Kahit isang sulyap sa pagkain na inihain ni Evan ay hindi ibinigay ni Stephanie. Parang hangin lang ang babae kaya hindi nito nakikita ang effort ng pagsisilbi nito.Lumipas ang kalahating oras sa harap ng hapag-kainan, ang matanda ay pinili ng tapusin ng maaga ng pagkain upang makapagpahinga na sa kaniyang sariling kwarto. Iniwan niyang magkakasama ang mas nakababatang henerasyon kasama si .Pagkaalis ng matandang Huete, galit na humarap si Stephanie kay Evan, ibinagsak nito ang mga gamit na kubyertos sa mesa, at tinitigan ang babae ng malamig at mapanakit.“Evan, wala ka bang sasabihin sa akin bilang ina ni Kenneth? Tingin mo ba ay sapat na sa akin na pagsilbihan mo lang ako? Utak kasambahay ka talaga,” galit nitong litanya na may kasama pang pagsinghal kay Evan ng hindi makuntento.“Siguro ay iniisip mong pwede ka ng magreyna-reynahan sa pamamahay na ito dahil lang wala na ako sa bansa. Which is not very shocking for the likes of you, assuming little bitch. Tingin mo ay mapapalitan
Sa kabilang linya ng telepono, isang boses ng lalaki ang narinig ni Evan, malinaw at baritono ang boses nito. "Narinig ko mula sa kapatid mo na may mga kundisyon ka nang nabuo kaya gusto mong makipag-usap sa akin." Napaupo ng tuwid si Evan nang makilala ang katauhan ng tumawag, dumagundong ang kaunting kaba sa kaniyang dibdib, ngunit tinapangan niya ang loob saka lumunok ng laway. "Tama ka. Gusto ko sanang bilhin ang nakuha niyong alahas sa halagang 500,000, malinaw ko na po itong binaybay noong huli kong tawag. Maaari po ba?”Tumawa ang lalaki sa kabilang linya na may bahid ng katusuhan. "Heh. Hindi ako tulad ng mga hangal na iyon na walang alam sa halaga ng mga bagay. Alam ko na ang bagay na iyon ay hindi bababa sa walong numero ang halaga, kaya...""Kaya't hindi ka pumapayag," tugon ni Evan, bahagyang kunot na ang noo niya. "Kung mas mataas pa ang halagang gusto mo, hindi ko kayang ipunin agad iyon. Bibigyan mo ba ang ako ng mas mahaba pang panahon?""Relax ka lang. Ang 500,000
"Boss Upeng, totoo nga ang dala niyang limandaang libo."Habang pinipilit ni Evan na magpakalma, isa sa mga lalaki ang sumilip sa dalang pera at tumango na may kasiyahan nang makumpirma na hindi pekeng pera ang dala niya."Ayos, Tonyo, ibigay mo na sa kanya ang kapalit na alahas. Tapos na ang transaksyon natin."Tahimik si Tonyo ng ilang sandali, waring nagdadalwang-isip pa itong tapusin ang usapan ng ganoon lang kadali. Habang tumatagal naman ang katahimikan ng tauhan, tila lalo pang bumibigat ang pakiramdam ni Evan. Puno na ng pawis ang kanyang mga palad dahil sa nararamdamang takot at kaba."Dan, mula ng pumayag si Boss Kulas sa transaksyong ito, may kaunting duda na ako. Akala ko ba ay mas mataas pa halaga ang bagay na ito, bakit halagang limandaang libo ibibigay na natin sa kanya? Tama ba itong ginagawa natin? Hindi ba natin mapapakawalan ang gintong nasa kamay na sana natin?""Huwag ka nang magsalita pa ng kung anu-ano, ang transaksiyon na ito ay mabuting pinag-usapan ng mga na
