Sa loob ng kotse, kinuha ni Evan ang kahon ng gamot, pagkatapos ay inilagay niya ang malamig na gamot sa isang kutsara, at tinunaw ito bago sinubukang painumin si Ashton.Maaga pang umalis si Jaxon, dahil clock out na daw siya at tapos na ang kanyang trabaho. Si Kevin na lamang tuloy ang may hawak kay Ashton gamit ang kanyang hindi nasugatang kamay. May natikmang kaunting pait mula sa gamot si Ashton, kaya ng subukan muling painumin siya ni Evan, nagkukunwari na itong natutulog habang iniiwas ang bibig sa kutsara. Ang itsura niya ay talaga namang nakakaawa na tila aping api.Saglit napakunot ang noo ni Evan habang tinitingnan si Ashton na tila talagang nasasaktan. Para bang gusto na lang niyang akuin ang sakit na nararamdaman ng bata."Sige na, Ashton, last na subo na lang. Hindi ka na ulit iinom pagkatapos nito, okay?" Mahinahon niyang kinumbinsi ang bata habang hawak ang natitirang kalahati ng gamot.Tahimik na pinanood ni Kevin ang dalawa, para bang naglalarawan ito ng isang mag-in
Hindi maiwasang maalala ni Evan ang sinabi sa kanya ni Kenneth matapos marinig ang mga salita ni Kevin. "Ang pamilya Huete ay hindi umaasa sa awa, at si Uncle mo ay hindi tao na madaling maawa." Habang nag-aalinlangan si Evan at gustong magsalita, biglang tumunog ang telepono sa kanyang bulsa. Tumatawag ang kanyang ina. Bahagyang ibinaba ni Kevin ang tingin, tila nagpapahiwatig na wala siyang balak makinig at hahayaan niyang sagutin ni Evan ang tawag ng walang alinlangan. Wala namang sikreto si Evan na kailangang itago, kaya agad niyang sinagot ang tawag. "Mama, sobrang nagpapasalamat po ako sa inyo ng tinawagan mo si Uncle para iligtas ako. Ayos na po ako ngayon." "Salamat naman at maayos ka na, salamat talaga," sagot ng ina, bahagyang humahagulgol pa ito sa kabilang linya. "May tumawag sa akin mula sa pamilya Huete at sinabing okay ka na, pero hindi ko maiwasang mag-alala. Akala ko tapos na ang birthday party ng biyenan mo kaya agad kitang tinawagan." Mula pagkabata h
Napaluhod si Ella, ang kanyang mukha na puno ng alindog ay nanigas, pero pinilit pa rin niyang ngumiti ng matagal."Ang ibig mong sabihin, hangga't hindi mo na-aangkin ang pamilya Huete, kami ni Cheska ay maghihirap at mabubuhay sa kahiya-hiyang buhay na ito?""Si Cheska ay apo ng pamilya Huete, wala namang kahihiyan doon." Sagot ni Kenneth, ang labi ay nakapirmi at may halong inis sa kanyang mga mata. "You already know that Evan is firmly avoiding me these days, kung makikipag-ugnayan ako sa iyo, malaki ang risk na magtulungan sila ni Lola at ipilit ang divorce. Ang lahat ng mga pagsusumikap ko sa mga taon na nagdaan ay mawawalan ng halaga. Gusto mo bang makita akong maghirap at walang pera?"Kahit hindi itanong ay tiyak na hindi gusto ni Ella na mawalan ng pera si Kenneth.Ngunit mas takot siya na isang araw, si Kenneth nga ang magmana ng yaman ng pamilya pero ang magiging asawa naman sa tabi nito ay hindi siya.Pag nangyari iyon, magiging ibang-iba na ang posisyon ni Kenneth kaysa
