“Follow me.”Nahuli ni Kevin ang balak ni Evan. Hinawakan niya ang dulo ng long sleeve dress nito gamit ang isang kamay at hinila siya papunta sa likuran niya.Pagkatapos ng ginawa ni Kevin na pagpapatiuna sa kapal ng mga tao, gumaan ang pakiramdam ni Evan. Habang nakasunod siya kay Kevin, hindi niya mapigilang mapatingin sa malapad nitong likuran, pansin rin ni Evan ang matikas nitong tindig na nagdala ng kaunting kiliti sa kanyang puso sa hindi niya malaman na dahilan.Sa loob ng elevator papunta sa food supermarket, abala si Little Ashton sa pagbibilang ng mga kailangang bilhin sa bisig ng ama. At tulad ng inaasahan, si Kevin ang sentro ng atensiyon ng mga kasabay nila sa elevator na iyon, ngunit katulad ng dati ay parang wala lang ito sa lalaki.Ayaw ni Evan na makakuha ng pansin at malaman ng iba na kasama siya ni Kevin kaya tahimik siyang pumunta sa pinakalikod. Pinili na lang niyang pakinggan ang panaka-nakang bulungan ng ilang babae sa paligid.“Grabe, ang gwapo ng lalaking na
Pagkatapos ng ilang saglit, bumubulong-bulong na si Ashton sa sarili dahil sa isang reyalisasyon. “But I need to be lighter, baka mapagod ko agasi Vanvan… Hmp, siguro ‘wag na lang ako magpa-carry sa kaniya. Lalakad na lang ako… Tama!” Bahagyang lumambot ang ekspresyon ni Kevin sa nasaksihang munting pagdedesisyon ng anak. Inilagay niya ang sombrerong blue sa bata at pagkatapos ay mahinang hinaplos ang ulo nito.“You're really mature, son. Quite tought for kids your age, I commend you for that." saka mahinang binigyan ng tango ito. Matapos magsalita ni Kevin, saktong dumating na rin si Evan na may hawak na malaking cotton candy. Napansin niyang tila may tensyon sa pagitan ng mag-ama dahil sa seryosong ekspresyon sa kanilang mukha.Inilagay niya ang cotton candy sa palad ni Ashton, saka yumuko at kumuha ng tissue para punasan ang kaunting sauce sa gilid ng labi nito. “Uhaw ka na ba? Gusto mo bang uminom? Ang dami mo ng nakain e, sabihin mo lang.”“Opo, gusto ko po ng hot chocolate!”
Bagaman hindi nakalingon, nanunuot kay Evan ang matiim na titig sa kaniya ni Kevin. Magulo na naman ng kaniyang isipan sa kagagawan ng lalaki kaya't iniwasan niya ang makipagtitigan dito.Na-realize agad ni Kevin ang ginagawang pag-iwas ng titig ni Evan kaya naman bahagya siyang natawa, bagkus, lumapit pa siya dito, sa puntong isang hakbang na lang ang layo nila ng babae. Nakita niyang halos nanigas ito sa nerbiyos ng mapansin ang paglapit niya. Para tuluyang asarin, inisang hakbang niya ang pagitan nila, pero sa halip na dito dumiretso, niyuko niya ang anak na nasa gilid lamang nito saka binuhat. Kay Ashton nakatuon ang tingin ni Evan na nagpapacute pa sa kaniya, pero nang buhatin ito ni Kevin, hindi na niya alam kung saan pa titingin. Tamad namang pumorma ang labi ni Kevin sa maliit na ngiti dahil sa ikinikilos ni Evan. Naaliw talaga siya nito sa kahit maliliit lang nitong galaw.Ang natural na kaguwapuhan ng lalaki ay lalong lumitaw sa simpleng ngiting iyon.“Good night. Sweet d
