Habang nakitang tila nasa malalim na pag-iisip si Evan, sinipat siya ni Greg mula ulo hanggang paa.Bigla niyang napansin na masyado nang pumayat si Evan mula noong huli silang nagkita ilang linggo na ang nakaraan. Naramdaman niya ang bahagyang awa para rito kaya’t napakunot ang noo niya. “Kayong mga babae, lagi niyo bang iniisip na gusto ng mga lalaki ang sobrang payat? Look at yourself, you are way thinner than the last time I met you. Nagda-diet ka siguro ano?” nang-uusig na tanong nito.“Hindi niyo ba alam na mas gusto namin ’yung may tamang hubog at laman? From what I'm seeing right now, parang mas masasaktan pa ang mga kamay ko kung susubukan kong yayakapin ka.”Napairap si Evan sa sinabi ni Greg, halatang naiinis siya sa mga sinasabi nito. “Hindi rin naman masasaktan ang mga kamay mo dahil hindi ko hahayaang mayakap mo? Aren't we fair?”Tumayo siya at tumalikod na dito dahil sa mga hindi nagustuhang pamumuna nito. “Aalis na ako.”“Sandali lang,” pigil ni Greg. “Nasaan ang m
“Wala na po bang ibang paraan? Kung nagawa niyo na lahat, bakit hindi pa rin siya nagigising? May magagawa po ba ako para magising na siya?” sunod-sunod na tanong ni Evan sa desperadong tono. Alam ni Evan na kung magpapatuoy pa itong walang malay ay maaaring maging delikado na ito para sa lalaki. “From our experience, on times like this, the patient’s family must show their eagerness to help the patient, such as talking to motivate them. Talk about your happiest and fondest memories of him. You can also try to say those words that the patient is dying to hear, it might provoke them to wake up. Pinaka-mabisa rin pong solusyon ay dasal dahil sa kalagayan po ng ating pasyente ngayon, milagro ang mas kailangan niya,” paliwanag ng doktor.Nanghihinang napatango na lang si Evan sa mga sinabi ng mga doktor ni Kenneth.Matapos lumabas ang mga doktor sa silid, naupo si Evan sa sofa. Yumuko siya at tinakpan ng mga palad ang kanyang mukha dahil sa panlulumong nararamdaman. Hanggang ngayon ay dal
Hindi nagpadala si Ella sa kung anumang nararamdaman niya, bagkus, hinubad na niya ang kanyang mataas na high heels at sumampa sa kama.Agad niyang isiniksik ang sarili sa bisig ng lalaki, parang isang kuting, at mahigpit siyang yumakap sa leeg nito.“Kenneth, sinabi sa akin ni Evan na baka hindi ka na magising. Sobrang natakot ako pero hindi ako naniniwala, buti na lang! Sobrang natutuwa rin ako ngayon dahil napatunayan kong ako pa rin pala ang mahal mo. Sa tagal mong na-comatose ang pagdating ko lang ang nagpagising sa’yo. Narinig mo lang ang boses mo, nagising ka na kaagad.” mahabang litanya ni Ella pero walang kibo lang si Kenneth sa kahit alinmang sinabi niya.“I’m so happy, Kenneth. I love you.”“Sandali lang.” Nang hindi na makayanan ni Kenneth, hinawakan na niya ang balikat ni Ella at itinulak ito palayo ng kaunti sa kaniya. Lalong naging malamig ang ekspresyon niya rito.“Ibig bang sabihin, alam ni Evan na narito ka?”“Oo naman,” mabilis na tumango si Ella na parang wala lang,