Bago pa man mawari ni Kevin kung anong damdamin ang nararamdaman niya, nagulat siya sa sunod na narinig."I-I am proposing to you."Hindi na nais ni Evan magpaligoy-ligoy pa. Nag-ipon siya ng lakas ng loob upang salubungin ang titig ng lalaki, sabay pigil-hiningang sinabi ang laman ng kanyang puso. Kasabay nito, mahigpit niyang kinuyom ang kanyang kamao para doon humugot ng tapang."Kapag nabayaran ko na ang lahat ng utang ko sa pamilya Huete, magpapakasal ako sa’yo pagkatapos kong makipaghiwalay kay Kenneth.""Gusto mong pakasalan ako?" Tumawa ng mahina si Kevin, hanggang sa tuluyang mapatawa nang malakas, ang balikat niya’y bahagya pang nanginginig. Pinahid niya ang mga luha sa mukha ni Evan gamit ang mahahaba niyang daliri."Evan, ngayon ko lang nalaman na ang pagpapakasal sa akin ay parang isang mabigat na parusa pala para sa’yo. Why are you crying, hm?"Nang dumating si Jaxon, ang una niyang narinig ay ang masayang tawa ng pangalawang master.Napahinto siya sa may pinto, napakamo
Ang manipis na paldang pang-tag-init ni Evan ay nakapilipit sa kanyang katawan, kaya’t kita ang malaking bahagi ng kanyang balat na kasing-puti ng porselana. Sa ilalim ng liwanag ng buwan, lalo itong nakakaakit pagmasdan. Patuloy siyang umuungol ng mahina, ang kanyang mga pisngi ay namumula na parang hinog na mansanas. Nang maramdaman niya ang lamig ng palad ng lalaki, kusa siyang lumapit dito saka niyakap ang manipis na baywang ng may-ari ng kamay. Pagkatapos noon ay bumuntong-hininga siya ng may kasiyahan dahil mas nakakaginhawa ito sa pakiramdam niya. Nanahimik si Kevin ng ilang sandali, tila may iniisip dahil aa biglaang kilos ng babae sa kama. Makalipas ang halos isang minuto, sa wakas, gamit ang matinding pagpipigil sa sarili ay nailayo na rin niya ang sarili mula sa malambot na yakap ng babae. Bumaba siya ng kama para kumuha ng gamot na pampababa ng lagnat. Nang makuha ay bumalik agad siua sa kama saka inilapit ito sa labi ni Evan para mainom na agad ng babae. Nakapangak
"Talaga ba?""Of course." Puno ng kumpiyansang sumagot ang lalaki, kahit kasinungalingan ang kanyang sinabi. "Nakinig ako ng ilang klase tungkol sa medisina noong kolehiyo. Magaling ako sa paggamot ng mga sugat."Para kay Evan, halos katumbas ng pagiging makapangyarihan ang pangalan ni Kevin.Kahit may pagdududa, dahan-dahan niyang tinanggap ang paliwanag nito at lumakad papunta sa sala upang kunin ang medicine box. Nang buksan niya ito, nakita niyang kalat-kalat ang mga tableta ng gamot sa loob, parang binagyo, halatang may nakialam na hindi tukoy kung alin ang gagamitin.Tiningnan niya ito at nag-aalalang nagtanong. "Uncle, ganito na ba ang itsura nito noong una?"Napatigil si Kevin ng makita ang kahon ng gamot, saka nalaala kung paano siya at nairita ng nagdaang gabi. Saglit niyang tinitigan si Evan, ang mga mata'y napako sa bahagyang namumula niyang labi. Tumugon siya sa malamig at walang emosyon na tono. "Yes."Hindi alam ni Evan kung bakit tila naiinis ang kanyang tiyuhin sa ta
"Totoo ba?" Nang banggitin ni Evan ang tungkol sa kanyang yumaong ama, bumigat ang ekspresyon niya, at huminto ang dahan-dahang pagtapik ng kanyang daliri. "Nasabi ba niya kung paano niya ako tinitingnan noon?" "Hindi sinabi ni Lolo iyon," umiling si Evan. "Pero sa pakiramdam ko, mahal na mahal ka ni Lolo. Kung hindi, paano niya malalaman kahit ang paborito mong kulay ng panloob– Uh, pasensiya na, madaldal talaga si Lolo noon kaya’t halos lahat ay naikwento niya sa akin" Napakunot ang noo ni Kevin, at ang lungkot sa kanyang mga mata ay napalitan ng malamig at seryosong anyo. "Bakit niya sinabi ang mga bagay na iyon sa'yo?" "Ang kalahating rason gusto-gusto ako ni Lolo bilang kakwentuhan, at kalahati naman ay dahil sobrang miss ka niya. Sabi niya noon sa akin ay hindi niya lang daw bukas na masabi at maipakita pero totoong nagmamalasakit siya sa'yo. Kahit mahal ka naman ni Lola, parang ayaw ni Lolo pag-usapan ka kapag nariyan si Lola." Nang makita niyang medyo dumilim ang ekspres
