Alam ni Anthony ang tungkol sa mga koneksyon at kapangyarihan ni Leopard!Kung gusto siyang patayin ni Leopard, walang pinagkaiba ito sa pagpatay ng isang langgam!“Sino ka ba sa tingin mo? Walang hiya ka para kausapin ang tatay ko ng ganito. Gusto mo bang mamatay?!” Galit na galit si Duncan habang tumuro siya kay Leopard habang sumisigaw. Gusto niyang ipasikat ang kapangyarihan niya sa harap ng pamilya ni Lily!“Walang hiya! Tumahimik ka!” Namutla si Anthony at sinampal niya ng malakas si Duncan sa mukha.Pak!Narinig ng lahat ang sampal.Nabigla si Duncan. Hinawakan niya ang mukha niya habang tumingin siya sa tatay niya ng hindi makapaniwala, “Dad, b-bakit niyo ako sinampal?”“Ikaw dapat ang sinasaktan ko! Kilala mo ba kung sino ang taong nasa harap mo? Siya si Leopard ng Mistcloud Mountain!” Ang galit na sabi ni Anthony.“L-Leopard?” Nabigla si Duncan. Hindi niya pa nakilala dati si Leopard, ngunit narinig niya na ang reputasyon ni Leopard.Alam niya na si Leopard ang taong
Tutal, si Leopard ay tunay na makapangyarihan sa underworld. Isa siyang malupit na tao na marami nang pinatay. Kung ginalit nila si Leopard, hindi nila alam kung paano sila papatayin ni Leopard!“Mga tropa!”“Dalhin niyo sa labas ang dalawang ito. Sundin ang patakaran natin. Pareho silang puputulan ng isang binti bilang parusa!” Ang malamig na sinabi ni Leopard.Sa utos na ito, ang mga lalaki sa likod ay tinulak pababa sina Duncan at Anthony.“Leopard, ‘wag…”“Pakiusap, maawa ka…”Namutla sina Anthony at Duncan. Pilit silang nagmakaawa, ngunit nabigo sila.“Dalhin niyo na sila!” Malamig ang ekspresyon ni Leopard, at hindi siya nakumbinsi.May rason kung bakit may mga patakaran!Kahit na hindi niya alam ang nangyari sa pagitan nila Walter at Anthony, si Anthony ay parte pa rin ng underworld. Sinaktan ni Anthony ang mga tao ni Leopard ng walang permiso.Ito ay isang hamon sa kapangyarihan at awtoridad niya!Nagpapakita na ng awa si Leopard sa pagputol lang ng isang binti!“Le
Hindi nirerespeto ni Walter si Leon. Ano man ang mangyari, hindi it tatanggapin ni Leopard!“Leopard, nakakahanga ka kanina! Naliwanagan talaga ako!” Ngumisi si Leon, halata ang paghamak sa mga mata niya.Nanginig si Leopard habang mabilis siyang lumuhod sa harap ni Leon, “Mister Wolf, hindi ko alam na nandito kayo. Kung may nagawa akong mali, pagbigyan niyo ako.”Habang nakatingin sa eksena, natulala sina Bowden at Walter.Nabigla sina Anthony at Duncan.Kahit sina Lily, Rizzy, at ang iba ay nabigla sa nangyari!Walang umaasa na si Leopard, na siyang pinakamakapangyarihan sa lugar, ay luluhod kay Leon!A-Ano ang nangyari?Hindi kaya’t si Leon ay mas magaling pa kaysa kay Leopard?!Nabigla ang lahat habang nagkatinginan sila. Nakita nila na nabigla ang lahat.Si Rizzy ang pinaka nabigla sa lahat!Noong nakaraang isang buwan, si Leon ay maituturing na isang walang kwentang tao sa kumpanya ng mga Manson. Mababa ang tingin ng lahat kay Leon!Isang buwan lang ang lumipas, nagin
“Dalhin niyo na sila!” Ang malamig na sinabi ni Leopard. Pagkatapos nito, hinila ng mga tauhan niya ina Walter at Bowden na parang mga aso.Pagkatapos nito, lumuhod ulit si Leopard sa harap ni Leon habang nagmamakaawa siya, “Mister Wolf, marami akong mga tauhan, at hindi ko sila naturuan ng maayos, patawad…”“Pero, nangangako ako sa buhay ko na tumutupad ako sa patakaran. Sinisigurado ko na ang lahat ng ginagawa ko ay base sa konsensya ko…”“Patawad, maawa kayo. Bigyan niyo ako ng pagkakataon para magbago…”“Sigurado ka na tapat ka sa sinasabi mo sa akin?” Malamig ang tingin ni Leon kay Leopard.Mas lalong napressure si Leopard, ngunit tumingin pa rin siya sa mga mata ni Leon. Hindi siya umiwas ng tingin.Nang makita na tapat ang ekspresyon ni Leopard, tila hindi siya nagsisinungaling. Medyo nawala ang galit ni Leon, “Dahil tapat ka, bibigyan kita ng isa pang pagkakataon!”“Pero, wala nang susunod!”“Mister Wolf, salamat. Salamat…”“Sisiguraduhin ko na kapag bumalik ako, tutur
