Pagkalipas ng ilang segundo, nagulantang si Evan, nakatutok ang mga mata niya sa mukha ni Kevin at doon niya nakita ang namumuong butil ng pawis sa noo at gilid ng ulo ng lalaki. Tila tinitiis lang nito ang sakit base sa discomfort na kitang kita sa mukha nito, napaiyak na lang si Evan sa awa."K-Kevin, ang kamay mo...”Wala ng sinayang na oras, kinuha niya ang kamay ng lalaki at dahan-dahang nilabas ang isang panyo mula sa kanyang bulsa upang tulungan ang lalaking mapigilan ang pagdurugo ng sugat na natamo sa saksak.Ang malalim na sugat ni Kevin ay nakakatakot at sigurado ni Evan na masakit. Nakaramdam ng guilt si Evan, dahil sa kaniyang kapabayaan, naging dahilan ito ng isang bangungot ng isang sa loob lamang ng isang araw. Ang kinsasadlakan niyang panganib kanina ay sobrang kritikal, kaya ginamit ng lalaki ang kanyang kanang kamay upang harangan ang nakaambang saksak sa kaniya ng hindi man lang iniisip ang sariling kaligtasan.Kung makaapekto kay Kevin ang pangyayaring ito sa h
"Mom, may mga personal na bagay lang akong kailangang asikasuhin ng mabilis kaya ngayon lang ako nakarating. I'm so busy, not now, please. Babalik na lang uli ako para batiin ka ng maligayang kaarawan kapag naayos ko na ang lahat. Huwag ka ng magalit. ‘Yang puso mo sige ka, you need to calm down."Alam ni Kenneth ang ugali ng kaniyang ina, madali itong magalit pero kailanman ay hindi siya natitiis.Inalis niya ang kanyang suot na coat, saka lumapit siya sa likod ni Stephanie para ipatong iyon sa mga balikat ng ina. "Narinig ko na binigyan ka ni Lola ng magandang alahas, bukod pa doon, binigyan rin pati kita ng isang jade bracelet na ipinadala ko na sa kwarto mo. Siguradong ang ganda nun kapag sinuot mo, Mom."Kahit naman anong pagtatampo ang gawin ngayon ni Stephanie, siya lang ang tanging anak nito kaya wala siyang ibang nagawa kundi napabuntong-hininga na lang. Nakita ni Kenneth na medyo kalma na ito kaya para hindi madagdagan pa ang galit nito, binago na niya ang usapan.“I'll bri
Hanggang sa puntong ito, alam ni Kenneth na gusto niyang kausapin siya ni Evan sa ganitong tono. Na para bang ang lahat ng nangyari sa buhay nila limang taon na ang nakalipas ay isang bangungot lang pala. Masaya silang namumuhay bilang pamilya, at hindi na niya kailangang alalahanin pa kung paano haharapin sina Cheska at Ella. Lumipas ang mga segundo ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Itinaas ni Evan ang kanyang mga mata na namumula at tumingin kay Kenneth, iniisip na marahil ay hindi nito naintindihan ng maayos ang kanyang sinabi kaya inulit niya ito. "Kenneth, mag-divorce na tayo." "Kaya mo ba gustong makipag-divorce ay dahil kay Ella, o dahil kay Kevin?" Tanong ni Kenneth na may malamig na tingin. Para bang takot siyang marinig ang anumang sasabihin ni Evan kaya tinitigan niya ito ng may nakakaasar na ngiti sa labi. "Binigyan ka lang ni Uncle ng kaunting pansin nagkakaganyan ka na? Baka nakakalimutan mo na ang iyong pwesto sa pamilya Huete? Sampid ka lang, Evan, bi