Nang dumating sina Evan at Kevin sa lumang bahay, nakita nila ang matandang babae na nakaupo sa isang tumba-tumba. May manipis na kumot ito sa tuhod habang kinakausap si Maris, ang ina ni Evan."Evan, nandito ka na," ani ng matanda na may maamong ngiti. Agad niyang inutusan ang kasambahay sa tabi niya, "Kumuha ka ng upuan para sa apo ko, magdala ka na rin ng mas maraming lychee at ubas. Pumili ka ng paborito ni Evan."Masaya ang ina ni Evan sa kanyang nakikitang trato ng matanda sa anak niya. "Naku, huwag na po kayong mag-abala, Madam Esmeralda. Kayang-kaya po ni Evan ang sarili niya. Ang kalusugan niyo po ang dapat niyong iniintindi ngayon.""Naku, napaka-pormal mo namang magsalita. Si Evan ay mabait at maunawain. Matagal ko na siyang itinuturing na anak ng pamilya namin kaya ‘wag mong sabihin iyan."Nang maisaayos na ang lahat, bahagyang lumingon ang matanda at tila noon lang niya napansin si Kevin na kanina pa palang nasa tabi ni Evan. Ang kanyang ngiti ay bahagyang nag-iba. "Kevi
Biglang bumigat ang pakiramdam ni Evan nang marinig ang sinabi ni Stephanie.Noong nakaraang buwan, ang inhibitor na labis niyang kailangan ay sinimulang gawin at pagbutihin sa ibang bansa bago dalhin sa loob ng bansa.Sinabi sa kanya ni Ate Sophie na ang lahat ng gastusin ay sagot ng kanyang lola. Noong una, naniwala siya at iniisip na kaunting injection lang naman iyon. Kaya kahit gaano pa kamahal, hindi aabot sa daan-daang milyon.Pero ngayong pinag-iisipan niya ito nang mas mabuti, naisip niya, Kung walang buong pondo, anong laboratoryo ang gagastos ng ganito kalaki para sa isang produkto na wala namang tiyak na kita sa merkado?Iniwasan ni Kevin ang gulat na tingin ni Evan at ngumiti."Sister-in-law, that's my money. Kung paano ko ito gustong gastusin ay sarili kong desisyon. I don't think I have the responsibility to tell you my personal wealth, right?"Bahagyang nanghina ang balikat ni Stephanie, halatang hindi niya nagustuhan ang sagot ni Kevin. Pero kahit pa pilit niyang itin
Bago pa magawa ni Kenneth ang anumang ikagugulat ng lahat, mabilis na inalalayan ni Evan si Chris, ang kanyang malalabong mata ay puno ng matinding galit habang matalim siyang tumitig kay Kenneth."Kenneth!"Huling beses niyang nakita si Evan na ganito katatag ay sa maliit nilang apartment noon.Noong panahong iyon, ginagawa niya ito upang protektahan si Kenneth, pero ngayon, ibang lalaki na ang kanyang pinagtatanggol.Tinitigan siya ni Kenneth, at ang malamig niyang ngiti ay unti-unting naging malupit.Bago pa man siya magsawa sa larong ito, mayroon nang ibang lalaki si Evan?How could he let this happen?He won't let Evan let go from his grasp. Hinding-hindi mangyayari iyon.Habang iniisip ni Kenneth kung paano niya muling makokontrol si Evan, biglang tumunog ang musika na hudyat ng pagtatapos ng pagtitipon.Dahan-dahang nagsimulang maghiwa-hiwalay ang mga bisita. Ang karamihan ay nanatili sa bulwagan, habang ang ilan ay sumakay ng elevator patungo sa meeting room sa 18th floor.Mul