Kahit isang sulyap sa pagkain na inihain ni Evan ay hindi ibinigay ni Stephanie. Parang hangin lang ang babae kaya hindi nito nakikita ang effort ng pagsisilbi nito.Lumipas ang kalahating oras sa harap ng hapag-kainan, ang matanda ay pinili ng tapusin ng maaga ng pagkain upang makapagpahinga na sa kaniyang sariling kwarto. Iniwan niyang magkakasama ang mas nakababatang henerasyon kasama si .Pagkaalis ng matandang Huete, galit na humarap si Stephanie kay Evan, ibinagsak nito ang mga gamit na kubyertos sa mesa, at tinitigan ang babae ng malamig at mapanakit.“Evan, wala ka bang sasabihin sa akin bilang ina ni Kenneth? Tingin mo ba ay sapat na sa akin na pagsilbihan mo lang ako? Utak kasambahay ka talaga,” galit nitong litanya na may kasama pang pagsinghal kay Evan ng hindi makuntento.“Siguro ay iniisip mong pwede ka ng magreyna-reynahan sa pamamahay na ito dahil lang wala na ako sa bansa. Which is not very shocking for the likes of you, assuming little bitch. Tingin mo ay mapapalitan
Sa kabilang linya ng telepono, isang boses ng lalaki ang narinig ni Evan, malinaw at baritono ang boses nito. "Narinig ko mula sa kapatid mo na may mga kundisyon ka nang nabuo kaya gusto mong makipag-usap sa akin." Napaupo ng tuwid si Evan nang makilala ang katauhan ng tumawag, dumagundong ang kaunting kaba sa kaniyang dibdib, ngunit tinapangan niya ang loob saka lumunok ng laway. "Tama ka. Gusto ko sanang bilhin ang nakuha niyong alahas sa halagang 500,000, malinaw ko na po itong binaybay noong huli kong tawag. Maaari po ba?”Tumawa ang lalaki sa kabilang linya na may bahid ng katusuhan. "Heh. Hindi ako tulad ng mga hangal na iyon na walang alam sa halaga ng mga bagay. Alam ko na ang bagay na iyon ay hindi bababa sa walong numero ang halaga, kaya...""Kaya't hindi ka pumapayag," tugon ni Evan, bahagyang kunot na ang noo niya. "Kung mas mataas pa ang halagang gusto mo, hindi ko kayang ipunin agad iyon. Bibigyan mo ba ang ako ng mas mahaba pang panahon?""Relax ka lang. Ang 500,000
"Boss Upeng, totoo nga ang dala niyang limandaang libo."Habang pinipilit ni Evan na magpakalma, isa sa mga lalaki ang sumilip sa dalang pera at tumango na may kasiyahan nang makumpirma na hindi pekeng pera ang dala niya."Ayos, Tonyo, ibigay mo na sa kanya ang kapalit na alahas. Tapos na ang transaksyon natin."Tahimik si Tonyo ng ilang sandali, waring nagdadalwang-isip pa itong tapusin ang usapan ng ganoon lang kadali. Habang tumatagal naman ang katahimikan ng tauhan, tila lalo pang bumibigat ang pakiramdam ni Evan. Puno na ng pawis ang kanyang mga palad dahil sa nararamdamang takot at kaba."Dan, mula ng pumayag si Boss Kulas sa transaksyong ito, may kaunting duda na ako. Akala ko ba ay mas mataas pa halaga ang bagay na ito, bakit halagang limandaang libo ibibigay na natin sa kanya? Tama ba itong ginagawa natin? Hindi ba natin mapapakawalan ang gintong nasa kamay na sana natin?""Huwag ka nang magsalita pa ng kung anu-ano, ang transaksiyon na ito ay mabuting pinag-usapan ng mga na