"Well, really?" Huminga ng malalim si Ashton. Sa kabila ng kanyang karaniwang talino at pagiging pilyo, sa sandaling ito ay para siyang isang limang taong gulang na bata talaga. Bahagya niyang itinagilid ang kanyang ulo at mahinang nagtanong kay Evan. "Pero ayoko po ng injection at gamot na mapait. Ayoko po magpunta sa doctor, Vanvan, huwag na rin po nating sabihin kay Daddy, pwede po ba ‘yon?" "Hindi pwede. Importanteng malaman ng Daddy mo na may sakit ka." Napatawa si Evan. Hindi niya akalaing matatakot din ang bata katulad ng ibang mga bata sa kanilang ama. "Pero pangako, baby, matamis ang gamot ma iinumin mo. Si Uncle Jaxon mo na rin ang gagamot sa'yo at magtuturok ng injection. Hindi ba sabi mo magaling siya at hindi masakit ang turok?" "Pinuri ko lang po si Uncle Jax para mas maging mabait siya kay Daddy." Halatang nawalan na ng sigla si Ashton. Ibinuka niya ang kanyang maliliit na kamay at yumakap kay Evan, inilapat ng mariin ang kanyang ulo sa balikat nito. Nang linguni
Pagkasabi ng mga salitang iyon, nanahimik ang lahat, maging ang mga tagapaglingkod ng pamilya ay mas yumuko sa tensiyong namumuo sa mga Huete.Napanganga si Ella sa gulat, ngunit agad na yumuko upang maitago ang kanyang pagkabigla. Sa kabila ng pagtatangkang maging kalmado, hindi maikubli ang kislap ng tuwa sa kanyang mga mata.Hindi siya makapaniwalang totoo ang sinabi ni Evan. Ngunit, anong espesyal na bagay ba ang nasa file na iyon para ipagpalit ang posisyon ni Evan ang pagiging ginang ng pamilya Huete?Maging si Stephanie ay bahagyang natigilan. Ang dati niyang malamig at mapanuyang tingin ay napalitan ng pagkabahala at pagsusuri. Iniisip niyang baka may iba pang dahilan si Evan kaya sinadya nitong ipahayag ang desisyon sa harap ng lahat.Sa kabila ng iba’t ibang tingin na nakatutok sa kanya, nanatiling kalmado si Evan. Ang balingkinitan niyang katawan ay bahagyang nanigas, ngunit ang mukha niya’y walang bakas ng emosyon, tila parang wala lang siyang sinabi.Tumagal ng dalawa o t
Sa loob ng kotse, kinuha ni Evan ang kahon ng gamot, pagkatapos ay inilagay niya ang malamig na gamot sa isang kutsara, at tinunaw ito bago sinubukang painumin si Ashton.Maaga pang umalis si Jaxon, dahil clock out na daw siya at tapos na ang kanyang trabaho. Si Kevin na lamang tuloy ang may hawak kay Ashton gamit ang kanyang hindi nasugatang kamay. May natikmang kaunting pait mula sa gamot si Ashton, kaya ng subukan muling painumin siya ni Evan, nagkukunwari na itong natutulog habang iniiwas ang bibig sa kutsara. Ang itsura niya ay talaga namang nakakaawa na tila aping api.Saglit napakunot ang noo ni Evan habang tinitingnan si Ashton na tila talagang nasasaktan. Para bang gusto na lang niyang akuin ang sakit na nararamdaman ng bata."Sige na, Ashton, last na subo na lang. Hindi ka na ulit iinom pagkatapos nito, okay?" Mahinahon niyang kinumbinsi ang bata habang hawak ang natitirang kalahati ng gamot.Tahimik na pinanood ni Kevin ang dalawa, para bang naglalarawan ito ng isang mag-in