Sa engrandeng mid-year party ng Huete Group, lumabas si Evan na napakaganda at elegante sa kanyang mamahaling damit. Mapayapang kasama niya si Christopher Greece, nakayuko paminsan-minsan habang may mahinhing ngiti sa labi. Panaka-naka rin itong nakikipag-usap sa bawat direktor.Marahil upang mas maging bagay sila ni Evan, nagpalit si Chris ng kasuotan na kapareho ng kulay ng kanyang suot. Sa kanyang gwapong mukha, nagniningning ang isang maliwanag at maaliwalas na ngiti sa lalaki. Kitang-kita kung gaano niya ine-enjoy ang sandali habang magkahawak-braso silang naglalakad.Samantala, hindi maipaliwanag ni Kenneth ang nararamdaman niya. Marahil ay nagulat siya sa biglang pagsulpot ni Evan. Dahil nang una niyang makita ang kanyang payat at eleganteng pigura, napahinto siya nang hindi namamalayan, hindi man lang narinig ang paulit-ulit na pagtawag sa kanya ng mga nasa paligid."Huwag kang mag-alala, pamangkin kong Kenneth, susuportahan ka namin sa eleksyong ito.""Tama! Si Kenneth ay isa
"Kenneth, ‘wag mong sisihin ang sarili mo." Saglit na tumigil si Ella bago muling nagsalita ng malambing at masakit na mga salita. "Kung ako man ang unang nagmahal sa'yo, kung natakot akong mawala ka, o kahit ginamit ko ang kamatayan para magkaroon pa ng puwang diyan sa puso mo, lahat ng iyon ay kasalanan ko."Nagdilim ang tingin ni Kenneth. Alam naman niya noon pa ang mga pangamba ni Ella, pero hindi niya ito binigyang pansin.Ngunit ngayong narinig niyang ginawa niya ang lahat ng ito dahil ayaw niyang maiwan, hindi niya maitatangging may bahagyang kirot sa puso niya.At sa pagkakataong ito, ang tunay na dahilan kung bakit tinangka ni Ella ang pagpapakamatay, ay walang iba kundi siya mismo. Habang tahimik na nag-iisip si Kenneth, agad na nagpalit ng paksa si Ella. "Ako na ang magpapaliwanag sa mga magulang ko. Sasabihin kong nadulas lang ako habang nagbabalat ng prutas.""Hindi sapat 'yan." Pilit ngumiti si Kenneth, ngunit maya-maya, seryosong nagtanong, "Ella, sabihin mo sa aki
Mabilis na hinawakan ng nurse dalaga at malambing na sinabihan ito. "Gwen, bagong pasyente ito. Dito lang siya na-assign sa kwarto mo, kaya tabi ang kama niyo. Hindi siya ang ate mong si Bernardita Paranal."Pagkarinig sa pangalang iyon, bumilis ang tibok ng puso ni Evan. Sandaling lumiwanag ang kanyang mga mata ngunit unti-unting nagdilim muli.Minsan nang sinabi ng kanyang tiyuhin na ang huling balita tungkol kay Bernard Paranal ay nasa isang mental hospital siya. Pero sa dami ng taong may ganoong pangalan sa mundo, hindi na siya dapat umasa sa ganito kalabong lead."Hindi, ang natutulog sa kama na ito ay si Ate Bernardita!" Matigas ang ulo ng batang si Gwen. Mahigpit niyang hinila ang kumot ni Evan at tumitig sa kanya gamit ang malalaki niyang mata, tila nagtataka. "Ate, bakit hindi mo ako kinakausap?"Napabuntong-hininga ang nurse, tila wala nang balak makipagtalo pa sa isang pasyenteng wala sa sarili. Pinatong niya ang kamay sa balikat ni Gwen at pasimpleng sinabihan ito. "Si
Anuman ang mangyari, kasalanan ni Ella kung bakit siya humantong sa ganitong sitwasyon. Tinanggap lang niya ang bunga ng sarili niyang mga ginawa. Wala itong kinalaman kay Evan.Nanginginig ang kamay ni Kenneth habang pinipirmahan ang dokumento ng patient's waiver para sa kritikal na kondisyon ni Ella. Matapos nitong paalisin ang doktor, agad siyang bumaling kay Evan at matalim siyang tinitigan. Ngunit kahit anong pilit niya, wala siyang makita ni bahagyang pagsisisi o pagkabalisa sa mukha nito.Sa sumunod na segundo, gamit ang matinding lakas, hinatak niya si Evan mula sa sahig at itinapon ito nang malakas sa harap ng pintuan ng operating room. Itinutok niya ang daliri sa kanya at galit na galit na sumigaw."Evan! Ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito! Malapit nang mamatay si Ella, lumuhod ka ngayon din!"Mabilis na bumangon si Evan, mariing itinuwid ang leeg, at matalim siyang tinitigan. Parang matutulis na kutsilyo ang kanyang tingin na tila tumatarak sa laman ni Kenneth."Kenne