Habang patuloy na umiiyak si Maris Villaflor, malinaw na naintindihan ni Kevin ang kabuuang kinukwento ng babae kahit pa nga sisigok-sigok na ito sa kakaiyak. Unti-unting namang lumalim ang lamig sa kanyang mga mata habang nare-realize kung anong panganib na ang kinahaharap ngayon ni Evan ng mag-isa.Nang tuluyang masabi ni Maris ang lokasyon kung saan ang pinagkasunduang pangyayarihan ng transaksiyon, kung saan ito na rin huling kinaroronan ni Evan bago ito nawalan ng komunikasyon sa kanila, mabilis siyang nakabuo ng isang desisyon. Sa mabibilis na hakbang, agad niyang tinungo ang direksiyon ng kanyang sasakyan.Nakasunod naman sa kaniya ang bahagyang nakakunot-noo na si Secretary Jaxon, siya ang ilan sa mga pinagkakatiwalaang tao ni Kevin. Sa tagal ng pinagsamahan nila, nagagawa niyang magsalita sa boss ng hindi na hinihingi ang permiso nito para sa opinyon niya. Kaya ngayon ay lakas loob siyang maingat na nagsalita dito upang paalalahanan si Kevin."Second Master, naabisuhan na an
Pagkalipas ng ilang segundo, nagulantang si Evan, nakatutok ang mga mata niya sa mukha ni Kevin at doon niya nakita ang namumuong butil ng pawis sa noo at gilid ng ulo ng lalaki. Tila tinitiis lang nito ang sakit base sa discomfort na kitang kita sa mukha nito, napaiyak na lang si Evan sa awa."K-Kevin, ang kamay mo...”Wala ng sinayang na oras, kinuha niya ang kamay ng lalaki at dahan-dahang nilabas ang isang panyo mula sa kanyang bulsa upang tulungan ang lalaking mapigilan ang pagdurugo ng sugat na natamo sa saksak.Ang malalim na sugat ni Kevin ay nakakatakot at sigurado ni Evan na masakit. Nakaramdam ng guilt si Evan, dahil sa kaniyang kapabayaan, naging dahilan ito ng isang bangungot ng isang sa loob lamang ng isang araw. Ang kinsasadlakan niyang panganib kanina ay sobrang kritikal, kaya ginamit ng lalaki ang kanyang kanang kamay upang harangan ang nakaambang saksak sa kaniya ng hindi man lang iniisip ang sariling kaligtasan.Kung makaapekto kay Kevin ang pangyayaring ito sa h
Kung tutuusin, sa galing ni Lindsey sa pagpapanggap at panlilinlang, kahit pa hindi totoo, kaya niyang magkunwaring mahal si Ashton sa harap ng tiyuhin nito.Pero sa lahat ng nakita, mukhang alinman sa dalawa ang totoo—kulang ang effort ni Lindsey sa pagpapanggap, o masyadong matalino si Ashton para malinlang. Sa isang sulyap pa lang, parang nababasa na niya ang lahat ng kilos ni Lindsey.Napatingin si Evan sa malungkot na ekspresyon ni Ashton—isang lungkot na hindi niya sinasadya pero hindi niya rin kayang itago. Naramdaman niya ang awa sa bata, pero alam niyang wala siyang karapatang husgahan si Lindsey. Ang tanging magagawa niya lang ay sikaping mapasaya si Ashton sa bawat pagkakataon na kasama niya ito.Walang ibang paraan. Matagal siyang nag-alinlangan habang hawak ang cellphone, pero sa huli ay pinindot niya ang numero ng kanyang tiyuhin.“Evan,” bati ni Kevin nang sagutin ang tawag.“Tito,” mahinahon niyang sagot. “Kasama ko si Ashton. Gusto niyang maglaro sa bahay ninyo. Pwede
Kinagabihan, nakatanggap siya ng mensahe mula kay Ashton—pinapapunta siya sa school para sunduin ito.Na-miss na rin niya ang bata, at kahit sandali siyang nagdalawang-isip, hindi niya rin kayang tanggihan ang hiling nito.Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa isipan niya ang nangyari noong huli siyang pumunta sa school—pati ang hapdi ng paso sa likod ng kanyang kamay, hindi pa rin niya malimutan.Kahit pa pilitin niyang kumbinsihin ang sarili na si Lindsey ay kasintahan ng kanyang tiyuhin at wala na siyang dapat ipaglaban, iba pa rin ‘yung sakit. Hindi porket hindi siya nagsalita ay hindi na siya nasaktan."Evan,, anong iniisip mo at parang ang lungkot mo?" tanong ni Christopher habang lumalapit, hawak ang isang tasa ng kape. Umupo siya sa tabi ni Evan at sinimulang ikwento ang mga plano niya para sa studio.Epektibo ang paraan niya—agad nawala sa isip ni Evan ang iniisip niya at masaya siyang nakisali sa pag-uusap."Sige, ayusin mo 'yang mga ideya, tapos i-email mo agad sa tito mo. Sigu