“Salamat. Salamat po, Mister Wolf…” Nakaligtas ang mga Leonard. Mukhang emosyonal talaga sila habang nagpapasalamat ng paulit ulit kay Leon.Kung hindi dahil kay Leon, siguradong hindi sila makakatakas sa pagputol ni Leopard ng mga binti nila. Tinulungan talaga sila ni Leon!Pagkatapos nito, nagpaalam silang dalawa pati na rin si Leopard. Lahat sila ay umalis ng mabilis.Habang pinapanood silang umalis, sina Lily, Rizzy, at ang iba ay nagising na mula sa pagkatulala.“Leon, s-sino ka ba?” Tumingin ng gulat si Rizzy kay Leon. Ito ay parang nakatingin siya sa isang estranghero.“Ako ang sarili ko. Sino pa ba?” Nagkibit balikat si Leon.“Pero, sa loob lang ng isang buwan, paano ka nagkaroon ng ganitong kakayahan?!” Hindi makapaniwala si Rizzy.“Hindi mo malalaman kung ano ang nangyayari sa loob ng isang buwan. Hindi ba?” Ang sabi ni Leon ng nakangiti.Namula ang mukha ni Rizzy habang naisip niya ang tungkol sa pagiging bastos niya kay Leon kanina. Kinagat niya ang labi niya at sin
Kalmadong sinabi ni Ariel.“Sige,” Tumango si Leon, nagligpit siya ng gamit niya bago siya umalis kasama si Ariel.Habang nakatingin sa dalawang paalis, ang mga magkatrabaho sa president’s office ay nagkatinginan dahil sa pagkabigla.Alam nila na si Leon ay isang presidential secretary. Kadalasan, nagtatrabaho si Leon sa opisina kasama sina Gracie at Lily.Gayunpaman, gustong ilipat ni Ariel si Leon sa opisina niya. Hindi ba’t kakaiba para maiwan silang dalawa ng walang kasama>Gayunpaman, habang iniisip ang tsismis sa loob ng kumpanya na magkasintahan sina Leon at Ariel, ang lahat ay may napagtanto. Walang nagsalita sa kanila, ngunit tahimik nilang naisip na si Leon ay isang maswerteng lalaki!…Sa director’s office ng sales department, mabilis na nabalitaan ni Michael ang tungkol sa paglipat ni Leon para magtrabaho kasama si Ariel. Naging masama ang ekspresyon niya.“Walang hiya! Laging sinasabi ni Ariel na wala siyang kinalaman kay Leon!”“Ngayon tingnan mo. Pareho silang p
Kilala sina Iris at Ariel bilang ang dalawang pinakamagandang babae sa kumpanya. Maganda talaga sila, at maraming mga tao ang nanliligaw sa kanila.Samantala, sina Ashwin at Michael ang kilala bilang dalawang pinaka matagumpay ng mga lalaki sa kumpanya. Kilala sila.Laong mas kilala si Ashwin. Ang lolo niya ay isa sa shareholders ng Young Group, kaya galing siya sa isang mayaman na pamilya. Ang assets nila ay umaabot ng sampung milyon.Gwapo at elegante talaga siya. Mas sikat at gusto siya ng mga tao sa kumpanya kumpara kay Michael. Silang dalawa ang nagugustuhan ng mga babaeng empleyado!Hindi lang ‘yun, si Ashwin pa ang isa sa mga tapat na manliligaw ni Iris. Halos dalawang taon niya na itong ginagawa. Pumayag siya na sumunod kay Iris sa Elegante Group ng walang kondisyon upang magkaroon siya ng pagkakataon na mahuli ang puso ni Iris.Baka dahil best friends sina Iris at Ariel, sina Ashwin at Michael, na nanliligaw sa dalawa, ay naging malapit din sa isa’t isa. Talentado din sil
Hindi niya mapigilan na tumingin kay Ariel, at bumilis ang tibok ng puso niya.Si Ariel ay napakaganda. Masaya si Leon na kasama niya sa trabaho ang isang magandang babae habang malapit ito sa kanya.Napaka sexy ng katawan ni Ariel. Habang nakaupo siya sa harap ng mesa, ang katawan niya ay nasa perpektong hugis-S. Ang mga kurba sa katawan niya ay nakakaakit.Ang mas maganda pa dito ay tuwing kumikilos si Leon, at habang kumikilos si Ariel, paminsan-minsan niyang nakikita ang dibdib ni Ariel habang lumuluwag ang shirt nito.Nakakasabik at ginaganahan si Leon, at hindi siya kayang tumigil!“Leon, hindi pa ba sapat ang pagtingin mo?! Bakit patuloy ka sa pagtitig sa akin?!” Habang nararamdaman ang tingin ni Leon, namula ang mukha ni Ariel. Tumingin siya kay Leon ng nahihiya.“H-Hindi ako…”“Hindi ako tumititig sayo, may gusto lang akong itanong sayo…” Nahuli ang mga pag sulyap niya, at naging awkward si Leon.“Magtanong ka lang kung may tanong ka! Sabihin mo ang gusto mong sabihin…