"Hoy, parang hindi ka na isang tunay na master ng alahas sa mga sinasabi mo." Hindi alam ni Evan kung matatawa o maiiyak sa sinabi ni Chris. Hindi niya kayang tanggapin ang alok nito. "Baguhan pa lang ako sa industriyang ito. Hindi ko kayang dalhin ang pangalan mo bilang master ko. Hahanap na lang ako ng ibang paraan para makabili ng regalo." "Huwag mo akong utuin." Saglit na nag-isip si Chris. "Wait! As far as I know, may natitira pa akong kwintas na hindi naibenta sa jewelry exhibition dito sa siyudad. I can give it to you as temporary solution." Ang mga alahas na idinisenyo at ginawa mismo ni Chris ay palaging nauubos sa mga foreign design exhibitions, duda tuloy siya sa sinasabing iyon ng guro. Siguradong ang regalong ito ay akma sa estado ng kaniyang Lola, pero napakalaking pabigat naman nito sa bulsa ni Evan dahil hindi basta-basta ang mga dinesenyo ni Chris na pang-international level. Nakita ni Chris ang pag-aalinlangan sa mukha ni Evan kaya't bahagya siyang ngu
Samatanla, makalipas ang kalahating oras matapos umalis si Evan, dumating si Kenneth sa bahay ni Ella na hindi mapakali ang pakiramdam.Bago pa man niya maikatok ang kamay sa pinto, kusa n itong bumukas nang marahan. Kaya naman, lalo pang lumakas ang hindi magandang kutob niya."Ella!"Mabilis siyang pumasok sa sala, sinipat ang paligid, at tumutok ang tingin niya sa dalawang baso ng tsaa sa lamesa, hindi pa nahuhugasan.Mukhang dumalaw nga rito si Evan, at ipinaghanda pa siya ng tsaa ni Ella.Sa gitna ng katahimikan, may narinig siyang mahinang tunog ng tubig.Napalingon siya sa direksyon ng kwarto ni Ella at agad na naglakad papasok.Bukas nang kaunti ang pinto ng banyo. Sa sahig, may mga bahid ng tubig na dumadaloy, halo ng malinaw na likido at isang matingkad na pulang anino.Nang mapansin ito ni Kenneth, parang may biglang malaking kamay na biglang pumigil sa kanyang paghinga.Lumaki ang kanyang mga mata, saka mabilis na binuksan ang pinto at sumugod papunta sa bathtub.Sa loob n
Alas dos y media ng hapon, dumating si Evan sa opisina ng presidente tulad ng napagkasunduan.Hindi nakalubog sa trabaho si Kevin tulad ng dati. Sa halip, nakaupo siya malapit sa mga halamang nasa sulok ng opisina. Ang kanyang itim na manggas ay nakatupi hanggang siko habang tahimik siyang gumagawa ng sariwang tsaa.Isang lang namang gwapong lalaki na nakatuon ang pansin sa ginagawa ang tanawin ni Evan ngayon.Hindi tuloy madaling alisin ang tingin niya sa lalaki. Mayroon itong kakaibang aura ng katahimikan at katiwasayan.Nang ilang beses nang mag-alinlangan si Evan na basagin ang katahimikang iyon, mas pinili niyang manatili sa may pintonhabang tahimik siyang nagmamasid kung kailan mapapansin ni Kevin ang pagdating niya.Hindi na niya matandaan kung gaano katagal mula noong huling beses na nakita niya ito. Ang singkit nitong mga mata ay katulad pa rin ng dati, kahit anong oras ito tumingin sa isang tao, laging may nagbabadyang lamig at matinding emosyon.Isang titig pa lang, sapat n