Habang patuloy na umiiyak si Maris Villaflor, malinaw na naintindihan ni Kevin ang kabuuang kinukwento ng babae kahit pa nga sisigok-sigok na ito sa kakaiyak. Unti-unting namang lumalim ang lamig sa kanyang mga mata habang nare-realize kung anong panganib na ang kinahaharap ngayon ni Evan ng mag-isa.Nang tuluyang masabi ni Maris ang lokasyon kung saan ang pinagkasunduang pangyayarihan ng transaksiyon, kung saan ito na rin huling kinaroronan ni Evan bago ito nawalan ng komunikasyon sa kanila, mabilis siyang nakabuo ng isang desisyon. Sa mabibilis na hakbang, agad niyang tinungo ang direksiyon ng kanyang sasakyan.Nakasunod naman sa kaniya ang bahagyang nakakunot-noo na si Secretary Jaxon, siya ang ilan sa mga pinagkakatiwalaang tao ni Kevin. Sa tagal ng pinagsamahan nila, nagagawa niyang magsalita sa boss ng hindi na hinihingi ang permiso nito para sa opinyon niya. Kaya ngayon ay lakas loob siyang maingat na nagsalita dito upang paalalahanan si Kevin."Second Master, naabisuhan na an
Pagkalipas ng ilang segundo, nagulantang si Evan, nakatutok ang mga mata niya sa mukha ni Kevin at doon niya nakita ang namumuong butil ng pawis sa noo at gilid ng ulo ng lalaki. Tila tinitiis lang nito ang sakit base sa discomfort na kitang kita sa mukha nito, napaiyak na lang si Evan sa awa."K-Kevin, ang kamay mo...”Wala ng sinayang na oras, kinuha niya ang kamay ng lalaki at dahan-dahang nilabas ang isang panyo mula sa kanyang bulsa upang tulungan ang lalaking mapigilan ang pagdurugo ng sugat na natamo sa saksak.Ang malalim na sugat ni Kevin ay nakakatakot at sigurado ni Evan na masakit. Nakaramdam ng guilt si Evan, dahil sa kaniyang kapabayaan, naging dahilan ito ng isang bangungot ng isang sa loob lamang ng isang araw. Ang kinsasadlakan niyang panganib kanina ay sobrang kritikal, kaya ginamit ng lalaki ang kanyang kanang kamay upang harangan ang nakaambang saksak sa kaniya ng hindi man lang iniisip ang sariling kaligtasan.Kung makaapekto kay Kevin ang pangyayaring ito sa h
"Mom, may mga personal na bagay lang akong kailangang asikasuhin ng mabilis kaya ngayon lang ako nakarating. I'm so busy, not now, please. Babalik na lang uli ako para batiin ka ng maligayang kaarawan kapag naayos ko na ang lahat. Huwag ka ng magalit. ‘Yang puso mo sige ka, you need to calm down."Alam ni Kenneth ang ugali ng kaniyang ina, madali itong magalit pero kailanman ay hindi siya natitiis.Inalis niya ang kanyang suot na coat, saka lumapit siya sa likod ni Stephanie para ipatong iyon sa mga balikat ng ina. "Narinig ko na binigyan ka ni Lola ng magandang alahas, bukod pa doon, binigyan rin pati kita ng isang jade bracelet na ipinadala ko na sa kwarto mo. Siguradong ang ganda nun kapag sinuot mo, Mom."Kahit naman anong pagtatampo ang gawin ngayon ni Stephanie, siya lang ang tanging anak nito kaya wala siyang ibang nagawa kundi napabuntong-hininga na lang. Nakita ni Kenneth na medyo kalma na ito kaya para hindi madagdagan pa ang galit nito, binago na niya ang usapan.“I'll bri
Hanggang sa puntong ito, alam ni Kenneth na gusto niyang kausapin siya ni Evan sa ganitong tono. Na para bang ang lahat ng nangyari sa buhay nila limang taon na ang nakalipas ay isang bangungot lang pala. Masaya silang namumuhay bilang pamilya, at hindi na niya kailangang alalahanin pa kung paano haharapin sina Cheska at Ella. Lumipas ang mga segundo ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Itinaas ni Evan ang kanyang mga mata na namumula at tumingin kay Kenneth, iniisip na marahil ay hindi nito naintindihan ng maayos ang kanyang sinabi kaya inulit niya ito. "Kenneth, mag-divorce na tayo." "Kaya mo ba gustong makipag-divorce ay dahil kay Ella, o dahil kay Kevin?" Tanong ni Kenneth na may malamig na tingin. Para bang takot siyang marinig ang anumang sasabihin ni Evan kaya tinitigan niya ito ng may nakakaasar na ngiti sa labi. "Binigyan ka lang ni Uncle ng kaunting pansin nagkakaganyan ka na? Baka nakakalimutan mo na ang iyong pwesto sa pamilya Huete? Sampid ka lang, Evan, bi