Sanay na si Evan sa palaging pag-iwas ng kanyang ama sa mga reponsibilidad nito, ngunit sa pagkakataong ito, hindi na niya kayang tiisin ang kawalan ng paninindigan nito bilang amain ng kanilang pamilya.Hindi na maatim ni Evan na kailanman ay hindi ito naging ama ng kanilang tahanan, na dahilan kung bakit naranasan niya ang iba’t-ibang klase ng hirap sa nakaraan, sa tingin niya ay oras na para malaman nitong hindi na niya kaya ang bigat ng responsibilidad nitong siya ang sumalo.Sa malamig na tinig, sinabi niya ng walang emosyon ang buong katotohanan tungkol sa alahas. "Ang alahas na iyon ay pag-aari ng pamilya Huete, hindi ko po iyon personal na ari-arian. Kapag nalaman ito ng matanda, hindi malayong sa kulungan mo na po gugugulin ang natitirang taon ng buhay mo, Papa.""Ano?! Naku, huwag naman sana!" Biglang namutla sa takot si Anthony mula sa narinig sa anak. Ang ina naman ni Evan na si Maris ay umiiyak na ngayon sa maaaring kahinatnan ng kaniyan asawa.Nagmamakawa, at mahina niya
Ang lahat ng kasangkapan na nakikita ni Evan na ginamit para magawa ang romantic place na ito ay inayos at binili noon nina Evan at ng kanyang Lolo Alfonso. Inakala niyang matagal na itong kinalimutan ni Kenneth, bakit ngayon ay nakikita niya itong nakalabas?Habang naglalakad siya, biglaang bumalik sa kanyang isipan ang mga alaala ng nakaraan. Kung paanong ang inosente niyang puso ay nahuhulog bawat araw sa binatang si Kenneth.Tumigil siya nang matagal sa entrada ng hardin, nag-iisip nang malalim kung tutuloy ba siya, at handa sa mga susunod na maaaring mangyari.Paano kung mali pala siya ng akala at na misunderstood niya lang ang utos ni Kenneth na umuwi siya? Paano kung para pala talaga sa kanila itong dalawa ni Ella at kailangan lang ipamukha ng mga ito sa kaniya kung gaano sila kasaya?Napuno ng mga ‘what if’s’ si Evan pero nilakasan na lang niya ang loob, hindi lumipas muli ang isang minuto bago siya maingat na humakbang sa pulang carpet.Napansin rin niyang napakatahimik ng bu
Nagdilim pa lalo ang ekspresyon ni Kenneth. Balak pa sana niyang magsalita para pagalitan ang bata nang biglang magsalita si Little Ashton.Kumikislap ang mga mata ng bata sa pagtataka dahil sa sinabi ni Evan, saka siya tumingin pabalik sa pinanggalingan niyang pintuan ng mansiyon. Gamit ang malambing na boses, sinubukan niyang magpa-cute kay Evan.“Bakit po hindi ko pwedeng sabihin kay Daddy? Paano po ‘yan, narinig na po iyon ni Daddy ko e.”Sa narinig, halos kapusin na ng hininga sa gulat si Evan. Kailanman ay hindi niya naisip na pwede sila ni Kevin sa kahit anong relasyon na higit pa sa kaibigan, paano na lang ngayong narinig nito ang sinabi ni Ashton? Baka isipin nitong payag siya sa issue’ng iyon na bunga lang naman ng malawak na imahinasyon ng bata!Dahan-dahan niyang iniikot ang leeg sa direksiyon na pinanggalingan ni Ashton, pilit na niyang nilalabanan ang nararamdamang kaba. Ngunit wala naman si Kevin sa pwestong tinutukoy ni Ashton. Kaya inikot niya ang paningin sa hardin n