Hindi maiwasang maalala ni Evan ang sinabi sa kanya ni Kenneth matapos marinig ang mga salita ni Kevin. "Ang pamilya Huete ay hindi umaasa sa awa, at si Uncle mo ay hindi tao na madaling maawa." Habang nag-aalinlangan si Evan at gustong magsalita, biglang tumunog ang telepono sa kanyang bulsa. Tumatawag ang kanyang ina. Bahagyang ibinaba ni Kevin ang tingin, tila nagpapahiwatig na wala siyang balak makinig at hahayaan niyang sagutin ni Evan ang tawag ng walang alinlangan. Wala namang sikreto si Evan na kailangang itago, kaya agad niyang sinagot ang tawag. "Mama, sobrang nagpapasalamat po ako sa inyo ng tinawagan mo si Uncle para iligtas ako. Ayos na po ako ngayon." "Salamat naman at maayos ka na, salamat talaga," sagot ng ina, bahagyang humahagulgol pa ito sa kabilang linya. "May tumawag sa akin mula sa pamilya Huete at sinabing okay ka na, pero hindi ko maiwasang mag-alala. Akala ko tapos na ang birthday party ng biyenan mo kaya agad kitang tinawagan." Mula pagkabata h
Napaluhod si Ella, ang kanyang mukha na puno ng alindog ay nanigas, pero pinilit pa rin niyang ngumiti ng matagal."Ang ibig mong sabihin, hangga't hindi mo na-aangkin ang pamilya Huete, kami ni Cheska ay maghihirap at mabubuhay sa kahiya-hiyang buhay na ito?""Si Cheska ay apo ng pamilya Huete, wala namang kahihiyan doon." Sagot ni Kenneth, ang labi ay nakapirmi at may halong inis sa kanyang mga mata. "You already know that Evan is firmly avoiding me these days, kung makikipag-ugnayan ako sa iyo, malaki ang risk na magtulungan sila ni Lola at ipilit ang divorce. Ang lahat ng mga pagsusumikap ko sa mga taon na nagdaan ay mawawalan ng halaga. Gusto mo bang makita akong maghirap at walang pera?"Kahit hindi itanong ay tiyak na hindi gusto ni Ella na mawalan ng pera si Kenneth.Ngunit mas takot siya na isang araw, si Kenneth nga ang magmana ng yaman ng pamilya pero ang magiging asawa naman sa tabi nito ay hindi siya.Pag nangyari iyon, magiging ibang-iba na ang posisyon ni Kenneth kaysa
Kung tutuusin, sa galing ni Lindsey sa pagpapanggap at panlilinlang, kahit pa hindi totoo, kaya niyang magkunwaring mahal si Ashton sa harap ng tiyuhin nito.Pero sa lahat ng nakita, mukhang alinman sa dalawa ang totoo—kulang ang effort ni Lindsey sa pagpapanggap, o masyadong matalino si Ashton para malinlang. Sa isang sulyap pa lang, parang nababasa na niya ang lahat ng kilos ni Lindsey.Napatingin si Evan sa malungkot na ekspresyon ni Ashton—isang lungkot na hindi niya sinasadya pero hindi niya rin kayang itago. Naramdaman niya ang awa sa bata, pero alam niyang wala siyang karapatang husgahan si Lindsey. Ang tanging magagawa niya lang ay sikaping mapasaya si Ashton sa bawat pagkakataon na kasama niya ito.Walang ibang paraan. Matagal siyang nag-alinlangan habang hawak ang cellphone, pero sa huli ay pinindot niya ang numero ng kanyang tiyuhin.“Evan,” bati ni Kevin nang sagutin ang tawag.“Tito,” mahinahon niyang sagot. “Kasama ko si Ashton. Gusto niyang maglaro sa bahay ninyo. Pwede
Kinagabihan, nakatanggap siya ng mensahe mula kay Ashton—pinapapunta siya sa school para sunduin ito.Na-miss na rin niya ang bata, at kahit sandali siyang nagdalawang-isip, hindi niya rin kayang tanggihan ang hiling nito.Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa isipan niya ang nangyari noong huli siyang pumunta sa school—pati ang hapdi ng paso sa likod ng kanyang kamay, hindi pa rin niya malimutan.Kahit pa pilitin niyang kumbinsihin ang sarili na si Lindsey ay kasintahan ng kanyang tiyuhin at wala na siyang dapat ipaglaban, iba pa rin ‘yung sakit. Hindi porket hindi siya nagsalita ay hindi na siya nasaktan."Evan,, anong iniisip mo at parang ang lungkot mo?" tanong ni Christopher habang lumalapit, hawak ang isang tasa ng kape. Umupo siya sa tabi ni Evan at sinimulang ikwento ang mga plano niya para sa studio.Epektibo ang paraan niya—agad nawala sa isip ni Evan ang iniisip niya at masaya siyang nakisali sa pag-uusap."Sige, ayusin mo 'yang mga ideya, tapos i-email mo agad sa tito mo. Sigu