"Well, really?" Huminga ng malalim si Ashton. Sa kabila ng kanyang karaniwang talino at pagiging pilyo, sa sandaling ito ay para siyang isang limang taong gulang na bata talaga. Bahagya niyang itinagilid ang kanyang ulo at mahinang nagtanong kay Evan. "Pero ayoko po ng injection at gamot na mapait. Ayoko po magpunta sa doctor, Vanvan, huwag na rin po nating sabihin kay Daddy, pwede po ba ‘yon?" "Hindi pwede. Importanteng malaman ng Daddy mo na may sakit ka." Napatawa si Evan. Hindi niya akalaing matatakot din ang bata katulad ng ibang mga bata sa kanilang ama. "Pero pangako, baby, matamis ang gamot ma iinumin mo. Si Uncle Jaxon mo na rin ang gagamot sa'yo at magtuturok ng injection. Hindi ba sabi mo magaling siya at hindi masakit ang turok?" "Pinuri ko lang po si Uncle Jax para mas maging mabait siya kay Daddy." Halatang nawalan na ng sigla si Ashton. Ibinuka niya ang kanyang maliliit na kamay at yumakap kay Evan, inilapat ng mariin ang kanyang ulo sa balikat nito. Nang linguni
Biglang bumigat ang pakiramdam ni Evan nang marinig ang sinabi ni Stephanie.Noong nakaraang buwan, ang inhibitor na labis niyang kailangan ay sinimulang gawin at pagbutihin sa ibang bansa bago dalhin sa loob ng bansa.Sinabi sa kanya ni Ate Sophie na ang lahat ng gastusin ay sagot ng kanyang lola. Noong una, naniwala siya at iniisip na kaunting injection lang naman iyon. Kaya kahit gaano pa kamahal, hindi aabot sa daan-daang milyon.Pero ngayong pinag-iisipan niya ito nang mas mabuti, naisip niya, Kung walang buong pondo, anong laboratoryo ang gagastos ng ganito kalaki para sa isang produkto na wala namang tiyak na kita sa merkado?Iniwasan ni Kevin ang gulat na tingin ni Evan at ngumiti."Sister-in-law, that's my money. Kung paano ko ito gustong gastusin ay sarili kong desisyon. I don't think I have the responsibility to tell you my personal wealth, right?"Bahagyang nanghina ang balikat ni Stephanie, halatang hindi niya nagustuhan ang sagot ni Kevin. Pero kahit pa pilit niyang itin
Bago pa magawa ni Kenneth ang anumang ikagugulat ng lahat, mabilis na inalalayan ni Evan si Chris, ang kanyang malalabong mata ay puno ng matinding galit habang matalim siyang tumitig kay Kenneth."Kenneth!"Huling beses niyang nakita si Evan na ganito katatag ay sa maliit nilang apartment noon.Noong panahong iyon, ginagawa niya ito upang protektahan si Kenneth, pero ngayon, ibang lalaki na ang kanyang pinagtatanggol.Tinitigan siya ni Kenneth, at ang malamig niyang ngiti ay unti-unting naging malupit.Bago pa man siya magsawa sa larong ito, mayroon nang ibang lalaki si Evan?How could he let this happen?He won't let Evan let go from his grasp. Hinding-hindi mangyayari iyon.Habang iniisip ni Kenneth kung paano niya muling makokontrol si Evan, biglang tumunog ang musika na hudyat ng pagtatapos ng pagtitipon.Dahan-dahang nagsimulang maghiwa-hiwalay ang mga bisita. Ang karamihan ay nanatili sa bulwagan, habang ang ilan ay sumakay ng elevator patungo sa meeting room sa 18th floor.Mul