“Follow me.”Nahuli ni Kevin ang balak ni Evan. Hinawakan niya ang dulo ng long sleeve dress nito gamit ang isang kamay at hinila siya papunta sa likuran niya.Pagkatapos ng ginawa ni Kevin na pagpapatiuna sa kapal ng mga tao, gumaan ang pakiramdam ni Evan. Habang nakasunod siya kay Kevin, hindi niya mapigilang mapatingin sa malapad nitong likuran, pansin rin ni Evan ang matikas nitong tindig na nagdala ng kaunting kiliti sa kanyang puso sa hindi niya malaman na dahilan.Sa loob ng elevator papunta sa food supermarket, abala si Little Ashton sa pagbibilang ng mga kailangang bilhin sa bisig ng ama. At tulad ng inaasahan, si Kevin ang sentro ng atensiyon ng mga kasabay nila sa elevator na iyon, ngunit katulad ng dati ay parang wala lang ito sa lalaki.Ayaw ni Evan na makakuha ng pansin at malaman ng iba na kasama siya ni Kevin kaya tahimik siyang pumunta sa pinakalikod. Pinili na lang niyang pakinggan ang panaka-nakang bulungan ng ilang babae sa paligid.“Grabe, ang gwapo ng lalaking na
Pagkatapos ng ilang saglit, bumubulong-bulong na si Ashton sa sarili dahil sa isang reyalisasyon. “But I need to be lighter, baka mapagod ko agasi Vanvan… Hmp, siguro ‘wag na lang ako magpa-carry sa kaniya. Lalakad na lang ako… Tama!” Bahagyang lumambot ang ekspresyon ni Kevin sa nasaksihang munting pagdedesisyon ng anak. Inilagay niya ang sombrerong blue sa bata at pagkatapos ay mahinang hinaplos ang ulo nito.“You're really mature, son. Quite tought for kids your age, I commend you for that." saka mahinang binigyan ng tango ito. Matapos magsalita ni Kevin, saktong dumating na rin si Evan na may hawak na malaking cotton candy. Napansin niyang tila may tensyon sa pagitan ng mag-ama dahil sa seryosong ekspresyon sa kanilang mukha.Inilagay niya ang cotton candy sa palad ni Ashton, saka yumuko at kumuha ng tissue para punasan ang kaunting sauce sa gilid ng labi nito. “Uhaw ka na ba? Gusto mo bang uminom? Ang dami mo ng nakain e, sabihin mo lang.”“Opo, gusto ko po ng hot chocolate!”
Kung tutuusin, sa galing ni Lindsey sa pagpapanggap at panlilinlang, kahit pa hindi totoo, kaya niyang magkunwaring mahal si Ashton sa harap ng tiyuhin nito.Pero sa lahat ng nakita, mukhang alinman sa dalawa ang totoo—kulang ang effort ni Lindsey sa pagpapanggap, o masyadong matalino si Ashton para malinlang. Sa isang sulyap pa lang, parang nababasa na niya ang lahat ng kilos ni Lindsey.Napatingin si Evan sa malungkot na ekspresyon ni Ashton—isang lungkot na hindi niya sinasadya pero hindi niya rin kayang itago. Naramdaman niya ang awa sa bata, pero alam niyang wala siyang karapatang husgahan si Lindsey. Ang tanging magagawa niya lang ay sikaping mapasaya si Ashton sa bawat pagkakataon na kasama niya ito.Walang ibang paraan. Matagal siyang nag-alinlangan habang hawak ang cellphone, pero sa huli ay pinindot niya ang numero ng kanyang tiyuhin.“Evan,” bati ni Kevin nang sagutin ang tawag.“Tito,” mahinahon niyang sagot. “Kasama ko si Ashton. Gusto niyang maglaro sa bahay ninyo. Pwede
Kinagabihan, nakatanggap siya ng mensahe mula kay Ashton—pinapapunta siya sa school para sunduin ito.Na-miss na rin niya ang bata, at kahit sandali siyang nagdalawang-isip, hindi niya rin kayang tanggihan ang hiling nito.Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa isipan niya ang nangyari noong huli siyang pumunta sa school—pati ang hapdi ng paso sa likod ng kanyang kamay, hindi pa rin niya malimutan.Kahit pa pilitin niyang kumbinsihin ang sarili na si Lindsey ay kasintahan ng kanyang tiyuhin at wala na siyang dapat ipaglaban, iba pa rin ‘yung sakit. Hindi porket hindi siya nagsalita ay hindi na siya nasaktan."Evan,, anong iniisip mo at parang ang lungkot mo?" tanong ni Christopher habang lumalapit, hawak ang isang tasa ng kape. Umupo siya sa tabi ni Evan at sinimulang ikwento ang mga plano niya para sa studio.Epektibo ang paraan niya—agad nawala sa isip ni Evan ang iniisip niya at masaya siyang nakisali sa pag-uusap."Sige, ayusin mo 'yang mga ideya, tapos i-email mo agad sa tito mo. Sigu