Para sa Driver ni Kenneth, ang pagging tahimik niya ay natural lamang sa kaniya. Matagal niyang tinitigan ang bihirang ngiti ni Evan—parang uhaw na uhaw siyang titigan ito, at habang lumilipas ang bawat segundo, lalo lamang tumitindi ang pagnanasa niyang angkinin ang babaeng nasa harap niya. Pero kahit ganoon, hindi siya nangahas na pilitin ito muli.“Evan, akin ka.”Mahinahon man ang pagkakabitaw niya ng mga salitang iyon, naroon ang lalim ng pananakot sa likod ng kanyang malamlam at maitim na mga mata. Bawat salita ay tila pahayag ng pag-aangkin.Hindi siya pinahiya ni Evan. Bagkus, bahagya pa niyang itinaas ang kanyang mukha, pinanatili ang mahinang ngiti sa mga labi. Ngunit hindi ito umabot sa kanyang mga mata. Sa ilalim ng ngiting iyon, may halong lamig at hinanakit.Pagkatapos, inalis niya ang tingin mula kay Kenneth, dahan-dahang isinara ang pinto ng sasakyan, saka tahimik na inutusan ang driver. “Tayo na.”Alangan ang driver. Sa pamamagitan ng rearview mirror, sinulyapan niya
Nag-reach out ang housekeeper mula sa lumang bahay ni Evan, at sinabi na nais siyang makita ng matandang babae.Wala nang magawa si Evan kundi hilingin kay Christopher na magsimula ng pansin mula sa mga reporters. Nagbago siya ng itsura at tumakas sa likod ng pinto.Pagdating sa lumang bahay ng Huete, bumukas ang mga ukit na pintuan. Paglabas ni Evan mula sa sasakyan, naglakad siya at aksidenteng nakasalubong si Stephanie na nakasuot ng matingkad na damit.Hindi na pinansin ni Evan ang dating ina-inahan. Nakataas ang kanyang ulo, dumaan siya nang mataas ang tingin."Evan, ako pa naman ang iyong mother-in-law. Hindi mo man lang ba ako babatiin?" Nang makita siya ni Stephanie, muling lumamig ang kanyang mukha. Hinadlangan siya nito at may poot sa mata, "Huwag ka munang maglakad, may sasabihin ako sa'yo."Hindi pinansin ni Evan ang kanyang pang-aasar, tinitigan siya ng malamig at naglakad palayo.Paano naman si Stephanie? Hindi niya palalagpasin ang ganitong pagtingin ni Evan. Tumayo siy
“Miss Evan, paano mo nagawa iyon?"Wala nang kaalaman si Evan na nagawa niya iyon dahil sa kanyang bentahe sa kasarian, at inisip na ang pato na may pinit na rice wine ang totoong may sala. "Siguro, swerte lang ako. Tungkol sa proseso, hindi mo na kailangang sabihin sa tito ko. Pakiusap na lang, ipasubok mo sa kanya. Kung hindi gumana, mag-iisip ako ng ibang paraan."Pinatol ni Jaxon ang tawag at tinitigan ang misteryosong mata ng presidente ng Huete Group sa likod ng desk habang nakanganga ang ulo.Ayaw ng Master na malaman ni Evan na siya'y seryosong nasugatan dahil sa kanya, at hindi rin gusto ni Miss Evan na malaman ng Master na humingi siya ng tulong medikal para sa kanya, at siya'y isang maliit na tao lang. Nasa gitna siya ng lahat at natatakot na baka isang araw, mamatay siya nang hindi buo ang katawan.Nilulon ni Jaxon ang laway sa takot at mabilis na nagsabi: "Master, si Miss Evan ang tumawag. Tinutukoy niya ang mga maliliit na bagay sa studio. By the way, narinig ko lang na