Sa engrandeng mid-year party ng Huete Group, lumabas si Evan na napakaganda at elegante sa kanyang mamahaling damit. Mapayapang kasama niya si Christopher Greece, nakayuko paminsan-minsan habang may mahinhing ngiti sa labi. Panaka-naka rin itong nakikipag-usap sa bawat direktor.Marahil upang mas maging bagay sila ni Evan, nagpalit si Chris ng kasuotan na kapareho ng kulay ng kanyang suot. Sa kanyang gwapong mukha, nagniningning ang isang maliwanag at maaliwalas na ngiti sa lalaki. Kitang-kita kung gaano niya ine-enjoy ang sandali habang magkahawak-braso silang naglalakad.Samantala, hindi maipaliwanag ni Kenneth ang nararamdaman niya. Marahil ay nagulat siya sa biglang pagsulpot ni Evan. Dahil nang una niyang makita ang kanyang payat at eleganteng pigura, napahinto siya nang hindi namamalayan, hindi man lang narinig ang paulit-ulit na pagtawag sa kanya ng mga nasa paligid."Huwag kang mag-alala, pamangkin kong Kenneth, susuportahan ka namin sa eleksyong ito.""Tama! Si Kenneth ay isa
"Kenneth, ‘wag mong sisihin ang sarili mo." Saglit na tumigil si Ella bago muling nagsalita ng malambing at masakit na mga salita. "Kung ako man ang unang nagmahal sa'yo, kung natakot akong mawala ka, o kahit ginamit ko ang kamatayan para magkaroon pa ng puwang diyan sa puso mo, lahat ng iyon ay kasalanan ko."Nagdilim ang tingin ni Kenneth. Alam naman niya noon pa ang mga pangamba ni Ella, pero hindi niya ito binigyang pansin.Ngunit ngayong narinig niyang ginawa niya ang lahat ng ito dahil ayaw niyang maiwan, hindi niya maitatangging may bahagyang kirot sa puso niya.At sa pagkakataong ito, ang tunay na dahilan kung bakit tinangka ni Ella ang pagpapakamatay, ay walang iba kundi siya mismo. Habang tahimik na nag-iisip si Kenneth, agad na nagpalit ng paksa si Ella. "Ako na ang magpapaliwanag sa mga magulang ko. Sasabihin kong nadulas lang ako habang nagbabalat ng prutas.""Hindi sapat 'yan." Pilit ngumiti si Kenneth, ngunit maya-maya, seryosong nagtanong, "Ella, sabihin mo sa aki
Mabilis na hinawakan ng nurse dalaga at malambing na sinabihan ito. "Gwen, bagong pasyente ito. Dito lang siya na-assign sa kwarto mo, kaya tabi ang kama niyo. Hindi siya ang ate mong si Bernardita Paranal."Pagkarinig sa pangalang iyon, bumilis ang tibok ng puso ni Evan. Sandaling lumiwanag ang kanyang mga mata ngunit unti-unting nagdilim muli.Minsan nang sinabi ng kanyang tiyuhin na ang huling balita tungkol kay Bernard Paranal ay nasa isang mental hospital siya. Pero sa dami ng taong may ganoong pangalan sa mundo, hindi na siya dapat umasa sa ganito kalabong lead."Hindi, ang natutulog sa kama na ito ay si Ate Bernardita!" Matigas ang ulo ng batang si Gwen. Mahigpit niyang hinila ang kumot ni Evan at tumitig sa kanya gamit ang malalaki niyang mata, tila nagtataka. "Ate, bakit hindi mo ako kinakausap?"Napabuntong-hininga ang nurse, tila wala nang balak makipagtalo pa sa isang pasyenteng wala sa sarili. Pinatong niya ang kamay sa balikat ni Gwen at pasimpleng sinabihan ito. "Si
Anuman ang mangyari, kasalanan ni Ella kung bakit siya humantong sa ganitong sitwasyon. Tinanggap lang niya ang bunga ng sarili niyang mga ginawa. Wala itong kinalaman kay Evan.Nanginginig ang kamay ni Kenneth habang pinipirmahan ang dokumento ng patient's waiver para sa kritikal na kondisyon ni Ella. Matapos nitong paalisin ang doktor, agad siyang bumaling kay Evan at matalim siyang tinitigan. Ngunit kahit anong pilit niya, wala siyang makita ni bahagyang pagsisisi o pagkabalisa sa mukha nito.Sa sumunod na segundo, gamit ang matinding lakas, hinatak niya si Evan mula sa sahig at itinapon ito nang malakas sa harap ng pintuan ng operating room. Itinutok niya ang daliri sa kanya at galit na galit na sumigaw."Evan! Ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito! Malapit nang mamatay si Ella, lumuhod ka ngayon din!"Mabilis na bumangon si Evan, mariing itinuwid ang leeg, at matalim siyang tinitigan. Parang matutulis na kutsilyo ang kanyang tingin na tila tumatarak sa laman ni Kenneth."Kenne
