mabilis na tumango si Ella na parang wala lang,
Kung tutuusin, sa galing ni Lindsey sa pagpapanggap at panlilinlang, kahit pa hindi totoo, kaya niyang magkunwaring mahal si Ashton sa harap ng tiyuhin nito.Pero sa lahat ng nakita, mukhang alinman sa dalawa ang totoo—kulang ang effort ni Lindsey sa pagpapanggap, o masyadong matalino si Ashton para malinlang. Sa isang sulyap pa lang, parang nababasa na niya ang lahat ng kilos ni Lindsey.Napatingin si Evan sa malungkot na ekspresyon ni Ashton—isang lungkot na hindi niya sinasadya pero hindi niya rin kayang itago. Naramdaman niya ang awa sa bata, pero alam niyang wala siyang karapatang husgahan si Lindsey. Ang tanging magagawa niya lang ay sikaping mapasaya si Ashton sa bawat pagkakataon na kasama niya ito.Walang ibang paraan. Matagal siyang nag-alinlangan habang hawak ang cellphone, pero sa huli ay pinindot niya ang numero ng kanyang tiyuhin.“Evan,” bati ni Kevin nang sagutin ang tawag.“Tito,” mahinahon niyang sagot. “Kasama ko si Ashton. Gusto niyang maglaro sa bahay ninyo. Pwede
Kinagabihan, nakatanggap siya ng mensahe mula kay Ashton—pinapapunta siya sa school para sunduin ito.Na-miss na rin niya ang bata, at kahit sandali siyang nagdalawang-isip, hindi niya rin kayang tanggihan ang hiling nito.Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa isipan niya ang nangyari noong huli siyang pumunta sa school—pati ang hapdi ng paso sa likod ng kanyang kamay, hindi pa rin niya malimutan.Kahit pa pilitin niyang kumbinsihin ang sarili na si Lindsey ay kasintahan ng kanyang tiyuhin at wala na siyang dapat ipaglaban, iba pa rin ‘yung sakit. Hindi porket hindi siya nagsalita ay hindi na siya nasaktan."Evan,, anong iniisip mo at parang ang lungkot mo?" tanong ni Christopher habang lumalapit, hawak ang isang tasa ng kape. Umupo siya sa tabi ni Evan at sinimulang ikwento ang mga plano niya para sa studio.Epektibo ang paraan niya—agad nawala sa isip ni Evan ang iniisip niya at masaya siyang nakisali sa pag-uusap."Sige, ayusin mo 'yang mga ideya, tapos i-email mo agad sa tito mo. Sigu
Para sa Driver ni Kenneth, ang pagging tahimik niya ay natural lamang sa kaniya. Matagal niyang tinitigan ang bihirang ngiti ni Evan—parang uhaw na uhaw siyang titigan ito, at habang lumilipas ang bawat segundo, lalo lamang tumitindi ang pagnanasa niyang angkinin ang babaeng nasa harap niya. Pero kahit ganoon, hindi siya nangahas na pilitin ito muli.“Evan, akin ka.”Mahinahon man ang pagkakabitaw niya ng mga salitang iyon, naroon ang lalim ng pananakot sa likod ng kanyang malamlam at maitim na mga mata. Bawat salita ay tila pahayag ng pag-aangkin.Hindi siya pinahiya ni Evan. Bagkus, bahagya pa niyang itinaas ang kanyang mukha, pinanatili ang mahinang ngiti sa mga labi. Ngunit hindi ito umabot sa kanyang mga mata. Sa ilalim ng ngiting iyon, may halong lamig at hinanakit.Pagkatapos, inalis niya ang tingin mula kay Kenneth, dahan-dahang isinara ang pinto ng sasakyan, saka tahimik na inutusan ang driver. “Tayo na.”Alangan ang driver. Sa pamamagitan ng rearview mirror, sinulyapan niya
Nag-reach out ang housekeeper mula sa lumang bahay ni Evan, at sinabi na nais siyang makita ng matandang babae.Wala nang magawa si Evan kundi hilingin kay Christopher na magsimula ng pansin mula sa mga reporters. Nagbago siya ng itsura at tumakas sa likod ng pinto.Pagdating sa lumang bahay ng Huete, bumukas ang mga ukit na pintuan. Paglabas ni Evan mula sa sasakyan, naglakad siya at aksidenteng nakasalubong si Stephanie na nakasuot ng matingkad na damit.Hindi na pinansin ni Evan ang dating ina-inahan. Nakataas ang kanyang ulo, dumaan siya nang mataas ang tingin."Evan, ako pa naman ang iyong mother-in-law. Hindi mo man lang ba ako babatiin?" Nang makita siya ni Stephanie, muling lumamig ang kanyang mukha. Hinadlangan siya nito at may poot sa mata, "Huwag ka munang maglakad, may sasabihin ako sa'yo."Hindi pinansin ni Evan ang kanyang pang-aasar, tinitigan siya ng malamig at naglakad palayo.Paano naman si Stephanie? Hindi niya palalagpasin ang ganitong pagtingin ni Evan. Tumayo siy