Napatitig siya rito, saka tumango. "Simula Sabado, sumama ka sa akin sa Emerald Welfare Home."Ang hiling na
Makalipas ang tatlong oras, dumating si Evan sa isang lumang bahay at kumatok sa pinto nito. Ang pintura sa kahoy ay luma at natutuklap na.May narinig siyang mga yapak sa loob bago bumukas ang pinto. Ngunit imbes na ang matandang lalaki ang sumalubong sa kanya, ang lalaking matagal nang may ayaw sa kanya ang nasa harapan niya.Nabigla ito nang makita siya."Ano’ng nangyari sa’yo?"Alam ni Evan kung bakit siya nagulat kaya ngumiti lang siya at hindi ito pinansin. Inalis niya ang kanyang sunglasses, saka lumampas sa lalaki papunta sa hardin kung saan ang matandang lalaki ay abala sa pag-aalaga ng mga bulaklak at paglalaro sa kanyang aso."Lolo, magluluto ka ba ulit ng fermented duck ngayon?"Nagulat ang matanda. Hindi niya inaasahan na tutuparin pa rin ni Evan ang kanyang pangako sa kabila ng gulong kinasasangkutan nito."Hindi. Bumili ako ng dalawang igat kanina, nasa kusina. Manood ka na lang habang niluluto ko."Tahimik na napangiti ang matanda. Habang pinagmamasdan ang lalaking nas
Nang makita ng ilang malalaking lokal na brand ang isang makapangyarihang katunggali na biglang lumitaw, hindi na sila mapakali. Nagpadala sila ng mga bayarang tao upang siraan si Yeyan online, ngunit halos walang naging epekto ang kanilang paninira.Sa gitna ng pag-atake ng mga pekeng accounts, maraming netizens ang hindi nagpatinag at agad na nagbigay ng kanilang opinyon."Pakiusap naman, ‘yan ang brand na paborito mismo ng presidente ng Huete Corporation! Kung hindi mo gusto, baka ikaw ang may pangit na panlasa. Isipin mo na lang, kakaunti lang ang katulad ni Kevin—mayaman, gwapo, at maganda ang pangangatawan. Normal lang kung hindi mo kayang sabayan ang taste niya, pero maling mali na siraan mo ito ng walang basehan.""Sa estado at yaman ni Mr. Huete, sa tingin mo ba kailangan pa niyang kumuha ng endorsement gaya ng mga artista at magbenta ng produktong hindi niya ginagamit? Bukod pa roon, parang sadyang ginawa para sa kanya ang hikaw—napakaganda ng disenyo at pulido ang pagkakagaw
Nakatingin si Evan kay Kenneth na nasa ilang metro ang layo mula sa kanya. Matagal na silang magkakilala, pero ngayon lang niya nakita si Kenneth na ganito kapuruhan ang itsura.Kung limang taon na ang nakalipas, marahil ay naawa pa siya rito.Pero ngayon, ang lalaking minsan niyang minahal ay nasa harapan na niya — sobrang lapit na halos mahawakan niya ito — ngunit sa puso niya'y wala nang nararamdamang iba kundi kapaitan.Hindi niya alam kung bakit nagpapaka-drama si Kenneth, pero batay sa pagkakakilala niya rito, hinding-hindi ito basta-basta susuko.Ibinaba niya ang tingin, saka ibinulsa ang susi ng kotse sa bulsa ni Kevin. Mahina niyang sinabi, "Uncle, mauna ka na. Ako na'ng bahala rito."Itinaas ni Kevin ang kanyang makakapal na kilay at tiningnan si Evan — walang sinabi, pero malinaw na nag-aalala.Sa ilalim ng ilaw ng kalye, litaw na litaw ang payat na pigura ni Evan — parang abo pagkatapos ng apoy na nagliyab.Hindi kalayuan, mahigpit na nakasara ang kamao ni Kenneth — nangin