Para sa Driver ni Kenneth, ang pagging tahimik niya ay natural lamang sa kaniya. Matagal niyang tinitigan ang bihirang ngiti ni Evan—parang uhaw na uhaw siyang titigan ito, at habang lumilipas ang bawat segundo, lalo lamang tumitindi ang pagnanasa niyang angkinin ang babaeng nasa harap niya. Pero kahit ganoon, hindi siya nangahas na pilitin ito muli.“Evan, akin ka.”Mahinahon man ang pagkakabitaw niya ng mga salitang iyon, naroon ang lalim ng pananakot sa likod ng kanyang malamlam at maitim na mga mata. Bawat salita ay tila pahayag ng pag-aangkin.Hindi siya pinahiya ni Evan. Bagkus, bahagya pa niyang itinaas ang kanyang mukha, pinanatili ang mahinang ngiti sa mga labi. Ngunit hindi ito umabot sa kanyang mga mata. Sa ilalim ng ngiting iyon, may halong lamig at hinanakit.Pagkatapos, inalis niya ang tingin mula kay Kenneth, dahan-dahang isinara ang pinto ng sasakyan, saka tahimik na inutusan ang driver. “Tayo na.”Alangan ang driver. Sa pamamagitan ng rearview mirror, sinulyapan niya
Nag-reach out ang housekeeper mula sa lumang bahay ni Evan, at sinabi na nais siyang makita ng matandang babae.Wala nang magawa si Evan kundi hilingin kay Christopher na magsimula ng pansin mula sa mga reporters. Nagbago siya ng itsura at tumakas sa likod ng pinto.Pagdating sa lumang bahay ng Huete, bumukas ang mga ukit na pintuan. Paglabas ni Evan mula sa sasakyan, naglakad siya at aksidenteng nakasalubong si Stephanie na nakasuot ng matingkad na damit.Hindi na pinansin ni Evan ang dating ina-inahan. Nakataas ang kanyang ulo, dumaan siya nang mataas ang tingin."Evan, ako pa naman ang iyong mother-in-law. Hindi mo man lang ba ako babatiin?" Nang makita siya ni Stephanie, muling lumamig ang kanyang mukha. Hinadlangan siya nito at may poot sa mata, "Huwag ka munang maglakad, may sasabihin ako sa'yo."Hindi pinansin ni Evan ang kanyang pang-aasar, tinitigan siya ng malamig at naglakad palayo.Paano naman si Stephanie? Hindi niya palalagpasin ang ganitong pagtingin ni Evan. Tumayo siy
“Miss Evan, paano mo nagawa iyon?"Wala nang kaalaman si Evan na nagawa niya iyon dahil sa kanyang bentahe sa kasarian, at inisip na ang pato na may pinit na rice wine ang totoong may sala. "Siguro, swerte lang ako. Tungkol sa proseso, hindi mo na kailangang sabihin sa tito ko. Pakiusap na lang, ipasubok mo sa kanya. Kung hindi gumana, mag-iisip ako ng ibang paraan."Pinatol ni Jaxon ang tawag at tinitigan ang misteryosong mata ng presidente ng Huete Group sa likod ng desk habang nakanganga ang ulo.Ayaw ng Master na malaman ni Evan na siya'y seryosong nasugatan dahil sa kanya, at hindi rin gusto ni Miss Evan na malaman ng Master na humingi siya ng tulong medikal para sa kanya, at siya'y isang maliit na tao lang. Nasa gitna siya ng lahat at natatakot na baka isang araw, mamatay siya nang hindi buo ang katawan.Nilulon ni Jaxon ang laway sa takot at mabilis na nagsabi: "Master, si Miss Evan ang tumawag. Tinutukoy niya ang mga maliliit na bagay sa studio. By the way, narinig ko lang na