Para sa Driver ni Kenneth, ang pagging tahimik niya ay natural lamang sa kaniya. Matagal niyang tinitigan ang bihirang ngiti ni Evan—parang uhaw na uhaw siyang titigan ito, at habang lumilipas ang bawat segundo, lalo lamang tumitindi ang pagnanasa niyang angkinin ang babaeng nasa harap niya. Pero kahit ganoon, hindi siya nangahas na pilitin ito muli.“Evan, akin ka.”Mahinahon man ang pagkakabitaw niya ng mga salitang iyon, naroon ang lalim ng pananakot sa likod ng kanyang malamlam at maitim na mga mata. Bawat salita ay tila pahayag ng pag-aangkin.Hindi siya pinahiya ni Evan. Bagkus, bahagya pa niyang itinaas ang kanyang mukha, pinanatili ang mahinang ngiti sa mga labi. Ngunit hindi ito umabot sa kanyang mga mata. Sa ilalim ng ngiting iyon, may halong lamig at hinanakit.Pagkatapos, inalis niya ang tingin mula kay Kenneth, dahan-dahang isinara ang pinto ng sasakyan, saka tahimik na inutusan ang driver. “Tayo na.”Alangan ang driver. Sa pamamagitan ng rearview mirror, sinulyapan niya
Nag-reach out ang housekeeper mula sa lumang bahay ni Evan, at sinabi na nais siyang makita ng matandang babae.Wala nang magawa si Evan kundi hilingin kay Christopher na magsimula ng pansin mula sa mga reporters. Nagbago siya ng itsura at tumakas sa likod ng pinto.Pagdating sa lumang bahay ng Huete, bumukas ang mga ukit na pintuan. Paglabas ni Evan mula sa sasakyan, naglakad siya at aksidenteng nakasalubong si Stephanie na nakasuot ng matingkad na damit.Hindi na pinansin ni Evan ang dating ina-inahan. Nakataas ang kanyang ulo, dumaan siya nang mataas ang tingin."Evan, ako pa naman ang iyong mother-in-law. Hindi mo man lang ba ako babatiin?" Nang makita siya ni Stephanie, muling lumamig ang kanyang mukha. Hinadlangan siya nito at may poot sa mata, "Huwag ka munang maglakad, may sasabihin ako sa'yo."Hindi pinansin ni Evan ang kanyang pang-aasar, tinitigan siya ng malamig at naglakad palayo.Paano naman si Stephanie? Hindi niya palalagpasin ang ganitong pagtingin ni Evan. Tumayo siy
“Miss Evan, paano mo nagawa iyon?"Wala nang kaalaman si Evan na nagawa niya iyon dahil sa kanyang bentahe sa kasarian, at inisip na ang pato na may pinit na rice wine ang totoong may sala. "Siguro, swerte lang ako. Tungkol sa proseso, hindi mo na kailangang sabihin sa tito ko. Pakiusap na lang, ipasubok mo sa kanya. Kung hindi gumana, mag-iisip ako ng ibang paraan."Pinatol ni Jaxon ang tawag at tinitigan ang misteryosong mata ng presidente ng Huete Group sa likod ng desk habang nakanganga ang ulo.Ayaw ng Master na malaman ni Evan na siya'y seryosong nasugatan dahil sa kanya, at hindi rin gusto ni Miss Evan na malaman ng Master na humingi siya ng tulong medikal para sa kanya, at siya'y isang maliit na tao lang. Nasa gitna siya ng lahat at natatakot na baka isang araw, mamatay siya nang hindi buo ang katawan.Nilulon ni Jaxon ang laway sa takot at mabilis na nagsabi: "Master, si Miss Evan ang tumawag. Tinutukoy niya ang mga maliliit na bagay sa studio. By the way, narinig ko lang na