“Miss Evan, paano mo nagawa iyon?"Wala nang kaalaman si Evan na nagawa niya iyon dahil sa kanyang bentahe sa kasarian, at inisip na ang pato na may pinit na rice wine ang totoong may sala. "Siguro, swerte lang ako. Tungkol sa proseso, hindi mo na kailangang sabihin sa tito ko. Pakiusap na lang, ipasubok mo sa kanya. Kung hindi gumana, mag-iisip ako ng ibang paraan."Pinatol ni Jaxon ang tawag at tinitigan ang misteryosong mata ng presidente ng Huete Group sa likod ng desk habang nakanganga ang ulo.Ayaw ng Master na malaman ni Evan na siya'y seryosong nasugatan dahil sa kanya, at hindi rin gusto ni Miss Evan na malaman ng Master na humingi siya ng tulong medikal para sa kanya, at siya'y isang maliit na tao lang. Nasa gitna siya ng lahat at natatakot na baka isang araw, mamatay siya nang hindi buo ang katawan.Nilulon ni Jaxon ang laway sa takot at mabilis na nagsabi: "Master, si Miss Evan ang tumawag. Tinutukoy niya ang mga maliliit na bagay sa studio. By the way, narinig ko lang na
Napatitig siya rito, saka tumango. "Simula Sabado, sumama ka sa akin sa Emerald Welfare Home."Ang hiling na
Makalipas ang tatlong oras, dumating si Evan sa isang lumang bahay at kumatok sa pinto nito. Ang pintura sa kahoy ay luma at natutuklap na.May narinig siyang mga yapak sa loob bago bumukas ang pinto. Ngunit imbes na ang matandang lalaki ang sumalubong sa kanya, ang lalaking matagal nang may ayaw sa kanya ang nasa harapan niya.Nabigla ito nang makita siya."Ano’ng nangyari sa’yo?"Alam ni Evan kung bakit siya nagulat kaya ngumiti lang siya at hindi ito pinansin. Inalis niya ang kanyang sunglasses, saka lumampas sa lalaki papunta sa hardin kung saan ang matandang lalaki ay abala sa pag-aalaga ng mga bulaklak at paglalaro sa kanyang aso."Lolo, magluluto ka ba ulit ng fermented duck ngayon?"Nagulat ang matanda. Hindi niya inaasahan na tutuparin pa rin ni Evan ang kanyang pangako sa kabila ng gulong kinasasangkutan nito."Hindi. Bumili ako ng dalawang igat kanina, nasa kusina. Manood ka na lang habang niluluto ko."Tahimik na napangiti ang matanda. Habang pinagmamasdan ang lalaking nas
Nang makita ng ilang malalaking lokal na brand ang isang makapangyarihang katunggali na biglang lumitaw, hindi na sila mapakali. Nagpadala sila ng mga bayarang tao upang siraan si Yeyan online, ngunit halos walang naging epekto ang kanilang paninira.Sa gitna ng pag-atake ng mga pekeng accounts, maraming netizens ang hindi nagpatinag at agad na nagbigay ng kanilang opinyon."Pakiusap naman, ‘yan ang brand na paborito mismo ng presidente ng Huete Corporation! Kung hindi mo gusto, baka ikaw ang may pangit na panlasa. Isipin mo na lang, kakaunti lang ang katulad ni Kevin—mayaman, gwapo, at maganda ang pangangatawan. Normal lang kung hindi mo kayang sabayan ang taste niya, pero maling mali na siraan mo ito ng walang basehan.""Sa estado at yaman ni Mr. Huete, sa tingin mo ba kailangan pa niyang kumuha ng endorsement gaya ng mga artista at magbenta ng produktong hindi niya ginagamit? Bukod pa roon, parang sadyang ginawa para sa kanya ang hikaw—napakaganda ng disenyo at pulido ang pagkakagaw
Nakatingin si Evan kay Kenneth na nasa ilang metro ang layo mula sa kanya. Matagal na silang magkakilala, pero ngayon lang niya nakita si Kenneth na ganito kapuruhan ang itsura.Kung limang taon na ang nakalipas, marahil ay naawa pa siya rito.Pero ngayon, ang lalaking minsan niyang minahal ay nasa harapan na niya — sobrang lapit na halos mahawakan niya ito — ngunit sa puso niya'y wala nang nararamdamang iba kundi kapaitan.Hindi niya alam kung bakit nagpapaka-drama si Kenneth, pero batay sa pagkakakilala niya rito, hinding-hindi ito basta-basta susuko.Ibinaba niya ang tingin, saka ibinulsa ang susi ng kotse sa bulsa ni Kevin. Mahina niyang sinabi, "Uncle, mauna ka na. Ako na'ng bahala rito."Itinaas ni Kevin ang kanyang makakapal na kilay at tiningnan si Evan — walang sinabi, pero malinaw na nag-aalala.Sa ilalim ng ilaw ng kalye, litaw na litaw ang payat na pigura ni Evan — parang abo pagkatapos ng apoy na nagliyab.Hindi kalayuan, mahigpit na nakasara ang kamao ni Kenneth — nangin