Napatitig siya rito, saka tumango. "Simula Sabado, sumama ka sa akin sa Emerald Welfare Home."Ang hiling na
Makalipas ang tatlong oras, dumating si Evan sa isang lumang bahay at kumatok sa pinto nito. Ang pintura sa kahoy ay luma at natutuklap na.May narinig siyang mga yapak sa loob bago bumukas ang pinto. Ngunit imbes na ang matandang lalaki ang sumalubong sa kanya, ang lalaking matagal nang may ayaw sa kanya ang nasa harapan niya.Nabigla ito nang makita siya."Ano’ng nangyari sa’yo?"Alam ni Evan kung bakit siya nagulat kaya ngumiti lang siya at hindi ito pinansin. Inalis niya ang kanyang sunglasses, saka lumampas sa lalaki papunta sa hardin kung saan ang matandang lalaki ay abala sa pag-aalaga ng mga bulaklak at paglalaro sa kanyang aso."Lolo, magluluto ka ba ulit ng fermented duck ngayon?"Nagulat ang matanda. Hindi niya inaasahan na tutuparin pa rin ni Evan ang kanyang pangako sa kabila ng gulong kinasasangkutan nito."Hindi. Bumili ako ng dalawang igat kanina, nasa kusina. Manood ka na lang habang niluluto ko."Tahimik na napangiti ang matanda. Habang pinagmamasdan ang lalaking nas
Nang makita ng ilang malalaking lokal na brand ang isang makapangyarihang katunggali na biglang lumitaw, hindi na sila mapakali. Nagpadala sila ng mga bayarang tao upang siraan si Yeyan online, ngunit halos walang naging epekto ang kanilang paninira.Sa gitna ng pag-atake ng mga pekeng accounts, maraming netizens ang hindi nagpatinag at agad na nagbigay ng kanilang opinyon."Pakiusap naman, ‘yan ang brand na paborito mismo ng presidente ng Huete Corporation! Kung hindi mo gusto, baka ikaw ang may pangit na panlasa. Isipin mo na lang, kakaunti lang ang katulad ni Kevin—mayaman, gwapo, at maganda ang pangangatawan. Normal lang kung hindi mo kayang sabayan ang taste niya, pero maling mali na siraan mo ito ng walang basehan.""Sa estado at yaman ni Mr. Huete, sa tingin mo ba kailangan pa niyang kumuha ng endorsement gaya ng mga artista at magbenta ng produktong hindi niya ginagamit? Bukod pa roon, parang sadyang ginawa para sa kanya ang hikaw—napakaganda ng disenyo at pulido ang pagkakagaw
Nakatingin si Evan kay Kenneth na nasa ilang metro ang layo mula sa kanya. Matagal na silang magkakilala, pero ngayon lang niya nakita si Kenneth na ganito kapuruhan ang itsura.Kung limang taon na ang nakalipas, marahil ay naawa pa siya rito.Pero ngayon, ang lalaking minsan niyang minahal ay nasa harapan na niya — sobrang lapit na halos mahawakan niya ito — ngunit sa puso niya'y wala nang nararamdamang iba kundi kapaitan.Hindi niya alam kung bakit nagpapaka-drama si Kenneth, pero batay sa pagkakakilala niya rito, hinding-hindi ito basta-basta susuko.Ibinaba niya ang tingin, saka ibinulsa ang susi ng kotse sa bulsa ni Kevin. Mahina niyang sinabi, "Uncle, mauna ka na. Ako na'ng bahala rito."Itinaas ni Kevin ang kanyang makakapal na kilay at tiningnan si Evan — walang sinabi, pero malinaw na nag-aalala.Sa ilalim ng ilaw ng kalye, litaw na litaw ang payat na pigura ni Evan — parang abo pagkatapos ng apoy na nagliyab.Hindi kalayuan, mahigpit na nakasara ang kamao ni Kenneth — nangin