Napatitig siya rito, saka tumango. "Simula Sabado, sumama ka sa akin sa Emerald Welfare Home."Ang hiling na
Makalipas ang tatlong oras, dumating si Evan sa isang lumang bahay at kumatok sa pinto nito. Ang pintura sa kahoy ay luma at natutuklap na.May narinig siyang mga yapak sa loob bago bumukas ang pinto. Ngunit imbes na ang matandang lalaki ang sumalubong sa kanya, ang lalaking matagal nang may ayaw sa kanya ang nasa harapan niya.Nabigla ito nang makita siya."Ano’ng nangyari sa’yo?"Alam ni Evan kung bakit siya nagulat kaya ngumiti lang siya at hindi ito pinansin. Inalis niya ang kanyang sunglasses, saka lumampas sa lalaki papunta sa hardin kung saan ang matandang lalaki ay abala sa pag-aalaga ng mga bulaklak at paglalaro sa kanyang aso."Lolo, magluluto ka ba ulit ng fermented duck ngayon?"Nagulat ang matanda. Hindi niya inaasahan na tutuparin pa rin ni Evan ang kanyang pangako sa kabila ng gulong kinasasangkutan nito."Hindi. Bumili ako ng dalawang igat kanina, nasa kusina. Manood ka na lang habang niluluto ko."Tahimik na napangiti ang matanda. Habang pinagmamasdan ang lalaking nas
Nang makita ng ilang malalaking lokal na brand ang isang makapangyarihang katunggali na biglang lumitaw, hindi na sila mapakali. Nagpadala sila ng mga bayarang tao upang siraan si Yeyan online, ngunit halos walang naging epekto ang kanilang paninira.Sa gitna ng pag-atake ng mga pekeng accounts, maraming netizens ang hindi nagpatinag at agad na nagbigay ng kanilang opinyon."Pakiusap naman, ‘yan ang brand na paborito mismo ng presidente ng Huete Corporation! Kung hindi mo gusto, baka ikaw ang may pangit na panlasa. Isipin mo na lang, kakaunti lang ang katulad ni Kevin—mayaman, gwapo, at maganda ang pangangatawan. Normal lang kung hindi mo kayang sabayan ang taste niya, pero maling mali na siraan mo ito ng walang basehan.""Sa estado at yaman ni Mr. Huete, sa tingin mo ba kailangan pa niyang kumuha ng endorsement gaya ng mga artista at magbenta ng produktong hindi niya ginagamit? Bukod pa roon, parang sadyang ginawa para sa kanya ang hikaw—napakaganda ng disenyo at pulido ang pagkakagaw
Nakatingin si Evan kay Kenneth na nasa ilang metro ang layo mula sa kanya. Matagal na silang magkakilala, pero ngayon lang niya nakita si Kenneth na ganito kapuruhan ang itsura.Kung limang taon na ang nakalipas, marahil ay naawa pa siya rito.Pero ngayon, ang lalaking minsan niyang minahal ay nasa harapan na niya — sobrang lapit na halos mahawakan niya ito — ngunit sa puso niya'y wala nang nararamdamang iba kundi kapaitan.Hindi niya alam kung bakit nagpapaka-drama si Kenneth, pero batay sa pagkakakilala niya rito, hinding-hindi ito basta-basta susuko.Ibinaba niya ang tingin, saka ibinulsa ang susi ng kotse sa bulsa ni Kevin. Mahina niyang sinabi, "Uncle, mauna ka na. Ako na'ng bahala rito."Itinaas ni Kevin ang kanyang makakapal na kilay at tiningnan si Evan — walang sinabi, pero malinaw na nag-aalala.Sa ilalim ng ilaw ng kalye, litaw na litaw ang payat na pigura ni Evan — parang abo pagkatapos ng apoy na nagliyab.Hindi kalayuan, mahigpit na nakasara ang kamao ni Kenneth — nangin