"Hoy, parang hindi ka na isang tunay na master ng alahas sa mga sinasabi mo." Hindi alam ni Evan kung matatawa o maiiyak sa sinabi ni Chris. Hindi niya kayang tanggapin ang alok nito. "Baguhan pa lang ako sa industriyang ito. Hindi ko kayang dalhin ang pangalan mo bilang master ko. Hahanap na lang ako ng ibang paraan para makabili ng regalo." "Huwag mo akong utuin." Saglit na nag-isip si Chris. "Wait! As far as I know, may natitira pa akong kwintas na hindi naibenta sa jewelry exhibition dito sa siyudad. I can give it to you as temporary solution." Ang mga alahas na idinisenyo at ginawa mismo ni Chris ay palaging nauubos sa mga foreign design exhibitions, duda tuloy siya sa sinasabing iyon ng guro. Siguradong ang regalong ito ay akma sa estado ng kaniyang Lola, pero napakalaking pabigat naman nito sa bulsa ni Evan dahil hindi basta-basta ang mga dinesenyo ni Chris na pang-international level. Nakita ni Chris ang pag-aalinlangan sa mukha ni Evan kaya't bahagya siyang ngu
Samatanla, makalipas ang kalahating oras matapos umalis si Evan, dumating si Kenneth sa bahay ni Ella na hindi mapakali ang pakiramdam.Bago pa man niya maikatok ang kamay sa pinto, kusa n itong bumukas nang marahan. Kaya naman, lalo pang lumakas ang hindi magandang kutob niya."Ella!"Mabilis siyang pumasok sa sala, sinipat ang paligid, at tumutok ang tingin niya sa dalawang baso ng tsaa sa lamesa, hindi pa nahuhugasan.Mukhang dumalaw nga rito si Evan, at ipinaghanda pa siya ng tsaa ni Ella.Sa gitna ng katahimikan, may narinig siyang mahinang tunog ng tubig.Napalingon siya sa direksyon ng kwarto ni Ella at agad na naglakad papasok.Bukas nang kaunti ang pinto ng banyo. Sa sahig, may mga bahid ng tubig na dumadaloy, halo ng malinaw na likido at isang matingkad na pulang anino.Nang mapansin ito ni Kenneth, parang may biglang malaking kamay na biglang pumigil sa kanyang paghinga.Lumaki ang kanyang mga mata, saka mabilis na binuksan ang pinto at sumugod papunta sa bathtub.Sa loob n
Alas dos y media ng hapon, dumating si Evan sa opisina ng presidente tulad ng napagkasunduan.Hindi nakalubog sa trabaho si Kevin tulad ng dati. Sa halip, nakaupo siya malapit sa mga halamang nasa sulok ng opisina. Ang kanyang itim na manggas ay nakatupi hanggang siko habang tahimik siyang gumagawa ng sariwang tsaa.Isang lang namang gwapong lalaki na nakatuon ang pansin sa ginagawa ang tanawin ni Evan ngayon.Hindi tuloy madaling alisin ang tingin niya sa lalaki. Mayroon itong kakaibang aura ng katahimikan at katiwasayan.Nang ilang beses nang mag-alinlangan si Evan na basagin ang katahimikang iyon, mas pinili niyang manatili sa may pintonhabang tahimik siyang nagmamasid kung kailan mapapansin ni Kevin ang pagdating niya.Hindi na niya matandaan kung gaano katagal mula noong huling beses na nakita niya ito. Ang singkit nitong mga mata ay katulad pa rin ng dati, kahit anong oras ito tumingin sa isang tao, laging may nagbabadyang lamig at matinding emosyon.Isang titig pa lang, sapat n